Share

Chapter 2

Author: Ember
last update Last Updated: 2024-12-26 18:37:19

Tulalang hawak ang mapulang pisngi ni Lani dahil sa malalakas na sampal mula kay Ella. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito.

Nang makabawi siya sa gulat, binalak niyang tumayo upang lumayo, ngunit mahigpit na hinawakan ni Ella ang kanyang pulsuhan. Yumuko ito at bumulong sa kanyang tainga, “Kung maglakas-loob kang magsumbong, ang pinakamasamang mangyayari ay pareho tayong mamamatay.”

Kung may nagtangkang pagsamantalahan siya, dalhin sa kama ng lalaki, kailangan saluhin ni Lani ang pagkabigo at galit niya ngayon.

Kung iisipin, ang dalawang sampal na natamo nito ay maliit na kabayaran lamang kumpara sa katotohanang nawala ang kaniyang pinagkakaingat-ingatang dangal.

Salamantala, ang malamig na boses ni Ella ay parang bulong ng mga kaluluwang ligaw mula sa impiyerno para kay Lani. Tila pilit na nilulubog siya sa isang walang hanggang bangin. Ngunit, napatigil si Lani at nanatiling nakatitig kay Ella nang may pagkamuhi ngunit walang magawa. Ni hindi niya makayanang magsalita o lumaban. Bagama’t walang kalamangan si Ella kung tatawag siya ng pulis, siguradong magkakaproblema rin siya.

Isang bahid ng panunuya naman ang kumislap sa mga mata ni Ella bago binitiwan niya ang pulsuhan ni Lani. Pinaghimas pa nito ang mga kamay na parang may nadampot siyang marumi.

“Umaasa akong aalagaan mo ang sarili mo, Lani. Oo, nakapaa lang ako, pero hindi ibig sabihin na natatakot ako sa sinumang nakasuot ng sapatos.”

Pagkasabi nito, humarap si Ella sa mga nakikitingin at ngumiti, pero nanatili ang lamig sa kanyang mga labi. Bahagyang bumukas ang kanyang mapulang bibig para magsalita.

“Wala ba kayong trabaho?”

Bagama’t magaan ang tono, may kung anong kilabot ang bumalot sa mga nakarinig.

Nagmadaling nagkunwaring abala ang mga ito—mabilis na dinampot ang telepono, kunwari ay may tinatawagan duon, ang iba naman ay humarap sa mga computer, at nag-asikaso ng mga papeles. Sa isang iglap, bumalik ang katahimikan sa opisina, na parang walang nangyari.

Palibhasa at puno ng tuso’t matatalinong tao ang opisinang ito, naisip nilang may malalim na dahilan kung bakit hindi lumaban si Lani at tila nilulon na lamang ang nangyari.

Lalo na’t kamakailan lamang ay magkasama pa ang dalawang nagtatrabaho sa isang malaking proyekto. Malamang ay may kaugnayan ito, kaya naman, walang gustong magtangka pang makialam.

Pilit na umupo naman si Ella sa kanyang workstation habang bahagyang nanginginig ang kanyang mga daliri. Pumikit siya habang pilit nilalabanan ang damdaming bumabagabag sa kanya. Ngunit bago pa siya makahinga nang maluwag, lumapit ang babaeng katrabaho mula sa kabilang mesa, puno ng intriga.

“Ano’ng nangyari sa inyo ni Lani? Hindi ba natapos ang deal kagabi?”

Dumilat si Ella, malamig ang tingin at puno ng panlalamig ang sagot, “Napaka-crismosa mo naman. Kung gusto mong malaman, tanungin mo siya. Mas alam niya ang detalye.”

Napahinto ang katrabaho at, dahil sa matalas na sagot ni Ella, napilitang umalis na lang nang may gumuguhit na inis sa mukha. Sa isip niya, Wala naman siyang ginawang masama, ngunit bakit pati siya at kailangang pagsungitan nito. Kaya’t hindi na kataka-takang hindi sikat si Ella sa opisina, kahit pa magaling siya sa trabaho.

Napangiti naman si Ella nang may panunuya at binuksan ang computer para bumalik sa trabaho. Oras nalang ang hinihintay ngunit alam niyang hindi na mapapasakamay ang order kagabi. Kaya naman kailangan niyang makahanap ng bagong kliyente para sa bagong medical device na ipino-promote, kung hindi ay baka wala siyang makain ngayong buwan.

Habang abala sa paghahanap ng kliyente, tinawag siya ng department manager na si Shin Buenos para sa isang meeting sa hapon.

“Ella, gaano ka na katagal sa Development Department?” tanong ni Shin habang nakasandal sa kanyang upuan.

Hindi agad naunawaan ni Ella ang punto ng tanong nito, ngunit sumagot siya nang tapat, “Mahigit dalawang taon na po.”

Mula nang magtapos sa pag-aaral, nagtrabaho na siya sa Velasquez’s Group sa loob ng dalawang taon at tatlong buwan. At bilang leader sa industriya ng medical devices, ang benepisyo rito ay talagang maganda, kaya’t binitawan niya ang career sa design at pumasok sa Development Department. Sa husay at tiyaga, mabilis kang kikita ng malaki.

“Kung gano’n, pamilyar ka na sa sistema dito sa loob ng kompanya,” sabi ni Shin na hindi parin nagbabago ang ngiti.

Biglang nakaramdam ng panganib si Ella. Sa tuwing nakikipag-usap ang mga leader sa empleyado, dalawa lang ang posibleng resulta: promosyon at dagdag-sahod o demotion at bawas-sahod.

Dahil sa naging sagutan nila ni Lani kaninang umaga, na kilalang kasintahan ni Shin, naisip niyang baka gamitin iyon na dahilan para tanggalin siya.

Dahil dito, sumagot siya nang may pag-iingat, “Opo, pamilyar naman po.”

Naupo nang maayos si Shin at ang tono niya’y naging seryoso. “Nakikita ko ang husay mo sa trabaho. Sa ngayon, naghahanap si Mr. President ng bagong secretary. Nagre-recruit ang HR pero wala pa silang mahanap hanggang ngayon. Sa tingin ko, mas mainam na mag promote na lang mula sa loob. Kilala ko ang HR, at maaari akong magsalita para sa’yo. Magandang pagkakataon ito para ma-promote ka.”

“Isa pa, hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong makasama ang senior leaders. So, would you consider it?”

Biglang napakuyom ng mga palad si Ella, at ang bilugan niyang mga kuko ay bumaon sa kanyang balat, ngunit hindi niya naramdaman ang sakit.

Karamihan ay iisiping isang malaking promotion ang pagiging sekretarya sa Opisina ng Presidente lalo kung sa kagaya niyang isa lamang salesperson ng Development Department. Doon, paniguradong makakasalamuha niya ang mga matataas na opisyal at marami siyang matututunan na makabubuti sa kanyang hinaharap.

Pero para sa kanya, mas mabuti pang magbitiw sa trabaho.

Ang sweldo ng isang secretary ay eksakto at nakatakda, hindi ito kasing laki ng bonus na natatanggap niya sa bawat matagumpay na kontrata.

Hindi man derektahan, ngunit malinaw kay Ella ang layunin ni Manager Cruz na suportahan si Lani sa usaping ito. Kapag tinanggihan niya, malamang na may ibang dahilan itong gagamitin upang sibakin siya o pilitin siyang magbitiw.

Sa madaling salita, wala na siyang lugar sa Development Department.

Habang iniisip niya ito, handa na niyang buksan ang kanyang bibig upang tumanggi, ngunit biglang umilaw ang screen ng kanyang telepono sa lamesa. Naka-display dito ang listahan ng bayarin mula sa ospital, na parang malamig na tubig na ibinuhos sa kanya mula ulo hanggang paa. Bumalik siya sa katinuan.

Wala siyang kapital para maging padalos-dalos.

Dahil mahirap ang sitwasyon ng employment ngayon, hindi ganoon kadaling maghanap ng panibagong trabaho.

“Maraming salamat sa tiwala at suporta, Manager Cruz. I am willing to accept the offer,” pilit na ngumiti si Ella, ngunit ni kaunti ay walang bumabakas sa kanyang mga mata.

Mukhang napansin naman ni Shin ang kanyang pagiging maunawain. “Ella, someday, kapag naging leader ka na, huwag mo akong kalimutan bilang dating leader mo.”

“You're too kind, Manager Cruz. Mauuna na po ako,” Magalang na sagot ni Ella.

Kinuha niya ang kanyang telepono at lumabas ng opisina. Nanlalamig ang kanyang mga palad habang humihinga nang malalim. Diretso siyang naglakad patungo sa workstation ni Lani.

Lahat ng kilos niya ay napansin ng mga tao sa opisina. Halos lahat ay nakatitig sa kanya, iniisip na muli niyang sasampalin si Lani.

Samantalang tumayo kaagad si Lani ng mapansin ang kaniyang paglapit. Naging alarma ito at handang ipagtanggol ang sarili, habang matalim ang binibitawang mga tingin kay Ella.

Hindi naman mapigilan ni Ella ang mapang-asar na pagtawa habang pinagmamasdan si Lani sa kaniyang posisyon. Akala mo’y sasabak ito sa gyera, ngunit isang metro pa ang layo ay nagpasya na siyang huminto at saka nagsalita, “Salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong makabawi. Huwag mong hintayin ang araw na ako na ang may kontrol sa’yo.”

Matapos bitawan ang mga salitang iyon, iniwan niya si Lani na halatang galit na galit, at sinimulan ang pag-turnover ng kanyang trabaho.

Sa isip niya, natalo man siya sa laban, pero hindi sa digmaan. Kahit pa umalis siya sa Development Department, sisiguraduhin niyang mabubuhay si Lani sa takot at pagsisisi. 

Bagama't mas administrative at pang-opisina ang trabaho ng isang sekretarya, wala itong tunay na kapangyarihan. Ngunit iba ang pagiging special assistant. May mga paraan para umangat. Sa ilalim ng pressure ni Shin sa Development Department, alam niyang hindi siya uunlad doon, ngunit hindi pa tapos ang lahat.

Ito ang mga napagtanto niya matapos kumalma. Sa totoo lang, dapat pa nga niyang pasalamatan si Lani sa pagbibigay ng pagkakataong ito.

---

Dalawang Buwan ang Lumipas. 

Pumasok na ang Oktubre, at ramdam ang simoy ng maagang taglagas. Magkahalo ang mga nakasuot ng manipis na damit at pang-taglamig sa kalsada, tila hindi magkatugma ang kanilang mga panahon.

Binuksan ni Ella Villarde ang computer at inayos ang mga kontratang napirmahan sa nakaraang dalawang araw. Biglang dumating naman si Trixie Cruz, isa sa mga sekretarya. “Ella, look at your phone, babalik na na si Mr. President!” masiglang sabi nito.

“Ha?” Napatingala naman si Ella, halatang naguguluhan. “Ang bilis naman?”

“Siguro tapos na ang problema sa branch sa Amerika, pero oo nga, biglaan ang pagbabalik niya. Walang kaabog-abog.” Habang nagsasalita si Trixie, inisa-isa nito ang mga mensahe sa kanilang group chat ng mga sekretarya.

Dalawang beses na kumurap si Ella at halatang hindi naman interesado.

Dalawang buwan na mula nang malipat siya sa secretarial office. Sakto namang nagpunta sa ibang bansa si Rico Velasquez, ang presidente ng Velasquez Group, upang asikasuhin ang problema sa subsidiaries sa ibang bansa.

Hindi pa niya nakikita si Rico Velasquez ng personal. Hindi rin siya nakadalo sa mga video conference kasama ang head office. Kaya kahit gusto niyang magpakitang-gilas, wala siyang pagkakataon.

Ang mga matapang na salitang binitiwan niya noong araw na iyon sa Development Department ay parang biro na lang ngayon.

May anim na sekretarya sa kanilang opisina. May isang secretary general at isang deputy secretary general, habang ang natitirang apat ay regular na sekretarya. Si Ella ang pinaka-bago at puro mga maliliit na bagay lamang ang kanyang ginagawa.

Ngayon na paparating na si President Velasquez, baka ito na ang pagkakataon niyang maipakita ang kanyang kakayahan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 151

    Ang mapusyaw na liwanag ng dapithapon ay naglalaro sa malawak na dalampasigan, hinahalikan ng banayad na alon ang pinong buhangin. Sa malayo, ang dagat ay kumikislap, tila nagsasayaw sa huling silahis ng araw. Malamig ang simoy ng hangin, sapat upang pagaanin ang init ng nagdaang araw.Sa ilalim ng isang malaking canopy na itinayo sa buhanginan, naroon ang pamilya at malalapit na kaibigan nina Rico at Ella. Ang halakhakan ay malayang lumilipad sa hangin habang ang bawat isa ay abala sa kanilang masasayang kwentuhan. Sa gitna ng lahat, si Rico at Ella ay magkatabing nakaupo sa isang malambot na banig, pinagmamasdan si Rielle na masayang naglalaro ng buhangin kasama si Gia.“Mas gumanda ka, Ella,” biro ni Chelsey. “Bagay sa ‘yo ang pagiging misis ni Kuya.”Napatawa si Ella habang umiiling. “Dati pa naman.”“Wow! Confident na talaga siya!” ngising malawako na sagot ni Chelsey. Sa di kalayuan, isang pigura ang dahan-dahang lumapit. Si Nurse Nita, may hawak na wheelchair kung saan nakaupo

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 150

    Nagkagulo ang lahat nang biglang sumigaw si Rico. "Run!"Sa isang iglap, hinatak niya si Ella habang mahigpit na hawak si Rielle bago kinarga. Nabigla si Anton, ngunit agad niyang kinuha ang baril mula sa baywang niya."Putangina, Rico!" sigaw ni Anton bago nagpaputok.Bumagsak ang isang ilaw sa warehouse nang tamaan ng bala, nagdulot ng bahagyang kadiliman. Napasigaw si Sharia Lee, hindi makapaniwalang nakakalaban sila. "Stop them, Dad! Damn it!"Hinila ni Rico si Ella at Rielle papunta sa isang bakal na estante, ginagamit itong panangga sa sunod-sunod na putok ni Anton. Ramdam niya ang takot ni Ella sa mahigpit nitong kapit sa anak nila, pero wala siyang oras para magdalawang-isip. Kailangan nilang makatakas."Rico, hindi natin sila matatakasan nang ganito!" halos lumuluha nang sabi ni Ella.Napatingin siya kay Rielle, mahigpit na nakayakap sa kanya, umiiyak ngunit pilit na nilalabanan ang takot. Hindi siya pwedeng mabigo ngayon.Mabilis siyang luminga-linga, hinahanap ang pinakamab

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 149

    Ang mga gulong ng sasakyan ay lumilikha ng matinis na tunog habang mabilis na bumabaybay ang convoy sa makitid at madilim na kalsada patungo sa abandonadong warehouse sa may pier. Ang katahimikan sa loob ng sasakyan ay mas mabigat pa sa bagyong paparating—bawat isa ay may sariling iniisip, pero iisa ang layunin.Mabawi si Rielle.Si Rico, nakaupo sa harapan, mahigpit na nakakapit sa manibela, ramdam ang pagpintig ng kanyang sintido sa tindi ng emosyon. Mula sa gilid ng kanyang paningin, nakita niya ang bahagyang nanginginig na kamay ni Ella. Hindi niya alam kung dahil ito sa takot o sa galit—pero anuman iyon, alam niyang pareho sila ng nararamdaman.“Lahat ng units, standby,” utos niya sa radio, pilit pinapanatili ang boses na matatag. “Walang gagalaw hangga’t hindi ko ibinibigay ang signal.”Sa kabila ng kanyang panlabas na katahimikan, ang loob niya ay isang naglalagablab na bagyo ng galit at takot. Hindi niya matanggap na sa isang iglap, nasa panganib ang pinakamahalagang kayamanan

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 148

    Ang gabi ay dapat tahimik, pero sa loob ng safe house nina Rico, ang tanging maririnig ay ang mabibigat nilang paghinga at ang tunog ng mabilis na takbo ng sasakyan ni George. Nakatakas sila, pero alam nilang hindi pa tapos ang laban.Habang nakaupo sa likod, mahigpit na niyakap ni Ella si Rico. Nanginginig ang kanyang mga kamay, hindi lang dahil sa kaba kundi sa takot na anumang oras, maaaring bumalik ang panganib.Pero bago pa sila makapag-isip ng susunod na hakbang, biglang tumunog ang cellphone ni Rico. Isang unknown number na naman.Nagkatinginan sila ni Ella bago niya sinagot ang tawag.“Velasquez.”Isang nakakatakot na tawa ang sumagot sa kanya. "You’re really getting on my nerves, Rico."Nanginig ang panga ni Rico. "Who the hell are you?""The last person you should've messed with."Ngunit bago pa siya makasagot, isang pamilyar na tinig ang narinig niya mula sa kabilang linya."D-daddy…"Nanlaki ang mga mata ni Rico. "Rielle?!""Daddy, please help me…" humihikbing sabi ng kany

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 147

    Sa gabing iyon, nagtipon-tipon sina Rico, Ella, George, at Don Salvador sa isang safe house upang suriin ang impormasyong iniwan ni Jasmine. Nasa harapan nila ang isang laptop, at hawak ni Rico ang maliit na flash drive na iniabot ni Cedric, ang kanyang assistant, na kararating lang.Nanginginig ang kamay ni Cedric habang inaabot ang flash drive. "Sir… si Jasmine… wala na."Napaatras si Ella, nanlalaki ang mga mata. "Ano?!"Napakuyom ng kamao si Rico. "How?"Lunok-lunok ni Cedric ang kaba bago sumagot. "I don't know, her heart just…stopped after she gave me this drive."Natahimik ang buong silid. Kahit alam nilang malubha ang tama ni Jasmine, umaasa pa rin silang makakaligtas ito."Hindi pwedeng masayang ang sakripisyo niya," mahina ngunit matigas na sabi ni Rico.Umupo siya sa harap ng laptop at isinaksak ang USB. Saglit na nag-loading ang screen bago lumabas ang confidential financial documents—mga rekord ng money laundering, illegal transactions, at pangalan ng mga taong sangkot. I

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 146

    Habang bumabagtas ang sasakyan nila Rico at Ella patungo sa lugar kung saan naghihintay si Mr. Salvador, ramdam nila ang tensyon sa paligid. Tahimik si Rico, malalim ang iniisip, habang si Ella naman ay hindi mapigilan ang kaba. Alam niyang delikado ang sitwasyong pinapasok nila, ngunit mas pinili niyang manatili sa tabi ng kanyang asawa.Pagdating nila sa isang pribadong rest house sa labas ng lungsod, nagbukas agad ang gate, at sinalubong sila ng isang grupo ng mga bodyguard. Agad silang inihatid sa loob, kung saan naghihintay si Mr. Salvador—isang lalaking may awtoridad sa kanyang tindig, ngunit may kakaibang sigla sa kanyang mga mata nang makita si Rico."Rico," malalim ang boses ni Mr. Salvador, ngunit may bahid ng kasiyahan. "Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito."Nagpalitan ng tingin sina Rico at Ella bago ito sumagot. "Anong ibig mong sabihin?"Ngumiti si Mr. Salvador at sumandal sa kanyang upuan bago itinuro ang lalaking nakaupo sa tabi niya.Napatigil si Rico nang maki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status