Share

The Billionaire's Unwanted Baby
The Billionaire's Unwanted Baby
Author: Miranda Monterusso

Prologue

last update Huling Na-update: 2023-03-31 02:51:22

ISA

"Buntis ako."

Inabot ko kay Uno ang pregnancy test kit na may dalawang pulang guhit. Hindi niya ito tinanggap. Sa halip, tiningnan niya lang ako nang nakakainsulto.

"Anong tingin mo sa akin—tanga?"

"Uno... "

"Paano ako makakasiguro na ako nga ang ama ng pinagbubuntis mo?"

Malungkot akong nagtungo ng ulo. Paano ko nga ba siya paniniwalain na siya ang ama nito?

"I-ikaw ang first ko—"

"But that doesn't mean I'm the only guy who fucks you."

Inosente akong nag-angat ng paningin para makita ang reaction niya. Madilim ang mukha niya at kahit ang mga mata niya, matalim kung tumitig sa akin.

"Umalis ka na, Isa. Darating ang girlfriend ko at ayaw kong abutan ka niya rito."

Humarap siya sa maliit na bar countertop sa loob ng silid niya at nagsalin ng mamahaling alak sa baso.

"Uno—"

"Damn it!"

Napasinghap ako sa gulat nang malakas niyang ibato ang hawak niyang baso sa pader na nasa likuran ko.

"Hindi mo ba ako narinig? Gwen and I just got back together! Ayaw kong magkasira ulit kami nang dahil lang sa iyo!"

Nangilid ang mga luha sa pisngi ko dahil sa mga salitang pinakawalan niya.

"Kung wala kang balak panagutan ako, sana hindi mo na lang ako ginalaw."

"Malay ko bang bibigay ka agad? Napaka-easy-to-get mo! And how old are you again? Eighteen? Damn it! Ang bata mo pa pero nagawa mo nang magpagamit sa akin! Bakit? Dahil mayaman ako?"

"Dahil mahal kita!"

Pinagtawanan niya ako sa sinabi ko. "Mahal? Hindi mo alam ang salitang pagmamahal. May gatas ka pa sa labi, fuckshit!"

"Kung sa tingin mo, bata pa ako, sana hindi mo ako dinala sa kuwarto mo at pinabukaka!"

Natigilan siya. Nakita ko kung paanong tumigas ang mukha niya. "Get out, Isa. While I'm still being nice to you!"

Hinaplos ko ang tiyan ko na hindi pa rin halata sa unang tatlong linggo nito.

"Paano ang bata? Hindi ko kayang buhayin ito nang mag-isa."

"Abort it."

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig. Kahit sabihin pang hindi niya ako minahal—na panakip butas lang ako para sa kaniya, anak niya pa rin itong dinadala ko!

"I don't care about that thing inside you. Buhayin mo iyan o ipalaglag mo, wala akong pakialam. Just get out of my life!"

Lalong bumuhos ang masaganang luha sa pisngi ko. Nasasaktan ako para sa batang ito. Nasa loob pa siya ng tiyan ko pero isinusuka na siya ng sarili niyang ama.

Pinili kong tumalikod at iwan si Uno. Tinalikuran ko ang lalaking pinagkalooban ko ng puso't katawan ko na nagresulta sa isang biyaya.

Hindi ko ipalalaglag ang batang ito. Kahit gumapang pa ako sa lupa, gagawin ko ang lahat upang mabuhay siya at mapalaki nang maayos.

Pagbukas ko ng pintuan, natigilan ako nang bumungad sa akin ang galit na mukha ni Gwen. Ang girlfriend ni Sir Uno.

"Ma'am Gwen?"

Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Malandi ka!"

Halos matumba ako sa sahig nang bigyan niya ako ng malakas na sampal sa pisngi. Hindi pa siya nakuntento dahil hinila niya ang buhok ko at pinagsasampal ulit ako.

"Anak ka lang ng katulong pero napakalandi mo!"

Sinabunutan niya ako sa buhok at kinaladkad papunta sa hagdan. Nagmamakaawa ako sa kaniya na itigil niya ang ginagawa dahil buntis ako, pero lalo lang siyang nagalit.

"Lumayas ka rito! Mang-aagaw!"

Malakas akong sumigaw nang itulak niya ako. Nahulog ako mula sa tuktok ng mataas na hagdan.

Halos mawalan ako ng malay nang bumagsak ang katawan ko sa malamig na sahig. Pinilit kong abutin ang tiyan ko nang maalala ang bata sa sinapupunan ko.

Nangilid ang mga luha sa pisngi ko nang makakita ng dugo sa pagitan ng mga hita ko.

"Anak ko... "

Sinubukan kong humingi ng tulong kay Uno, pero nakatayo lang siya sa tuktok ng hagdan. Walang pakialam na nakatingin sa akin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Shei_bangs07
Umpisa pa lang.. nakakagigil na tapos na nakakaawa
goodnovel comment avatar
Adora miano
Kawawa naman,
goodnovel comment avatar
Jekk Tan
prologue palang lng nagandahan na ako.. basahin ko hanggang dulo
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Unwanted Baby   Epilogue

    TRESMAGKAHAWAK-KAMAY kami ni Tiana habang nanunumpa sa harap ng Diyos at ng mga tao—sa pangalawang pagkakataon, na mamahalin at aalagaan namin ang isa't isa hanggang sa kami ay tumanda.After the priest pronounced us as husband and wife, I took Tiana's hand and brought it to my lips, told her how much I love her before giving her a kiss on the lips.After months of fixing everything, we finally decided to get married again in Nuestra Señora de Gracia Church. It's considered one of the oldest catholic churches in Manila.The color theme of our wedding were rustic hues paired with brown and burnt orange, combining it with creamy linen hue and dove gray. So the inside of the church was filled with white and brown flowers that feels light and warm.Tiana was wearing an A-line wedding dress that flatters her hourglass bodyshape. She looks heavenly beautiful today. I can't believe how stunning she is while standing next to me.Nakangiti kaming humarap sa mga tao sa loob ng simbahan. Tiana

  • The Billionaire's Unwanted Baby   TRES 30

    TRESDumating kami ni Uno sa isang lumang bahay sa Baguio. Nasa malalim na parte ito ng gubat, sa ibabaw ng burol. Sinalubong kami ng apat na mga lalaking may malalaking pangangatawan at nakasuot ng black tux. Nakilala ko ang isa—si Peter.Dinala nila kami sa likuran ng malaking bahay kung nasaan ang swimming pool. At kulang na lang ay mawala ako sa sarili nang makita si Tiana kasama sina Isa at Yuji, nakatali sa upuan sa loob ng pool na walang tubig. Naka-duct tape ang bibig."Wala kang kaluluwa, Celestia! Pakawalan mo sila!""Oh, Uno! Anak! So good to see you again!"Sa gilid ng swimming pool, saka ko lang napansin ang babaeng nakatayo. Maikli ang buhok nito, katamtaman ang laki ng katawan, pero halos maligo na sa mamahaling alahas na suot. This is the first time I see her in person."Hindi mo man lang ba muna babatiin si Mommy? Didn't you miss me?" Malakas itong tumawa."Tama ang sinasabi nila, baliw ka!" sigaw ko.Natigilan ito sa pagtawa at napatingin sa akin. "Ah, ang pangatlong

  • The Billionaire's Unwanted Baby   TRES 29

    TIANANAKAUPO kaming lahat sa loob ng dining room habang nagkakape. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman. Kasinungalingan lang ang lahat. Kahit ang pangalan niya'y imbento rin.Naramdaman ko ang paghawak ni Tres sa kamay ko. Bahagya niya itong pinisil kaya napatingin ako sa kaniya. He smiled at me as if telling me that everything is going to be okay.Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya at muling lumuha. Halos masira ko ang buhay nila. Nang dahil sa kagustuhan kong maghiganti, maraming tao ang nadamay.Pumasok si Dos sa dining room. Tumango ito sa aming lahat. "Nakausap ko na ang police na kakilala ko. Everything is ready. Kikilos sila mamayang gabi sa utos natin."Tumango si Uno pagkatapos ay tumayo ito. "Kaming tatlo ang pupunta sa address na ibinigay ni Tiana. I want you two to stay here with Isa. Hangga't hindi namin naibabalik sa kulungan si Celestia, hindi kayo puwedeng umalis ng bahay na ito.""I can't," mabilis kong sabi na ikinatigil n

  • The Billionaire's Unwanted Baby   TRES 28

    TIANAHAWAK ni Tres ang kamay ko at para bang ayaw na itong bitiwan pa. Sinabi ko kasi sa kaniya na may kailangan akong kumpirmahin para mawala na ang lahat ng agam-agam sa isip ko, pero inakala agad niyang may gagawin akong delikado kaya ayaw na akong iwan."Tres, will you let go of my hand? Hindi naman ako aalis.""No. Delikadong nag-iisa ka. Just yesterday, Golden Hotel was on fire. Hindi yata titigil ang Celestia na iyon hangga't hindi tayo napapatay."Kinilabutan ako sa sinabi niya lalo pa't naisip ko si Sixto."Kaya nga ginagawa ko ito, para mapatunayan na magkasabwat sina Mama Carmen at si Celestia.""You don't need to go anywhere just to prove it. Magkikita tayo ngayon nina Uno. Sasabihin mo sa kanila ang lahat."Huminga ako nang malalim bago tumingin sa entrance ng mall. Kailangan ko munang mapatunayan sa sarili ko na talagang nagsisinungaling si Mama Carmen. Marami siyang nagawa para sa amin ng anak ko, hindi ko basta-bastang makakalimutan ang lahat nang iyon."Sandali. Why

  • The Billionaire's Unwanted Baby   TRES 27

    DOSNATIGILAN ako sa ginagawang pagtatrabaho nang tumunog ang alarm na hudyat ng warning. Bago ko pa mahawakan ang intercom, mabilis na pumasok sa office ko si Odette."Sir! Nasusunog ang hotel!""What did you say?" Bigla akong napatayo."Nagsimula ang sunog sa 4th floor! Medyo malaki at mabilis na kumakalat!""Get everyone out! Ensure their safety!"Mabilis kong pinindot ang red button sa ilalim ng desk ko at nagmamadaling inilagay ang importanteng mga papeles sa loob ng secret room. Agad akong lumabas ng office dala ang walkie-talkie sa isang kamay. Inutusan ko ang mga nakatalagang staff na i-double check kung nakasarado na ang lahat ng pintuan at bintana, maging kung naka-turn off na ang mga electrical equipment sa kanilang area.Kasalukuyang in-i-escort ang mga guest sa fire stairs and exits, patungo sa evacuation assembly point. Hindi nagtagal ay dumating na ang mga ambulance at fire trucks. Inutusan ko ang lahat ng tao ko na siguraduhing walang naiwan o na-trap na tao lalo na sa

  • The Billionaire's Unwanted Baby   TRES 26

    TIANAMATAGAL kong pinagmasdan si Mama Carmen matapos nang sinabi niya. Tatlo? Bakit tatlo? Akala ko, si Tres lang ang pinaghihigantihan niya at hindi niya kilala ang mga kapatid nito?Nahalata niya siguro ang pagdududa sa mga mata ko kaya bigla siyang kumalma. She turned away from me."I'm sorry, mama. M-mali po ako."Sa sinabi ko ay muli niya akong tiningnan. She tried to hide the anger in her eyes, pero dama ko pa rin ang inis niya.Pilit niya akong nginitian at hinagod sa buhok. "Huwag mo nang uulitin iyon, okay?"Pagkalabas niya ng kuwarto, agad kong kinandado ang pinto. Kinuha ko ang gatas ni Sixto at pinainom ito habang hinihele.Ang ibig sabihin lang nito, si Mama Carmen ang nagpasunog sa bahay nina Uno. Nagsinungaling siya sa akin nang sabihin niyang hindi niya kilala sina Uno at Dos. Nagsisinungaling siya sa akin hanggang ngayon.Nang makatulog muli si Sixto, iniwan ko ito sa pangangalaga ng yaya niya saka mabilis na umalis.Mugto ang gilid ng mga mata ko habang naglalakad s

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status