Hindi na niya alam kung ilang beses siyang ngumiti sa harap ng camera mula nang mag-umpisa ang kasal nila. Parang scripted lahat — breakfast meetings, brunch, pictorial, charity appearance. Hanggang sa sumakay siya sa private jet na parang trophy lang na kasama ng CEO.
Tahimik lang si Alyssa habang pinagmamasdan ang mga ulap sa bintana. Katabi niya si Liam, busy sa tablet, hindi man lang siya tinatanong kung kumusta na siya. Wala man lang “Are you okay?” o kahit kunwaring lambing. Ilang oras pa lang silang kasal pero pakiramdam niya taon na siyang nakakulong sa mundong ito. Isang taon pa ang kailangan niyang tiisin — iyon ang pangako niya sa sarili. Lumapag ang jet sa isang private resort island — honeymoon destination na ipinagmamalaki ng media. Sinalubong sila ng staff na parang royal couple. Kumpleto sa flowers, drinks, at photographers na nakaabang sa malayo para kunwaring sweet ang bagong kasal. Ngumiti si Alyssa, kumapit sa braso ni Liam. Sa camera, para silang perpektong mag-asawa. Pero sa likod ng flash, alam niyang sandali lang ‘yon. Pagpasok nila sa private villa, bumungad sa kanya ang malawak na silid — king size bed, balcony na may view ng dagat, at wine na nakahanda sa lamesa. Parang scene sa fairytale — kung hindi lang ganoon kalamig ang presensiya ni Liam. “Magpahinga ka,” malamig na sabi nito habang tinatanggal ang coat. “May dinner tayo mamaya with resort investors. Wag kang magpahuli.” “Okay,” mahina niyang sagot. Lumapit siya sa kama, umupo sa dulo. Nakita niyang nagbukas ng laptop si Liam, naupo sa table sa may terrace. Umihip ang malamig na hangin mula sa dagat, pero mas malamig ang katahimikan sa pagitan nila. Pinilit niyang isara ang mata. Inalala niya ang mga sinabi ni Mama bago siya umalis — “Anak, tiisin mo kung kaya mo pa. Hindi habangbuhay ito. Balang araw, ikaw pa rin ang magwawagi.” Pero paano kung hindi na siya manalo? Paano kung habangbuhay siyang talo? Pagdating ng gabi, sabay silang bumaba para sa dinner. Magkatabi sila pero para lang kunwari sa mga investor na kasama nila. Sa harap ng lahat, hawak ni Liam ang baywang niya, kunwaring maginoo. Pero sa bawat pagtagay ng wine, alam niyang scripted lang lahat. “Mrs. Navarro, napakaganda mo pala sa personal,” ani ng isa sa mga foreign guest. “Bagay na bagay sa Mr. Navarro namin.” Ngumiti siya, pinilit ang best version ng trained social smile niya. “Salamat po. Swerte ko po.” Napatingin siya kay Liam. Saglit lang — mabilis din itong umiwas ng tingin. Parang may gustong sabihin pero ayaw palabasin. Matapos ang dinner, bumalik sila sa villa. Tahimik silang magkasunod pabalik sa silid. Pagpasok nila, dumiretso si Liam sa mini bar, kumuha ng whiskey. Siya naman, nagtanggal ng heels, umupo sa dulo ng kama. Hindi niya alam kung saan siya lulugar. May kaunting takot, may halo ring lungkot na di niya mapigilan. Lumapit si Liam, inilapag ang baso sa lamesa. Huminga ito nang malalim. Sa unang pagkakataon mula kasal nila, humarap ito sa kanya na parang may gusto talagang sabihin. “Hindi kita pinilit dito. Alam mong kasunduan ito.” Hindi siya sumagot. Tiningnan niya lang ang mukha nito — seryoso, pagod, pero may kung anong pader na ayaw nitong gibain. “Alam ko,” mahina niyang tugon. “Ginampanan ko lang ang parte ko. Gagampanan ko pa.” Tumango si Liam. Saglit silang nagkatitigan — parang may tanong sa mata nito, pero hindi nito maibuka. Tumalikod uli ito, tumungga ng alak. “Matulog ka na. Maaga pa bukas.” Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang itanong kung hanggang kailan siya magiging multo sa tabi nito. Pero wala siyang sinabi. Tumayo siya, humakbang papalapit. At sa sandaling iyon, hindi niya alam kung bakit — kung dahil ba sa alak na hawak nito o sa bigat na kinikimkim niya — bigla siyang humakbang palapit kay Liam. Hinawakan niya ang kamay nito. Nagulat ito, napatingin sa kanya. “Pwede bang kahit isang gabi lang… pakisuyo… kahit kunwari lang…” Hindi kumibo si Liam. Pero hindi rin ito umatras. Saglit na bumigat ang pagitan nila — tahimik na kumulo ang mga salitang hindi nila maamin. At sa kauna-unahang pagkakataon, kahit pa pilit, bumigay ang malamig na pader. Saglit na napapikit si Liam, hinawakan ang mukha niya — marahang, parang nagdadalawang isip. Walang halik na punong-puno ng pagmamahal — pero may lambing na matagal na niyang pinangarap maramdaman. Isang sandaling hindi niya alam kung totoo ba o isa lang bang paalam. At sa gabing iyon, sa villa na saksi ng isang kasal na kontrata lang para sa iba — may mabubuong sikreto na balang araw, magiging dahilan para baguhin niya ang kapalaran niyang pinilit lang ipasuot sa kanya. Pagmulat niya kinabukasan, unang bumungad ang sikat ng araw na sumisilip sa puting kurtina. Tahimik ang buong silid — pero ang pinakatahimik, ‘yung puwesto sa tabi niya na wala nang laman. Napatingin siya sa bakanteng bahagi ng kama. Walang bakas ni Liam. Parang wala siyang kasama buong gabi — pero ramdam pa rin niya ang init ng mga yakap at mga salitang hindi na binigkas. Dahan-dahan siyang bumangon. Pakiramdam niya magaan ang dibdib pero mabigat ang puso. Hindi niya alam kung magagalit ba siya sa sarili niya o tatawanan niya ang kaunting saya na naramdaman niya kagabi. Kahit saglit lang ‘yon — kahit kunwari lang — para sa kanya, totoo ang sandaling ‘yon. Pumunta siya sa banyo, hinayaan ang malamig na tubig na dumaloy sa likod niya. Tinitigan niya ang sarili niya sa salamin — pulang-pula ang pisngi, mapungay ang mata, pero sa ilalim ng lahat ng iyon, may takot. Takot na baka maling umasa. Takot na baka ito na ang simula ng mas masakit pa. Nang bumaba siya sa dining area ng villa, nandoon si Liam — nakasuot na ng bagong linen shirt, hawak ang phone, abala sa pag-check ng emails. Sa tabi nito, may breakfast tray na tila matagal nang inihanda. Umupo siya sa harap nito. “Good morning,” mahina niyang bati. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Liam. “Good morning,” malamig pero walang galit. Wala ring lambing. Blanko. Kumain siya ng tahimik. Sa bawat kagat ng croissant, pilit niyang sinasabi sa sarili na tama lang ‘to. Tama lang na huwag umasa. Maya-maya, nag-angat ng tingin si Liam. Seryoso ang mukha. “I’m flying back to Manila later. May biglaang investors’ meeting.” Nagulat siya. “Iiwan mo ako rito?” Tumango ito. “Stay ka pa ng ilang araw. Magpahinga ka. Isang beses lang naman ‘to, Alyssa.” Napakagat siya sa labi niya. Gusto niyang itanong — Isang beses lang? Iyon na ba ‘yon? Kunwaring honeymoon na walang halagang totoo? Pero wala siyang nasabi. Nilunok niya ang tanong. Tinapos niya ang juice, bumuntong-hininga. “Okay. Ingat ka.” Tumayo si Liam, kinuha ang coat, humarap sa kanya. Sandali silang nagkatitigan. Parang may gusto siyang sabihin pero kinain ulit ng katahimikan. “Pagbalik mo, Alyssa… wag kang magpapa-stress. Yun lang.” Yun lang. Iyon na ‘yun. Wala man lang “Salamat” o kahit kunwaring “Mag-ingat ka.” Paglabas ni Liam, naiwan siyang mag-isa sa hapag. Hinawakan niya ang tiyan niya — walang laman, pero sa loob-loob niya, para bang may unti-unting pumipintig na kakaiba. Tahimik siyang napangiti, kahit basang-basa ng luha ang mata niya. Kahit minsan lang. Kahit isang gabi lang. Hindi niya alam, pero sa gabing iyon, baka sakali — baka sakali lang — may nabuo na pala sa kanya na balang araw, magiging dahilan para matutong lumaban ang pusong matagal niyang itinago. Pag-alis ni Liam kinahaponan, naiwan si Alyssa mag-isa sa villa na parang palasyo pero walang hari. Tahimik ang paligid — dagat, alon, hangin — pero sa loob niya, parang may bagyong paulit-ulit na sumisigaw ng tanong: Bakit mo pa pinipilit? Ilang araw siyang nag-stay sa isla. Kumpleto ang serbisyo, mga staff, pagkain — pero siya lang mag-isa. Walang Liam. Walang kahit anong lambing na dapat ay para sa isang bagong kasal. Pagbalik niya sa silid, tumingin siya sa kama — bakante. Parang nanunukso. Ilang beses niya tinanong ang sarili kung may halaga pa ba ang wedding vows kung wala naman itong laman. Sa banyo, hinagod niya ang tiyan niya. Wala. Wala dapat mabuo. Alam niyang kahit anong pilit niya sa sariling umasa na baka kagabi’y may milagro, alam niyang imposible. Sa lamig ng pagitan nila, hindi sapat ang isang halik para magtahi ng pamilyang pinilit lang itayo sa papel. Pagbalik niya sa Manila, tahimik lang siyang umuwi sa Navarro mansion. Parang wala siyang pinuntahan — parang wala siyang honeymoon na tinatawag. Wala siyang kwento, wala siyang dalang saya. Sa labas ng bahay, nakita niya si Bianca — nakatayo sa porch, ngiting-ngiti, parang nanalo na naman sa laban na hindi niya sinimulan. “Welcome home, Mrs. Navarro,” ani Bianca, nilalandi ang dila sa pagitan ng mapuputing ngipin. “Bitin ba ang honeymoon?” Hindi na siya sumagot. Tumalikod siya, pinilit lampasan ang babaeng kumakain sa respeto niya. Umakyat siya sa kwarto niya, binagsak ang katawan sa kama, saka lang niya hinayaan na umagos ang mga luhang pinigil niya buong biyahe pauwi. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayanin ito — pero alam niya, hindi ito ang huling gabi na iiyak siya. Hindi pa ngayon. Hindi pa dito. At habang mag-isa siyang nakatalikod sa buong mundo, tahimik niyang pinangako sa sarili — darating ang araw. Darating ang araw na hindi na siya tatahimik.POV: LiamAng katahimikan ng gabi sa condo ay hindi na bago kay Liam. Wala nang tumatawa sa tabi niya, wala nang ingay ng kutsarang hinahalo sa tasa ng tsaa, wala na rin ang presensyang dati ay pinipilit niyang balewalain.Apat na taon at kalahati na ang lumipas, pero para sa kanya, parang kahapon lang na iniwan niya si Alyssa sa harap ng gate—o marahil, siya ang iniwang hindi man lang napansin.Binuksan niya ang laptop. Isang document ang naka-save sa desktop: "ALYSSA HOUSE RENOVATION PLAN" — hindi pa rin niya mabura.Naputol ang pagmumuni niya nang marinig ang notification mula sa phone."Family dinner bukas. Don’t be late. You're lolo’s asking for you. – Mama"Mabilis niyang pinatay ang screen. Ayaw niyang harapin ang mga matang pilit siyang pinapangiti tuwing reunion, habang alam niyang may isang upuang laging bakante.The Next NightPuno ng ilaw ang ancestral house ng mga Navarro. Kumpleto ang pamilya—tawanan, kwentuhan, sigawan ng mga bata. Pero sa isang sulok, tahimik si Liam.
Tahimik ang gabi sa Navarro Estate, pero parang tulog lang ang buong paligid — sa loob ni Liam, walang katahimikan.Nasa silid-aklatan siya, nakasandal sa lumang bookshelf na punong-puno ng lumang libro at mga lumang larawan ng pamilya. Sa tabi niya, isang baso ng whiskey na hindi na niya maubos-ubos.Kanina pa niya tinititigan ang hawak na picture frame — wedding photo nila ni Alyssa. Isang frame na dati niyang ikinahiya, itinago sa pinakasulok ng study room niya. Pero ngayon, bakit ba’t tila hindi niya kayang ibaba ang larawan?Naalala niya ang gabing iyon — ang puting gown, ang malamig na ballroom, at ang mga matang kahit pilit ngumiti, halata mong lumuluha sa loob.Ngumiti siya noon. Oo, ngumiti siya para sa mga bisita — pero alam niyang siya mismo ang pumatay sa ngiti ni Alyssa.Sa gilid ng mesa, bumukas ang pinto — si Luca, bitbit ang laptop at ilang papel. Tumikhim ito bago maglakad palapit.“Kuya…” maingat ang tono ni Luca, “May ilang bank records na mukhang ginamit ni Alyssa
Manila — Navarro EstateLimang taon ang lumipas pero hindi pa rin nagbago ang itsura ng Navarro Mansion — mataas na gate, perpektong garden, malamig na marmol sa loob na parang walang pinagbago.Pero ang pinakabago rito — ang katahimikan.Nasa private office si Liam Alexander Navarro. Nakaupo siya sa likod ng malaking dark wood desk, hawak ang isang folder na kanina pa bukas pero hindi niya mabasa-basa. Sa tabi ng laptop niya, may half-empty na baso ng whiskey — alas dose ng tanghali pero tila wala siyang pakialam.Mula sa salamin, kita ang hardin na minsan ay pinangarap niyang maging perpekto ang buhay. Pero ngayon, para bang nilulunok siya ng bawat sulok nito.“Mrs. Navarro…”Ang tinig na iyon — limang taon na pero tumatama pa rin sa pandinig niya. Kung paanong nagawa niyang ipagtabuyan, baliwalain, at sabihing wala siyang pakialam.Pero bakit ngayon, limang taon na, wala pa ring katahimikan?Bumukas ang pinto, pumasok si Luca — ang bunso niyang kapatid na hindi rin nagbago ang tapa
Maagang nagising si Alyssa — o mas tama na, si Yssabelle Laurent. Limang taon na ang lumipas pero kahit ilang ulit siyang bumangon sa parehong condo, hindi pa rin siya sanay na wala nang kumakatok na ‘Madam Navarro.’Bumaba siya sa maliit na kusina, tahimik para hindi magising ang tatlong batang natutulog pa sa shared room nila.Tinimpla niya ang kape, bumuhos ang amoy nito sa modernong sala na puno ng mga sketchpad, fabric swatches, at ilang laruan na hindi naitago kagabi. Sa ilalim ng kalat, nandoon ang tatlong pinakamagandang dahilan kung bakit kaya niya lahat — Sky Axel, Sophia Snow, at Callum Asher.Habang iniikot niya ang mug ng kape, narinig niya ang mahinang yabag sa hallway.“Mommy…” mahinang bulong ni Sophia, bitbit ang paborito niyang bunny. “I had a dream, you were sad.”Napayuko si Alyssa, agad na binuhat ang maliit na bata at pinaupo sa counter. Hinalikan niya ang buhok nito.“I’m not sad anymore, baby girl. I have you, di ba?”Sunod-sunod na sumulpot ang kambal na boys
8 Months LaterMabagal ang ambon sa labas ng maliit pero maaliwalas na condominium unit sa Paris. Tahimik ang gabi pero nabasag iyon ng mahihinang ungol ni Alyssa habang mahigpit ang hawak niya sa bedsheet. Pawis na pawis siya, nanginginig ang mga kamay, at pinipigil ang mga impit na sigaw.Nasa tabi niya si Sera, kalmado pero bakas ang kaba sa mga mata habang inaasikaso ang mainit na tubig at tuwalya. Walang ospital, walang nurse — sila lang dalawa, sila lang ang magtataguyod sa gabi ng pagsilang.“Konti na lang, Lyss. Kaya mo ‘to… Para sa kanila,” mahina pero matatag na bulong ni Sera, pinapahid ang pawis ni Alyssa.Sa huling sigaw, sa pagitan ng mga luha at pagod, narinig nila ang unang iyak — sunod-sunod, tatlong munting tinig na parang musika sa gitna ng dilim.Tatlong sanggol. Tatlong sikreto. Tatlong bagong buhay.---Makalipas ang ilang oras, malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa malaking bintana ng condo. Nakahiga si Alyssa, pagod pero puno ng ngiti habang pinagmamasdan
Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang magdesisyon si Yssabelle na magtago, at sa bawat araw na lumilipas, mas ramdam niya ang bigat ng responsibilidad na nakaatang sa kanyang mga balikat. Ang Véraise ay nagsisimula nang magbukas ng pinto para sa kanya, ngunit ang mga pagbabalik-loob sa mundo ng mga Navarro, pati na rin ang mga mata na laging nagmamasid, ay tila nagiging dahilan ng kanyang mga kaba.Ngayong gabi, may mahalaga siyang pagtatanghal. Isang investor, isang potential na partner para sa expansion ng Véraise sa international market. Kung magtatagumpay siya dito, hindi lang siya makakapagsimula ng isang bagong buhay — pati na ang mga anak niya, ang kanyang triplets, ay magkakaroon ng mas maliwanag na kinabukasan.Habang naghahanda si Yssabelle sa kanyang opisina, may nararamdaman siyang kaba sa tiyan — hindi dahil sa takot, kundi sa excitement. Isa itong test. Kung magtagumpay siya, magiging official na ang lahat. Hindi na siya isang lihim.Si Sera, na matagal na niyang n