Hindi niya alam kung ilang oras na siyang gising. Nakahiga lang si Alyssa sa kama, nakatitig sa kisame, habang naririnig niya ang mahihinang yabag ng mga taong abala sa labas ng kanyang silid. Mula kaninang madaling-araw, walang tigil ang pagpasok at paglabas ng mga kasambahay at wedding coordinators—nag-aayos ng mga bulaklak, nagbubuhat ng kahon ng mga dekorasyon, at paulit-ulit na inuulit ang checklist ng programang parang mas engrande pa kaysa sa mismong buhay niya.
Ngayon, siya ang bride. Pero sa bawat tibok ng puso niya, parang hindi siya bida sa kasal na ito. Isa lang siyang manika, itinutulak sa altar para tuparin ang lumang kasunduan ng dalawang makapangyarihang pamilya. Maaga pa lang, pumasok na ang glam team. Dalawang hairstylist, dalawang makeup artist, isang stylist, at tatlong PA. Para bang isang reyna na ihahanda para sa koronasyon. “Ma’am Alyssa, maupo po kayo rito,” sabi ng stylist, sabay turo sa isang swivel chair sa harap ng salaming mas malaki pa sa pintuan. Tahimik siyang umupo. Sa salamin, nakita niya ang sarili—maputla, may bahid ng pagod, at mga mata na parang hindi pa nakakatulog nang maayos. Hindi siya makapaniwala na sa ilang minuto, gagawin na siyang “pinaka-magandang babae sa araw na ito.” “Ang ganda ng kutis niya, grabe. Hindi na halos kailangan ng foundation,” ani ng isang makeup artist, halatang nagpapalakas ng loob. Ngumiti lang siya ng mahina. Hindi niya masabi na kahit anong ganda ng ilalagay sa mukha niya, hindi nito matatakpan ang lungkot na kumakain sa kanya mula loob. Habang inaayos ang buhok niya, dinampian siya ng stylist ng diamond tiara. “Perfect! Para kay Mr. Navarro, bagay na bagay po.” Mr. Navarro. Liam. Ang lalaking papakasalan niya ngayong araw. Ang lalaking kahit kailan, hindi man lang siya tinignan nang may lambing. Humigpit ang dibdib niya. Sa likod ng lahat ng pearls at veil, siya pa rin ang Alyssa na nagtatago ng hiya at takot. Pasado alas-diyes nang pumasok si Don Alejandro sa kwarto. Nakatayo ang lahat bilang respeto sa matandang haligi ng pamilya Navarro. “Lolo,” mahina niyang bati, agad tumayo. Lumapit ang matanda, pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Kita sa mga mata nito ang bigat ng pag-unawa, pero hindi rin iyon sapat para mabawasan ang bigat sa dibdib niya. “Handa ka na ba, hija?” tanong ng matanda, mababa ang boses pero buo. Nagpigil siya ng luha. Tumango lang. “Salamat at pinaninindigan mo ito. Alam kong hindi madali.” Hinaplos nito ang kanyang balikat, parang paalala na kailangan niyang kayanin ang lahat. Nang umalis si Don Alejandro, naiwan siyang nakatitig sa salamin. Sino ba siya ngayon? Bride ba siya, o sakripisyo? Bandang tanghali, dumating ang wedding gown. Puting gown na punong-puno ng beads at lace, gawa ng isang sikat na designer sa Paris. Para bang dinisenyo para sa isang diwata. Pinagmasdan niya ito habang hawak ng stylist, at halos hindi siya makahinga. “Ma’am Alyssa, ready na po kayo?” tanong ng PA. Tumango siya. Hinubad nila ang robe niya at dahan-dahang isinuot ang gown. Nang tuluyan siyang maisara sa gown, halos hindi siya makagalaw sa bigat nito. Sa bawat hakbang niya, parang naririnig niya ang pagkatok ng sariling kaba sa dibdib. Pagtingin niya muli sa salamin, nakita niya ang babaeng hindi na niya halos makilala. Mukha nga siyang reyna—pero bakit parang kulungan ang korona at trono niya? Pagbaba niya mula sa hagdanan, sinalubong siya ng mga bulungan ng staff at coordinators. “Ang ganda niya…” “Parang tunay na prinsesa.” “Perfect na partner ni Mr. Navarro.” Pero may ilan ding nakatagong bulungan na umabot sa kanyang tainga: “Sayang, hindi naman siya ang mahal ni Sir Liam.” “Bakit siya pa? Mas bagay si Ms. Bianca.” Parang tinutusok ang puso niya ng bawat salitang iyon. Pinilit niyang tumayo nang tuwid, itinaas ang baba, at ngumiti—kahit ang totoo, gusto niyang tumakbo paalis. Sa grand ballroom ng Navarro estate ginaganap ang seremonya. Engrande. Punong-puno ng puting rosas, gintong kurtina, at chandelier na kumikislap sa liwanag ng araw. Sa bawat gilid ng kwarto, naroon ang media at piling-piling bisita—politicians, businessmen, socialites. Para bang royal wedding. At sa unahan, nandoon si Liam. Naka-itim na suit, matikas at gwapo, parang hinugot mula sa magazine cover. Pero malamig. Hindi siya tumingin nang dumating si Alyssa. Abala sa pakikipag-usap kay Ethan at Marcus, habang sa di-kalayuan, nakaupo si Bianca, nakangiting parang siya ang tunay na bride. Humigpit ang hawak niya sa bouquet. Pilit siyang ngumiti. Isa. Dalawa. Tatlong hakbang papunta sa altar. Sa bawat hakbang, ramdam niya ang bigat ng bawat bulungan, bawat camera flash, at bawat matang nakatutok sa kanya. Nang tuluyan siyang makarating sa tabi ni Liam, bahagyang lumingon ito. Sandali lang. Walang ngiti. Walang lambing. Parang tinitingnan lang siya bilang kasamahan sa isang kontrata. “Smile,” bulong ni Liam, diretso ang tingin sa altar. Ngumiti siya. Hindi dahil masaya siya, kundi dahil iyon ang dapat. Sa likod ng mga seremonya, ramdam ni Alyssa ang malamig na presensya ni Bianca. Nandoon ito, nakaupo sa hanay ng mga Navarro, suot ang isang fitted na gown na tila sinadyang agawin ang atensyon ng lahat. Sa bawat sandaling nagtatagpo ang mga mata nila, parang pinapaalala nitong siya ang tunay na mahal ni Liam. Habang nagpapatuloy ang seremonya, naririnig niya ang bulungan ng mga tao. “Ang swerte ni Alyssa… Navarro na siya.” “Pero halata namang si Bianca pa rin ang mahal.” Sa bawat pangako at salitang binibigkas ng pari, pakiramdam niya ay lalong lumulubog ang puso niya sa dagat ng kasinungalingan. Nang isinuot sa kanya ni Liam ang singsing, marahan ang kilos nito. Wala ni katiting na pag-ibig sa mga mata niya. Parang isang business transaction lang ang lahat. Nang siya naman ang maglagay ng singsing kay Liam, halos manginig ang mga kamay niya. Pero pinilit niyang itaas ang baba at ngumiti. Hindi para kay Liam. Hindi para sa mga Navarro. Para sa sarili niya. Para ipaalala na kahit ganito, kakayanin niya. At sa sandaling binigkas ng pari ang, “You may now kiss the bride,” mabilis lang na dumampi ang labi ni Liam sa kanya. Isang halik na parang utang. Walang init. Walang damdamin. Paglabas nila ng simbahan, sinalubong sila ng kislap ng cameras at palakpakan ng mga bisita. Sa mga litrato, sila ang perpektong mag-asawa—ang gwapong CEO at ang maganda, misteryosang bride. Pero sa likod ng mga ngiti, ramdam ni Alyssa ang bigat ng malamig na kamay na hawak niya. Habang sumasakay sila sa itim na limousine papunta sa reception, saglit na nagsalubong ang mga mata nila. Walang salita, pero sapat na ang katahimikan para iparamdam sa kanya: hindi siya ang babaeng mahal ni Liam. At doon, tahimik siyang nanumpa. Kung darating ang araw na bibiguin siya ng kasal na ito, hindi siya magiging alipin. Lalaban siya. At sa oras na iyon, hindi siya basta Mrs. Navarro—kundi ang Alyssa Ramirez na hindi kailanman aalis nang walang laban.Sigawan. Flash ng mga camera. Takbuhan ng mga tao. Sa gitna ng kaguluhan, duguang bumagsak si Liam matapos tamaan ng bala. “L-Liam!” halos pasigaw ang tinig ni Alyssa. Mabilis siyang lumapit at sinalo ang asawa bago ito tuluyang bumulagta sa sahig ng stage. Agad ding dumating sina Darren at Ethan. Nanlalaki ang mga mata, halatang gulat at desperado. “Liam! Damn it, stay with us!” sigaw ni Darren habang agad na lumuhod. “Hold on, Liam!” ani Ethan, nanginginig ang boses. Mahina ngunit mariin, hinawakan ni Liam ang kamay ng dalawang kaibigan. “E-Ethan… Darren…” halos pabulong, pero buo ang utos. “Don’t… let Markus get away. Huwag niyo siyang hayaang makatakas.” “Liam—” “Go!” halos pasigaw niyang sambit bago pumikit sandali sa sakit. Nagkatinginan sina Darren at Ethan, parehong mabigat ang dibdib pero wala nang oras para mag-atubili. Mabilis silang kumilos at tumakbo palayo, hinahabol ang anino ng papatakas na si Markus. Sa kabilang dulo, nakita ni Bianca ang lahat. Sa halip na
Matapos ang engrandeng runway showdown, muling dumilim ang hall. Ang tanging naiwan ay ang spotlight sa stage at ang screen na unti-unting nagbukas.“Ladies and gentlemen,” anunsyo ng host, “the time has come. As tradition of the Grand Fashion Week Opening, the audience and our panel of international judges will cast their votes… to determine tonight’s victor.”Napuno ng bulungan ang crowd. Ang ilan ay sabik, ang iba naman ay kabado.Sa VIP section, mahigpit ang hawak ni Bianca sa kanyang clutch bag, halos bumaon na ang kuko sa balat nito.This result belongs to me. It has to be me…Samantalang si Yssabelle, nakatayo sa gilid ng backstage, kalmado at tahimik. Ang maskara’y nananatili, ngunit ang mga mata niya’y puno ng tapang. Sa tabi niya, naroon si Sera, nakapikit at nagdarasal.Unang lumabas ang resulta ng audience votes.Nag-flash sa screen:Véraise – 72%Cruz Group – 28%Isang malakas na sigawan ang kumalat sa hall. May mga nagsitayo, may mga nag-picture agad, at halos lahat ay n
Gabi bago ang grand opening ng Fashion Week.Sa isang private lounge ng Cruz Group, hawak ni Bianca ang wine glass habang nakaupo sa leather chair. Sa harap niya, isang lalaki—matangkad, mapanganib ang aura, pero sa mga mata nito’y malinaw ang pagsamba. Si Markus Chua.“Markus,” malamig na sabi ni Bianca habang iniikot ang wine sa baso, “kung sakali mang magtaliwas ang hatol ng mga hurado bukas… I don’t want any chances. You know what to do.”Naglakad si Markus palapit, halos nakaluhod sa harap niya.“Bianca, you don’t even need to say it. Kahit saan mo ako dalhin, kahit anong ipagawa mo—susunod ako. If you want Yssabelle gone, I’ll erase her from the spotlight. I’ll erase her from this world if that’s what you wish.”Ngumiti si Bianca, mapait pero seductive.“That’s why I keep you around, Markus. You understand me. You know I deserve the crown. The world belongs to me—at kung may hahadlang, they’ll regret standing in my way.”“Because I love you,” sagot ni Markus, halos bulong pero p
Dalawang linggo bago ang fashion clash, ramdam ang tensyon sa buong industriya.Sa bawat social media feed, puro countdown, speculations, at leaked rumors ang laman.Sa headquarters ng Véraise, nakaupo si Yssabelle sa design studio, tahimik na nakatutok sa mahahabang fabric rolls na nakalatag sa harap niya. Habang abala sa sketches, nakatayo sa gilid si Sera, ang opisyal na face of Véraise at Vice President ng kumpanya.Kahit kabado, confident ang ngiti ni Sera. “Yssa, lahat ng tao sa labas… sobrang taas ng expectation. Lahat naghihintay kung paano mo tatalunin si Bianca.”Ngumiti lang si Yssabelle mula sa likod ng maskara. “That’s the point. I won’t just beat her. I’ll make her realize… there was never a competition to begin with.”Samantala, sa Cruz Group, ibang-iba ang eksena.Halos sumabog sa dami ng utos si Bianca sa design team. Tables covered in sequins, neon fabrics, and bold experimental cuts.“Bigger, louder, bolder!” sigaw niya. “Kung si Yssabelle ay elegant, tayo ay magigi
Mainit ang spotlight ng media nang araw na iyon. Sa bawat major network, iisang balita ang pinapalabas: ang nalalapit na fashion clash sa pagitan ng dalawang pinakamalaking pangalan ngayon sa industriya—ang Cruz Group sa pangunguna ni Bianca Cruz, at ang Véraise na pinamumunuan ng misteryosang si Yssabelle Laurent. “Ladies and gentlemen, this will be the fashion battle of the decade,” ani ng anchor sa live broadcast. “Kung sino ang mananalo, hindi lang hahakot ng investors at contracts… kundi tatanghaling true monarch of fashion.” Sa headquarters ng Véraise, nakaupo si Alyssa/Yssabelle sa conference room kasama si Sera at ang ilang key members ng team. Tahimik siyang nagkakape habang pinapanood ang announcement sa malaking TV screen. “This is what she wanted,” malamig niyang tinig, hindi man lang nagpakita ng kaba. “A clash. A stage. Then let’s give her the spotlight she’s dying for.” Seryoso ang mga mata ni Sera. “Are you sure about this, Yssa? This isn’t just about fashion anymor
Kinabukasan, halos lahat ng business news outlets ay nakatutok pa rin sa pagbabalik ni Yssabelle Laurent, ang Mask Queen ng Véraise. Ang publiko ay humahanga, ang mga investors ay muling naglalapit, at ang mga empleyado ng Cruz Group ay isa-isang nawawalan ng tiwala kay Bianca. Ngunit hindi natutulog ang isang tulad ni Bianca Cruz. Sa isang pribadong opisina, hawak niya ang isang confidential folder na inilapag sa harap ng kanyang mga natitirang loyal executives. Ang mga mata niya ay nagliliyab sa determinasyon. “Kung gusto niyang makipaglaro,” malamig niyang sabi, “bibigyan ko siya ng larong hindi niya kakayanin.” Ibinukas niya ang folder, lumitaw ang listahan ng mga pinakamalalaking partners at suppliers ng Véraise. “Contact them. Offer them double. Triple if needed. I don’t care about the cost. Hindi ko hahayaang manatili ang mga iyon sa ilalim ng pangalan ni Yssabelle.” Napalunok ang isa sa executives. “Pero, Ma’am… napakalaki ng perang kakailanganin. At kung pumalpak—” “Ku