Pagkabukas ng pinto ng kwarto, muling sumalubong kay Alyssa ang reyalidad: marangyang kama, puting kurtina, malamig na sahig na marble. Lahat mukhang perpekto, pero wala ni katiting na init. Parang hotel na walang kwento. Parang tahanan na walang puso.
Isang linggo na siyang balik-Manila mula sa tinatawag nilang “honeymoon,” pero sa totoo lang, para bang walang nangyari. Kung hindi lang dahil sa mga litrato at press release na ipinadala sa media, walang makapagsasabing kasal nga sila ni Liam. Sa bahay, halos hindi sila magkasabay matulog. Kung minsan, huli na niyang naririnig ang pagbukas ng pinto ng kabilang kwarto—ang kwartong mas madalas okupahin ni Liam kaysa ang kama nilang mag-asawa. Sa dining table, madalas silang magkatabi pero tila may dingding sa pagitan nila. Kung may usapan man, puro negosyo, puro tungkulin, puro “image.” Walang kumustahan. Walang simpleng tanong na “Masarap ba ang ulam?” o “Pagod ka ba?” Walang kahit isang katiting na effort para ipakitang mag-asawa sila. Isang gabi, bumaba si Alyssa sa kusina para magtimpla ng gatas. Hindi siya makatulog; mas madali yatang pakalmahin ang sarili kaysa hintayin pang kumustahin siya ni Liam. Sa hallway, nadatnan niya si Luca, nakaupo sa hagdan, hawak ang gitara. Tahimik na umaalingawngaw ang simpleng melodya sa malawak na mansion. “Hindi ka pa tulog?” tanong nito, bahagyang nakangiti. “Hindi pa. Ikaw din,” mahina niyang sagot. Tumango ito, tinugtog ang ilang chord. “Balita ko, walang honeymoon?” may bahid ng biro ang tono, pero ramdam ni Alyssa ang kurot. Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa malayo, pilit pinipigil ang mga mata na hindi mamasa. “Pasensiya na, Alyssa,” bulong ni Luca. “Hindi lahat ng Navarro, katulad nila.” Sandali siyang napatingin rito, kita ang sinseridad sa mga mata ni Luca. Pero bago pa siya malusaw, agad siyang tumalikod. Tumango lang siya at bumalik sa kwarto. Pinilit niyang huwag umiyak. Ayaw niyang ipakitang mahina siya. Hindi dito, hindi ngayon. Kinabukasan, abala ang buong mansion. May dinner party sina Don Alejandro at Doña Margarita. Isang gabing puno ng mga investors at business partners—pampakitang gilas na masaya at buo ang pamilya Navarro. Nagbihis si Alyssa ng simpleng puting long dress. Sa salamin, elegante ang dating: understated jewelry, natural na make-up, buhok na maayos na nakapusod. Mukha siyang perpektong Mrs. Navarro, kahit ang puso niya ay parang durog na kristal. Pagbaba niya, sinalubong agad siya ng barkada squad. Nandoon sina Ethan, Marcus, Darren—at si Bianca, dikit ang braso kay Liam. “Wow, blooming!” ani Ethan, nakataas ang kilay. “Honeymoon glow ba ‘yan o bitin glow?” Tawanan ang iba, parang biro lang, pero sa dibdib ni Alyssa, parang may kutsilyong tumusok. Lumapit siya kay Liam, hinawakan ang braso nito at umakbay nang marahan. Ramdam niya ang paninigas ng katawan ng lalaki, halatang ayaw sa contact, pero hindi nito inalis ang braso niya. Sa harap ng lahat, kailangan pa ring magpanggap. Habang nag-aalok ng wine ang mga waiter at nag-uusap ang mga tao tungkol sa business ventures, lumapit si Rico, ang kuya niya. Tahimik itong nakatayo, pero matalim ang mga mata, nakamasid sa bawat galaw ni Liam. “Kamusta ka?” tanong nito, diretsong tumitig sa kanya. “Okay lang, Kuya,” mabilis niyang sagot. “Tinitiis mo na naman ‘yan?” Sulyap si Rico kay Liam, punong-puno ng pagdududa. “Walang kwenta—” “Kuya, tama na.” Pinutol agad ni Alyssa ang sasabihin. Hindi niya kayang ipahiya si Liam, hindi sa harap ng lahat, kahit gaano siya nasasaktan. Sandali lang, pero ramdam niyang hindi pa tapos ang kapatid niya. Pagkatapos ng gabi, naiwan si Alyssa sa sala. Tahimik, maliban sa malalayong tawa mula sa garden kung saan naroon sina Liam at Bianca. Parang siya pa ang bisita sa sarili niyang bahay. Dahan-dahan siyang umakyat sa kwarto. At doon, sa wakas, binitiwan ang mga luha na kanina pa niya pinipigil. Tahimik lang, walang hikbi, puro patak ng luha sa unan. Isang taon. Isang taon lang ang kasunduan. Pagkatapos, makakalaya rin siya. Pero kaya ba niyang tiisin hanggang doon? Sa isang sulok ng isip niya, unti-unting nagsisindi ang apoy: Kailangan ko ng dahilan para lumaban. Kailangan ko ng lakas para manatili. Hindi ako pwedeng manatiling ganito. Kinabukasan, mag-isa siyang nag-breakfast. Si Liam, maagang umalis para sa meeting. Pero sa dining hall, naabutan niya si Bianca, nakaupo sa tapat niya, parang siya pa ang may-ari ng bahay. “Good morning, Mrs. Navarro,” ani Bianca, malandi ang tono. “Perfect ka pa rin kahit parang wala kang asawa, noh?” Tahimik lang si Alyssa. Walang ngiti, walang patol. “By the way,” dagdag pa nito, “busy si Liam next month. Business trips, private dinners… baka kasi may ma-miss ka.” Hindi niya sinagot. Pinilit niyang manatiling kalmado, kahit ramdam niyang namumuo ang sakit at galit sa dibdib niya. Pag-alis ni Bianca, dumating si Sam, dala ang baon niyang tinapay at juice. “Binabastos ka na naman?” tanong nito. “Hindi, Kuya. Okay lang ako,” sagot niya, pilit na mahina ang tinig. “Tsk. Alyssa…” Umiling si Sam, bakas ang awa sa mga mata. “Hindi ka para dito. Hindi ka para apak-apakan ng kahit sino.” Ngumiti lang siya. Hindi na sumagot. Wala siyang lakas para magpaliwanag. Kinagabihan, nakaupo siya sa kama, nakatanaw sa garden kung saan muling nagtatawanan sina Liam at Bianca. Halos marinig niya ang bawat halakhak, bawat pabulong na salita. Pumasok si Liam, dala ang laptop, abala pa rin sa trabaho. “Liam…” mahina niyang tawag. “Hmm?” Hindi man lang tumingin. “Pwede ba kitang makausap?” Napahinto ito, sandaling tiningnan siya. “About what?” “About… us.” Malamig ang sagot nito. “Walang us, Alyssa.” Tuluyan siyang nanahimik. Pero bago pa ito pumasok sa kabilang kwarto, humarap pa si Liam. “Mag-ready ka next month. May business trip tayo abroad. Para sa press, honeymoon daw.” Pagkasara ng pinto, naiwan siyang mag-isa. Hindi niya alam kung dapat ba siyang masaktan o dapat ba siyang umasa. Pero sa unang pagkakataon, may bahagyang apoy na sumiklab sa dibdib niya. Honeymoon daw. Peke man o hindi, doon magsisimula ang bagong laban niya. At sa isip niya, malinaw ang pangako: Hindi ako mananatiling tahimik habang buhay. Balang araw, ako ang magdidikta ng laban.Sigawan. Flash ng mga camera. Takbuhan ng mga tao. Sa gitna ng kaguluhan, duguang bumagsak si Liam matapos tamaan ng bala. “L-Liam!” halos pasigaw ang tinig ni Alyssa. Mabilis siyang lumapit at sinalo ang asawa bago ito tuluyang bumulagta sa sahig ng stage. Agad ding dumating sina Darren at Ethan. Nanlalaki ang mga mata, halatang gulat at desperado. “Liam! Damn it, stay with us!” sigaw ni Darren habang agad na lumuhod. “Hold on, Liam!” ani Ethan, nanginginig ang boses. Mahina ngunit mariin, hinawakan ni Liam ang kamay ng dalawang kaibigan. “E-Ethan… Darren…” halos pabulong, pero buo ang utos. “Don’t… let Markus get away. Huwag niyo siyang hayaang makatakas.” “Liam—” “Go!” halos pasigaw niyang sambit bago pumikit sandali sa sakit. Nagkatinginan sina Darren at Ethan, parehong mabigat ang dibdib pero wala nang oras para mag-atubili. Mabilis silang kumilos at tumakbo palayo, hinahabol ang anino ng papatakas na si Markus. Sa kabilang dulo, nakita ni Bianca ang lahat. Sa halip na
Matapos ang engrandeng runway showdown, muling dumilim ang hall. Ang tanging naiwan ay ang spotlight sa stage at ang screen na unti-unting nagbukas.“Ladies and gentlemen,” anunsyo ng host, “the time has come. As tradition of the Grand Fashion Week Opening, the audience and our panel of international judges will cast their votes… to determine tonight’s victor.”Napuno ng bulungan ang crowd. Ang ilan ay sabik, ang iba naman ay kabado.Sa VIP section, mahigpit ang hawak ni Bianca sa kanyang clutch bag, halos bumaon na ang kuko sa balat nito.This result belongs to me. It has to be me…Samantalang si Yssabelle, nakatayo sa gilid ng backstage, kalmado at tahimik. Ang maskara’y nananatili, ngunit ang mga mata niya’y puno ng tapang. Sa tabi niya, naroon si Sera, nakapikit at nagdarasal.Unang lumabas ang resulta ng audience votes.Nag-flash sa screen:Véraise – 72%Cruz Group – 28%Isang malakas na sigawan ang kumalat sa hall. May mga nagsitayo, may mga nag-picture agad, at halos lahat ay n
Gabi bago ang grand opening ng Fashion Week.Sa isang private lounge ng Cruz Group, hawak ni Bianca ang wine glass habang nakaupo sa leather chair. Sa harap niya, isang lalaki—matangkad, mapanganib ang aura, pero sa mga mata nito’y malinaw ang pagsamba. Si Markus Chua.“Markus,” malamig na sabi ni Bianca habang iniikot ang wine sa baso, “kung sakali mang magtaliwas ang hatol ng mga hurado bukas… I don’t want any chances. You know what to do.”Naglakad si Markus palapit, halos nakaluhod sa harap niya.“Bianca, you don’t even need to say it. Kahit saan mo ako dalhin, kahit anong ipagawa mo—susunod ako. If you want Yssabelle gone, I’ll erase her from the spotlight. I’ll erase her from this world if that’s what you wish.”Ngumiti si Bianca, mapait pero seductive.“That’s why I keep you around, Markus. You understand me. You know I deserve the crown. The world belongs to me—at kung may hahadlang, they’ll regret standing in my way.”“Because I love you,” sagot ni Markus, halos bulong pero p
Dalawang linggo bago ang fashion clash, ramdam ang tensyon sa buong industriya.Sa bawat social media feed, puro countdown, speculations, at leaked rumors ang laman.Sa headquarters ng Véraise, nakaupo si Yssabelle sa design studio, tahimik na nakatutok sa mahahabang fabric rolls na nakalatag sa harap niya. Habang abala sa sketches, nakatayo sa gilid si Sera, ang opisyal na face of Véraise at Vice President ng kumpanya.Kahit kabado, confident ang ngiti ni Sera. “Yssa, lahat ng tao sa labas… sobrang taas ng expectation. Lahat naghihintay kung paano mo tatalunin si Bianca.”Ngumiti lang si Yssabelle mula sa likod ng maskara. “That’s the point. I won’t just beat her. I’ll make her realize… there was never a competition to begin with.”Samantala, sa Cruz Group, ibang-iba ang eksena.Halos sumabog sa dami ng utos si Bianca sa design team. Tables covered in sequins, neon fabrics, and bold experimental cuts.“Bigger, louder, bolder!” sigaw niya. “Kung si Yssabelle ay elegant, tayo ay magigi
Mainit ang spotlight ng media nang araw na iyon. Sa bawat major network, iisang balita ang pinapalabas: ang nalalapit na fashion clash sa pagitan ng dalawang pinakamalaking pangalan ngayon sa industriya—ang Cruz Group sa pangunguna ni Bianca Cruz, at ang Véraise na pinamumunuan ng misteryosang si Yssabelle Laurent. “Ladies and gentlemen, this will be the fashion battle of the decade,” ani ng anchor sa live broadcast. “Kung sino ang mananalo, hindi lang hahakot ng investors at contracts… kundi tatanghaling true monarch of fashion.” Sa headquarters ng Véraise, nakaupo si Alyssa/Yssabelle sa conference room kasama si Sera at ang ilang key members ng team. Tahimik siyang nagkakape habang pinapanood ang announcement sa malaking TV screen. “This is what she wanted,” malamig niyang tinig, hindi man lang nagpakita ng kaba. “A clash. A stage. Then let’s give her the spotlight she’s dying for.” Seryoso ang mga mata ni Sera. “Are you sure about this, Yssa? This isn’t just about fashion anymor
Kinabukasan, halos lahat ng business news outlets ay nakatutok pa rin sa pagbabalik ni Yssabelle Laurent, ang Mask Queen ng Véraise. Ang publiko ay humahanga, ang mga investors ay muling naglalapit, at ang mga empleyado ng Cruz Group ay isa-isang nawawalan ng tiwala kay Bianca. Ngunit hindi natutulog ang isang tulad ni Bianca Cruz. Sa isang pribadong opisina, hawak niya ang isang confidential folder na inilapag sa harap ng kanyang mga natitirang loyal executives. Ang mga mata niya ay nagliliyab sa determinasyon. “Kung gusto niyang makipaglaro,” malamig niyang sabi, “bibigyan ko siya ng larong hindi niya kakayanin.” Ibinukas niya ang folder, lumitaw ang listahan ng mga pinakamalalaking partners at suppliers ng Véraise. “Contact them. Offer them double. Triple if needed. I don’t care about the cost. Hindi ko hahayaang manatili ang mga iyon sa ilalim ng pangalan ni Yssabelle.” Napalunok ang isa sa executives. “Pero, Ma’am… napakalaki ng perang kakailanganin. At kung pumalpak—” “Ku