Please like, leave a comment, gem vote, and rate this book. Thank you po!
Abala ako sa pakikipag-chat sa mga kaibigan ko mula sa London. Ramdam ko ang pananabik nila na marinig ang boses ko. Sa tagal naming hindi nagkausap, halos hindi magkasya ang kwento sa screen.“Caleigh, you disappeared for months! We thought you ghosted us!” sabi ni Lauren, ang roommate ko noon sa dorm.I laughed softly, pilit iniiwasan ang anumang emosyon na maaaring mabasa nila sa mukha ko kahit nasa video call lang kami.“I just needed some time to deal with… family stuff,” sagot ko, kasabay ng pagkunot ng noo habang sinusubukang panatilihing matatag ang boses.“Yeah, we heard about your dad. Is he okay now?” tanong naman ni Fiona, may halong pag-aalala sa boses.“He’s out. And doing better,” simpleng sagot ko. Iyon lang ang alam nila. Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam ng kasal ko kay Drako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang sabihin. Siguro dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng lahat ng ito.Bago pa man ako makapagpatuloy, bum
Pagkatapos kong makakain, agad kong binuksan ang bagong phone na iniwan ni Drako. Mabilis ang naging setup, at sa bawat pindot ng daliri ko sa screen, para bang isa-isa ring bumabalik ang mundong matagal kong kinulong sa likod ng mga dingding ng bahay na ito. Ilang buwan na rin akong hindi nakakagamit ng internet, at sa kauna-unahang pagkakataon, muli akong konektado sa labas—sa katotohanan.Hindi ako nag-aksaya ng oras.Ang una kong hinanap?"Drako's father's death."Napalunok ako habang pinagmamasdan ko ang mga artikulong lumabas. Mabigat ang dibdib ko habang isa-isa kong binubuksan ang headlines na puno ng salitang "controversy," "medical malpractice," at "tragedy."Isa sa mga pinakamaraming share na artikulo ang agad tumawag ng pansin ko.“Business tycoon dies during cardiac operation under renowned Villamor surgeon”Sa unang linya pa lang ng ulat, nanlamig na ang mga kamay ko.“The patient, businessman Drake Valderama, died during an open-heart surgery conducted at Villamor Medic
Tahimik ang buong bahay. Tanging ang mahinang hum ng air conditioner at ang tikatik ng ulan sa labas ang maririnig. Nakahiga ako sa couch, yakap ang isang unan, habang tila umiikot ang paligid. Masakit ang ulo ko—hindi naman sobra, pero sapat na para maramdaman kong hindi na ako buo.Alam kong medyo lasing ako. Hindi naman ako sanay uminom, pero kanina, parang wala akong ibang paraan para makatakas. Para makalimot.Hinaplos ko ang sentido ko habang nakapikit. Hindi ko na namalayan kung anong oras na, o kung ilang minuto na akong nakatulog.Nang dumilat ako, madilim pa rin ang paligid… pero hindi na ako mag-isa.Nasa sahig si Drako, nakahiga, at nakapikit. Parang bata na pinilit matulog sa tabi ng taong ayaw siyang kausapin. Parang isang asong ligaw na hindi alam kung saan dapat pumanig—kung lalapit o lalayo.Napatingin lang ako sa kaniya. Tahimik. Maamo ang mukha. Wala ni anino ng galit o yabang. Wala 'yong Drakong sumisigaw. Wala 'yong Drakong nananakit ng damdamin ko."Why do you al
Hindi ko na alam kung anong mas malakas—ang pintig ng puso kong hindi matahimik, o ang sigawan nina Drako at Drugo na tila hindi na alintana ang mga mata ng mga tao sa loob ng bar.“She's not a thing you can just claim, Drako!” sigaw ni Drugo, halos pumutok ang ugat sa leeg niya habang humarang muli sa harapan ko.Naglalagablab ang mga mata ni Drako. Hindi siya umatras. “She’s my wife. I have every right to bring her back.”“Then maybe you should start acting like a husband,” mariing sagot ni Drugo. “You don’t own her just because of a piece of paper!”Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Nasa pagitan nila ako, pero parang wala akong tinig. Wala akong lakas. Ako ang dahilan ng bangayang ito, pero parang ako rin ang pinaka-walang boses sa lahat.“Stop it…” mahina kong bulong. “Please, both of you… just stop.”Ngunit parang wala silang narinig. Ang galit nila ay parang apoy na hindi basta mapapatay ng katiting na pakiusap.“What did you even do to her, ha?” dugtong pa ni Drugo habang nak
Pagkarating namin sa ospital, agad siyang dinala ng mga nurse at doctor sa loob ng emergency room. May sugat si Drako sa tagiliran, at kahit pa iniwan niya akong wasak at durog sa mga huling pangyayari sa pagitan naming dalawa, hindi ko mapigilang mag-alala. Hindi ko ininda ang kaba sa dibdib ko, ang nanginginig kong tuhod. Basta ang alam ko lang, gusto kong masiguro na ligtas siya.Ilang oras ang lumipas. Nang sabihing stable na raw siya at puwede nang bisitahin, ay agad akong tumayo. Hinawakan ko pa ang doorknob ng kuwarto, pero bago ko iyon mabuksan, isang boses ang narinig ko sa likuran.“Drako!”Agad kong nilingon ang pinagmulan ng boses—isang babae, seksing-seksi, naka-miniskirt at hapit ang suot na blouse. Hindi ko siya kilala. Pero halata sa kilos niya na may malalim siyang koneksyon kay Drako. Ang sunod na nangyari ay mas lalong nagpainit ng dugo ko.Bigla niya akong tinulak."Get out of my way, slut!"Napamura ako. Napaatras ako dahil sa gulat at sakit ng pagkakatulak niya.
Pinagmasdan ko ang cellphone ni Jessa habang iniisip kung anong klaseng hakbang ang gagawin ko. Hindi ko na kayang tiisin pa ang pakiramdam ng pagiging bihag, ng pag-kulong sa isang mundo na hindi ko pinili. I was desperate for something, anything, that could help me escape this nightmare. So when Jessa offered me her phone earlier, I seized the chance.“Can I borrow your phone?” tanong ko, kahit na may kaba sa aking boses. Ngunit, tila hindi ito napansin ni Jessa, o baka gusto lang niyang magbigay ng kahit anong maliit na tulong.“Sure, Ma’am,” sagot niya ng walang kaabog-abog.Tinutok ko ang mga daliri ko sa screen, ngunit ang tanging naiisip ko lang ay ang pagtawag sa aking ina. Wala na akong ibang maisip kung 'di ang makita ang mukha ng aking pamilya, ang marinig ang boses ni Mommy at Daddy.Tumawag ako, umaasa. Umaasa na sana masagot ng aking ina. Ngunit ilang ulit na ring tumunog ang ringtone bago ito tumigil. Wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya, at naramdaman ko