Share

Kabanata 12

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-05-28 20:35:26

Tahimik ang paligid nang ihatid ako ng mga alalay ni Drako sa isang silid na malapit sa maliit na chapel sa loob ng Valderama estate. Doon ako pinagbihis, nilagyan ng make-up, inayusan ng buhok—parang isang manikang nililok para sa palabas na ako rin mismo ay ayaw panoorin.

Ang kasuotan ko ay gawa sa mamahaling tela, malambot sa balat pero mabigat sa dibdib. Bawat tahi, bawat detalye ng damit ay patunay kung gaano kayaman si Drako at kung gaano niya gustong ipakitang kontrolado niya ang lahat.

“Are you ready, Ma’am?” tanong ng isang babae habang inaayos ang laylayan ng aking gown.

Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko lang ang sarili ko sa salamin, at gaya ng dati, hindi ko pa rin maramdaman na ako iyon. Sa suot kong puting damit, para akong pinaghahandaan sa burol, hindi sa kasal.

Tahimik akong lumabas ng silid. Dalawang guwardiya ang nag-abang sa labas, parang mga bantay sa bilangguan kaysa escort ng isang bride. Tahimik akong naglakad sa pasilyo, kasabay ng mahinang tunog ng violin n
Deigratiamimi

Please like, comment, gem vote and rate this book po!

| 3
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)   Kabanata 26

    Pagharap ko pa lang pabalik sa labas kasama si Drugo, biglang sumigaw si Drako mula sa likod namin.“Caleigh, stop!”Napahinto ako. Naramdaman kong biglang humigpit ang hawak ni Drugo sa braso ko, tila nag-aalalang baka may mangyaring masama.Pero hindi ako agad lumingon. Hindi ko kayang makita ulit ang mukha niyang kanina lang ay hawak-hawak ang katawan ng ibang babae. 'Yung kamay na ginamit niyang ipanghaplos sa katawan ng kabit niya—iyon din ang kamay na ngayon ay inaabot sa akin.“Let go of her,” utos ni Drako habang mabilis na lumalapit. “You’re not taking her anywhere.”Tumayo si Drako sa pagitan namin ni Drugo at pilit inabot ang kamay ko. Pero mabilis akong umiwas, mariing napaurong.“Don’t touch me,” malamig kong bulong. “You’re disgusting.”Biglang nanlabo ang mga mata niya. Nakita kong saglit siyang napatigil, parang tinamaan sa sinabi ko. Pero agad ding bumalik ang galit sa mukha niya. “I said let go of her!” sigaw niya kay Drugo.Hindi gumalaw si Drugo. Matigas ang panga,

  • The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)   Kabanata 25

    Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sa sandaling maisara ang pinto at mawala sa paningin ko ang pamilya ko, bigla akong napasugod kay Drako.“Putang ina mo!” sigaw ko, sabay tulak sa kanya nang buong lakas.Hindi siya umilag. Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa akin, malamig, walang reaksyon.“Why? Why did you let them go? Why didn’t you stop them?” sigaw ko muli habang pinagsusuntok ko ang dibdib niya gamit ang mga kamao kong nanginginig sa galit. “Do you even know what you’ve done?”“Caleigh—”“Don’t! Don’t you dare say my name as if you care!” sigaw ko habang ang luha ko’y bumabagsak na parang ulan. “You ruined everything! You took everything from me!”Hinawakan niya ang mga pulso ko, marahan pero mariin, parang pilit akong pinapakalma. Pero hindi ko kailangan ng pag-pigil. Kailangan ko ng sagot.“You think this is about your father?” malamig niyang tanong. “He’s a criminal, Caleigh. I just did what needed to be done.”Parang sumabog ang utak ko sa sinabi niya. Hinawi ko an

  • The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)   Kabanata 24

    Abala ako sa pakikipag-chat sa mga kaibigan ko mula sa London. Ramdam ko ang pananabik nila na marinig ang boses ko. Sa tagal naming hindi nagkausap, halos hindi magkasya ang kwento sa screen.“Caleigh, you disappeared for months! We thought you ghosted us!” sabi ni Lauren, ang roommate ko noon sa dorm.I laughed softly, pilit iniiwasan ang anumang emosyon na maaaring mabasa nila sa mukha ko kahit nasa video call lang kami.“I just needed some time to deal with… family stuff,” sagot ko, kasabay ng pagkunot ng noo habang sinusubukang panatilihing matatag ang boses.“Yeah, we heard about your dad. Is he okay now?” tanong naman ni Fiona, may halong pag-aalala sa boses.“He’s out. And doing better,” simpleng sagot ko. Iyon lang ang alam nila. Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam ng kasal ko kay Drako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang sabihin. Siguro dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng lahat ng ito.Bago pa man ako makapagpatuloy, bum

  • The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)   Kabanata 23

    Pagkatapos kong makakain, agad kong binuksan ang bagong phone na iniwan ni Drako. Mabilis ang naging setup, at sa bawat pindot ng daliri ko sa screen, para bang isa-isa ring bumabalik ang mundong matagal kong kinulong sa likod ng mga dingding ng bahay na ito. Ilang buwan na rin akong hindi nakakagamit ng internet, at sa kauna-unahang pagkakataon, muli akong konektado sa labas—sa katotohanan.Hindi ako nag-aksaya ng oras.Ang una kong hinanap?"Drako's father's death."Napalunok ako habang pinagmamasdan ko ang mga artikulong lumabas. Mabigat ang dibdib ko habang isa-isa kong binubuksan ang headlines na puno ng salitang "controversy," "medical malpractice," at "tragedy."Isa sa mga pinakamaraming share na artikulo ang agad tumawag ng pansin ko.“Business tycoon dies during cardiac operation under renowned Villamor surgeon”Sa unang linya pa lang ng ulat, nanlamig na ang mga kamay ko.“The patient, businessman Drake Valderama, died during an open-heart surgery conducted at Villamor Medic

  • The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)   Kabanata 22

    Tahimik ang buong bahay. Tanging ang mahinang hum ng air conditioner at ang tikatik ng ulan sa labas ang maririnig. Nakahiga ako sa couch, yakap ang isang unan, habang tila umiikot ang paligid. Masakit ang ulo ko—hindi naman sobra, pero sapat na para maramdaman kong hindi na ako buo.Alam kong medyo lasing ako. Hindi naman ako sanay uminom, pero kanina, parang wala akong ibang paraan para makatakas. Para makalimot.Hinaplos ko ang sentido ko habang nakapikit. Hindi ko na namalayan kung anong oras na, o kung ilang minuto na akong nakatulog.Nang dumilat ako, madilim pa rin ang paligid… pero hindi na ako mag-isa.Nasa sahig si Drako, nakahiga, at nakapikit. Parang bata na pinilit matulog sa tabi ng taong ayaw siyang kausapin. Parang isang asong ligaw na hindi alam kung saan dapat pumanig—kung lalapit o lalayo.Napatingin lang ako sa kaniya. Tahimik. Maamo ang mukha. Wala ni anino ng galit o yabang. Wala 'yong Drakong sumisigaw. Wala 'yong Drakong nananakit ng damdamin ko."Why do you al

  • The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)   Kabanata 21

    Hindi ko na alam kung anong mas malakas—ang pintig ng puso kong hindi matahimik, o ang sigawan nina Drako at Drugo na tila hindi na alintana ang mga mata ng mga tao sa loob ng bar.“She's not a thing you can just claim, Drako!” sigaw ni Drugo, halos pumutok ang ugat sa leeg niya habang humarang muli sa harapan ko.Naglalagablab ang mga mata ni Drako. Hindi siya umatras. “She’s my wife. I have every right to bring her back.”“Then maybe you should start acting like a husband,” mariing sagot ni Drugo. “You don’t own her just because of a piece of paper!”Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Nasa pagitan nila ako, pero parang wala akong tinig. Wala akong lakas. Ako ang dahilan ng bangayang ito, pero parang ako rin ang pinaka-walang boses sa lahat.“Stop it…” mahina kong bulong. “Please, both of you… just stop.”Ngunit parang wala silang narinig. Ang galit nila ay parang apoy na hindi basta mapapatay ng katiting na pakiusap.“What did you even do to her, ha?” dugtong pa ni Drugo habang nak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status