Share

Chapter 21: Sorry for Everything

Hanggang sa matapos silang kumain ay wala ni isa ang may gustong umimik. Panakaw-nakaw naman s’ya ng tingin sa lalaki na seryosong kumakain. Nakatutok lamang ito sa pagkain na nasa harapan n’ya at hindi man lang ito tumitingin sa kanya kaya pakiramdam n’ya na wala na talaga s’ya para rito.

“A-Ah, mommy Jasmin. Saan po ako pwede magpahinga?” Tanong n’ya sa ina ni Judd at magaan ang mga tingin na lumingon ito sa kanya.

Parang pakiramdam n’ya ay may gustong sabihin ang mommy Jasmin n’ya na hindi n’ya matukoy kung ano ‘yon.

“Ah, okay iha. Halika ituturo ko sa’yo.” Wika nito sa kanya at tumayo ito na agad naman s’yang tumayo rin upang sumunod sa sa ginang.

Dinala s’ya nito sa isang malawak na kwarto at kong hindi s’ya nagkakamali ay kay Judd itong kwarto.

“Hindi po ba dapat sa guestroom na lang ako?” Tanong n’ya sa ginang at binigyan s’ya nito ng isang tipid na ngiti.

“You can sleep here. Magpahinga ka na at pagkagising mo ay marami pa tayong pag kukwentuhan.” May lungkot sa mga mata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status