Share

Chapter 1

...I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you

I sing as I started strumming my guitar. I want to be alone today but Bethany is with me kaya sa kanya ako nakaharapa habang kumakanta. 

... I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
It could be so nice, growing old with you

She put her hand above her chest and fake a cry na tila ba touch na touch siya kinakanta ko. loka loka gusto kong matawa sa kanya. 

... I'll miss you, Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you, Feed you
Even let you hold the remote control

... So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you've had too much to drink
I could be the man who grows old with you

I smile sadly as I ended my favorite song. Hindi naman talaga ako super sad today.  Wala lang, it's just that I feel so sentimental when I woke up this morning. It's been week since that incident in his office. At first, I feel so sad  that I won't be able to see him again but eventually naging okay din naman ako.  Sabi nga nila wala namang permanente sa mundong ito so , this pain that I'm feeling right now, mawawala din ito. 

"Girl, are you sure about your plan? I mean how will you manage yourself? Malayo ang Italy girl, let's say na kahit andun pa ang lola mo iba pa rin kung dito ka sa Pilipinas. Doon ka nga pinanganak pero dito ka na lumaki, dito mga kaibigan mo, andito kami."

I decided to transfer school for the next school year. Doon ko na sa Italy ipagpapatuloy ang pag-aaral ko at hindi ko alam kung kailan ako babalik. Kaya heto si Bethany kanina pa nangungumbinse sa aking wag akong tumuloy. She didn't know what is the reason behind my transfer and I don't have any plans of telling anyone. Siguro kapag nasa Italy na lang ako saka ko na sasabihin. 

Wala din akong balak na magpaalam sa iba. Well kung meron man,  siguro si Ate Amethyst lang. She's been so nice to me at ayoko namang bigla na lang aalis ng hindi man lang nakapagpaalam sa kanya. 

Nung sinabi ko din naman kina Mom at Dad wala din naman silang sinabi. They let me decide with my life, malaki na daw ako at kaya ko nang e-manage ang sarili ko. Mukhang mas natuwa pa nga sila nung sinabi kong doon ako kay lola. Sabagay sino ba ang hindi, wala ng magpapasaway sa kanila. Si Ate Ehra nalang, ay hindi pala dahil hindi naman siya pasaway gaya ko.

"Bakit ba kasi aalis ka pa? Are you not happy here? Ganun pa rin ba treatment ng mga magulang mo sayo?"

Umiling ako sa kanya. Hindi naman yun ang dahilan ko. Gusto ko lang doon kay lola, I want to spend time with her. I missed her so much. She's been sick lately at gusto kong alagaan siya. I grew up with her, she's the one who took care of me since I was born. Kinuha lang ako nina mommy nung nag-aaral na ako. Gusto kong bumawi kay lola ngayon.

At tungkol naman sa mga magulang ko, wala namang kaso sa akin kung paano nila ako tratuhin. I'm used to that since I was small. Wala ding issue kung mas malapit sila kay Ate Ehra. Sabi naman nila pantay lang ang pagmamahal nila sa amin, so I believe that. 

"Kelan ka babalik Monique? Ilang years ka doon sa Lola mo?"

I don't know what to say. Hindi ko rin alam kung ilang years ako doon or maybe doon na talaga ako magste-stay forever. Malay natin, hindi ko alam. I don't know what the future has in store for me. Basta ang alam ko lang ay sigurado na akong doon na ako sa lola ko. 

"Ang daya mo naman. Akala ko sabay tayong ga-graduate dito. Yun pala iiwan mo rin ako." parang bata na itong nagmamaktol. 

Si Bethany ang una kong naging kaibigan. I mean ang nag-iisa ko palang kaibigan. I don't have lots of friends. I'm choosy pagdating sa mga taong kakaibiganin ko. I choose quality over quantity kaya siguro sa daming naging acquaintaces ko si Bethany lang ang natira. Siya lang kasi ang totoo sa lahat.

"Mami-miss talaga kita, malulungkot ako kapag wala ka na."

"We can always video call, Bethany." I said softly. Napansin ko ang panunubig ng mga mata niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. " Isa pa palagi naman kayong nag-aabroad ng parents mo, diba? You can visit me there anytime. We can roam around Italy, ako ang magiging tour guide mo kapag bibisitahin mo ako."

She didn't answer but I heard her sniffs. I don't want to cry at baka lalo lang kaming magka-iyakan. Kinuha ko ang guitar case at pinasok ang gitara ko doon. It's late, kailangan na din naming umuwi. 

"Don't be sad Beth, we can always catch up if we want. Basta doon lang sa ibang bansa, wag na dito sa Pilipinas."

Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Huli na ng marealize ko kung ano ang lumabas sa aking bibig. Dahil kasi sa sinabi ko nagmumukhang may iniiwasan akong makita dito sa Pilipinas.

"Are you hiding on someone, Monique? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" dama ko ang tampo sa boses niya kaya mabilis akong umiling sa kanya. 

Hindi niya pwedeng malaman na ang first crush ko ay ang first heartbreak ko din. Walang dapat makakaalam sa mga ka-oa-han na nararamdaman ko ngayon dahil tiyak pagdating ng panahon gawin pa itong katawa tawa ni Bethany. 

"It's not like that. What I mean is mas convenient kung doon tayo magkita kasi hindi ko na kailangan pang magtravel ng mas mahabang oras. Tsaka halos lahat naman ng magagandang lugar dito sa Pilipinas napuntahan na natin diba?" sadya ko pang nilambingan ang aking boses. 

"Oa naman yung napuntahan lahat. Madami pang magagandang probinsya ang hindi natin nabisita. Yung mga kilalang tourist spots palang ang napuntahan natin madami pa ang hindi. Kaya nga sinasabi ko sayong wag ka nalang tumuloy ng Italy, dito ka na lang sa Pilipinas. Si Lola mo nalang ang pauwiin mo dito."

As if naman uuwi si Lola dito. Kahit anong pilit doon. Hindi yun uuwi, mas gusto pa nun doon sa Italy kesa dito. Hindi rin naman kasi sila close ni Mommy kaya walang rason. Lola is my Dad's Mom.

"Malay mo kapag doon na ako nag-aral madami akong makikilalang papasa sa taste mo e di may mairirito ako sayo." biglang nagbago ang reaksyon ng mukha niya. I knew it. " Mas madaming pogi doon, ayaw mo bang malahian ka ng iba? Upgrade na natin ang genes natin girl. Hanap tayo ng makapagbigay sa atin ng magandang lahi in the future. Sayang naman kung hindi upgraded ang version natin." biro ko sa kanya. May upgraded version pa akong nalalaman. Ano naman kaya yun?

"Ay korek ka dyan. Sige payag na ako basta hanapan mo ako ng gwapo doon. Yung hindi lang basta gwapo gusto ko yung, malaki katawan, matangakad, hot fafa at mahaba ang--"

Pero sabay kaming natigilan ni Bethany ng biglang may tumikhin sa aming likuran. Hindi lang basta tikhim dahil mukhang may kasamang galit yung pagtikhim niya. 

Paglingon ko nakita ko ang seryosong tingin ni na pinukol ni Tristan sa akin.  What is he doing here? Tsaka bakit mukhang galit na naman siya? Ano naman ba ang kasalanan ko sa kanya? 

Akala ko ba ayaw niya akong makita pero ilang araw ko ng napapansi na andun siya kung nasaan ako. Hindi naman siguro nagkataon lahat ng yun? Or baka ano, assuming na naman ba ako?

"Oh hi! Do you need anything, Koya?" Bati ni Bethany sa kanya. Malawak pa ang ngiti ni Beth sa kanya pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Tristan. Diretso lang ang tingin nito sa akin. His  brooding eyes look so dark. His creased brows, pointed nose and well define jaw added the danger that is screaming in his face. But who cares? 

He's not in his business suit today. He's wearing black fitted polo shirt, maong jeans paired with white sneakers. May suot din siyang sumbrero na kulay itim. He looks different from his usual authoritative look. Mas mukhang bagets siya sa ayos niya ngayon or shall I say sadyang nagsuot ng ganyan para magmukhang bagets.

He also smells good. Kahit may distansya ang kinatatayuan niya mula sa amin amoy ko pa rin ang panlalaking pabango niya. That masculine scent that used to be my favorite scent before, pero hindi na ngayon. Gaya ng pangako ko sa aking sarili,  wala na akong pakialam sa kanya. Yun ang hinihiling niya diba?

"Do you know him girl?" Bulong ni Bethany pero halata namang naririnig niya. "He's looking at you. Mukhang ikaw ang sadya niya."

Nagkibit balikat ako at inisa-isang sinupin ang mga gamit ko na nasa ibabaw ng mesa. I can feel that he's staring at me. Kahit si Bethany dama ko din ang mga tingin sa akin. Tiningna ko ang kaibigan bago ako nagpaalam.

“I don’t know him Beth, gotta go.”

___________________________

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status