Share

The Billionaire's Wife
The Billionaire's Wife
Author: LadyAva16

Prologue

"Ate Louisse, good morning po. Dyan si Kuya Tris?" 

I smiled widely  at Ate Amethyst and showed her the boxes of cookies I baked for Tristan and also for her. She is Tristan's secretary and I'm close to her so every time I am giving Tristan cookies I also brought for her. 

I'm calling Tristan 'kuya'  kapag may nakakarinig pero kapag kaming dalawa lang Tris lang ang tawag ko sa kanya na ikinagagalit niya sa akin. Ang sabi niya I should call him Kuya pero ayoko. Why would I? Hindi naman kami magkadugo. Wala siyang magawa dahil sadyang matigas ang ulo ko. 

Inikot ko ang paningin sa paligid. Ang lawak nitong floor ng office ni Tris at silang dalawa lang ni Ate Amethyst ang nandito sa floor na ito.  Maganda ang pagkagawa ng interior design, maganda sa mata ang mga lightings at higit sa lahat tahimik. Tiningnan ko ang pintuan ng room ni Kuya nakasarado ito. Hmm, he's busy perhaps? Madalas kasi kapag dinadalaw ko siya dito, naabutan ko siyang nakikipagtawanan kay Ate na kailanman ay hindi niya ginagawa sa akin. Sobrang mahal ng ngiti niya kapag ako na ang kaharap niya.

"He's inside, doing something. May ni-rereview siyang documents. Do you want me to call him? May kailangan ka ba sa kanya o hinatid mo lang 'tong cookies?"

I pouted my lips and shook my head. I will just wait for him to finish whatever his doing dahil baka mapapagalitan niya na naman ako. Ayoko ng maulit yung nangyari last time na napagalitan niya ako dahil  pumasok akong bigla sa office niya at may ka-meeting pala siya. Baka kasi kapag na bad trip pa ulit si Tristan sa aki totohanin niya na yung sinabi niyang ipapa-ban niya ako dito sa building niya.

"This is for you Ate." I said, handing her the box of cookies that I made for her. "Itong kay Kuya Tris, maya ko nalang ibigay kapag hindi na siya busy." Ate Amy smiled cutely at me when she took the box. Alam ni Ate Amy na crush ko si Kuya Tristan dahil sinabi ko sa kanya pero hindi niya ako hinusgahan. Normal lang daw ang paghanga sa mga teenager na tulad ko. Pinapayuhan niya lang ako na wag masyadong dibdibin at masyado pa akong bata.

"Is he in the mood Ate? Baka kasi bugahan na naman ako ng apoy." Sabay kaming natawa ni Ate sa sinabi ko. Hindi din kasi kaila kay Ate Amy na pinapagalitan ako ni Tristan. Minsan nga sinasaway  pa siya ni Ate. Pero keri lang yun that means nakukuha ko ang atensyon niya.

I'm so bored at home kaya andito na naman ako ngayon. Actually hindi naman talaga ako dapat andito dahil pansin kong aburido si Kuya kapag nakikita niya ako pero wala kasi akong ibang mapuntahan. Ayoko namang gumala sa mall dahil mas nakaka bored lang yun. Wala din naman akong gagawin doon. Mas gusto ko pang kulitin si Kuya kahit palagi siyang nakabusangot sa akin.

Kuya Tristan's Dad, Judge Gonzales is one of my Dad's  business partner. I met Kuya two years ago when he attended my fourteenth birthday and since then hindi ko na siya nilubayan. I don't know but I really find him handsome, in fact very handsome. He's my very first crush and I think will be the last.  Gwapong-gwapo ako sa kanya. He has this struct aura. Yong tipong palaging masungit pero mas lalo lang itong nakakadagdag sa appeal niya. Pansin ko mas madaming babae ang gusto ang ganitong tipo ng lalaki. Hard to get...di ko lang alam kung easy to use ba. 

Kapag wala akong pasok dito ako dumidiritso sa office niya. Dati nung hindi pa si Ate Louisse ang secretary niya pinagbabawalan akong pumusok dito nung masungit niyang secretary. May gusto siguro yun sa kanya kaya masungit sa akin.  Pero ngayong si Ate Amethyst na, welcome na ako dito kaya friendship kaming dalawa ni Ate Louisse.

"Thank you for the cookies Ezra, my son love this so much. Yung huling binigay mo sa akin nagustuhan niya. " mahinhing sabi ni Ate. I smiled at her. Kahit may anak na si Ate Louisse para pa rin siyang dalaga. She's very pretty. Hindi lang maganda, sobrang bait pa. Minsan nga kapag naaabutan kong nagtatawan sila ni Kuya Tris nagseselos ako, feel ko kasi na may crush si Kuya Tris  sa kanya. Pero sabi ni Ate Louisse hindi niya daw bet si Kuya. Tsaka ganun lang daw yun, masyadong friendly at mapagbiro. 

Friendly at mapagbiro, siguro sa iba, pero sa akin hindi. Mukha nga akong may sakit kung makaiwas siya sa akin. Siguro kung hindi lang magkaibigan ang parents namin matagal na akong banned dito sa building nila. Pero sa akin lang din naman siya ganun dahil close naman sila ni Ate Ehra, kapatid ko.

"Upo ka muna doon. Hinatyin mo nalang matapos siya sa nire-review niya. Lalabas din yun 'pag matapos na siya." Tinuro ni Ate Amethyst ang receiving area." Do you want to drink something? May juice kami, meron ding milk."

Sumimangot ako kay Ate. Bakit naman milk? Am I that young para offeran ng milk?

"I'm just kidding. Upo ka muna doon kukuha lang ako ng juice."

Tatayo na sana si Ate Amethyst pero maagap ko siyang pinigilan. There's need for her to serve me. Hindi naman ako bisita dito sa office nila. Isa pa kabisado  ko na ang bawat sulok nitong office  at ako na lang ang kukuha ng juice para sa sarili ko. Gawan ko na lang din ng kape si Tristan para may reason ako para makapasok sa office niya. Alam ko na ang gusto niyang timpla ng kape dahil ilang beses ko na siyang pinagtimpla noon.

Actually noong una magkaibigan naman kami ni Tristan, maayos naman yung turing niya sa akin. Sinusungitan niya ako minsan pero madalas tinatawanan lang ako. But lately bigla nalang itong naging masungit sa akin. Feeling ko nasisisra ang araw niya kapag nakikita niya ako. Hindi ko naman alam kung ano ang naging kasalanan ko sa kanya.

Well maybe he's busy this past few months. I heard kasi na siya na ang nagmamanage sa ibang business nila ng daddy niya. Hindi na nga niya napractice ang pagiging abugado niya dahil sa negosyo nila. Maybe that's one of the reasons.

"Excuse me Sir, coffee break muna."

Nakita ko ang pag-angat ng kilay ni Tristan pagkakita niyang binubuksan ako ng pintuan ni Ate Amethyst. Hindi ko kasi mabuksan ang pintuan dahil sa dala kong tray ng tinimpla kong kape at hinanda kong meryenda para sa kanya kaya nakiusap ako kay Ate na buksan ang pintuan para sa akin.

Si Ate na din ang pinakisuapa kong magdala ng box ng cookies na dinala ko para kay Tristan.

"What's that Amy?" Nagawa niyang tanungin si Ate Amy pero hindi niya man lang nagawang batiin ako. Sabagay hindi nga pala ako welcome dito sa office niya.

Wag assuming Ezra Monique.

Hindi siya sinagot ni Ate Amy sa halip sinulyapan niya ako sa pasimpleng kinindatan. Ito ang gusto ko kay Ate Louisse supportive talaga siya sa mga kalokohan ko. Kaya kami close eh. Mas close pa nga kami kesa kay Ate Ehra.

"I baked some cookies napadami kaya dinala ko nalang dito." sabat ko kahit hindi naman ako ang tinatanong. Malawak pa ang ngiting pinakita ko sa kanya pero masungit pa rin itong nakatingin sa akin. "...wala na din kaming klase kaya hindi na ako masyadong busy. I can bake more, next time cake naman ang dadalhin ko. Anong flavor gusto mo? Chocolate pa rin ba?"

Pero imbes na matuwa siya sa offer ko mukhang lalo pa itong nagalit sa akin. Halos mag-isang linya na ang kilay niya. Kunot noo at nakaigting pa ang mga panga. Hindi ko talaga alam kung anong kasalanan ko sa kanya, palagi na lang siyang iritado sa akin. As far as I know wala naman akong nabasag o nasira dito sa opisina niya.

Tinutulungan ko pa nga si Ate Amy kapag madami siyang ginagawa. Minsan nga tumutulong pa ako sa janitor sa paglilinis nitong opisina niya.

Ganun ba kapag nagkakaedad na? Naging masungit? But I think Tristan is not that old. Mukhang ilang years lang naman ang agwat niya sa akin. Isa pa hindi naman halata dahil marunong siyang magdala ng sarili niya.

"Don't bother kid, make yourself busy with some other stuff. Yung may mga kabuluhan hindi yung ganitong kung ano-ano lang ang pumapasok sa utak mo. I can buy cake if I want to eat." He said irritated.

I should be offended right pero gusto ko pang matawa. Mas mahaba kasi yung sinabi niya that means he's giving me his time. Hindi lang time pati atensyon pa.

"I'm sure masarap tong cookies ni Ezra. Diba pab—"

"I don't eat cookies Amethyst, you know that. Sayo nalang kung gusto mo." Masungit niyang putol kay Ate, hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Hindi niya man lang na-appreciate ang effort ko.

Nakita ko ang pagsulyap ni Ate Amy sa akin na tila ba humihingi ng paumanhin pero ngumiti lang ako sa kanya. I'm used to his words. Inaamin kong nasasaktan ako pero ayos lang.Maybe he's not in the mood again kaya mainit ang ulo.

Ganyan kasi si Daddy at Mommy kapag stress sa trabaho palaging mainit ang ulo.

"I have too much in my plate today. Ayoko ng disturbo Amy. Just take that stuffs outside and close the door."

Napalunok ako sa sinabi niya.It's like indirectly saying na ayaw niya akong masa loob ng ospisina niya ngayon.

"I'll stay outside, Mr. Gonzales. Wag masyadong mainit ang ulo, magkape ka muna." Ate Amy said trying to lift his mood.

Bilib din ako dito kay Ate Amy tila wala lang sa kanya ang pagsusungit ni Tristan.

"I'm not in the mood to drink coffee today, pakitapon na lang or if you want you can drink that. And take that box with you, walang kakain niyan dito. Masisira lang yan." Bahagya niya pang tinulak ng dulo ng ballpen ang box na cookies na dala ko.

Parang may tumusok sa dibdib ko sa ginawa niya. I made the cookies for him kasi akala ko magugustuhan niya yun pala hindi.

"Next time Amy, don't let anyone come inside my office without any appointment. Hindi ito park o mall na kung sino-sino nalang ang pwedeng pumasok. Busy akong tao, wala akong oras para sa mga walang kwentang bagay."

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Ate Amy pero ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya maliit itong ngumiti sa akin.

"I don't want this to happen again. From now on tell the security not to allow anyone to go up her without any consent. Or else I will fire him. This getting out of hand. My office is not open for anyone. Kailangan mong ipaintindi sa security ang mga protocols dito."

Hindi na ulit ito nag-angat ng tingin. Naiiyak na ako pero pinigilan ko lang dahil alam kung nakatingin si Ate Amy sa akin. NagsisisI tuloy akong pumunta pa ako dito ngayon. Andami tuloy nadamay dahil sa kalokohan ko.

Tipid akong sumenyas kay Ate Amy para lumabas na kami. Kukunin ko na sana ang tray ng kape na tinimpla ko pero maagap akong pinigilan ni Ate.

"There's no need for you to be rude, Sir Angelo. Kung ayaw mo sa kape na gawa ni Ezra para sayo pwede mo namang sabihin ng maayos." Kinuha ni Ate Amy ang tray ng kape sa harapan niya. "Take your cookies, Ezra, kung ayaw ni Sir Angelo sa cookies na pinaghirapan mo, wag nating ipilit. We can always give that to others, yung sa may gusto."

Masungit na tumingin si Tristan kay Ate pero nakipagsukatan lang ng tingin si Ate sa kanya. At bago niya pa mailipat ang tingin sa akin agad na akong nagbaba ng tingin. I don't want to see his piercing eyes. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sariling maiyak sa harapan niya.

I'm used to him being rude to me but not as rude as this. Mukhang nasobraan ata ang init ng ulo niya ngayon at sa akin niya naibunton lahat. Worst is nadamay pa si Ate at ang security guard.

"Let's go, Ezra. Take your box and we'll give that to others."

Nag-aalangan pa akong kunin ang box ng cookies pero kinuha ko na din. Base kasi sa ekspresyon ng mukha ni Ate Amy mukhang napikon din ito kay Tristan.

"Pasensya na sa disturtbo Mr. Gonzales. Hayaan mo next time wala ng makakapasok dito sa opisina mo ng walang appointment. I will also inform the security about this. I'm sorry for being inefficient. Rest assured it won't happen again."

Yun lang ang huling sinabi ni Ate. Hindi niya na hinintay ang sagot ni Tristan at nauna na itong lumabas.

Sumunod din ako ng hindi nagpaalam sa kanya. Hindi ko rin siya tinapunan ng tingin at baka lalo lang siyang magalit sa akin.

"Leave the box."

Natigil ako sa paglakad pasunod kay Ate pero hindi ako lumingon.

"I said leave the box." Ulit niya. Akala ko ba ayaw niya sa cookies na dala ko? Bakit niya pinapaiwan?

Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nakatayo na ito ngayon. Nanatiling magkasalubong ang kilay at wala man lang kahit maliit na ngiti sa mga labi. Masungit nitong pinasadahan na tingin ang aking mukha.Hanggang sa bumaba ang tingin niya sa box na yakap ko.

"Aalis na lang ako Tris— I mean Kuya Tristan. Pasensya po sa disturbo." Halos hindi ko marinig ang boses ko sa sobrang hina ng aking pagkasabi. Nanliliit ako sa aking sarili. Tama nga naman siya hindi ito park o mall na pwede kong tambayan kung kelan ko gusto.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya pero dama ko ang intensidad ng mga titig niya sa akin.

He's clearly mad at me. Siguro napuno na siya sa pangungulit ko sa kanya nitong mga nakaraang araw.

"Nakikiusap po akong wag mo sanang pagalitan si Ate Amethyst. Ako kasi ang nakiusap sa kanyang magdala ng kape sayo dito sa loob. Sa labas niya lang talaga ako pinaghintay kanina kasi busy ka daw, ako lang yung nagpumilit. Tsaka pati po sana ang security guard,hindi niya po talaga ako pinayagan. Ako lang ang nagpumilit na umakyat dito sa opisina mo. Pasensya ka na hindi na mauulit."

I feel so embarrassed. Now I realized that hindi lahat ng gusto ko ang dapat nasusunod dahil may mga taong nadadamay. Akala ko kasi ayos lang sa kanya pero yun pala hindi na. Now I've learned my lesson.

"Hindi na talaga mauulit. Dahil simula ngayon ayoko ng pumupunta punta ka dito sa opisina ko." Humakbang siya palabas ng swivel chair niya at lumipat sa harapan ng mesa at sumandal doon. Pinag-cross ang braso sa kanyang dibdib tsaka matamang tumingin sa akin.

"I don't know why you like to come here in my office, kid. This is not a playground na pwede mong tambayan. Look at what you did, napagalitan ko pa ang secretary ko. Are you not ashamed of that? Dahil sayo may nadamay na ibang tao. Had I not told you before not to bring me those stuffs. I don't need that. There's no need for you to do that."

Nagbaba ako ng tingin para itago ang namumuong luha sa mga mata ko. Ang sakit masampal ng katotohanan.

"Now you're crying. Do you think that tears can help? Kung tanggalin ko ang gwardya sa baba dahil hinayaan kang pumasok dito may magagawa ka ba? Bakit ka ba punta ng ounta dito sa opisina ko? Wala ka bang ibang ginagawa sa bahay niyo para ako ang guluhin mo?"

Nakita ko ang pagkahulog ng luha ko sa sahig. I tried blinking many times to stop my tears pero lalo lang itong dumami.

"Tell me Ezra. Why do you keep on coming bach here? Why do you keep on disturbing me? Are you that bored na kailangan mo pang dumayo dito para lang manggulo?"

Panggulo lang pala talaga ang tingin niya sa akin. Gusto ko tuloy kaawaan ang sarili ko. Panggulo na nga ako sa bahay pati din palansa kanya.

"I don't want this to happen again. I'm not available to baby sit a brat like you. If you have nothing to do with your life go and find someone else who you could mess around. I'm running a business here and you are not one of them."

I gently wiped the tears on my face before I looked at him. I know it's my fault that I keep on messing with him that's why he reacted like that. It's fine I understand now. No need to rub it in my face.

Ganun nga talaga ang buhay may mga tao talagang hindi mo mapipilit na gustuhin ka at sa ayaw mo man at sa gusto kailangan mong tanggapin yun.

Di bale pinapangako ko na ito na ang huli kong panggugulo sa buhay niya dahil simula sa araw na ito hinding-hindi na ako lalapit sa kanya. Ni isipin siya o ibulong ang pangalan niya.

Simula sa araw na ito kakalimutan kong minsan sa buhay ko nagkagusto ako sa isang Tristan Angelo.

"I'm so sorry for all the inconvenience Atty. Gonzales. Don't worry simula sa araw na ito hindi na ako manggugulo sayo at hindi na kita lalapitan. Pasensya na po talaga."

I didn't wait for his answer, with a smile on my face, I slowly turned my back at him. At kasabay ng pagtalikod ko sa kanya ay ang pangako ko sa aking sarili na hindi ko na hahayaan ang aking sariling mangyari ito ulit sa akin.

Next time na magkakagusto ako sisiguraduhin kong hindi ko na ito ulit gawin. Kesehodang tumanda akong dalaga. Sila ang dapat na maghabol sa akin. Pinapangako ko yan.

"Ezra..." he called. I saw the guilt on his face but I just smiled at him. No need to be guilty after all he's right. I'm a brat that's why no one wanted to be with me.

I noticed his eyes landed on the box of cookies in my hand but before he could say anything I took a step and throw it in the bin.

"Goodbye Atty. Gonzales. I wish our paths will never cross again."

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Gladys Velasco Cri
sobrang rude nmn nya..nakakiyak
goodnovel comment avatar
Sharon Pangilinan
nkakaiyak nman ang story n to
goodnovel comment avatar
manika36
ay ang sakit.. naiyak aq
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status