Maxwell’s Point of ViewHabang pinapanood ko si Elle na dahan-dahang kumakain, napansin ko ang biglang pagkunot ng noo niya.“Hon, okay ka lang?” tanong ko, agad na bumangon mula sa upuan ko.Tumango siya, pero biglang hinawakan ang tiyan niya. “Medyo masakit ang tiyan ko… pero kaya ko pa naman.”Hindi ko maiwasang mag-panic kahit pilit niyang pinapakalma ako. Tumayo agad ako at tinawagan si Dr. Santiago, ang OB-GYN ni Elle.“Doc, medyo masakit daw ang tiyan ni Elle,” sabi ko, habang nakatingin sa kanya. “Should I bring her to the hospital?”Narinig kong sinagot ni Dr. Santiago na maaaring Braxton Hicks contractions lang iyon, pero pinayuhan niya akong obserbahan muna si Elle. Kung lumala ang sakit, kailangan naming pumunta agad sa ospital.Pagkababa ng tawag, nilapitan ko si Elle at inalalayan siyang mahiga nang mas komportable.“Hon, gusto mo bang pumunta na tayo sa hospital? Para sure?” tanong ko, puno ng pag-aalala.Umiling siya. “No need, Maxwell. Kaya ko pa. Let’s wait and see.
Evelyn’s Point of ViewMahigit isang buwan na ang lumipas mula noong huling check-up namin, at kahit maselan pa rin ang pagbubuntis ko, ramdam kong mas umayos na ang kondisyon ko. Pero kahit ganito, hindi pa rin ako tinatantanan ni Maxwell sa sobrang pag-aalaga. Alam kong sobrang protective siya, pero minsan gusto ko na rin siyang kausapin na mag-relax kahit kaunti.Ngayong umaga, nakahiga pa rin ako sa kama habang naririnig ko ang ingay ni Maximo sa labas ng kwarto.“Mommy, wake up! It’s breakfast time!” masiglang sigaw niya habang kumakatok.Napangiti ako. Bumangon ako nang dahan-dahan at lumapit sa pintuan, pero bago ko pa ito mabuksan, nauna nang pumasok si Maxwell, may dala-dalang tray ng pagkain.“Maximo, sabi ko kay Mommy dahan-dahan lang siya,” malambing niyang sermon sa anak namin bago siya tumingin sa akin. “Hon, you should be resting. Hindi mo kailangan bumangon para mag-breakfast.”“Maxwell,” tawa ko, “Okay lang ako, promise. Hindi mo kailangang gawin lahat.”Umiling siya
Evelyn’s Point of ViewTatlong araw na ang lumipas mula nang ma-confirm ng doktor na maselan talaga ang pagbubuntis ko. Halos lahat ng gawain ko ay naipasa na kay Maxwell, kahit ang simpleng pag-aasikaso kay Maximo. Lagi na lang akong nasa kama o kaya’y nasa sofa, parang wala akong ibang ginagawa kundi magpahinga at maghintay na bumuti ang pakiramdam ko.“Elle, ready ka na ba? Time na for lunch,” tawag ni Maxwell mula sa kusina.“Hindi pa ako masyadong gutom, hon,” sagot ko mula sa sala habang nakahiga at nakadantay ang kamay ko sa tiyan ko.Makalipas ang ilang minuto, lumapit siya, dala-dala ang isang tray ng pagkain. Nakaupo siya sa gilid ng sofa at dahan-dahang inabot ang kamay ko.“Hon, kailangan mong kumain kahit konti lang. Paano si baby natin?” malambing niyang paalala.Napalunok ako at tumango. “Sige, pero baka kaunti lang ang makain ko.”Dinampot niya ang kutsara at siya mismo ang nagsimula sa pagpapakain sa akin. Pinipilit kong ngumiti, kahit sa totoo lang ay parang ang biga
=Evelyn’s Point Of View=Dahil sa maselan ang pagbubuntis ko ay wala akong gana palagi. 3 months pa lang akong buntis. Si Maxwell naman ay papauwi pa lang sa trabaho. Tinawagan ko naman siya para magpabili ng pagkain.“Hello, hon?” mahina kong sabi nang sagutin ni Maxwell ang tawag ko.“Yes, hon, pauwi na ako. Kamusta ka? May nararamdaman ka bang kakaiba?” agad niyang tanong. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya, bagay na palaging nagpapagaan ng pakiramdam ko kahit sobrang hilo o pagod ang nararamdaman ko.“H-Hindi naman. Medyo masama lang ang pakiramdam ko… at parang gusto ko ng sinigang na baboy,” mahina kong sagot habang hawak-hawak ang tiyan ko.“Sinigang na baboy? Naku, hon, kahit saan pa ’yan, hahanapin ko! Anything else? Gusto mo ng prutas o dessert? Ice cream, maybe?”Napangiti ako sa lambing niya. “Yun lang muna. Thanks, hon.”“Basta ikaw, hon. Pauwi na ako. Love you!”“Love you, too,” sagot ko bago ibinaba ang tawag.Agad akong bumalik sa sofa at humiga, pilit pinapakalma
Matapos ang ilang sandaling pagyakap namin ni Maxwell, napatingin siya sa tiyan ko at dahan-dahang nilagay ang palad niya doon. Parang may espesyal na kuryenteng dumaloy sa amin habang magkahawak-kamay kami, damang-dama ko ang pagmamahal at pagmamalasakit niya.“Hon, ang saya ko talaga. Hindi ko akalaing magbabago ang buhay natin ng ganito kasaya,” bulong ni Maxwell habang banayad na hinahaplos ang tiyan ko. Napangiti ako sa bawat galaw niya, ramdam ko ang kanyang pagmamahal at ang pag-aalala para sa aming magiging baby.“Sana nga magiging masaya rin si Maximo kapag nalaman niya,” pabulong kong sabi habang iniisip ang magiging reaksyon ng anak namin sa balita.“Of course! Alam kong magiging excited si Maximo. Lagi niyang sinasabi na gusto niya ng kapatid, di ba? Lagi niyang binibiro na gusto niyang may kalaro,” sagot ni Maxwell, sabay kurot sa ilong ko. Napangiti rin ako, iniisip kung paano magiging protective at masayang kuya si Maximo sa kapatid niyang parating.Maya-maya pa, napans
Dumating ang araw ng dinner, at talagang nag-effort si Maxwell sa bawat detalye. Nagpunta kami sa isang eleganteng restaurant na may mga kandila sa bawat mesa at maaliwalas na tanawin sa labas ng bintana. Inayos niyang lahat, mula sa setting hanggang sa mga pagkaing pinili niya. Halatang pinaghandaan niya ang gabi para sa aming dalawa.Habang kumakain kami, hindi maalis ni Maxwell ang tingin niya sa akin. Minsan nahuhuli ko siyang nakangiti, tila kontento sa simpleng pagkakaroon ko sa tabi niya.“Thank you, hon, ha?” sabi ko sa kanya nang hindi ko na mapigilan. “Ang saya ng gabi na ‘to, para talagang espesyal.”Napangiti siya, halatang natutuwa sa sinabi ko. “Para sa akin, kahit simpleng dinner lang, basta kasama kita, espesyal na talaga.”Nakangiti akong tumingin sa kanya, pero hindi ko rin maiwasang mag-pout. “Hmm… pero isang linggo ka namang mawawala. Paano na ako?”Bigla siyang natawa, tapos inabot ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. “Kaya nga tayo nandito ngayon, para naman hindi ka