Evelyn Vion is an ordinary woman with big aspirations of becoming a renowned writer. Her life takes an unexpected turn when she meets Maxwell Fierez, a 30-year-old billionaire from a wealthy and influential family. Despite being aware of the vast differences in their worlds and backgrounds, they find themselves in a secret relationship. The question remains - how far will their forbidden love take them? Against the backdrop of Maxwell's father's disapproval and the challenges that lie ahead, fate seems determined to separate them. Unexpectedly, Evelyn discovers she is carrying their child, but she chooses to keep this news to herself. Until their paths cross once more, and Maxwell comes face to face with Evelyn's child, whose piercing blue eyes mirror his own. How will their smoldering resentment, buried anguish, and relentless urge to conceal drive them forward?
View MoreEvelyn’s Point Of View.
“Evelyn, masama kasi ang pakiramdam ko. Ipagkakatiwala ko sa’yo ng buo ang isang high-profile party,” sabi ng senior editor ko dahilan para mapatitig ako sa kanya. “Siguraduhin mo na makakakuha ka ng impormasyon sa mga maimpluwensyang tao doom, kailangan natin ‘yon para sa article.” Awtomatiko akong tumango sa bilin niya. “Pero Ms. Sarah, ipagkakatiwala niyo po ba talaga ito sa akin? Masyado pong mabigat at malaki ang event, i-ilang buwan pa lang po ako nagtatrabaho sa inyo,” wika ko sa kanya. “I won’t trust this to you if you’re not good, Evelyn. Ilang buwan pa nga lang ay kaya mo na maging senior editor, magaling at maganda ka sumulat. Magtiwala ka sa galing mo,” ngumiti ako sa sinabi niya. Thankful rin ako kay Ms. Sarah, bukod sa supportive siya ay mas ginaganahan akong magsulat dahil bawat bagay na nagagawa ko ay pinagmamalaki niya. Dahil doon ay tinanggap ko ang ibinigay niyang trabaho sa akin, bukod sa pagiging article writer sa publishing company na ito ay isa rin akong manunulat, alam niyo ma yung mga novel writer. Kinagabihan ay hinanda ko ang sarili ko, isang formal attire lang naman ang sinuot ko bago ako pumasok sa engrandeng hotel. “Ma’am yung invitation na lang po,” napalunok ako dahil wala ako no’n. “Ah wala naman pong binigay sa akin na invitation,” napahawak ako sa bag ko upang kunyare ay maghanap. “Maybe she’s a writer in a publishing company,” nang marinig ko ang malalim na boses ay awtomatiko akong napalingon. Ngunit halos mapaatras ako nang bahagya siyang malapit sa akin, tiningala ko pa siya dahil sa angking tangkad niya ngunit nang magtama ang mata namin ay asul na mata niya ang sumalubong sa akin. Napalunok ako at nahirapang hindi siya titigan dahil pakiramdam ko ay galing siya sa libro sa sobrang perpekto ng mukha niya. “Ma’am.” “Ma’am—” “Miss, you’re being called,” mabilis akong umiwas tingin nang bigla siyang nagsalita, hinarap ko ang naka-assigned sa entrance. “ID niyo na lang po ma’am pakisuot,” habilin nito kaya sinuot ko ‘yon at ipinakita sa kanya, pinapirma niya ako saglit bago ako tuluyang nakapasok sa loob. Sa muli ay nilingon ko ang lalake na tumulong sa akin, napailing na lang ako dahil hitsura pa lang niya ay masasabi kong malaki ang katungkulan niya sa event na ‘to. Humanap ako ng mauupuan at hinandang ilabas ang notebook ko, maya-maya ay nagsimula na kaagad ang event. Grabe kagarbo ang mga tao rito, damit pa lang nila ay masasabi kong sobrang mahal na. Isinulat ko ang mga sinasabi ng mga maimpluwensyang tao. Pero sabi ni Ms. Sarah ay kailangan kong humagilap ng impormasyon kay Maxwell Fierez, isa sa pinakamayaman at maimpluwensyang tao sa buong mundo. Habang nagsusulat ay natigilan ako nang may tumikhim sa gilid ko, nilingon ko ito. “Ms. Evelyn Vion?” pangungumpirma nito. “Yes po, how may I help you?” tanong ko, ngumiti ito at inabot sa akin ang isang pulang leather na envelope. “Uhm what’s this for?” “Just check it yourself ma’am,” bahagya itong yumuko kaya ngumiti ako at inilapag ‘yon sa gilid ko dahil kailangan ko isulat ang sinasabi ng nasa stage. Maya-maya ay binuksan ko ang envelope at doon ko nabasa ang unang kataga na sinabi rito. ‘You’re invited to an exclusive party for the high-profile party next week, March 11. Fiere Company.’ Nanlaki ang mata ko at napaayos ng upo, Fiere Company? Yung pinakasikat na kumpanya!? Hindi ko mapigilan ang ngiti, panigurado ay matutuwa si Ms. Sarah na nakakuha ako ng exclusive invitation. “Welcoming Mr. Maxwell Fierez!” Awtomatiko akong lumingon nang tawagin ang pangalan na ‘yon, ngunit ganoon nanlaki ang mata ko ng makita ang lalakeng tumulong sa akin kanina. ‘S-Siya si Maxwell Fierez!?’ Napalunok ako nang magsimila siyang magsalita ngunit natulala ako sa mukha niya, kahit saang anggolo ay gwapo siya! Akala ko ba sabi nila pangit at maliit na tao si Maxwell? Tsk, mga chismis talaga ay hindi totoo. Mabilis kong sinulat ang mga sinabi niya, ngunit hindi ko maalis ang ngiti sa labi dahil ang ganda rin ng boses niya. Singer ba siya noon? Nang sumulyap siya sa gawi ko ay labis na nag-init ang pisngi ko dahil matipid siyang ngumiti, sa akin ba ang ngiti na ‘yon? Napalingon ako sa gilid ko ngunit ako lang ang nakaupo sa two-seater table na ito. ‘Oh my goodness!’ Napaiwas tingin ako kaagad, kahit ilang beses ko na nabasa ang sinulat tungkol sa kanya ay hindi ako makapaniwala sa nangyari. Masyado siyang mataas, at hindi ako umaasa na may interaksyon na magaganap sa pagitan namin. Pero baka ginawa niya ‘yon para gandahan ko lalo ang isulat na article para sa kanya? Oo, baka ganoon nga. B-Balita ko ay mapang-akit ito at isang ngiti niya lang ay nahuhumaling ang mga babae sa kanya, ganoon siguro ang ginagawa niya. Napailing ako sa sariling inisip, hanggang sa biglang may maupo sa tapat ko at ganoon na lang nanlaki ang mata ko nang makita ko siya sa harap ko. “Ms. Evelyn Vion, right?” tanong niya dahilan para mapakurap ako ng maraming beses bago sunod-sunod na tumango. “Are you in charge of writing an article about us?” paninigurado niya ngunit nanlalamig ang kamay kong binitiwan ang ballpen dahil nanginginig ang kamay ko. “Y-Yes Mr. Fierez,” bahagya akong yumuko para magbigay galang. “You’re new?” he asked. “Y-Yes sir,” nakagat ko ang dila nang muli akong mautal sa harapan niya. “Great, I’m looking forward on your first article, have a blast night.” He stood up and gave me a warm smile. ‘Shit! Totoo nga na isang ngiti niya lang ay manghihina ang kalamnan ko!’ “Y-Yes sir,” yumuko ako at pinanood siyang umalis sa harapan ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko ay hindi kumalma, mabilis kong tinawagan si Ms. Sarah upang ibalita sa kanya ang nangyari. Bahagya akong lumayo sa table ko, “Ms. Sarah!” “O-Oh? Nakakagulat ka naman, bakit ka tumawag? Hindi ka naman nagkamali hindi ba?” gulat niyang tugon sa kabilang linya. “H-Hindi Ms. Sarah, n-nakausap ko harap harapan si Maxwell Fierez! N-Naimbita rin ako sa isang exclusive party!” “What? Really!?” ang nanghuhina niyang boses kanina ay sumigla. “Opo!” masayang tugon ko at natakpan pa ang bibig ko sa sobrang saya. “Good job Evelyn!” she praised which made my heart pound hard. “I knew you would do this, you’re great!” she added which made my eyes teary. “Thank you Ms. Sarah, sobrang saya ko. I would do my best to know more about Maxwell Fierez,” nakangiting sabi ko. “No, thank you, Evelyn. You made this easy for us, congratulations!” “I’ll go ahead Ms. Sarah, salamat!” Ibinaba ko na ang telepono at mahina pa akong napatalon sa saya. “Well, if you wanna know more about me, then you should come at the exclusive party, next week—” “Ay shet!” nasapo ko ang dibdib ngunit kalaunan ay bibig ang natakpan ko. “M-Mr. Fierez,” sambit ko sa pangalan niya, hindi siya makapaniwala sa naibulalas ko sa harapan niya sa gulat. “S-Sorry Mr. Fierez!” yumuko ako kaagad sa harapan niya. Mahina siyang natawa dahilan para mariin akong mapapikit, lintek na bibig ‘to! “You’re good,” he said as he pocketed his hands on his slacks. Yung mga titig niya talaga ay tumatagos hanggang sa kaluluwa ko. Ang gwapo! “Thank you Mr. Fierez,” yumuko ako dahilan para tumango siya at talikuran na ako. Nasapo ko ang dibdib sa bilis ng tibok no’n, ‘yon ba ang kamandag ng isang Maxwell Fierez?Maxwell’s Point of ViewHabang pinapanood ko si Elle na dahan-dahang kumakain, napansin ko ang biglang pagkunot ng noo niya.“Hon, okay ka lang?” tanong ko, agad na bumangon mula sa upuan ko.Tumango siya, pero biglang hinawakan ang tiyan niya. “Medyo masakit ang tiyan ko… pero kaya ko pa naman.”Hindi ko maiwasang mag-panic kahit pilit niyang pinapakalma ako. Tumayo agad ako at tinawagan si Dr. Santiago, ang OB-GYN ni Elle.“Doc, medyo masakit daw ang tiyan ni Elle,” sabi ko, habang nakatingin sa kanya. “Should I bring her to the hospital?”Narinig kong sinagot ni Dr. Santiago na maaaring Braxton Hicks contractions lang iyon, pero pinayuhan niya akong obserbahan muna si Elle. Kung lumala ang sakit, kailangan naming pumunta agad sa ospital.Pagkababa ng tawag, nilapitan ko si Elle at inalalayan siyang mahiga nang mas komportable.“Hon, gusto mo bang pumunta na tayo sa hospital? Para sure?” tanong ko, puno ng pag-aalala.Umiling siya. “No need, Maxwell. Kaya ko pa. Let’s wait and see.
Evelyn’s Point of ViewMahigit isang buwan na ang lumipas mula noong huling check-up namin, at kahit maselan pa rin ang pagbubuntis ko, ramdam kong mas umayos na ang kondisyon ko. Pero kahit ganito, hindi pa rin ako tinatantanan ni Maxwell sa sobrang pag-aalaga. Alam kong sobrang protective siya, pero minsan gusto ko na rin siyang kausapin na mag-relax kahit kaunti.Ngayong umaga, nakahiga pa rin ako sa kama habang naririnig ko ang ingay ni Maximo sa labas ng kwarto.“Mommy, wake up! It’s breakfast time!” masiglang sigaw niya habang kumakatok.Napangiti ako. Bumangon ako nang dahan-dahan at lumapit sa pintuan, pero bago ko pa ito mabuksan, nauna nang pumasok si Maxwell, may dala-dalang tray ng pagkain.“Maximo, sabi ko kay Mommy dahan-dahan lang siya,” malambing niyang sermon sa anak namin bago siya tumingin sa akin. “Hon, you should be resting. Hindi mo kailangan bumangon para mag-breakfast.”“Maxwell,” tawa ko, “Okay lang ako, promise. Hindi mo kailangang gawin lahat.”Umiling siya
Evelyn’s Point of ViewTatlong araw na ang lumipas mula nang ma-confirm ng doktor na maselan talaga ang pagbubuntis ko. Halos lahat ng gawain ko ay naipasa na kay Maxwell, kahit ang simpleng pag-aasikaso kay Maximo. Lagi na lang akong nasa kama o kaya’y nasa sofa, parang wala akong ibang ginagawa kundi magpahinga at maghintay na bumuti ang pakiramdam ko.“Elle, ready ka na ba? Time na for lunch,” tawag ni Maxwell mula sa kusina.“Hindi pa ako masyadong gutom, hon,” sagot ko mula sa sala habang nakahiga at nakadantay ang kamay ko sa tiyan ko.Makalipas ang ilang minuto, lumapit siya, dala-dala ang isang tray ng pagkain. Nakaupo siya sa gilid ng sofa at dahan-dahang inabot ang kamay ko.“Hon, kailangan mong kumain kahit konti lang. Paano si baby natin?” malambing niyang paalala.Napalunok ako at tumango. “Sige, pero baka kaunti lang ang makain ko.”Dinampot niya ang kutsara at siya mismo ang nagsimula sa pagpapakain sa akin. Pinipilit kong ngumiti, kahit sa totoo lang ay parang ang biga
=Evelyn’s Point Of View=Dahil sa maselan ang pagbubuntis ko ay wala akong gana palagi. 3 months pa lang akong buntis. Si Maxwell naman ay papauwi pa lang sa trabaho. Tinawagan ko naman siya para magpabili ng pagkain.“Hello, hon?” mahina kong sabi nang sagutin ni Maxwell ang tawag ko.“Yes, hon, pauwi na ako. Kamusta ka? May nararamdaman ka bang kakaiba?” agad niyang tanong. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya, bagay na palaging nagpapagaan ng pakiramdam ko kahit sobrang hilo o pagod ang nararamdaman ko.“H-Hindi naman. Medyo masama lang ang pakiramdam ko… at parang gusto ko ng sinigang na baboy,” mahina kong sagot habang hawak-hawak ang tiyan ko.“Sinigang na baboy? Naku, hon, kahit saan pa ’yan, hahanapin ko! Anything else? Gusto mo ng prutas o dessert? Ice cream, maybe?”Napangiti ako sa lambing niya. “Yun lang muna. Thanks, hon.”“Basta ikaw, hon. Pauwi na ako. Love you!”“Love you, too,” sagot ko bago ibinaba ang tawag.Agad akong bumalik sa sofa at humiga, pilit pinapakalma
Matapos ang ilang sandaling pagyakap namin ni Maxwell, napatingin siya sa tiyan ko at dahan-dahang nilagay ang palad niya doon. Parang may espesyal na kuryenteng dumaloy sa amin habang magkahawak-kamay kami, damang-dama ko ang pagmamahal at pagmamalasakit niya.“Hon, ang saya ko talaga. Hindi ko akalaing magbabago ang buhay natin ng ganito kasaya,” bulong ni Maxwell habang banayad na hinahaplos ang tiyan ko. Napangiti ako sa bawat galaw niya, ramdam ko ang kanyang pagmamahal at ang pag-aalala para sa aming magiging baby.“Sana nga magiging masaya rin si Maximo kapag nalaman niya,” pabulong kong sabi habang iniisip ang magiging reaksyon ng anak namin sa balita.“Of course! Alam kong magiging excited si Maximo. Lagi niyang sinasabi na gusto niya ng kapatid, di ba? Lagi niyang binibiro na gusto niyang may kalaro,” sagot ni Maxwell, sabay kurot sa ilong ko. Napangiti rin ako, iniisip kung paano magiging protective at masayang kuya si Maximo sa kapatid niyang parating.Maya-maya pa, napans
Dumating ang araw ng dinner, at talagang nag-effort si Maxwell sa bawat detalye. Nagpunta kami sa isang eleganteng restaurant na may mga kandila sa bawat mesa at maaliwalas na tanawin sa labas ng bintana. Inayos niyang lahat, mula sa setting hanggang sa mga pagkaing pinili niya. Halatang pinaghandaan niya ang gabi para sa aming dalawa.Habang kumakain kami, hindi maalis ni Maxwell ang tingin niya sa akin. Minsan nahuhuli ko siyang nakangiti, tila kontento sa simpleng pagkakaroon ko sa tabi niya.“Thank you, hon, ha?” sabi ko sa kanya nang hindi ko na mapigilan. “Ang saya ng gabi na ‘to, para talagang espesyal.”Napangiti siya, halatang natutuwa sa sinabi ko. “Para sa akin, kahit simpleng dinner lang, basta kasama kita, espesyal na talaga.”Nakangiti akong tumingin sa kanya, pero hindi ko rin maiwasang mag-pout. “Hmm… pero isang linggo ka namang mawawala. Paano na ako?”Bigla siyang natawa, tapos inabot ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. “Kaya nga tayo nandito ngayon, para naman hindi ka
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments