Share

Chapter 3

Author: Chu
last update Last Updated: 2025-09-17 21:18:02

Umaga pa lang, pagod na agad si Elena. Halos buong gabi siyang hindi nakatulog, paulit-ulit na iniisip ang kontratang pinirmahan niya kagabi. Para itong mabigat na kadena na hindi niya matanggal, pero wala siyang magagawa dahil huli na.

Ngayon, nasa tabi siya ng hospital bed ng kapatid niya. Nakaayos na sa stretcher at dinala na sa diagnostic floor para sa mga pre-surgery tests. Blood work, ECG, at kung anu-ano pang procedures na hindi niya maintindihan pero kailangang gawin bago ang operasyon.

Habang nakaupo sa waiting area, pinipiga niya ang mga daliri niya, parang doon niya binubuhos lahat ng kaba. Please, sana maging okay ka. Kailangan mong mabuhay. Hindi pwedeng mawala ka sa akin.

Minsan, napapahawak siya sa tiyan niya. Tatlong buwan na siya, pero ngayon lang niya naramdaman na doble ang bigat—isang buhay na dinadala niya, at isang buhay na sinasagip niya.

Nasa ganoon siyang kalalim na pag-iisip nang may biglang humarang na anino sa liwanag. Pag-angat niya ng ulo, bumungad ang pamilyar na pigura.

“Miss Cruz,” malamig na boses ng bodyguard ni Lucien, naka-itim pa rin na suit. “The car is ready. Mr. Montclair wants you in the estate. Elijah has been waiting.”

Napakurap si Elena, mabilis na tumayo. “Ngayon?”

“Yes. Now.”

“Pero—” napatingin siya sa pintuan kung saan dinala ang kapatid niya para sa tests. “Hindi pa tapos ang resulta ng tests. Paano kung may kailangan siya?”

“I was instructed to tell you this,” sagot ng bodyguard, tuwid ang tono. “The hospital bills, the surgery, and everything will proceed as agreed. You don’t need to worry. Your brother is in good hands. But Mr. Montclair expects you to keep your side of the deal.”

Para siyang sinampal sa mukha. My side of the deal. Kahit ayaw niya, kahit naninikip ang dibdib niya, tama ito. Pumirma na siya kagabi. Wala na siyang atrasan.

Huminga siya nang malalim, tinapik ang dibdib na parang pinapatibay ang loob. Ito na ‘yon. Simula ng bagong kulungan.

“Give me a minute,” mahina niyang sabi, at lumapit siya sa nurse station. Iniwan niya ang number niya, nakipagbilin na tawagan siya agad kung may resulta o emergency. Bawat salita niya ay parang pako sa dibdib niya, kasi alam niyang hindi siya makakatabi sa kapatid niya ngayong oras na ito.

Pagbalik niya, tahimik siyang sumama sa bodyguard.

Paglabas nila ng ospital, agad niyang nakita ang mamahaling itim na kotse na nakaparada sa gilid. Hindi ito ordinaryong sasakyan—makintab, malaki, at halatang hindi bagay sa kalumaan ng ospital. Nang buksan ng bodyguard ang pinto para sa kanya, ramdam niya ang pagtitig ng ibang tao, mga usisero na siguro nagtataka kung sino siyang isinasakay sa ganoong klaseng sasakyan.

Napatungo siya, pilit na iniwasan ang mga mata ng mga tao, at pumasok.

Habang umaandar ang kotse, napapikit siya. Hindi niya alam kung ano ang mas matindi—ang kaba para sa kapatid niya, o ang kaba para sa papasukin niyang mundo.

At sa dulo ng mahabang driveway na parang walang katapusan, sa gitna ng malalaking puno at matataas na gate, nakita niya ang Montclair estate—malawak, marangya, at parang ibang mundo.

At sa mismong mansion na iyon, naghihintay si Elijah.

At kasama nito, ang lalaking kinakatakutan at kinaiinisan niya—si Lucien Montclair.

Halos malula si Elena pagpasok ng kotse sa Montclair estate. Hindi ito basta bahay—parang palasyo. Ang main gate pa lang, mataas at gawa sa bakal na may mga inukit na insignia.

Nang bumukas iyon, bumungad ang mahabang driveway na parang hindi nauubos, napapalibutan ng malalaking puno at perpektong trimmed na damuhan. Sa dulo, isang mansyon na parang hinugot sa pelikula—puting marmol ang mga haligi, malalapad na bintana, at fountain sa gitna ng roundabout driveway.

Diyos ko… ibang mundo ‘to.

Napatikom ang labi niya. Nakakaramdam siya ng kaba at hiya. Ang simpleng bestida na suot niya at ang lumang bag na dala niya ay parang hindi dapat makapasok sa ganitong lugar.

Pagdating nila sa harap ng mansion, agad bumukas ang pinto. Bumaba ang bodyguard at binuksan ang pinto para sa kanya.

Saglit siyang nagdalawang-isip bago lumabas. Naramdaman niya agad ang malamig na hangin ng lugar. Iba ang amoy kumpara sa maliit nilang bahay—malinis ito, presko, at parang may halong mamahaling pabango.

Pag-angat ng tingin niya, nakita niya si Lucien Montclair, nakatayo sa malapad na hagdanan ng mansion.

Malamig ang ekspresyon nito, nakasuot pa rin ng perpektong suit na parang hindi man lang ito tinatablan ng init. Nakahalukipkip ang mga braso nito at nakatitig lang sa kanya.

Si Elena ay agad na napalunok, pinipilit panindigan ang loob. Hindi ako basta empleyado. Ginawa ko lang ‘to para sa kapatid ko. Hindi niya ako kayang durugin.

Bago pa siya makagalaw, may maliit na boses na sumigaw mula sa loob.

“Mama!”

Napatigil si Elena. Nanlaki ang mata niya. At bago pa siya makapagprotesta, tumakbo palabas ang isang batang lalaki—si Elijah. Nakasuot ito ng simpleng damit na pambata pero halata ang yaman sa bawat detalye—malinis, mamahalin ang sapatos, at maayos ang gupit. At ang mga mata nito ay malaki, puno ng tuwa, at walang pag-aalinlangan habang dumiretso sa kanya.

“Mama!” ulit ni Elijah, at tuluyang yumakap sa bewang niya.

Para siyang natuliro. Hindi niya alam kung paano gagalaw. Napatingin siya kay Lucien, na nakatitig sa kanila ng malamig—pero sa ilalim ng tingin na iyon, may bakas ng sakit at galit na pilit nitong tinatago.

“Elijah—” mahina niyang sabi, marahang tinapik ang balikat ng bata. “Nagkakamali ka—”

Pero lalong humigpit ang yakap ng bata. “Mama, you came back…”

Ramdam ni Elena ang pag-ikot ng mundo niya. Hindi niya kayang itulak ang bata palayo. Ang init ng yakap nito at ang inosente nitong paniniwala ay parang tinutusok ang puso niya.

Sa gilid ng mata niya, nakikita niya si Lucien, nakatayo pa rin sa hagdan, malamig ang mukha pero nakaigting ang mga panga.

“You see?” malamig nitong sabi, pero mahina lang para silang dalawa lang ang makarinig. “He doesn’t want anyone else. He wants her. And unfortunately… he sees her in you.”

Napatitig si Elena kay Lucien. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya hindi lang galit ang bumabalot sa lalaki—kundi sugat na pilit nitong tinatago.

At doon niya naisip kung anong klaseng impyerno ang pinasok nya.

Pagpasok nila sa loob ng mansion, halos mahulog ang panga ni Elena. Hindi ito bahay na karaniwan niyang nakikita—lahat marmol, kristal ang mga chandelier, at bawat sulok may obra. Pero kahit gaano kaganda, hindi iyon ang nakakuha ng pansin niya.

“Halika, Mama!” Hinila siya agad ni Elijah, walang takot at walang alinlangan. Parang natural lang.

“Elijah—” mahina niyang protesta, pero wala siyang nagawa. Napatakbo sila papunta sa isang malapad na hallway, dumiretso sa isang silid na halatang kwarto ng bata. May mga laruan, shelves ng libro, at mga stuffed toy na nakahilera ng maayos.

Sa gitna ng kwarto, kinuha ni Elijah ang isang picture frame mula sa bedside table. Hawak-hawak niya iyon na parang pinakamahalagang kayamanan sa buong mundo.

“Tingnan mo, Mama.” Inabot niya iyon kay Elena habang nangingislap ang mga mata.

Kumakabog ang dibdib niya habang dahan-dahang kinuha ang frame. Isang babae ang nasa litrato—maganda, maamo ang mukha, mahaba ang buhok, at may ngiting banayad. Nakaakbay sa kanya si Elijah na mas maliit pa noon.

Para siyang tinamaan ng kidlat. Diyos ko… parang ako.

Hindi man eksaktong kopya, pero sapat ang pagkakahawig para malito ang sinumang bata. Yung hugis ng mata, ang ilong, pati ngiti. Lalong bumigat ang loob niya.

Kung nakikita ko ang sarili ko rito… paano pa kaya ang bata?

“Si Mama,” proud na sabi ni Elijah, nakangiti habang nakatingin sa litrato. “Sabi nila wala na siya. Pero bumalik ka.”

Napalunok si Elena. Ramdam niyang tumutulo ang pawis sa sentido niya kahit malamig ang aircon ng silid. Paano ko sasabihin sa batang ito na nagkakamali siya? Paano ko sisirain ang paniniwala niya?

Dahan-dahan niyang inilapag ang frame sa mesa, saka lumuhod sa harap ni Elijah.

“Elijah…” Mahina ang boses niya, nanginginig. “Hindi ako ang Mama mo.”

Pero umiling lang ang bata, mahigpit ang kapit sa kamay niya. “Hindi totoo yan. Ikaw si Mama. Ikaw yung nasa dreams ko gabi-gabi. Hindi sila naniniwala… pero ako, alam ko. Ikaw si Mama.”

Nabitawan ni Elena ang hininga niya. Hindi niya kayang sagutin. Hindi niya kayang wasakin ang paniniwala ng batang nakatingin sa kanya na parang siya ang buong mundo nito.

At sa may pinto, hindi niya namalayang nakamasid si Lucien. Tahimik, pero matalim ang mga mata habang pinapanood ang eksenang iyon—parang sinusukat kung hanggang saan kakayanin ni Elena ang bigat ng papel na ipinapasa sa kanya.

Walang salita, pero sapat na ang bigat ng tingin niya para maramdaman ni Elena na isang maling hakbang lang—at mababaon siya sa mundong hindi na niya kayang takasan.

Pagkatapos ng mahabang sandali sa silid ni Elijah, napilitang bumitiw si Elena mula sa yakap ng bata. Hindi siya makapaniwala sa iksi ng hininga niya, para bang ilang kilometro ang tinakbo niya kahit wala naman siyang ginawa kundi tumayo at hawakan ang isang frame.

“Elijah,” marahan niyang sabi, pilit pinapakalma ang boses. “Siguro… dapat bumalik tayo sa baba.”

Biglang lumiwanag ang mukha ng bata. “Tara, Mama! Dinner tayo, masarap luto dito.” Hinila agad siya ni Elijah papunta sa hagdan, walang bahid ng pagdududa.

Pagdating nila sa dining hall, muntik nang bumuka ang bibig ni Elena sa laki at ganda ng hapag. Ang mesa ay gawa sa makintab na kahoy, kay haba na parang pwede nang magkasya ang buong barangay nila. Nakaayos ang mga kubyertos na kumikislap, parang hindi man lang nagagamit. At sa gitna, nakalatag ang mga ulam na hindi niya mabanggit ang pangalan pero halatang mamahalin—chicken roast na may makapal na sarsa, isda na parang ginto ang balat, at mga tinapay na hindi pinalad na makita sa panaderya nila.

At nandoon si Lucien. Nakaupo sa dulo ng mesa, seryoso, hawak ang isang baso ng alak na parang siya mismo ang pumili ng ubas na ginamit. Tahimik lang ito, pero sa bawat tingin ng kanyang mga mata, ramdam ni Elena na sinusukat siya.

“Papa! Kasama ko si Mama!” masayang sabi ni Elijah, hinila pa si Elena para maupo sa tabi niya.

Parang huminto ang oras. Napatingin si Lucien kay Elena, malamig ang tingin at matalim. Hindi ito agad nagsalita, pero sapat na ang bigat ng titig niya para mapakagat-labi si Elena at mapayuko.

Hindi ako ‘yon. Hindi ako ang Mama niya. Hindi ako ang babaeng iniwan ka, gusto niyang sigaw, pero wala siyang lakas.

Tahimik na nilapitan sila ng isang yaya para ayusin ang mga plato. “Ma’am, Sir, Elijah,” magalang nitong bati.

Umupo si Elena sa tabi ni Elijah, pinilit na maging normal. Pero paano ka nga ba magiging normal kung nasa gitna ka ng mala-telenovela na bangungot?

“Eat, Mama.” Inabot ni Elijah ang tinidor sa kamay niya. “Paborito mo ‘to.”

Halos malaglag ang tinidor. Paano niya alam kung ano ang paborito ko? Hindi naman ako—

Ngunit bago pa siya makapagsalita, nagsalita na si Lucien, mababa ang tono, at malamig na parang yelo.

“Don’t encourage lies, Elijah.” Tinitigan nito ang anak, pero ang mga mata ay kay Elena nakatuon. “Hindi siya ang Mama mo.”

Parang tinamaan si Elena sa dibdib. Napatigil siya, hindi alam kung sasang-ayon ba siya o ipagtatanggol ang bata.

“Pero Papa!” reklamo ni Elijah, halos mangiyak. “Tingnan mo! Siya ‘yan. Si Mama ‘yan. Bumalik na siya.”

Sandaling nanahimik si Lucien. Nilapag nito ang baso, at ang bawat tunog ng salamin sa kahoy ay parang kulog sa pandinig ni Elena.

“Eat,” utos niya sa anak. At kahit mukhang nalungkot si Elijah, sumunod ito at naglagay ng pagkain sa plato niya.

Tahimik na nagsimula ang hapunan. Ang tunog ng mga kubyertos at plato lang ang umaalingawngaw. Si Elena, hindi makakain ng maayos. Panay ang silip niya kay Elijah, na panay pa rin ang sulyap sa kanya, parang may takot na baka bigla siyang maglaho.

At sa tuwing itataas niya ang tingin, nandoon si Lucien, nakamasid, at parang naghihintay na magkamali sya.

“Do you always eat this little?” malamig na tanong ni Lucien nang mapansin niyang halos di nababawasan ang pagkain ni Elena.

Napalunok siya. “Ah… h-hindi. Medyo… hindi lang po ako sanay sa ganitong pagkain.”

Napatingin si Elijah. “Try this, mama! This is my favorite.” Tumayo pa ito, kinuha ang sandok at, nilagyan ng pagkain ang plato niya.

“Salamat…” halos mahina ang boses ni Elena. Hindi niya kayang tanggihan ang bata.

Pero ramdam niya ang tingin ni Lucien na mas lalong bumigat.

At doon niya napagtanto na sa bawat galaw niya, sa bawat ngiting ibinibigay niya kay Elijah, parang mas lalong nagagalit ang lalaki. Hindi dahil sa ginagawa niya mismo—kundi dahil sa alaala. Dahil sa babaeng halos kamukha niya, sa babaeng iniwan ang mag-ama.

At habang kumakain, parang unti-unti siyang hinihila ng sitwasyon na alam niyang hindi niya ginusto.

Pero anong magagawa niya? Sa tabi niya, may batang walang ibang gustong paniwalaan kundi siya. At sa dulo ng mesa, may isang lalaking handang gawin ang lahat para ipaalala sa kanya na hindi siya dapat nandito.

Diyos ko… anong pinasok ko?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaires Pregnant Babysitter   Chapter 3

    Umaga pa lang, pagod na agad si Elena. Halos buong gabi siyang hindi nakatulog, paulit-ulit na iniisip ang kontratang pinirmahan niya kagabi. Para itong mabigat na kadena na hindi niya matanggal, pero wala siyang magagawa dahil huli na.Ngayon, nasa tabi siya ng hospital bed ng kapatid niya. Nakaayos na sa stretcher at dinala na sa diagnostic floor para sa mga pre-surgery tests. Blood work, ECG, at kung anu-ano pang procedures na hindi niya maintindihan pero kailangang gawin bago ang operasyon.Habang nakaupo sa waiting area, pinipiga niya ang mga daliri niya, parang doon niya binubuhos lahat ng kaba. Please, sana maging okay ka. Kailangan mong mabuhay. Hindi pwedeng mawala ka sa akin.Minsan, napapahawak siya sa tiyan niya. Tatlong buwan na siya, pero ngayon lang niya naramdaman na doble ang bigat—isang buhay na dinadala niya, at isang buhay na sinasagip niya.Nasa ganoon siyang kalalim na pag-iisip nang may biglang humarang na anino sa liwanag. Pag-angat niya ng ulo, bumungad ang pa

  • The Billionaires Pregnant Babysitter   Chapter 2

    Kinabukasan, halos hindi na nakatulog si Elena. Ang buong magdamag ay nilamon ng kaba at dasal. Nakatunganga lang siya sa bangko sa tabi ng kama ng kapatid, hawak-hawak ang mga resibo at listahan ng gamot na hindi niya alam kung saan kukunin ang pambili.Pero paggising niya, mas masahol pa ang sumalubong sakanya. Pagkapasok niya sa ospital, sinalubong agad siya ng doktor. Seryoso ang itsura nito. Dito palang ay may kutob na sya na hindi magandang balita ang dala dala nito para sakanya. Matalim ang bawat salita nito na dumampi sa tenga niya. “Miss Cruz, kailangan nang maoperahan ang kapatid mo. At hindi tayo pwedeng maghintay pa ng matagal. Kung hindi sya agad maooperahan ay posibleng maging delikado ang lagay nito.”Para siyang binagsakan ng langit at lupa. Tumango lang siya, pero pagtalikod, halos manlambot na ang tuhod niya. Wala siyang pera.Kahapon pa siya nangangarap ng milagro. At ngayong araw na ito, hinihingi ng kapalaran na maglabas siya ng halagang ni sa panaginip, hindi ni

  • The Billionaires Pregnant Babysitter   Chapter 1

    Mainit ang ilaw ng fluorescent light sa lobby ng St. Lucia Medical Center, na para bang sinadya nitong ipakita ang lahat ng kaputlaan sa mukha ni Elena. Nakasiksik siya sa matigas na plastic chair at mahigpit ang pagkakayakap sa brown envelope na parang yun na lang ang natitirang kalasag niya laban sa mundo. Sa loob nun ay puro medical bills, resibo, at test results ng kapatid niyang si Luis. "Miss, pasensya na po..." Narinig niya ang boses ng nurse mula sa counter kanina pa. "Hindi po talaga natin ma-schedule yung surgery hangga't hindi cleared yung balance."Tumango lang siya. Automatic na. Kahit alam niyang wala naman siyang kasunod na hakbang. Nakasanayan na niya ang ngumiti ng konti para lang hindi mahalata na gusto na niyang maiyak.Mabigat ang mga hakbang niya nang lumayo siya sa counter. Sa gilid, tanaw pa rin niya ang corridor kung saan nakahiga si Luis. Natutulog ito, mahina ang katawan pero pilit lumalaban. Naramdaman niya ang pagkulo ng tiyan niya dahil mula kanina pa sy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status