Share

Chapter 2

Author: Chu
last update Last Updated: 2025-09-17 21:07:48

Kinabukasan, halos hindi na nakatulog si Elena. Ang buong magdamag ay nilamon ng kaba at dasal. Nakatunganga lang siya sa bangko sa tabi ng kama ng kapatid, hawak-hawak ang mga resibo at listahan ng gamot na hindi niya alam kung saan kukunin ang pambili.

Pero paggising niya, mas masahol pa ang sumalubong sakanya. Pagkapasok niya sa ospital, sinalubong agad siya ng doktor. Seryoso ang itsura nito. Dito palang ay may kutob na sya na hindi magandang balita ang dala dala nito para sakanya.

Matalim ang bawat salita nito na dumampi sa tenga niya. “Miss Cruz, kailangan nang maoperahan ang kapatid mo. At hindi tayo pwedeng maghintay pa ng matagal. Kung hindi sya agad maooperahan ay posibleng maging delikado ang lagay nito.”

Para siyang binagsakan ng langit at lupa. Tumango lang siya, pero pagtalikod, halos manlambot na ang tuhod niya. Wala siyang pera.

Kahapon pa siya nangangarap ng milagro. At ngayong araw na ito, hinihingi ng kapalaran na maglabas siya ng halagang ni sa panaginip, hindi niya kayang hawakan.

Tatlong buwan na siyang buntis, tatlong buwan na din simula noong hindi magparamdam ang tatay ng pinagbubuntis nya, at tatlong buwan na ring gulong-gulo ang isip niya. At ngayong lumalala pa ang kondisyon ng kuya niya. Parang wala nang direksyon ang lahat sa buhay nya.

Hindi nya alam kung ano ang gagawin. Kahit ang ipacheck up ang sarili nya sa health center ay hindi na nya magawa. Wala din syang vitamins na iniinom para sa batang nasa sinapupunan nya. Ang nobyo nya ay bigla nalang naglaho kinabukasan pagkatapos nitong malaman na buntis sya.

Nakipag break lang ito sa chat at sinabing hindi pa handang maging ama. Gusto itong sumbatan ni Elena pero naka block na sya dito, at kahit ang nanay nito ay wala ding amor sakanya.

“Two hundred thousand…” mahina niyang bulong habang nakatayo sa corridor, mahigpit ang pagkakahawak sa lumang bag. “Saan ko kukunin ‘yon?”

Napahawak siya sa tiyan niya. Tatlong buwan. Kahit pa maliit pa ang umbok, ramdam niya ang bigat ng responsibilidad na nakapatong sa balikat nya. Sya lang ang parehas inaasahan ng kapatid nya na nag-aagaw buhay at ng anak nya na nasa sinapupunan.

Hindi ako puwedeng bumigay. Hindi puwedeng bumigay ngayon. Kailangan pa sya ng kapatid nya. Kawawa ito kung susuko sya ngayon.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang may humarang sa daan niya.

“Miss Cruz.”

Napalingon siya, at halos mamilog ang mata niya nang makita ang lalaki—ang isa sa mga bodyguard kahapon. Malaki ang pangangatawan nito, nakasuot pa rin ng maayos na suit, at parang hindi alintana na nasa pampublikong ospital siya. Kitang-kita ang tingin ng ibang tao sakanila, at ramdam nyang parang biglang lumamig ang hangin sa paligid.

Napaatras siya nang bahagya. “Anong ginagawa mo dito?”

“Gusto kang makausap ni Mr. Montclair.” Diretso ang tono nito, walang pasakalye. Para bang ginto ang bawat oras nito na hindi dapat sayangin.

Parang biglang kumulo ang dugo niya sa narinig. “Sabihin mo sa boss mo, wala akong oras para sakanya. Kapatid ko ang iniintindi ko. Hindi ko siya kailangan, at hindi ko siya kilala.”

Bahagyang kumunot ang noo ng bodyguard. “Hindi siya sanay na tinatanggihan. At...hindi matigil kakaiyak si Elijah mula pa kahapon .”

Tumama iyon kay Elena na parang palaso. Elijah. Yung bata kahapon na umiiyak habang nakadikit sa kanya at tinatawag siyang Mama. Isang saglit, parang naramdaman niya ulit yung maliit na kamay na kumapit sa damit niya, at ang titig na punong-puno ng pag-aasam.

Pero agad niyang pinutol ang alaala. “Wala akong pakialam,” matigas niyang sagot. “May sarili akong problema. Kung gusto niya ng kausap, humanap siya ng ibang tao. Hindi ako iyon.”

Tumalikod siya at nagmamadaling lumayo. Pero bawat hakbang ay mabigat, parang may nakatali sa kanya.

Hindi. Hindi ko siya hahayaan. Hindi ako tatali sa mundo niya.

At saka, bakit nga ba siya? Dahil lang kamukha niya ang Mama ng anak nito? Dahil lang napagkamalan siyang ina ng batang iyon? Hindi siya manloloko. Hindi siya desperada—

Huminto siya at pumikit. Hindi nga ba?

Naramdaman niya ang malakas na tibok ng puso niya, at ang bigat ng tiyan niya. Ang boses ng doktor kanina ay paulit-ulit sa isip niya. 

Para siyang sinasakal.

Kung tatanggi siya, ano ang mangyayari? Kung hindi siya kikilos, baka bukas, wala na ang kapatid niya. Hindi na niya kayang ulitin ang sakit ng pagkawala. Halatang mayaman ang lalaking iyon, at mukhang may kailangan sakanya kaya gusto syang kausapin. Pwede nya itong hingian ng pabor.

Pagmulat niya ng mata, nakita pa rin niya ang bodyguard, nakatayo at tila alam na babalik siya. Hindi pa niya kaya. Hindi pa siya handa. Hanggat maaari ay ayaw nyang magkaroon ng utang na loob—lalo na sa lalaking iyon.

“Sabihin mo… wala akong oras para sa kanya. Wala akong pakialam.”

Pero alam niyang kasinungalingan iyon. Dahil sa bawat tibok ng puso niya, ramdam niyang unti-unti siyang natutulak papunta sa desisyon na kinatatakutan niya.

Maghapon nang parang binugbog si Elena ng emosyon. Simula pa kaninang umaga, hindi na siya halos nakakain nang maayos. Nakaupo siya ngayon sa lumang bench sa labas ng ward, parang lantang gulay na nakatitig lang sa sahig na puno ng gasgas. Hawak-hawak pa rin niya ang cellphone, pero wala namang dumarating na mensahe, wala ring milagro.

Wala na akong ibang kakapitan…

Pinilit niyang isiksik sa isip na may ibang paraan, pero paulit-ulit na sumasagi ang katotohanan na wala. Hindi sapat ang naipon niya. Kahit pa ibenta niya ang natitirang alahas ng mama nila, kahit pa magpunta siya sa bawat kaibigan at mangutang, hindi pa rin aabot.

Napapikit siya, sinusubukang pigilan ang pagbagsak ng luha. Pero hindi pa siya tuluyang lumulubog sa kawalan nang biglang may huminto sa harap niya.

“Miss Cruz.”

Nanlamig ang buong katawan niya. Mabigat, malamig, at walang pasensya ang boses na iyon.

Pag-angat ng tingin niya, napatigil siya sa paghinga. Nakatayo sa harap niya si Lucien Montclair mismo—matangkad, naka-itim na suit na parang hindi man lang nadadapuan ng alikabok sa ospital, malinis at nakakatakot ang presensya nito. Ang tindig nito ay parang sanay na lahat ng mata ay mapunta sa kanya, at ngayon, lahat ng mga pasyenteng nagdaraan ay tahimik na pasimpleng sumisilip.

“Anong ginagawa mo dito?” halos pasigaw ang boses niya, puno ng gulat at galit. Tumayo siya mula sa pagkakaupo, parang instinct na kailangan niyang depensahan ang sarili.

“Hindi ka nakikinig,” malamig na sagot ni Lucien. Walang pakialam kung may mga nakakarinig. “I told my men to fetch you. You refused. So I came myself.”

Nanginginig ang dibdib ni Elena sa sobrang inis. Mabilis nya itong dinuro. “Hindi kita kailangan. Hindi ako isa sa mga tauhan mo na pwedeng utusan mo kung kailan mo gusto. Kung may problema ka, wag mo akong idamay.”

Ngumisi si Lucien, pero walang humor sa labi nito. Mapait ngunit mapanganib. “You think you have a choice?”

“Of course I do!” sagot niya, halos mabasag ang boses. “Kapatid ko ang nasa ospital, hindi ko siya iiwan para sa mga kalokohan mo.”

Tahimik si Lucien sa loob ng ilang segundo. Ang tanging naririnig ni Elena ay tibok ng puso niya at ang ingay ng mga trolley ng nurse na dumadaan. Pero nang magsalita ito ulit, iba na ang tono—hindi na banta, kundi parang business deal.

“Then let me make this easier for you.” Malinaw at mabagal ang boses nito, parang sinasadyang ipako sa utak niya ang bawat salita. “I need someone to look after my son, Elijah.”

Napakurap si Elena. “What?”

“I don’t trust strangers. My son doesn’t want strangers either. Yesterday, he clung to you as if…” hindi nito tinuloy, pero halata sa paninigas ng panga nito ang galit na pilit nitong sinosolo. “…as if you were her.”

Napalunok si Elena, kinuyom ang palad. As if I were his mother.

Nakatitig si Lucien nang direkta sa kanya, mabigat, halos tinutulak siyang sumuko. “Be Elijah’s babysitter. In return, I’ll make sure your brother gets the surgery he needs.”

Para siyang binuhusan ng apoy at yelo sa parehong oras. Gusto niyang sigawan ito. Gusto niyang sabihin na wala siyang balak magpaalila, lalo na sa taong ito na walang ginawa kundi bigyan siya ng titig na parang krimen ang mukha niya.

Pero sa kabilang banda, nakita niya sa isip ang kapatid niya—nakahiga, nanghihina, at umaasang maililigtas niya. At naramdaman niya ang banayad na galaw ng maliit na buhay sa loob niya, tahimik na nagpapaalala na hindi lang siya ang nakasalalay dito.

“Hindi ako… hindi ako yaya.” Halos pabulong niyang protesta, pero ramdam niya ang pagkabasag ng sariling depensa.

“You’ll learn.” Malamig at tiyak ang sagot ni Lucien. “Or your brother will pay the price of your pride.”

Tumigil ang mundo nya dahil sa anghang ng mga salita nito.

Si Elena ay napahawak sa dibdib niya, kinakalaban ang bugso ng emosyon—galit, takot, at desperasyon. Hindi siya makahinga. Gusto niyang tumakbo at  gusto niyang sumigaw na unfair ito. Pero sa dulo, isa lang ang iniwan sa kanya ni Lucien: isang alok na hindi niya pwedeng tanggihan.

Isang oras matapos ang usapan nila ay natagpuan nya ang sarili nya sa isang maliit na private lounge ng ospital, nakaupo sa harap ng isang mesa na punong-puno ng papel. Makinis, makapal, at halatang hindi lang basta-basta ang mga dokumentong nasa harap nya. Sa kabilang dulo, nakaupo si Lucien—relaxed at parang nasa boardroom lang siya, hawak ang isang mamahaling fountain pen.

“Ito na ba talaga ang kapalit ng buhay ng kapatid ko?” mahina niyang tanong, halos pabulong, habang nakatitig sa mga papel.

“Yes,” malamig na sagot ni Lucien. “It’s a simple arrangement. You’ll take care of Elijah and I’ll take care of your brother’s bills.”

“Simple daw,” mapait niyang ulit. Binuklat niya ang mga pahina. Doon niya nakita ang mga clause na parang tinik sa lalamunan nya.

No contact with media or outsiders about Elijah. Obedience to employer’s instructions at all times. Residency required—must live in the Montclair estate.

Napatigil siya sa huling linya.

“Residency required?” Tinaasan niya ng kilay si Lucien. “Ibig sabihin, titira ako sa bahay mo?”

“Yes,” sagot nito na parang wala lang. “Elijah doesn’t need a part-time babysitter. He needs stability. He needs someone who won’t walk away.”

Para siyang sinampal. Hindi ako tulad ng asawa mo na iniwan ka, Lucien.  Pero kinagat niya ang dila niya, pinipigilang magsalita dahil baka ma offend ito at kung ano pa ang gawin sakanya.

“Paano ang kapatid ko? Paano kung kailangan ako dito?”

“I’ll make sure he’s taken care of,” sagot ni Lucien, diretso ang tingin sa kanya. “You’ll have access to visit him, but your primary obligation will be Elijah.”

Namilog ang mga mata ni Elena. “Primary obligation? Hindi ba dapat pamilya ko ang uunahin ko?”

“No,” putol ni Lucien. Walang alinlangan at walang awa. “Once you sign this contract, you will work for me and your loyalty is to Elijah.”

Napatigil siya. Naramdaman niya ang panginginig ng mga daliri niya habang hawak ang papel. Parang isang kulungan na pilit niyang nilalabanan, pero sa bawat saglit ng pagtanggi niya, lalo lang niyang naiisip ang itsura ng kapatid niyang nakahiga sa kama—maputla, nanghihina, at halos wala nang oras.

Ano bang laban ko? Kahit magtrabaho ako ng sampung taon, hindi ko mababayaran ang operasyon bukas. Kahit anong pride, hindi mabubuhay ang kapatid ko kung wala akong gagawin.

Napahawak siya sa tiyan niya. Dalawang buhay ang umaasa sa kanya.

“Hindi ako laruan na pwedeng kontratahin lang…” bulong niya, pero kumawala rin ang luha na pilit niyang pinipigil.

Lucien leaned forward, inilapag ang pen sa harap niya. “No one is forcing you. You have the choice to walk away.”

Napakagat siya ng labi. “And let my brother die?”

Hindi sumagot si Lucien. Hindi rin kailangan, dahil alam nilang pareha kung ano ang magiging desisyon nya.

Doon siya tuluyang gumuho. Hinawakan niya ang fountain pen, nanginginig ang kamay, at unti-unting isinulat ang pangalan niya sa linya. Sa bawat stroke ng tinta, para siyang tinatanggalan ng kalayaan.

Clara Elena Cruz.

Pagkatapos ay ibinagsak niya ang fountain pen at mabilis na pinahid ang luha bago pa ito mapansin ni Lucien. “Satisfied?” malamig niyang tanong, pilit na pinapatatag ang boses nya kahit basag ang loob nya dahil sa naging desisyon nya.

Lucien picked up the contract, sinilip ang pirma, at tumango. “Good. Starting tonight, you’re moving into my estate. Elijah is expecting his babysitter.”

Babysitter.

Parang lason ang salitang iyon, pero tinanggap niya. Dahil wala na siyang ibang pagpipilian.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaires Pregnant Babysitter   Chapter 3

    Umaga pa lang, pagod na agad si Elena. Halos buong gabi siyang hindi nakatulog, paulit-ulit na iniisip ang kontratang pinirmahan niya kagabi. Para itong mabigat na kadena na hindi niya matanggal, pero wala siyang magagawa dahil huli na.Ngayon, nasa tabi siya ng hospital bed ng kapatid niya. Nakaayos na sa stretcher at dinala na sa diagnostic floor para sa mga pre-surgery tests. Blood work, ECG, at kung anu-ano pang procedures na hindi niya maintindihan pero kailangang gawin bago ang operasyon.Habang nakaupo sa waiting area, pinipiga niya ang mga daliri niya, parang doon niya binubuhos lahat ng kaba. Please, sana maging okay ka. Kailangan mong mabuhay. Hindi pwedeng mawala ka sa akin.Minsan, napapahawak siya sa tiyan niya. Tatlong buwan na siya, pero ngayon lang niya naramdaman na doble ang bigat—isang buhay na dinadala niya, at isang buhay na sinasagip niya.Nasa ganoon siyang kalalim na pag-iisip nang may biglang humarang na anino sa liwanag. Pag-angat niya ng ulo, bumungad ang pa

  • The Billionaires Pregnant Babysitter   Chapter 2

    Kinabukasan, halos hindi na nakatulog si Elena. Ang buong magdamag ay nilamon ng kaba at dasal. Nakatunganga lang siya sa bangko sa tabi ng kama ng kapatid, hawak-hawak ang mga resibo at listahan ng gamot na hindi niya alam kung saan kukunin ang pambili.Pero paggising niya, mas masahol pa ang sumalubong sakanya. Pagkapasok niya sa ospital, sinalubong agad siya ng doktor. Seryoso ang itsura nito. Dito palang ay may kutob na sya na hindi magandang balita ang dala dala nito para sakanya. Matalim ang bawat salita nito na dumampi sa tenga niya. “Miss Cruz, kailangan nang maoperahan ang kapatid mo. At hindi tayo pwedeng maghintay pa ng matagal. Kung hindi sya agad maooperahan ay posibleng maging delikado ang lagay nito.”Para siyang binagsakan ng langit at lupa. Tumango lang siya, pero pagtalikod, halos manlambot na ang tuhod niya. Wala siyang pera.Kahapon pa siya nangangarap ng milagro. At ngayong araw na ito, hinihingi ng kapalaran na maglabas siya ng halagang ni sa panaginip, hindi ni

  • The Billionaires Pregnant Babysitter   Chapter 1

    Mainit ang ilaw ng fluorescent light sa lobby ng St. Lucia Medical Center, na para bang sinadya nitong ipakita ang lahat ng kaputlaan sa mukha ni Elena. Nakasiksik siya sa matigas na plastic chair at mahigpit ang pagkakayakap sa brown envelope na parang yun na lang ang natitirang kalasag niya laban sa mundo. Sa loob nun ay puro medical bills, resibo, at test results ng kapatid niyang si Luis. "Miss, pasensya na po..." Narinig niya ang boses ng nurse mula sa counter kanina pa. "Hindi po talaga natin ma-schedule yung surgery hangga't hindi cleared yung balance."Tumango lang siya. Automatic na. Kahit alam niyang wala naman siyang kasunod na hakbang. Nakasanayan na niya ang ngumiti ng konti para lang hindi mahalata na gusto na niyang maiyak.Mabigat ang mga hakbang niya nang lumayo siya sa counter. Sa gilid, tanaw pa rin niya ang corridor kung saan nakahiga si Luis. Natutulog ito, mahina ang katawan pero pilit lumalaban. Naramdaman niya ang pagkulo ng tiyan niya dahil mula kanina pa sy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status