Share

Kabanata 7

Luther

"Ngayun masaya ka ba? Masaya ka na ba Shiela?"nanalilisik ang mga mata kong sigaw dito. Gustong-gusto ko na itong sakalin para matapos na ang lahat. Gustong-gusto ko itong isama kay Abby sa kabilang buhay.

" Luther, patawarin mo ako. Nadala lang ako sa matinding pagmamahal na nadarama ko sa iyo. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. " umiiyak na wika ni Shiela. Halatang-halata ang takot nito dahil nanginginig ang buo nitong katawan.

"Bwesit Shiela!!! Alam mo namang hindi ka na iba sa akin. Itinuring na kitang kapatid pero sinira mo ang lahat. Ngayun sabihin mo sa akin.. Anong parusa ang gusto mo!!!" sigaw ko dito habang pinipigilan ko ang sarili kong muli itong saktan.

"Im sorry... Hindi ko alam.. Patawad!" umiiyak na sagot nito.

"Hindi... Ganoon na lang ba iyun? Pagkatapos malagutan ng hininga sa sarili kong mga kamay ang pinakamamahal kong asawa ganoon na lang ba iyun? Sa palagay mo basta na lang kitang patatawarin?" galit kong wika dito. Maang naman na napatitig sa akin si Shiela na noon ay walang humpay ang pag-iyak.

" Luther maawa ka sa akin. Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito. Ako lang ang naging kasama mo sa tuwing lugmok na lugmok ka. Patawarin mo na ako." sagot nito.

"bakit nagawa mo akong lukuhin? Bakit nagawa mong utusan si Dr. Yu na magbigay ng maling findings?" galit kong wika dito.

"Dahil mahal kita! Mahal na mahal kita Luther... Mahal kita hindi dahil mag best friend tayo. Mahal kita bilang isang lalaki!" sigaw na wika ni Shiela.

Maang naman akong napatitig dito. Hindi ako makapaniwala sa narinig.

"All this years pinangarap ko na sana ako na lang. Pero nagpakasal ka sa iba. Nagpakasal ka sa lintik na babaeng kailan mo lang nakilala. Ang akala mo ba hindi masakit sa akin iyun? Sobrang sakit Luther. Nandito lang ako sa tabi mo pero ang layo ng tingin mo. Nasa tabi mo ako palagi pero hindi mo napapansin ang pagiging babae ko!" galit ba wika nito.

Umiling ako sabay titig kay Shiela ng masama. Lalong lumaki ang galit na nararamdaman ko dito.

" Wala akong pakialam sa nararamdaman mo Shiela. Baliw ka!!! Baliw ka! sinungaling!!!" galit kong sigaw dito.

" Mas baliw ka Luther dahil pinatay mo ang asawa mo!! Ang bilis mong naniwala sa isang kasinungalingan. Hindi ko akalain na may pagka-tanga ka din pala.!" galit na wika nito. Nginisihan pa ako nito.

Agad na nagpanting ang tainga ko at malakas ko itong sinampal. Lalo itong napahiyaw sa sakit habang nakatitig ng masama sa akin.

" Bakit masakit ba? Sabagay kriminal ka nga pala. Sanay ka ng pumatay!" pagpapatuloy na wika nito. Naisabunot ko naman ang mga kamay ko sa buhok ko.

"Patayin mo na lang ako Luther. Kung ang kamatayan ng sarili mong kaibigan ang susi para mabawasan ang konsensiya na nararamdaman mo ngayun mas mabuti pang patayin mo na lang ako!" galit na wika nito

"Huwag kang mag-alala. Mangyayari iyang hinihiling mo. Pero huwag muna ngayun. Hindi pa ako tapos sa inyo ni Dr. Yu. Hindi pa ako tapos na pahirapan kayo! Dahil kahit pagpipira-pirasuhin ko pa ang katawan niyo hindi maiibsan ang sakit na ibinigay niyo sa puso ko.. Sa buo kong pagkatao" galit kung wika dito.

"Hayup ka Luther. Pakawalan mo ako dito kung hindi ako mismo ang magpapabagsak sa iyo. Alam ko lahat ng sekreto mo kaya siguraduhin mo na mapatay mo ako bago ako makawala dito!!!" nanghahamon na wika ni Shiela.

"Not so fast Best friend. Hindi ako natatakot sa mga sinabi. Kilala mo ako diba? Alam mo ang ugali ko.. Hindi ako basta-basta nagpapasindak kung kani-kanino lang." nakangisi kong wika dito.

"Hanapin niyo ang mga magulang ni Shiela. Siguraduhin niyong buhay silang madadala dito sa harap ko." utos ko sa mga tauhan ko habang hindi inaalis ang tingin dito.

"Anong gagawin mo? Bakit mo dinadamay ang pamilya ko? Luther!!!?" galit na wika ni Shiela.

"Malalaman mo pagdating nila. Huwag kang atat. Ienjoy mo muna ang natitirang buhay mo Shiela." nanlilisik ang mga mata kong wika dito.

"Lester ipatawag mo lahat ng abogado ko. Ipaasikaso mo lahat ng kayamanan ng mga Sandoval. Kukunin ko ang lahat ng kung anong meron sila hangang sa kahuli-hulihang sintimo!" galit kong wika. Gulat na napatitig sa akin si Lester. Napasigaw naman si Shiela.

" Luther No!! Huwag mo itong gawin.. Huwag mong idamay ang pamilya ko! Wala silang kasalanan.. Ako lang ang may kasalanan sa iyo!" galit na sigaw ni Shiela.

" Hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko Shiela. Alam mo ang ugali ko diba? Ginagawa ko ang lahat ng nasabi ko na! " galit na wika ko dito habang hinahawakan ang baba nito at buong pwersa na itinulak. Napaigik ito sa sakit kasabay ang pagmumura.

"Hayop ka Luther! Hayop kaaaa!" nagsisisigaw na wika nito.

"Matagal ko ng alam iyan Shiela. Sobrang tagal na. Kaya manahimik ka diyan bago ko pa maisipan na ipaputol iyang dila mo!" galit na wika ko dito.

"Isang salita pa, isang sigaw pa! Hindi ako manghihinayang na ipahila iyan dila mo.. I*****k mo sa mapurol mong utak iyan!" galit na wika ko dito.

"Lester, gawin niyo na lahat ng ipinag-uutos ko. Gusto ko bukas ng umaga nakahanda na ang lahat ng mga papeles na kailangan ko." wika ko dito. Agad naman tumango si Lester at nagmamadali naman itong tumalikod.

Nginisihan ko si Shiela. Titiyakin kong habangbuhay nitong pagsisisihan lahat ng mga kasalanan na nagawa sa akin.

Pagkatapos nito ay nagpasya na akong umakyat ng kwarto. Nakasalubong ko pa si Nanay Nilda sa hagdanan. Malungkot itong ngumiti sa akin.

"Hindi ka ba muna kakain Luther? Nahanda na ang pagkain mo sa lamesa. Huwag kang matulog ng gutom." wika nito sa akin.

"Iligpit niyo na iyun Nay. Wala po akong gana." malungkot kong wika dito.

"Luther, huwag mong parusahan ang sarili mo dahil sa mga nangyari. Isipin mong maraming mga tao na umaasa sa iyo. Hindi ka masamang tao anak." wika ni Nanay Nilda. Napatitig ako dito.

"Pinatay ko siya Nay. Pinatay ko ang babaeng mahal ko. Hindi ko man lang siya pinakinggan..hindi ko man lang siya pinaniwalaan." umiiyak kong wika dito. Si Nanay Nilda na ang sumubaybay sa akin hangang sa paglaki ko. Ito ang kasa-kasama ko habang nasasaktan akong nakikita ang wasak namin na pamilya dahil sa kagagawan ng malandi kong ina. Si Nanay Nilda ang karamay ko noong mga panahon na halos mabaliw ako ng magpakamatay ang aking ama sa harapan ko.

Nakita kung paano nagdusa ang aking ama sa pag-iwan sa amin ni Mommy. Alam kong hindi ito nagkulang bilang isang padre de Pamilya kaya lang may mga babae talagang hindi marunong makontento. Isa na doon ang sarili kong Ina.

Lumaki akong may galit sa mga babae. Tanging si Shiela lang ang kaisa-isang babae na naging malapit sa akin. Ang babaeng itinuring ko na ding kapatid. Pero pati ito nagawa din akong lukuhin.

Tanging si Abby lang ang naging tapat sa akin. Pero pinagbintangan ko pa ito sa isang kasalanan na hindi niya ginawa. Napakatanga ko! Inaakala ko na ang lahat ng babae ay katulad ng Ina ko. Nagkamali ako ng husga. Ngayun wala na.. Sira na ang lahat sa akin

Sirang sira na ang buhay ko. Sira na ang pangarap ko na bumuo ng sariling pamilya kasama ang mahal ko. Hindi ko na maibabalik pa ang lahat pero sisiguraduhin ko na magbabayad ang mga taong sangkot dito.

Naramdaman ko ang paghawak ni Nanay Nilda sa mga kamay ko. Umiiyak ito habang nakatingin sa mga mata ko.

"Luther anak, alam kong hindi ka masamang tao. Alam kong mahirap tangapin ang pagkawala ni Abby. Pero matapang ka. Kayanin mo Luther. Nagawa mo na ito noon diba? Nagawa mong lumaban sa buhay sa kabila ng pagkawala ng ama mo? Ngayun anak gawin mo ulit. Ilabas mo ulit ang lakas ng kalooban mo. Huwag kang magpadala sa matinding kalungkutan. Huwag Luther... " umiiyak na wika ni Nanay Nilda. Agad naman akong yumakap dito.

Para akong bumalik sa dating luther. Ang teenager na Luther na walang ibang sandalan kundi ang aking Nanay Nilda noong mga sandaling pamiramdam ko ay iniwan ako ng lahat.

" Iiyak mo lang lahat ng sama ng loob mo dito sa mundo anak." wika ni Nanay Nilda habang hinahaplos ang likod ko.

"Naging biktima ka lang din ng malupit na kapalaran. Pero huwag kang tumigil. Marami pang mga batang naghihintay sa mga bahay ampunan upang matulungan mong makawala sa matiding kalungkutan at kahirapan." wika ni Nanay. Kumalas naman ako mula sa pagkakayakap ko dito.

Tama si Nanay. Marami pa akong dapat tulungan

Marami pa akong dapat gawin. Para sa kanila. Para sa kanila na lang. Pipilitin kong maging matatag.

Maraming hindi nakakaalam na isa akong Philanthropist. Sa kabila ng pagkakasangkot ko sa ibat-ibang illegal na transaction nagawa ko pa ring tumulong sa mga mahihirap na tao. Laman ako palagi ng black market. Sa kabila ng pagiging bilyonaryo at negosyonte ko hindi ko pa rin maiiwasan na sumali sa mga illegal na gawain. Sa ganitong paraan ako nag-umpisa bago ako yumaman. Pero hindi puro kasamaan ang ginagawa ko. Ilang salot na politiko na ba ang napatay ko? Hindi ko na mabilang. Sobrang dami na. Kahit papaano may konsensya pa rin naman ako. Hindi ako pumapatay ng inosente. Tanging si Abby pa lang.

Mula noon hangang ngayun, naging abala ako sa pagtulong sa mga batang nasa bahay-ampunan. Hindi man ako nakikita na kasali sa mga charity events pero sa akin galing ang pera na ginagastos. . Kaya nga dito ko nakilala si Abby..Ang pinakamamahal kong si Abby.

Siguro ito na lang muna ang pagkakaabalahan ko para makabawi sa lahat ng kasalanan ko. Lalo ko pang doblihin at ibuhos lahat ng pwede kong maitulong sa kanila. Lalong lalo na sa bahay ampunan na pinanggalingan ni Abby.

Comments (7)
goodnovel comment avatar
Chloe DeAsis
nakakaiyak huyy
goodnovel comment avatar
Catherine Lava
name ng author pls
goodnovel comment avatar
Irene Bello
unlock po next chapter
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status