Share

Kabanata 6

Third Peson POV

"Huwag... Huwag... Huwag!!!!" sigaw ng natutulog na si Abby. Nakataas pa ang mga kamay nito na pakiwari ay may sinansangga. Pawisan ito at umiiyak. Halata ang takot nito sa mukha habang sumisigaw.

Kitang-kita din ang mga pasa at sugat nito sa buong katawan pati na sa mukha. Kaawa-awa ang hitsura nito at hindi mo aakalain na matinong tao pa ba ang nanakit dito. Kung titingnan kasi ang hitsura ni Abby swerte na lang kung mabubuhay pa. Bali ang isang legs nito at hindi na halos makikita ang tunay na kulay ng likod nito dahil puro latay at sugat. Ang mga braso naman nito ay puro sugat din. Putok ang mga labi at halos hindi na maibuka ang mga mata dahil sa pamamaga. Halos magkulay ube ang buo nitong katawan

"Abby!! Abbyy!! Diyos ko Doctora!!! Naghehestirikal na naman siya." sigaw ng nagbabantay ditong bakla habang tarantang lumabas ng kwarto. Tumatakbo naman na dumadating ang butihing doctor. Agad nitong dinaluhan ang nakahigang si Abby. Hinaplos niya ang noo nito at tinapik ang mukha.

" Abby... Abbyyy.. Iha gumising ka. Labanan mo ang takot... Gumising ka iha!". Wika ng Doctor.

Unti-unting dumilat ang mga mata ni Abby. Gulat itong napatitig sa kaharap niyang matanda. Kapagkuwan ay may lumabas ang mga luha sa mga mata.

"Maawa po kayo! Tulungan niyo ako.. Papatayin niya ako.. Papatayin niya ako!! Huhuhu!" umiiyak na wika nito at pilit na bumangon mula sa higaan. Pero hindi natuloy dahil mahina ang katawan nito dahil sa matiding bugbog na tinamo. May nakabalot din na benda sa kabilang hita nito.

"Ssshhhh... Shhhhh! Relax ka lang iha.. Relax lang.. Huwag ka mag-alala nandito ka sa ligtas na lugar. Hindi ko hahayaan na may manakit ulit sa iyo." wika ng Doctor habang hinahaplos nito ang buhok ni Abby. Pilit nitong pinapakalma ang takot na takot na pasyente.

Tumitig naman si Abby dito habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata. Takot na iginala nito ang paningin sa buong paligid.

Pagkatapos ay nanginginig ang mga kamay nito ng makita ang nakatayong bakla sa may pintuan. Kitang-kita naman ng Doctor ang naging reaksiyon ni Abby kaya naman agad niya itong inagapan.

"Ralax lang Iha. Hindi ka niya sasaktan. Sa katunayan siya ang nagbabantay sa iyo dito habang wala ako." nakangiti na wika ng Doctor. Sininyasan naman nito si Erika na lumapit. Kaagad naman na lumapit ang bakla at nakangiting humarap kay Abby.

"Hindi kita sasaktan Abby. Sa ganda kong ito hindi ako nananakit ng tao noh?" pabakla pa nitong wika habang pumipilantik ang mga daliri sa kamay.

Hindi naman sumagot si Abby. Ipinikit lang nito ang mga mata habang patuloy ang pag-iyak.

"Abby right? Abby Ferrer ang panagalan mo?" basag ng butihing doctor sa katahimikan. Agad naman idinilat ni Abby ang mga mata kasabay ng pagtango.

"Ako si Doctora Charito Tevez. Ako ang gumagamot sa iyo habang wala kang malay. Huwag kang mag-alala hinding hindi kita pababayaan Abby. Malayo ka na sa taong gustong pumatay sa iyo." mahinahon na wika ni Dr. Charito.

"Natatakot ako! Papatayin niya ako.. Maawa po kayo Doc itago niyo po ako sa kanya. Papatayin niya kami ng anak ko." Ang anak ko!!! Ang anak ko!! Kumusta siya!!" umiiyak na wika nito habang nakalagay ang mga kamay nito sa tiyan. Nag-umpisa na naman itong maghistirikal habang pinipilit na bumangon. Pagkatapos ay pilit din nitong inaabot ang dextrose na nakasabit dito. Sininyasan naman ni Dr. Charito si Erika na pigilan ito. Kapagkuwan ay may kinuha na isang bagay at agad na ipinaamoy kay Abby. Lupaypay na nakatulog ulit ang huli.

Malungkot na nakatingin dito ang dalawang paris ng mga mata. Awang awa sila sa kanilang pasyente. Kung may magagawa lang sana sila para mging maayos ang kalagayan ni Abby ginawa na sana nila. Pero wala. Sa tuwing nagigising ito ay naghihistirikal agad at laging takot na takot.

"Doc, hangang kailan po siya ganiyan. Nakakaawa na po. Tuwing nagigising kailangan pa natin siyang paamuyin ng pampatulog dahil nagwawala siya. " wika ni Erika habang titig na titig sa walang malay na si Abby.

"Hangang sariwa pa sa ala-ala niya ang lahat. Masyado siyang na natakot sa mga nangyari. Hindi niya matangap na halos mapatay na siya ng sarili niyang asawa. Nang taong lubos niyang pinagkakatiwalaan."

" Haysst halos hindi na makilala ang hitsura niya. Grabe naman ang asawa niya kung ganoon. Walang awa! Pero sure ako na maganda ito. Matangos ang ilong eh." malanding wika ng bakla. Pero kababakasan pa din sa nga tingin nito ang pakikisimpatiya sa pasyente.

"Sige Erika, bantayan mo muna siya. Mamaya kaunti pagtulungan natin gamutin ang sugat niya. Tawagin mo ako kapag ubos na ang kanyang dextrose." wika ng Doctor habang dahan-dahan na pumunta ng pintuan.

"Huwag po kayong mag-alala Doctora. Ako na po ang bahala sa kanya. Hindi ko po siya iiwan." nakangiting sagot ni Erika.

Tumango ang Doctor at naiwan si Erika habang nakatunghay sa walang malay pa rin na si Abby.

"Hayyy grabe naman ang nangyari sa iyo. Kakaawa ka talaga. Pero sana tibayan mo ang kalooban mo... Hindi pa ito ang katapusan ng mundo. Manalig ka lang Abby nandito lang kami.. Tutulungan ka namin." wika ni Erika. Kapagkuwan ay umiling iling ito.

"Hayy naku pati ako parang nababaliw na. Hindi mo pala ako naririnig dahil tulog ka." natatawa pa nitong wika sabay kuha ng magazine at umupo sa sofa. Saglit niya lang sinulyapan ang tulog pa rin na si Abby bago itinoon ang buong attention sa magazine na hawak.

GABRIEL VILLARAMA POV

Kakarating lang namin ng Mansion. Hawak ko pa rin ang golden jar na naglalaman ng urn ni Abby. Malungkot akong tumitig sa kabuuan ng mansion. Wala na ang babaeng sumasalubong sa akin tuwing dumarating ako. Napakahungkag ng pakiramdam ko. Napakalungkot! Pakiramdam ko wala ng kabuhay-buhay ang paligid.

Dahan-dahan akong naglakad papasok ng mansion. Nakasalubong ko pa ang isa sa pinakamatagal namin na kasmabahay. Si Nanay Nilda. Halos ito na ang nagpalaki sa akin. Ito ang halos nakakaalam kung anong buhay meron ako. Sa mga tingin nito alam kong alam na niya ang nangyari. Dumako pa ang mga mata nito sa hawak kong Jar na may laman na Urn ni Abby.

"Si Abby na ba iyan Luther?" wika ni Nanay Nilda habang hindi mapigilan ang pagdaloy ng luha sa mga mata. Agad kong iniwas ang tingin dito at tumango.

"Diyos ko! Diyos ko." umiiyak na wika ni Nanay Nilda.

"Kung hindi lang sana ako umuwi ng probensiya ng araw na iyun.. Baka buhay pa siya. Napigilan ko pa sana ang mga nangyari. Baka nagawa ko pang protektahan siya." umiiyak na wika ni Nanay Nilda.

"Kayo na muna ang mag-akyat sa kanya sa kwarto Nanay Nilda." wika ko dito sabay abot ng jar dito. Maingat naman itong inabot ni Nanay Nilda sabay yakap at patuloy na umiiyak.

Tinalikuran ko ito at didiritso na sana ng basement. Pero hindi pa ako nakakalayo ay nagsalita ito.

" Luther, sana pigilan mo ang iyong emosyon. Pigilan mo ang iyong galit. Huwag mo na sanang ulitin lahat ng kasalanan na nagawa mo kay Abby." pakiusap na wika ni Nanay.

"Alam kong punong-puno ng galit ang puso mo. Pero sana... Sana iwasan mo ng pumatay." umiiyak na wika ni Nanay Nilda. Hilam ang mga luha sa aking mga mata ng lingunin ko ito.

"Salamat Nay Nilda. Mula noon hangang ngayun hindi niyo ako iniiwan. Salamat sa pag-aalala. Pero hindi ko pwedeng palagpasin ito. Niluko nila ako kaya dapat lang na matikman nila ang galit ko. ." wika ko dito hangang tuluyan ko na itong iniwan. Diritso na ako ng basement. Agad akong sinalubong ng isa kong tauhan.

"Boss nandito na si Ms. Shiela." balita nito sa akin. Agad ko namang naikuyom ang aking kamao at diritsong lumamakad palapit kay Abby. Nakagapos ito sa isang tabi habang galit na galit na tinatalakan ang mga tauhan ko.

"Mga bwesit kayo. Ano bang problema nyo!! Bakit niyo ba ako itinali dito!!" galit na sigaw nito habang nagpupumias. Pagkatapos ay agad itong tumingin sa akin ng makita nitong palapit ako dito.

"Luther!! Ano ba ang prob....." hindi na nito natapos ang sasabihin ng sampalin ko ito. Halos tumabingi ang mukha nito sa lakas ng pagkakasampal ko dito.

" Kulang pa iyan!!! Kulang pa iyan sa mga kasalanan na ginawa mo Shiela!" galit na sigaw ko dito.

" Ano bang problema mo Luther! Bakit ka ba nagkakaganyan! " umiiyak na wika ni Shiela. Bakas sa mukha nito ang matinding pagkasindak.

" Anong problem??? Anong problema??? " galit na sigaw ko dito habang nakakuyom ang mga kamao.

"Bakit hindi mo tanungin si Dr. Yu kung ano ang Problema ko?" galit kong wika dito habang itinuturo ang kinaroroonan ni Dr. Yu na noon ay unti-unti ng nagkamalay.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Shiela ng mapansin nito si Dr. Yu sa medyo hindi kalayuan. Namutla ito ng makita niya ang kaawa-awang hitsura ng Doctor. Puno ng dugo ang katawan nito at hindi na halos makagalaw habang hila-hila ng isang tauhan.

"Hind.. Wa... Wala! Wala akong kasalanan!" sumisigaw na wika ni Shiela habang nagpupumiglas. Takot na takot ito habang nakatingin kay Dr. Yu.

"Magsalita ka Dr. Yu. Sino ang may pakana ng lahat ng ito?" galit na sigaw ko dito.

"Patawad Boss. Patawarin mo ako.. Sumunod lang po ako sa utos ni Ms. Shiela!" umiiyak na wika ni Doctor Yu

"Hayop ka! Hayop ka! Wala akong kasalanan. Hindi ko ginawa ang bagay na iyun. Wala akong natatandaan na iniutos sa iyo!" galit na wika ni Shiela habang nanlilisik ang mga mata.

"Ms Shiela, maawa po kayo. Umamin na po kayo. Hirap na hirap na po ako!" nagmamakaawa na wika ni Dr. Yu.

"Luther huwag kang maniwala sa kanya. Ako ang best friend mo. Hindi kita kayang lukuhin. Wala akong kasalanan." umiiyak na pagmamakaawa ni shiela.

"Tama na Shiela. Alam mo bang napatay ko ang asawa ko dahil sa kasinungalingan mo? Pinatay ko siya kasama ng anak ko na nasa sinapupunan niya." sigaw ko dito sabay sipa kay Dr. Yu. Lupaypay na bumagsak ito sa sahig kasabay ng malakas na pagsigaw ni Shiela dahil sa matinding takot.

"

"

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jaquelyn Ferrer
hahaha kaloka Gabriel pov imbes na luther
goodnovel comment avatar
Visitor
Oo nga kahit ako nalilito na din...
goodnovel comment avatar
Liezle D. Atsivaneud
author parang d ka po lagi nkakamove on sa true love billioners ......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status