LESTER POV
Halos paliparin ni Lester ang sasakyan papunta sa bahay ng kanyang kakilalang Doctor.Hindi na siya nagsama ng kahit na sino. Gusto niyang walang makaalam sa kanyang ginawa. May inutusan na siyang mga tao para ihanda ang paglilibingan kay Abby. Nagpaalam ako sa mga tauhan ni Luther na may dadaanan lang. Mauna na lang sila sa site na paglilibingan para makapag-hukay agad sila.Sinulyapan ko ang nakahigang katawan ni Abby sa Backseat ng sasakyan. Awang-awa ako dito kanina habang binubogbog ni Luther. Hindi ako naniniwala na niluko nito ang aking kaibigan.Matagal ko ng kilala si Luther. Matanda lang ng ilang taon ito sa akin. Malaki ang aking utang na loob dito kaya naman kahit ano ang inuotos nito ay sinusunod ko kaagad.Tahimik lang akong nanunood kanina habang walang awa na sinasaktan si Abby ng kanyang asawa. Gusto kong awatin si Luther pero alam kong lalo lang itong manggigil. Kaya naman ng mawalan ng malay si Abby kanina ay labis ang pasasalamat ko dahil sa wakas tinigilan din ito ni Luther.Agad akong nagpakuha ng tubig at pasimple kong inihalo sa tubig ang isang gamot. Ang gamot na ito ay lagi kong dala lalo na kapag susugod kami sa mga kalaban. Bigay ito ng kaibigan kong doctor na minsan ko na din nailigtas ang buhay ng kinidnap ito noon. Bilang pagbabayad ng utang na loob binigyan ako nito ng ilang pirasong gamot..Nakakatulong ang naturang gamot upang pansamantala na tumigil ang tibok ng puso ng isang tao. Hindi lang ako sigurado kong ilang minuto o oras kasi hindi ko pa naman ito sinubukan. Kay Abby pa lang.Alam kong epiktibo ang naturang gamot dahil ng iiwan ito kanina ni Luther ay may pulso pa ito. Pagkatapos ko kasi itong painumin ng tubig na may halong gamot ay bigla na lang nawalan ng pulso. Ginamit ko kaagad na malaking pagkakataon upang tawagin si Luther at sabihin dito na patay na ang kanyang asawa at ako na ang bahalang maglilibing.Pagdating sa aking pakay ay agad akong bumaba ng sasakyan. Sunod-sunod kong pinindot ang doorbell nito. Wala na akong pakialam kong mabulabog man ang nakatira dito. Basta ang importante matingnan nito si Abby.Agad na nagbukas ang pinto at bumungad sa akin ang may edad na babae. Nasa singkwenta na ang edad nito at halata sa mukha nito na naisturbo ko siya sa pamamahinga.Nang makita ako nito ay agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi."Doctora, i need your help." agad na wika ko."Lester, bakit may problema ba? Halika pasok ka muna." paanyaya ng Doctor"Sorry Doctora, maybe next time.. Please, pwede bang gamutin mo siya? Ginamit ko sa kanya ang gamot na binigay mo sa akin noon."Sagot ko ditoTinitigan ako ng Doctor at tumango. Sumunod ito sa akin sa sasakyan at mabilis kong binuksan ang kotse. Tumampad sa paningin ng Doctora ang kalunos-lunos na sitwasyon ni Abby." Diyos kong mahabagin, anong nangyari sa kanya? Bakit duguan?" gulat na wika ng Doctor"Binugbog po. Tulungan niyo po siya Doc. Alam kong kaya niyo pa siyang isalba. Buntis po siya." sagot ko dito at agad binuhat si Abby papasok ng bahay. Nakasunod naman ang Doctor sa amin hangang makapasok sa loob ng bahay.Pagkapasok sa isang silid ay sininyasan ako ng doctor na ilapag sa higaan si Abby. Dahan-dahan ko itong inilapag habang nag-aalalang nakatingin dito. Bakas sa mukha nito ang matinding sakit na naranasan mula sa mga kamay ng sariling asawa."Iwan mo na siya dito Lester. Ako na ang bahala sa kanya." wika ng butihing Doctor."Doctora, iligtas niyo po siya.. Nasa panganib ang buhay niyaGusto siyang patayin ng sarili niyang asawa kaya kung maari ilayo niyo siya sa lugar na ito." nakikiusap kong wika dito.Tumalikod ako at bumalik ng kotse. Kapagkuwan ay kinuha ko ang isang attache case. Puno ito ng pera at alahas. Sa pamamagitan nito pwede ng mailayo si Abby sa lugar na ito.Agad akong bumalik sa loob ng bahay ng Doctora. Nakita ko na kinakabitan na nito ng oxygen si Abby. Napansin ko din sa monitor na humihinga na ito kaya naman para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.Agad naman akong hinarap ng doctor ng maramdaman nito ang aking presensiya. Inabot ko kaagad ang hawak kong attache case at walang pagdadalawang isip na tinangap nito."Pera ang laman niyan at mga alahas. Ilayo niyo si Abby sa lugar na ito... Nakikiusap po ako sa inyo." nagmamakaawa kong wika dito. Lumapit ako sa katawan ni Abby at kinuha ang suot nitong singsing at ibinulsa."Makakaasa ka iho. Isasama ko siya sa lugar kung saan hindi siya mahanap ng kung sino. Sakto ang pagdating mo. Paalis na ako sa susunod na araw. Salamat sa Diyos at naabutan mo pa ako." sagot ng Doctor."Salamat po. Aalis na ako. Marami pa po akong aasikasuhin." wika ko sabay talikod. Pero bago ako makalabas ay biglang nagsalita ang matandang Doctor."Maraming salamat Lester. Hangang sa muli nating pagkikita. Huwag kang mag-alala. Mapupunta sa kanya itong lahat ng pera at alahas na iniwan mo" wika nito..Tumango lang ako at tuluyan ng lumabas ng bahay. Agad akong nagdrive sa pinakamalapit na punerarya. Kailangan kong makakuha ng bangkay para pamalit kay Abby. Hindi naman ako nabigo dahil may bangkay na walang nagki-claim kaya agad kong binili. Isinuot ko dito ang singsing ni Abby at inutusan ang mga tauhan ng punerarya na ibalot nila ang bangkay bago ko dadalhin sa site kung saan nakahanda na ang paglilibingan kay Abby."Oh nandito ka na pala boss Lester..ang tagal mo." reklamo ng isang tauhan nito."Pasensiya na mga Pare.. Dumaan kasi ako ng convenience store para bumili ng alak at gas." sagot ko at binuksan ang likurang bahagi ng sasakyan. Tumambad sa amin ang bangkay na nakabalot sa kumot kaya naman agad na pinagtulungan para ibaba at ihulog sa hukay." Kailangan pa ba natin buhusan ng gas at sindihan?" tanong ng isang tauhan ni Luther."kailangan para siguradong hindi mangamoy." sagot ko dito habang inuumpisahan ko ng buhusan ng gas ang katawan ng bangkay."Kawawang babae. Napakaganda pa naman sana. Si Boss kasi masyadong padalos-dalos. Hindi man lang naawa." pailing-iling na wika ng isang kasama namin. Ronel ang pangalan nito."Ganoon talaga ang buhay. Hangang diyan na lang siguro siya." sagot ko sabay on ng lighter at inihagis sa hukay. Agad naman nagliyab ang buong paligid. Kapagkuwan ay binuksan ko ang dala kong alak at binigyan ang aking mga kasamahan. Hihintayin namin na mawala ang apoy bago tabunan ang bangkay.Mas mabuti ang ganito. Hindi nila malalaman na ibang tao ang nakalibing sa lugar na ito. Hindi pwedeng malaman ni Luther ang pangtatraidor ko kundi malilintikan ako. Baka ako pa ang susunod na mailibing sa hukay kong nagkataon.Bahala na ang Doctor kay Abby. Malaki ang tiwala ko dito dahil naging mabuti ito sa akin. Mag-isa lang ito sa buhay at hindi mahilig makihalubilo sa ibang tao kaya alam kong safe si Abby sa kanya. Sana mananatili itong ligtas at huwag ng magpakita kay Luther habang-buhay.Nang mawala ang lagablab ng apoy sa hukay ay agad kong inutusan ang tauhan ni Luther na tabunan na ang bangkay. Agad naman nilang sinunod ang aking sinabi kaya naman bago pumutok ang araw sa silangan ay nagpasya na kaming umuwi ng mansion. Safe naman ang pinaglibingan namin dahil pag-aari pa rin ni Luther ang lupain na ito. Walang sino man ang mangahas na pumasok sa lugar na ito..Pagdating ko ng mansion ay naabutan ko sa living room si Gabriel. Tahimik itong nakaupo aa sofa at umiinom ng alak. Kitang-kita dito ang matinding puyat. Nangangalumata kasi ito at halatang galing sa matinding pagtangis."Kumusta na lakad niyo?" wika nito sabay tungga ng hawak na alak."Ayos lang Pre. Nailibing na namin siya." sagot ko dito"Good.. Pwede ka na munang umuwi para magpahinga." sagot nito habang nakatingin sa kawalan"No Luther.. Dito muna ako sa Mansion.. Hindi kita pwedeng iiwan dito dahil baka kung ano ang maisipan mong gawin. Alam kong nalulungkot ka sa mga nangyari." sagot ko dito."Huwag mo akong alalahanin. Sanay na ako sa ganitong bagay. Kaya ko ito." sagot sa akin ni Luther habang sinisindihan ang hawak na sigarilyo."Well samahan na lang kitang uminom kung ganoon. Wala din akong gagawin ngayun sa opisina kaya wala akong balak pumasok. Magpakalasing muna tayo ngayung araw Luther." wika ko sabay kuha ng bote ng alak at isinalin sa baso. Napailing-iling naman si Luther habang nakatitig sa akin lalo na ng tunggain ko ang laman ng baso." Kaibigan nga kita. Nandyan ka palagi lalo na sa mga pagkakataong ganito." pilit na ngiti nitong wika sa akin."Pre alam kong masakit pa sa iyo ang mga nangyari. Pero pwede bang humiling sa iyo? Alam mo namang Doctor ang girlfriend ko ngayun diba? Pwede bang....". Pambibitin kong wika dito habang nakatitig kay Luther. Alam kong masyado pang maaga ang lahat dahil nagluluksa pa ito. Pero gusto kong makasiguro."What?" anong pwede bang???? " sagot naman ni Luther sabay buga ng usok." Ano Pare... Sa akin lang ito ha? Hindi kasi ako makapaniwala na baog ka..." sagot ko dito habang hindi inaalis ang titig dito." Stop it Lester..hindi maaring magkamali ang Doctor na sumuri sa akin. Baog ako. Hindi ko kayang bumuo ng bata kaya imposible yang sinasabi mo."Naiinis nitong wika." Hey relax Pare. Ang sa akin lang naman ay gusto kong makasiguro. Kahit na ngayun lang. Kung gusto mo naman magpustahan tayo. Itataya ko ang bago kong biling yate at condo para dito. Dahil buo ang paniniwala ko na hindi ka baog. " seryosong sagot ko dito." sinasabi mo ba na nagkamali ako? Na pinatay ko si Abby ng walang dahilan? " nanlilisik ang mga mata nitong sagot." Hindi tayo nakakasiguro Pare. Pero kung pareho ang diagnosed na ibinigay ng doctor sa iyo dapat lang talaga na mangyari sa kanya ang bagay na iyon. Walang puwang sa mundo ang mga babaeng kagaya niya Pare. " sagot ko dito para hindi na humaba pa ang usapan."Ok deal!!! Payag ako sa suggestion mo. Kung pareho pa rin ang result ihanda mo ang premyo ko pero kung ako ang talo habang-buhay kong pagsisihan ang ginawa kong kasalanan." wika nito sabay tungga ng alak."Ok deal!! Lets drink for that Pare." nakangiti kong wika dito habang tuloy - tuloy na tinungga ang baso na may lamang alak. Sa wakas maliliwanagan na din ako.Kahit kailan wala akong tiwala kay Doctor Yu. Kaibigan ito na Shiela at alam kong may hindi tamang nangyayari. Nakakalungkot lang dahil kapag tama ang nasa isip ko siguradong may isang buhay na naman ang mawawala. Pero wala akong pakialamGusto kong magising sa katotohanan ang kaibigan ko. Gusto kong i*****k sa isip nito na kaya niyong magoroduce ng tagapagmana. Kahit hindi kay Abby.. Kahit sa ibang babae na lang.Ayaw kong mangyari ulit sa ibang babae ang nangyari kay Abby dahil sa maling paratang. Kung sakaling mag-asawa ulit si Luther gusto kong hindi na maranasan ng babaeng ito ang nangyari kay Abby. Sayang ang buhay. Kriminal din ako pero hindi ko kayang panoorin na may namamatay na isang inosente.Dumaan pa ang halos tatlong araw. Nandito kami ngayun sa isang private clinic ni Luther. Sinamahan ko ito para hintayin ang result ng test na pinagawa namin. Walang sino man ang nakakaalam sa bagay na ito. Tanging kami lang dalawa at ang Doctor na gumawa ng test. Napansin ko ang pag-aalumpihit ni Luther sa upuan. Hindi din ito mapakali. Halatang kabado din ito sa magiging posibleng resulta."Mr. Luther Sarmiento?" tawag ng nurse sa amin. Nakatayo ito sa harap ng opisina ng Doctor ba bahagyang nakaawang ang pinto. Agad kaming tumayo ni Luther at tuloy-tuloy na pumasok ng opisina."So Doc how is it? Any good news?" agad na tanong ni Luther ditoHindi na nito nagawang umupo marahil sa tension na nararamdaman."Mr. Sarmiento... Congratulations!" nakangiting wika ng Doctor na umupo muna si Luther.ABBY POVPakiramdam ko bigla akong nabingi at hindi naririnig ang palahaw ng babaeng pinaparusahan ko ngayun.. Ilang beses itong nagmamakaawa sa akin pero hindi ko pinansin. Gusto ko lang naman siyang turuan ng leksyon para hindi niya na ulitin pa ang ginawang paglalapit-lapit sa asawa ko. Mahirap na...ayaw ko ng maulit ang nakaraan."Abby! Tama na iyan. Halos makalbo na siya oh and what is that? Bakit may dugo ang kamay mo?" Ang nag-aalalang boses ni Luther ang biglang nagpabalik sa aking hewesyo. Wala sa sariling napatitig ako dito at hinayaan siyang agawin sa akin ang gunting na hawak ko. Tama nga ito..may dugo na ako sa aking kamay at may nakita akong sugat sa aking daliri. HIndi ko maiwasang mapangiwi ng maramdaman ko na humahapdi iyun."Belinda! Get out! Sabihin mo sa Boss mo na ngayun pa lang pinuputol ko na ang lahat ng ugnayan ng dalawang kumpanya." narinig ko pang wika ni Luther. Galit ang boses nito kaya naman hindi ko maiwasang mapatitig dito.So, Belinda pala ang pangalan
ABBY POVHalos isang taon lang din ang nakalipas ng mabalitaan namin na namatay na din si Pamela. Naawa man sa naging kapalaran nito wala na kaming nagawa pa kundi ang bigyan na lang ito ng desenteng libing. Wala ni isa mang kamag-anak ang nag-claim sa kanyang bangkay kaya kami na ang nag-arrange ng lahat-lahat hangang sa maihatid ito sa huling hantungan.Sa dami ng nangyari sa buhay ko hindi ko akalain na heto pa rin ako. Nakatayo at masaya! Kung ano man ang mga nangyari nang nakaraan mananatili na lang na mapait na alaala ang lahat ng iyun.Masalimoot man ang mga nangyari sa buhay ko laking pasasalamat ko pa rin dahil nalagpasan ko lahat ng iyun. Hindi ko akalain na pagkatapos ng unos may magandang umaga pa palang naghihintay sa akin. Muling nabuo ang pamiya ko na akala ko noon wala ng pag-asa pa. Nagbago ang pananaw ko sa buhay at maging mas matapang pa ako para ipaglaban ko kung ano man ang karapatan ko dito sa mundo.Sa lipunan kung saan ako kabilang, dapat lang talaga na maging
ABBY POVNagtataka man kung saan ako dadalhin ngayun ni Luther nanahimik na lang ako. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kung may dahilan ang pagyayaya nito sa akin kung saan man kami pupunta ngayun.Katakot-takot na bilin ang sinabi ko kina Carl at Lorraine bago namin sila iniwan sa mall kasama ang mga Yaya's nila at ilang mga bodyguards. Alam kong safe naman sila doon dahil masyadong mahigpit ang security ng mall kaya panatag ang kalooban ko habang tinatahak ng sasakyan ang kalsada papunta sa aming patutunguhan."Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Luther."Malalaman mo mamaya. Alam kong hanggang ngayun, may mga katanungan sa isip mo na hindi mo maisatinig dahil gusto mo ng ibaon sa limot ang lahat. Pero gusto kong tuldukan iyun ngayung araw." nakangiti nitong sagot. Nagtataka akong napatitig sa kanya. Nginitian lang ako nito at mabilis akong kinabig pasandal sa kanyang balikat. Kaagad naman akong nagpaubaya.Halos isang oras din ang itinagal ng pagbyahe namin bago kami p
ABBY POVKatulad ng napag-usapan namin ni Luther sa mansion namin ginugol ang buong araw ng aming honeymoon. Mas lalong masaya dahil kasama namin ang aming mga anak. Ang kambal na si Carl at Lorraine at ang bunso namin na si Kristelle! Sobrang saya namin dahil wala kaming ginawa sa mansion kundi magbonding at sulitin ang oras na magkakasama kami.Alam kong mabilis lang lumipas ang mga araw. Ilang taon na lang ang bibilangin namin magdadalaga na si Lorraine at magbibinata na si Carl. Darating ang panahon na bihira na lang din sila uuwi na mansion dahil magkakaroon na din sila ng kanya-kanyang prioirity. Of course kung saan masaya ang mga anak susuportahan ko sila."Happy?" Nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Luther mula sa likuran ko. Nakangiti ko itong nilingon."Super! Pagkatapos ng mahabang unos na nangyari sa ating dalawa hindi ko akalain na may magandang umaga pa pala na darating sa atin. Thank you Luther! Ni sa hinagap, hindi na sumagi sa isip ko na magkakaroon tayo ng happy e
FIVE YEARS LATER ABBY POV Halos hindi mapatid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ito ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Luther. Ang araw ng aming pangalawang kasal.Kung noon ikinasal ako sa kanya na walang kahit ni isang pamilya sa tabi ko iba ng ngayun. Saksi sila Mommy at Daddy sa masayang pagsasama naming dalawa ni Luther sa loob ng ilang taon na muli kaming nagkabalikan. Alam nila kung gaano pinahahalagahan ni Luther ang aming pagsasama at ang buong pamilya.Naglalakad ako sa Isle habang maghigpit ang pagkakawahak ko sa aking wedding bouquet. Parang wala akong ibang nakikita kundi ang asawa ko na matiyagang naghihintay sa harap ng altar.Ang lalaking sa kanya ko naranasan ang impyerno ng buhay at hindi ko akalain na muli akong nakakaalis sa impyernong iyun sa pamamagitan niya. Ang lalaking pinalasap sa akin ang walang kapantay na sakit at ang walang hanggang kaligayahan. Hindi ko akalain na darating pa ang araw na muli kaming maging masaya dahil ako na mismo ang su
ABBY POVNaging masaya ang mga sumunod na araw sa aming pamilya. Sa wakas, naging maayos na din ang pagsasama namin ni Luther. Tinupad nito ang pangako sa akin na magiging mabuting asawa at ama ng mga anak namin na siyang lalo kong ikinatuwa. Iniiwasan na din namin na mapag-usapan ang tungkol sa mga nangyari. Hanggat maari gusto ko ng kalimutan ang mga masasakit na alaala na nagyari sa aming dalawa. Basta ang importante sa ngayun masaya kaming nagsasama ni Luther kasama ng aming mga anak. Sila Lorraine at Carl.Mabilis na lumipas ang mga araw at mga buwan. Naayos na din ang nasirang mukha ni Luther sa pamamagitan ng surgery. Parang wala lang nangyari dito. Normal ang lahat at ang pagsasama namin. Masaya ang kambal at balik iskwela na samantalang si Giselle naman ay balik iskwela din para maging Doctor. Nag-level up na siya...Ayaw na daw nyang maging nurse...Doctor na lang daw para malubos-lubos ang pagtulong nya sa mga taong may sakit.Balita nito nagkaayos na daw sila ng kanyang mga