Share

kabanata 2

ABBY

"Congratulations Mrs. Sarmiento, your two months pregnant!!! " masayang wika sa akin ng doctor.

Nandito ako ngayon sa private clinic ng isang kilalang doctor dito sa Cavite. Agad akong napangiti sa kanyang balita. Tiyak na matutuwa nito si Luther. Sa wakas malapit na kaming magkaanank. Matatawag na kaming isang buong Pamilya..

"Thank you Doc. Tiyak matutuwa nito ang aking asawa." nakangiti na wika ko sa Doctor.

"Reresitahan kita ng mga vitamins para sa iyo at kay baby. Pwede mo ito bilhin sa mga botika." nakangiti na wika ng doctor.

"Ok po Doc. Pero kumusta po ang baby sa aking sinapupunan? Malusog po ba ito?" nakangiti kong tanong dito.

"Sa ngayon Mrs.wala kayong dapat ipag alala. Nasa maayos na kalagayan ang iyong pagbubuntis. Mag ingat ka lang at huwag magpupuyat dahil nakakasama ito sa iyong baby. Kumain ng mga masustansiyang pagkain at iwasan din ang stress." paalala ng Doctor sa akin.

Nakangiti na tumango ako dito. Walang pagsidlan sa tuwa ang aking nararamdaman ngayon.

Pagkatapos namin mag usap ng Doctor ay excited akong lumabas ng clinic at binili ang lahat ng mga nireseta.

Agad akong umuwi ng mansion. Excited akong hinintay ang pag - uwi ni Luther. Nang marinig ko na may pumasok na sasakyan sa compound ng mansion ay agad akong naghanda.

Agad ko itong sinalubong at mabilis na yumakap dito. Ginantihan naman ako ng yakap sabay halik sa labi.

Matamis akong ngumiti ng maghiwalay ang aming mga labi. Nagniningning ang aking mga mata habang nakatitig dito.

"Wow mukhang masaya ang Mrs.ko ngayon ah?" nakangiti na wika ni Luther.

"Of course Honey, lagi naman akong masaya basta kasama ka." nakangiti ko na sagot dito.

Bilang tugon hinalikan ulit ako nito sa mga labi. Agad naman akong gumanti dito.

"Honey, may sorpresa ako para sa iyo." nakangiti kong wika dito.

"What is it Honey?" ngiting sagot nito.

"Honey, I am pregnant. Magiging Daddy ka na!!! Nakangiti kong sagot dito.

Agad na naglaho ang ngiti sa labi ni Luther. Seryoso ako nitong tinitigan habang nagkasalubong ang mga kilay.

" Anong sabi mo? " galit na tanong nito.

" Honey, sabi ko buntis ako. Whats wrong? Hindi ka ba masaya na magkakaanak na tayo?" nagtatampo kong tanong nito.

"Fuck you!" sigaw ni Luther sa akin sabay Sampal. Natulala ako sa ginawa nito. Hindi ako makapaniwala. Ito ang unang beses na napagbuhatan ako nito ng kamay.

"Honey, bakit? Ayaw mo ba?" umiiyak na wika ko dito habang hawak ang nasaktang bahagi ng pisngi.

"Niloloko mo ba ako Abby? Paano kang mabubuntis? Ha?" galit na tanong ni Luther.

Agad akong natigilan sa tanong nito. Naguguluhan ako. Bakit siya nagtatanong kung paano akong mabubuntis eh lagi naman kaming nagtatalik.

"Sino ang ama? Sino ang ama Abby???" Sigaw nito habang hinawakan ng madiin ang aking baba. Napaigik ako sa sakit.

"Luther ano ba.. Nasasaktan ako. Bakit ka ba nagagalit sa akin? Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa iyo? ". Tanong ko dito sa kabila ng pag iyak.

"Dahil malandi ka Abby." galit na sigaw nito sabay sampal sa kabila kong pisngi. Natumba ako sa lakas nito. Agad akong napahawak sa mukha kong nasaktan. Umagos ang masaganang luha sa aking pisngi.

"Hi-hindi kita maintindihan. Bakit mo tinatanong sa akin kung sino ang ama.. Natural ikaw, ikaw ang asawa ko." umiiyak na sagot ko dito. Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko alam kung nababaliw lang ba si Luther. Bakit bigla itong nagbago ngayung buntis na ako. Ayaw ba nito ng anak?

"Ako? Imposible yan Abby. Hindi ako pwede maging Ama nyan." sigaw nito sa akin.

"Luther ano ba ang nangyayari sa iyo. Bakit bigla ka nalang nagkaganyan. Ikaw ang ama ng baby ko. Bakit mo ba ako pinagbibintangan. Alam mong ikaw lang ang lalaki sa buhay ko." umiiyak kong wika dito. Masakit sa akin na pagbintangan sa isang bagay na hindi ko ginawa.

" Really Abby. Sino siya Abby? Sino ang lalaki mo? " galit na wika nito at tinadyakan ako sa sikmura. Napaigik ako sa sakit habang hawak ang aking tiyan.

" Luther maawa ka sa akin, tama na. Wala akong ginawang kasalanan sa iyo. Maawa ka, tama na. Baka mapaano ang baby natin. " umiiyak ko na wika dito.

" Papatayin kita Abby. Papatayin kita kasama ng lalaki mo. Isasama ko na din yang bastardo mong anak na nasa sinapupunan mo!!! Naiintindihan mo ba??? " sigaw ni Luther sa akin. Dinuraan pa ako nito na parang isang basura. Takot na takot naman ako habang nakabaluktot sa isang tabi.

" Dalhin niyo siya sa basement. Itali niyo siya at huwag pakainin. Naiintindihan niyo ba? " galit na baling ni Luther sa kanyang mga tauhan.

" Masusunod Boss." agad na tugon ng isa sa mga tauhan nito. Agad ako nitong kinaladkad pababa ng basement. Lupaypay ako dahil sa pananakit na ginawa nito sa akin.

Pagdating sa basement ng mansion ay agad akong tinalian ng kanyang tauhan..wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung bakit nagalit si Luther sa akin.

Ayaw ba nito na magkaanak kami. Paano niya nasabi na niloloko ko siya. Paano na ako ngayon

Alam ko kung gaano kalupit si Luther. Natatakot ako sa posible nitong gawin sa amin ng aming anak.

Kinapa ko ang ang aking tiyan. Naawa ako sa sitwasyon ng aking anak. Unang araw pa lang na nalaman kong may buhay sa sinapupunan ko mukhang pagdurusa na ang mararanasan namin.

Hindi ko alam na bawal pala akong mabuntis. Sex lang ba ang gusto sa akin ng asawa ko? Ayaw niya bang masira ang katawan ko dahil sa pagdadalang-tao? Pero hindi.....wala naman siyang nababanggit sa akin na magkontrol kami. Hindi din naman nito nabanggit na kailangan kong gumamit ng birth control pills pills. Dahil kong iyan ang gusto niya susunod ako. Mahal na mahal ko si Luther at handa kong sundin lahat ng gusto nito.

*

**

***

LUTHER POV

Nandito ako sa porch ng mansion. Nakatingin ako sa kawalan habang humihithit ng sigarilyo.

Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Hindi ko akalain na magagawa akong lukuhin ni Abby.

Mahal na mahal ko si abby. Binigay ko sa kanya ang lahat. Pero hindi ko maintindihan bakit niya ako nagawang lokohin. Katulad din ba siya ng aking Ina? Hindi nakontento sa aking ama? Hindi kontento sa iisang lalaki? Lahat naman binigay ko dito.

Ganito ba lahat ng babae? . Paanong nabuntis si Abby. Samantalang alam ko sa aking sarili na wala akong kakayahan na magkaanak. Hindi ko kayang bumuo ng bata. Magaling lang akong magpabaliw ng babae sa kama pero wala akong kakayahang bumuntis.

Kahit pala babaeng galing sa kombento marunong din palang magluko. Akala ko iba ito sa lahat. Akala ko ako lang ang lalaki sa buhay nito. Nagkamali ako. Masyado akong nagtiwala sa mala-anghel nitong mukha.

Ilang sandali pa ay narinig ko na dumating na si Lester. Ang matalik kong kaibigan at pinagkakatiwalaan sa lahat ng bagay. Parang kapatid na ang turingan namin. Alam nito lahat ng negosyo ko dahil ito ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng kung anong meron ako ngayun

"Pare, anong problema? Bakit nasa basement daw ang asawa mo?" agad na bungad na tanong sa akin ni Lester

"Niloko niya ako Pare. Niloko ako ni Abby. Buntis siya...." wika ko dito

"Ah... Eh ano ngayon kung buntis siya. Dapat magsaya ka dahil buntis ang asawa mo." naguguluhang tanong ni Lester sa akin

"Iyon na nga Pare... Hindi pwede.. Hindi siya pwedeng magbuntis dahil.... Dahil baog ako Pare." sagot ko dito

"Anong sabi mo? Baog ka? Sinong may sabi?... Gulat na tanong ni Lester. Kitang kita sa mukha nito na hindi naniniwala sa aking sinabi.

" Si Dr. Francis Yu ang personal Doctor ko. "sagot ko dito. Si Dr. Yu ay isa sa pinakamagaling na Doctor. Masasabi kong isa ito sa pinagkakatiwalaan kong tao dito sa mundo. Tuwing may problema sa kalusugan ko siya ang gumagamot sa akin. Lagi itong nandyan kapag kailangan ko ang serbisyo nito. Matanda lang ito sa akin ng halos limang taon.

" Si Dr. Yu? Pare, bakit hindi mo subukan magpa second opinion. Lumapit ka sa ibang doctor. Baka naman na misdiagnosed ka lang." suhestiyon ni Lester.

"Pare, imposibleng baog ka. Ang tikas mo kaya.. Wala sa hitsura mo.. Huwag kang magpadalos-dalos sa nararamdaman mo Pare.". Pagpapatuloy na wika ni Lester.

"Hindi Pare.. Malabo na magkamali si Dr. Yu. Ilang beses niya akong kinunan ng test at pare-pareho ang result." sagot ko dito.

Pare, maganda na yang nakakasiguro. Mahirap ng pagsisihan mo ito sa huli. Tutulungan kita. Maghahanap tayo ng ibang doctor." pangungumbinsi ni Lester.

Bahagya lang akong umiling.

"So ano ngayon ang plano mo kay Abby? Pare, hindi ka ba naawa sa kanya? Akala ko ba mahal mo siya.. Balita ko binugbog mo siya at itinali sa basement.." Tanong ni Lester.

"Alam mo naman Pare na galit ako sa manluluko. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin." nanlilisik ang mga mata na sagot ko dito.

"Anong ibig mong sabihin?". Tanong ni Lester.

"papatayin ko siya pare. Walang puwang. Sa mundo ang mga maruruming babae na tulad niya." gigil kong sagot kay Lester.

"Pero Pre pag-isipan mo muna ang lahat. Please... Asawa mo si Abby.. Baka nagkamali lang si Dr. Yu.

" No.....marumi siyang babae. Katulad din siya ng aking ina kaya dapat lang na mamatay din siya. Hindi ko na ipagpabukas pa ang lahat..galit na galit ako Lester." wika ko dito habang nakakuyom ang kamao.

"Pero bago yan, hahanapin ko muna kung sino ang kanyang kalaguyo. Papahirapan ko siya hanggang siya na mismo ang magmamakaawa sa akin para kitilin ang kanyang buhay." patuloy kong wika habang umagos ang luha sa aking mga mata dahil sa matinding galit na nararamdaman.

"Pare naman, huwag namang ganyan. Minahal mo naman yung tao. Pwde niyo naman itong pag usapan na walang sakitan na mangyayari. Baka mamaya nagkamali lang tayo. Pare wag magpadalos-dalos" payo ni Lester.

"Hindi Pare, sigurado na ako sa desisyon ko. Niluko niya ako kaya dapat lang sa kanya iyan." sabay kuha ko sa latigo at mabilis na naglakad papunta sa basement ng mansion . Agad naman na sumunod si Lester sa akin.

Nadatnan ko na nakatali sa isang upuan si Abby. Umiiyak ito at kapansin-pansin ang pasa sa mukha dahil sa pagsampal ko kanina. Agad kong sininyasan ang aking tauhan na kalagan ito ng tali at padapain sa semento na sahig.

"Luther maawa ka sa akin. Huwag mo naman itong gawin sa akin. Hindi kita niloloko!!" Pagmamakaawa nito sa akin.

" Ilan Abby? Ilang Lalaki ang gusto mo? Sagutin mo ako!!?? Mamili ka... Mamili ka sa mga tauhan ko Abby!!? "galit ko na sigaw dito sabay hampas ng latigo. Sinalag niya ito ng kanyang braso kaya doon tumama ang hampas ko dito. Agad na sumirit ang dugo sa kanyang braso ng tamaan ito. Agad na napahiyaw sa sakit si abby.

" Ahhhhh tama na Luther! Masakit!!! Maawa ka sa amin ng anak mo.. Tama na!!!" Masakit na Luther!!! Hiyaw ni Abby sa akin.

" Hindi Abby. Hindi ako marunong maawa sa mga babaeng katulad mo. Papatayin kita!..papatayin kita kasama ng anak mo!" sigaw ko dito.

Hinampas ko ulit ito ng latigo sa likod. Paulit-ulit habang wala humpay sa pagsigaw si Abby. Paulit-ulit itong nagmamakaawa sa akin. Paulit-ulit nitong sinisigsaw na wala itong nagawang kasalanan. Pero bingi ako sa lahat ng iyon. Nangibabaw sa akin ang matinding galit.

Wala akong pakialam kung saan-saan parte na katawan nito tumama ang aking pagpalo basta ang gusto ko lang mailabas lahat ng galit ko. Lahat ng galit ko dito pati na sa mundo. Nang mapansin ko na hindi na umiimik si Abby ay inihinto ko na ang pagpalo dito. Parang bigla akong nahimasmasan. Nabitawan ko pa ang hawak kong latigo na noon ay punong-puno na ng dugo. Dugo na galing sa katawan ng babaeng mahal ko.

"Nawalan yata siya ng malay Pare. Tama na yan. Baka mapatay mo siya." mahinahon na wika ni Lester.

"Kumuha ka ng tubig, bilisan mo!" narinig kong utos ni Lester sa tauhan ko. Agad naman itong tumalima.

Samantalang tulala ako habang nakatitig sa walang malay na katawan ni Abby. Namalayan ko na lang na tumulo na din ang aking luha.

Puro ito pasa at halos maligo na ito sa sariling dugo. Umaagos pa ang iba sa sahig...wala sa sariling tumalikod ako. Mabilis ang mga hakbang. Gusto kong makalayo sa lugar na ito. Ayaw kong makita ang halos wala ng buhay na katawan ng asawa ko.

Derecho akong pumasok ng kwarto at nahiga. Wala pang ilang minuto ay binulabog ako ng katok sa pinto. Nang buksan ko ito ay nagulat ako ng mapagbuksan ko si Lester. Akala ko umalis na ito.

"Bakit Pare? Tanong ko dito.

" Shes' gone Pare... " Deretsang wika ni Lester sa akin. Diretsong nakatitig ito sa aking mga mata.

"A-anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong dito.

"Si Abby.... Pat--patay na siya. Hindi niya kinaya ang lahat. " malungkot na wika ni Lester.

Agad na nanlaki ang aking mga mata. Tinitigan ko si Lester at agad na umalis upang bumalik ng basement. Naabutan ko na nakahadusay pa rin sa sahig si Abby. Kung saan ko siya iniwan kanina doon pa rin siya

Agad kong hinawakan ang pulso nito at dinama. Nagulat ako dahil wala na akong maramdaman sa pulso nito.

Agad kong niyakap ang wala ng buhay na katawan ni Abby. Agad na nag-uunahan sa pagpatak ang aking mga luha. Sobrang bigat ng aking pakiramda.

Hindi ko akalain na dito magwawakas ang aming pagmamahalan. Dito magwawakas ang kanyang buhay. Sa sarili kong mga kamay. Pinatay ko siya.. Pinatay ko ang makasalanan kong asawa.

"Nasobrahan yata Pare kaya agad na binawian ng buhay." wika ni Lester.

Kuyom ang kamao habang nakatitig sa bangkay ni Abby. Bakit ang bilis niyang isinuko ang kanyang buhay? Ganon na lang ba iyon? Hanggang dito na lang ba tayo Abby? Kung hindi mo lang sana ako niloko hindi mo sana ito maranasan.

"Ako na ang bahala sa kanyang bangkay Pare. Kami na lang ang maglilibing."presenta na wika ni Lester.

" Huwag ka nalang sumama. Magpahinga ka nalang. Babalik ako bukas. Sa ngayon aasikasuhin ko muna ang kanyang bangkay." wika ni Lester at agad na sininyasan ang aking mga tauhan.

Tahimik lang ako habang binabalot nila ang wala ng buhay na katawan ni Abby ng kumot. Tahimik akong nagdurusa. Ito naman ang gusto kong mangyari pero bakit parang ang hirap tanggapin. Sa isang iglap nawala ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi ko napigilan ang aking galit. Naibuhos ko lahat dito. Nagdilim ang paningin ko habang buong lakas kong hinahampas ito ng Latigo.

Pinatay ko siya. Nakaganti ako sa kanya pero bakit ang sakit. Bakit parang sa kaloob-looban ng puso ko mali ang nagawa ko. Bakit parang inuusig ako ng konsensiya.

Hindi na bago sa akin ang ganitong gawain. Ilang dugo na ba ang dumampi sa mga palad ko. Pero bakit ngayun pakiramdam ko baguhan ako sa larangan na ito.

Dapat lang siyang mamatay. Ang mga babaeng katulad niya ay hindi dapat pamarisan. Hindi sila dapat dumami pa sa mundo upang wala ng masaktan pang lalake tulad namin ni Daddy.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
ۦۦ ۦۦ ۦۦ ۦۦ
napaka gago naman ni Luther di sya nakinig sa payo ng kaybigan nya, magsisi ka Sa huli ikaw pumatay sa aswa mo.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status