LUTHER
Nandito kami ngayon sa isang clinic ni Lester. Gusto ko lang itong pagbigyan sa kanyang hiling. Alam kong hindi ako nito titigilan hangat hindi masunod ang gusto nitong mangyari.Nitong mga nakaraang araw. Masyado pa rin akong nagluluksa sa pagkawala ni AbbyPero kailangan kong ipakita sa lahat na ok lang ako. Na wala akong pinagsisisihan sa aking ginawang pagpaslang dito. Pero sa kaloob-looban ng puso ko malaki ang aking panghihinayang. Masakit sa akin dahil ganoon lang kadali ang lahat. Hindi matangap ng isipan ko na nagawa akong lokohin nito sa kabila ng pagmamahal na ibinigay ko. Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay ko, siya ang napili kong pakasalan. Ako si Luther Sarmieto..halang ang aking kaluluwa at wala akong kinatatakutan. Marami na akong napatay na tao pero aaminin ko na tanging ang mukha lang ni Abby ang tumatak sa isip ko. Hindi ko makakalimutan ang nagmamakaawa nitong mukha habang nahihirapan sa bawat hagupit ng latigo ko dito.Pero gayunpaman pilit kong isinisiksik sa isip ko na ang pagkamatay ni Abby ay walang dapat ipanghinayang. Tama lang sa kanya iyun. Masama siyang babae at hindi dapat pamarisan ng kahit sino. Mahal ko siya pero handa kong sikilin iyun lalo na kapag alam kong niluluko akoAgad akong napatayo ng mapansin ko na tinawag na kami ng Secretary ng Doctor na sumuri sa akin. Agad akong tumayo at naglakad papasok sa opisina ni Doctor Mendez, kasunod si Lester. Pagpasok pa lang ay nakaramdam ako ng kaba dahil sa mga ngiti na pinakita ng Doctor sa amin."Mr. Sarmiento, Congratulations!" nakangiti nitong wika sabay senyas na umupo muna ako. Napakunot naman ang aking noo habang nakatitig sa Doctor. Doctor Enrico Mendez ang pangalan nito ayun na din sa nakasulat na pangalan sa harap nito."Tell me Doc, ayaw ko ng paliguy-ligoy... Ano ang lumabas sa result?" naiinis kong tanong dito. Napansin ko na bahagyang natigilan ang Doctor habang nakatingin sa akin. Hindi marahil nito inaasahan ang aking pagsusungit."Congratulations Mr. Sarmiento. Ayun sa lumabas na result, wala kang problema sa iyung sperm count. Anytime pwede kang makaproduce or makabuo ng bata." nakangiting wika nitoPara akong nabingi sa sinabi ng Doctor sa akin. Hindi ako makapaniwala. Halos isang minuto din akong hindi makapagsalita. Samantalang si Lester naman ay tahimik lang na nakikinig sa amin." Ulitin mo ang sinabi mo Doc? Hindi ba ako nagkamali ng dinig?" parang wala sa sarili kong wika dito."Yes Mr. Sarmiento, hindi kayo nagkamali ng dinig. Healthy po kayo at imposible na hindi kayo makabuo. Tama ang slnabi ko. Imposible ang iniisip niyong baog kayo. Sakto ang sperm count niyo at wala akong nakikitang kahit na anong senyales sa katawan niyo na baog kayo. Sobrang healthy niyo Mr. Sarmiento at kaya niyong magproduce ng kahit isang dosenang anak. " mahabang sagot ng doctor.Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa narinig. Hindi ako makapaniwala. Paanong nasabi ng pinagkakatiwalaan kong si Dr. Yu na baog ako gayung wala naman akong naging problema lalo na sa pakikipagtalik. Biglang nanginig ang buo kong kalamnan. Naikuyom ko ang kamao habang galit na nakatingin sa kaharap kong Doctor"No! Hindi, imposible! Nagkamali kayo! Baog ako at ilang beses ng na confirm iyan ng sarili kong Doctor." galit kong wika sabay hampas sa lamesa. Takot naman itong napatayo mula sa pagkakaupo. Napasigaw naman ang nurse na nakatingin sa amin dahil sa takot." Luther, tama na.. Relax ka lang.. Huwag mong takutin ang mga staff dito. Pwede nman tayong pumunta sa ibang hospital kung hindi ka kombinsido sa result na ginawa sa iyo dito." biglang awat ni Lester. Lumapit pa ito at tinapik ang aking balikat.Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa sobrang pagkalito. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin. Pakiramdam ko biglang umakyat lahat ng dugo ko sa utak ko. Agad na naman sumagi sa isip ko ang ginawa ko kay Abby... Sa asawa ko... Hindi matangap ng sistema ko na posible akong nakagawa ng napakalaking kasalanan sa asawa ko. Napailing-iling ako habang marahas na hinahawakan ang ulo ko sa matinding pagkalito." Imposible na magkamali ako sa aking findings Mr. Sarmiento. Matagal na ako sa larangan na ito at kahit kailan nagiging maingat kami sa pagsusuri sa aming mga pasyente. Kung nakapagpatingin na kayo sa ibang doctor at taliwas ang kanyang findings sa mga sinasabi ko, maaari niyo po siyang komprontahin. Hindi tama sa isang Doctor na magbigay ng maling findings sa kanyang mga pasyente. " mahabang wika ni Doctor Mendez." Salamat Doc. Babalik na lang ulit kami kapag kailangan ulit namin ang inyong serbisyo. " sagot ni Lester. Napansin marahil nito ang pagkawala ko sa sarili. Gulong-gulo ang utak ko at hindi kayang iproseso ng utak ko ang mga narinig ko sa Doctor. Kung totoo ang sinabi ng Doctor na ito ibig sabihin tinrydor ako ni Dr. Francis Yu. Pero bakit?Naramdaman ko na lang ang paghila sa akin ni Lester palabas ng opisina. Wala ako sa aking sarili habang naglalakad sa hallway. Parang nakalutang ako sa alapaap ng mga sandaling iyun.Pagdating sa sasakyan ay agad kong pinagsisipa ang gulong ng sasakgan. Gusto kong mailabas ang frustrations na nararamdamn ko ngayun. Kung ganun may taong lumuluko sa akin ng patalikod. Pinaniwala ako sa isang matinding kasinungalingan na naging mitsa ng pagkawala ni Abby.. Ang kaawa-awa kong asawa."Luther, tama na iyan. Hayaan mong ipatawag ko lahat ng sangkot dito. Once and for all dapat malinawan ka kung ano ba talaga ang totoo." wika sa akin ni Lester. Galit ko itong tinitigan."Ipakuha mo sa mga tao ko si Dr. Francis Yu. Gusto ko siyang makausap ngayun din!" galit kong wika dito. Agad naman tumango si Lester at binuksan ang pinto ng sasakyan upang pasakayin ako. Tahimik akong sumakay sa sasakyan habang nanginginig ang aking mga kamay sa sobrang galit.Agad kaming umalis ng Hospital at bumyahi deritso sa aking mansion. Sa mansion kung saan ko pinatay ang aking asawa. Nagkamali ako.. Nagkamali ba ako? Parang gusto kong ipukpok ang ulo ko sa pader ng mga sandaling ito. Paghihinagpis at awa kay Abby at galit sa kung kanino man ang nararamdaman ko ngayun.Pagdating sa Mansion ay agad akong dumiritso ng basement. Dito ko hihintayin si Dr. Francis Yu. Hindi ako papayag na paiikutin ako nito. Walang sino man ang nagtangkang lukuhin ako. Alam ng mga tao ko kung ano ang rules ko. Kamatayan ang kabayaran sa kung sino man ang nagtangkang magtaksil sa akin. Kaya nga pinatay ko si Abby. No Exceptions.Pagtapak pa lang sa loob ng basement ay parang gusto kong mawala sa katinuan. Pakiramdam ko naririnig ko ang mga hiyaw ni Abby habang hinahagupit ko ito ng latigoAng kaawa-awa kong asawa na nagdusa sa sarili kong mga kamay.Tahimik akong naghihintay sa pagdating ni Dr. . Yu. Tahimik din ang mga tauhan ko habang nakikiramdam sa susunod na hakbang kong gagawin. Tiningnan ko ang papel na bigay sa akin kanina ni Dr. Mendez. Nakasulat dito ang result ng pag examine sa akin kanina. Mahigpit ko itong hinawakan habang nakatutok ang mga mata sa pintuan ng basement. Gusto ko ng makompronta ang taksil kong Doctor.Ilang sandali din akong nahihintay ng pumasok si Lester kasama ng iba kong mga tauhan. Kasama na nito si Dr. Francis Yu na noon ay bakas sa mga mukha ang matinding pag-aalala at takot."Boss Sarmiento, pinapatawag mo daw ako. May maipaglilingkod ba ako?" pilit na ngiti nito pero halata ang matinding nerbiyos sa mukha."Care to explain this Dr. Yu." wika ko dito sabay tayo at bato ng hawak kong papel sa mukha nito. Nakita ko pa kung paano natigilan ang Doctor at nanginginig ang mga kamay na pinulot ang papel na nagkalat sa sahig.Binasa niya ang nakasaad at biglang nanlaki ang mga mata. Nakita ko din ang butil-butil na pawis na unti-unting nagbagsakan sa noo nito."Now tell me Dr. Yu... Who's telling the truth?" galit kong sigaw dito habang nilalapitan at pinanlilisikan ng mga mata."Bo... Boss, hindi.... imposible!" mahinang wika nito habang namumutla. Hindi ito makatingin ng diritso sa akin. Agad ko itong binigwasan na siya namang ikinabagsak nito sa sahig.Sininyasan ko ang isa sa mga tauhan na itayo ito at hawakan ng maayos. Agad naman tumalima ang mga tao ko at muling inilapit sa akin si Dr. Yu."Alam mo naman kung paano ako magalit diba? Lalo na kapag niluloko ako ng isang tao!!" wika ko habang hinahawakan ko ng mariin ang mga panga nito."Now tell me, nagsisinungaling ka ba sa akin? Ilang beses mo na akong niluluko Dr. Yu?? ." galit kong wika sabay binigwasan ko ulit ito sa sikmura. Napubo naman ito sa sobrang sakit. Hawak-hawak pa rin ito ng mga tauhan ko kaya hindi ito bumagsak sa sahig kahit na nanghihina na ang tuhod nito." Boss, sorry... Sorry Boss." umiiyak ba wika nito."Sorry means Mr. Yu? Tell me the Truth!! Ano ang ibig sabihin ng sorry mo? Ha??????" galit kong wika dito. Narinig ko ang mahina nitong pagtangis. Marahil ay masyado itong nasaktan sa ginawa ko dito."Tell me the truth Mr. Yu!!! Gusto mo bang ipabitbit ko din buo mong pamilya at dalhin dito para magsama-sama na kayo?" galit ko sigaw dito."Boss, hindi!! Maawa po kayo.. Ako lang ang may kasalanan dito..huwag niyo po silang idamay!" tuluyan ng umiyak na sagot ni Mr. Yu."Now tell me.. Totoo ba ang nakasaad sa papel na ito! Sino ang mas nagsasabi ng totoo? Ikaw ba o ang clinic na pinanggalingan ko kanina?" galit kong wika habang halos isampal ko sa mukha nito ang hawak kong papel."Boss, sorry nagkamali ako. Im sorry Boss." sagot ni Dr. Yu. Para naman bilgla akong nawalan ng lakas dahil sa sinabi nito. Tulala akong napaupo."Napipilitan lang akong gawin ang bagay na iyan Boss. Kailangan ko ng malaking halaga para sa mga loan ko. Natalo ako sa casino at kailangan ko ng pera. Sakto naman na inofferan ako ng malaking halaga ni Ms. Shiela. Kaya kahit na labag sa kalooban ko nagawa ko ang bagay na iyun... Patawad po... " umiiyak na sagot ng Doctor." Anong sabi mo? Si Shiela? " sabat ni Lester. Lalo naman nagliyab ang galit sa puso ko. Nakita ko pa ang mga nagtatanong na mata ni Lester habang nakatingin sa akin.Si Shiela, ang best friend ko? Alam kong may gusto ito sa akin pero hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat. Parang kapatid na ang turing ko dito dahil lagi siyang nasa tabi ko noong mga panahon na nag-uumpisa pa lang ako. Pero bakit nagawa ako nitong traidurin?"Sinungaling!!!" sigaw ko kay Dr. Yu at muling sinikmuraan. Hindi pa ako nakontento at sinuntok ko pa ito sa panga. Lupaypay naman itong bumagsak sa lupa dahil binitiwan ito ng aking mga tauhan.Agad ko itong nilapitan at hinawakan sa kwelyo. Nakita ko pa ang lumuluha nitong mga mata habang nagmamakaawang nakatingin sa akin.."Sabihin mo sa akin? Kailan pa kayo nagsabwatan para lukuhin ako. Kailan pa?" galit kong wika sabay yugyog dito."Noong mga panahon na nagpa general check-up kayo bago ang kasal niyo kay Mam Abby. Gusto ni Shiela na idagdag ko sa result at palabasin na baog kayo. Masyado siyang nasaktan sa pagpapakasal niyo sa ibang babae at hindi niya daw matangap na sa kabila ng kabutihan na ibinigay niya sa inyo, nagawa niyo pa rin magpakasal sa iba. " mahinang wika ni Dr. Yu.Binitawan ko naman ito at kuyom ang mga kamao na nagpalakad-lakad. Kinuha ko ang bote ng alak at ibinato sa kung saan. Pakiramdam ko lalong dumuble ang sakit na nararamdaman ko sa katotohanan na pinatay ko ang inosente kong asawa. Pinatay ko siya kasama ng anak namin. Hindi niya ako niluko.. Sadyang may mga tao lang talaga na gusto kaming sirain.Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Hindi sapat ang mga luha na lumalabas sa mga mata ko ulang mapagbayaran ang nagawa kong kasalanan. Pinatay ko siya... Pinatay ko ang kaawa-awa kong asawa kasama ang anak namin."Abbyyyyyy" malakas kong sigaw habang pinagtatapon lahat ng mahawakan ko. Tahimik lahat ng tauhan ko habang pinapanood ang pagwawala ko. Si Lester naman ay awang-awa habang nakatingin sa akin. Hindi ito nagtangkang pigilin ang pagbabasag ko ng kung anu-ano. Basta ang gusto ko lang ay mailabas paghihinagpis na nasa kalooban ko. Pakiramdam ko ay mababaliw ako at hindi ko matanggap ang lahat ng mga nangyari na.LUTHER"Hanapin niyo si Shiela. Iharap niyo sa akin ang babaeng iyun. " sigaw ko sa mga tauhan ko nang makabawi sa matinding pagwawala. Agad naman tumalima ang mga ito. Tahimik ako habang pinapanood ang iba kung mga tauhan na iginagapos ang lupaypay na si Dr. Yu.Nakita ko pa na kinausap ni Lester ang lima kong tauhan bago inutusan na umalis. Nagbigay ito ng instructions na siyang sinunod naman ng lima kong tao. Kapagkuwan kay umalis na ang mga ito habang si Lester naman ay tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Marahil ay hinihintay nito ang iba ko lang gustong ipagawa. Kumuha ulit ako ng sigarilyo. Sinindihan ko ito habang tahimik na lumuluha. Iginala ko pa ang paningin ko sa paligid ng basement. Siguro kailangan ko ng magpagawa ng kulungan na rehas dito sa mansion. Hindi sapat ang isang araw na paghibirap upang mapagbayaran lahat ng mga kasalanan na ginawa sa akin ng mga taong ito. Hindi ako makakapayag na matatapos sa kamatayan ang pagbabayad ng kanilang mga kasalanan. Gusto kon
Third Peson POV"Huwag... Huwag... Huwag!!!!" sigaw ng natutulog na si Abby. Nakataas pa ang mga kamay nito na pakiwari ay may sinansangga. Pawisan ito at umiiyak. Halata ang takot nito sa mukha habang sumisigaw.Kitang-kita din ang mga pasa at sugat nito sa buong katawan pati na sa mukha. Kaawa-awa ang hitsura nito at hindi mo aakalain na matinong tao pa ba ang nanakit dito. Kung titingnan kasi ang hitsura ni Abby swerte na lang kung mabubuhay pa. Bali ang isang legs nito at hindi na halos makikita ang tunay na kulay ng likod nito dahil puro latay at sugat. Ang mga braso naman nito ay puro sugat din. Putok ang mga labi at halos hindi na maibuka ang mga mata dahil sa pamamaga. Halos magkulay ube ang buo nitong katawan"Abby!! Abbyy!! Diyos ko Doctora!!! Naghehestirikal na naman siya." sigaw ng nagbabantay ditong bakla habang tarantang lumabas ng kwarto. Tumatakbo naman na dumadating ang butihing doctor. Agad nitong dinaluhan ang nakahigang si Abby. Hinaplos niya ang noo nito at tinapi
Luther"Ngayun masaya ka ba? Masaya ka na ba Shiela?"nanalilisik ang mga mata kong sigaw dito. Gustong-gusto ko na itong sakalin para matapos na ang lahat. Gustong-gusto ko itong isama kay Abby sa kabilang buhay. " Luther, patawarin mo ako. Nadala lang ako sa matinding pagmamahal na nadarama ko sa iyo. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. " umiiyak na wika ni Shiela. Halatang-halata ang takot nito dahil nanginginig ang buo nitong katawan."Bwesit Shiela!!! Alam mo namang hindi ka na iba sa akin. Itinuring na kitang kapatid pero sinira mo ang lahat. Ngayun sabihin mo sa akin.. Anong parusa ang gusto mo!!!" sigaw ko dito habang pinipigilan ko ang sarili kong muli itong saktan."Im sorry... Hindi ko alam.. Patawad!" umiiyak na sagot nito."Hindi... Ganoon na lang ba iyun? Pagkatapos malagutan ng hininga sa sarili kong mga kamay ang pinakamamahal kong asawa ganoon na lang ba iyun? Sa palagay mo basta na lang kitang patatawarin?" galit kong wika dito. Maang naman na napatitig sa akin s
Luther POVKinaumagahanMataas na ang sikat ng araw ng nagising ako. Madaling araw na din kasi akong nakatulog kaya naman hindi nakakapagtaka ang bagay na iyun. Agad akong bumaba ng kwarto at diritsong naglakad papuntang kusina. Naabutan ko si Nanay Nilda na abala sa paghahanda ng pagkain."Oh Luther Anak gising ka na pala.. Tamang-tama Kakatapos ko lang magsangag. Tiyak na magugustuhan mo ang mga pagkain na inihanda ko para sa iyo." nakangiti na wika nito sabay bitbit ng pagkain papuntang dining. Sumunod naman ako dito."Thank you Nay. Pero kape lang sana ang kailangan ko." wika ko dito."Naku Luther mamaya ka na magkape.. Kumain ka muna. Ilang araw kanang walang matinong kain. Sige na anak umupo ka na diyan at kumain muna." wika ni Nanay Nilda. Napabuntung-hininga naman ako at nagpatianod na lang. Alam kong hindi ako titigilan ni Nanay Nilda. Nag-umpisa na akong kumain ng dumating si Lester. Agad itong lumapit sa akin at bumulong. Tumango naman ako ng marinig ko ang sinabi nito. Pa
ABBY POV"Huwag!!! Lutherrrr!!!!! Umiiyak kong wika habang takot na takot akong nagtatakbo sa kasukalan. Hinahabol ako ni Luther. Gusto niya akong patayin. Ayaw nitong maniwala na magkakaanak na kami." Tulong!!! Tulong!!! Paulit ulit kong sigaw ng maramdaman ko na may mahinang tumatapik sa aking mukha. Agad akong napadilat. Tumampad sa paningin ko ang nakangiting mukha ng isang matandang babae. Yayakap sana ako dito pero agad akong napangiwi. Sobrang sakit ng buo kong katawan. Wala din akong lakas para bumangon. "Salamat sa Diyos at gumising ka Iha. Lagi ka na lang kasing binabangungot." nag-aalalang wika ng matanda. Hindi ko ito sinagot bagkos ay takot kong iginala ang aking paningin sa paligid. "Nasaan po ako? Si Luther!!! Si Luther! Itago niyo po ako sa kanya.. Maawa kayo papatayin niya ako.. Papatayin niya ang anak namin!" umiiyak kong wika dito. Naramdaman ko naman ang paghaplos nito sa buhok ko. "Abby.. Abby.. Tumingin ka sa akin...wala si Luther.. Hindi ka na niya mahahanap
Abby"Lets go na Abby.. Kahit sandali lang. Maarawan ka man lang sana sa labas." pagyayaya sa akin ni Erika. Nakaupo ako dito sa aking higaan. Medyo maayos na ang aking pakiramdam maliban lang sa aking kaliwang binti. Sumasakit pa rin kasi kapag pinililit kong tumayo. Sabi ni Mama Charito ito daw ang napuruhan noong bugbugin ako. Pwede naman akong makalakad pero kailangan ko ng saklay. Pero hindi ito inirerekomenda ni Mama sa akin kasi buntis ako. Baka daw madulas ako.Mahigit tatlong buwan na din ang nakalipas simula ng mangyari sa akin ang muntik ng pagkitil sa buhay ko. Pero hangang ngayun hindi ko pa rin alam kong ano ang hitsura ng labas ng kwarto ko. Hindi na kasi ako nagtangka pang lumabas. Natatakot ako sa isiping baka nasa labas lang ang mga tauhan ni Luther.Tanging sila Erika at Mama Charito lang din ang nakakausap ko araw-araw. Ayos na din yun kasi ayaw ko din makita ako ng ibang tao. Natatakot ako na baka may magsumbong kay Luther kong nasaan ako.Alam kong masyado na ako
Luther POVIlang buwan na din ang nakalipas ng mawala sa akin si Abby. Pero kapag tinitingnan ko ang mga larawan nito parang buhay ba buhay itoHindi ko alam kung hangang kailan ako sisingilin ng aking konsensiya pero alam kong habang buhay ko itong pagdurusahan.Walang kapatawaran ang ginawa kong kasalanan dito kaya wala akong dapat na sisihin kundi ang sarili ko lamang.Buong ingat kong inilapag ang dala kong bulaklak sa harap ng picture frame nito. Nandito ako sa isang kilalang columbarium. Dito ko napiling ilagay ang Urn ni Abby. At least dito hindi siya nag-iisa. At alam kong ito ang tama. Kailangan ko na siyang ihatid sa huli niyang hantungan at sana sa susunod na buhay namin kami pa rin ang nakatakda para sa isat-isa. Hinipo ko pa ang mukha nito sa picture frame bago ako tuluyang lumabas. Agad akong sinalubong ng mga tauhan ko. Ipinagbukas pa ako nito ng pintuan ng kotse upang makapasok sa loob."Saan tayo Boss?" tanong sa akin ni Nestor. Isa ito sa pinakamatagal at tapat kong
ABBY POVHalos maluha ako ng makita ko ang hitsura ng kambal kong anak. Sa wakas nairaos ko sila ng maayos sa tulong ni Mama Charito at Erika. Ganito pala ang pakiramdam. Sulit lahat ang hirap na pinagdaanan ko. Sa wakas nailuwal ko sila sa mundong ito ng ligtas. Akala ko talaga wala na akong pag-asa pang masilayan ang mukha ng magiging anak ko. Pero mabait ang Diyos. Hindi niya ako pinabayaan. Napakaganda nila. Lalaki at babae. Pinapangako ko na bubusugin ko sila sa pagmamahal. Hindi man nila makikilala ang ama nila pero pipilitin ko ibigay sa kanila ang isang masayang pamilya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, ako ang pinakamasayang tao sa mundo. Kahit na palaging sumasagi sa isipan ko na palalakihin kong mag-isa ang mga anak ayos lang. Basta ang importante buhay kami at ligtas sa mga kamay ng malupit na si Luther. "Grabe Abby manang-mana sa iyo ang mga anak mo. Kahit babies pa lang kitang kita na kung gaano katangos ang kanilang mga ilong. Hayss mapapa-sana all na lang talaga a