Home / Romance / The Billionaires' Secret / Book 8: Amalia and Max

Share

Book 8: Amalia and Max

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2023-11-08 08:43:34

"BUNTIS po ako," pabulong na sampit ni Amalia sa harap ng nobyo kasama ang ina nito.

" Ano ang gusto mong gawin ng anak ko ngayon? Panagutan ka para matupad ang pangarap mo na makaahon sa hirap?" Nang iinsultong patutsada ni Loraine—ang ina ng nobyo ni Amalia.

Pinipigilan ni Amalia na tumulo ang luhang nagbabantang umalpas sa kanyang mga mata. Ang nobyo ay tigagal lamang na nakatitig sa kanya at tila hindi makapaniwala sa kanyang isiniwalat. Halos isang buwan na rin silang hindi nagkikita ng nobyo. Kung kaya naglakas loob siyang pumunta sa bahay ng mga ito upang ipaalam ang kanyang kalagayan. Sa edad na bente, malapit na siyang magtapos bilang isang pulis. Mahirap lamang siya at scholarship kung kaya lantaran ang pagkaayaw sa kanya ng pamilya ni Anthony. Alam niyang may kaya sa buhay ang pamilya ng lalaki. Tutol din ang mga ito sa kinuha nitong kurso na katulad sa kanya at siya ang sinisisi ng nanay nito.

"Ang kapal ng mukha mo! Ginawa mo talaga ang lahat upang makisampid sa pamilya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Vermie M. Perez
amilia and general max story abangers
goodnovel comment avatar
Myra Joy Bautista
wow....ang Ganda rin ng kwento ni Amalia... paano nya kaya mapapaibig ang masungit na general max Hihihi
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaires' Secret    Book 11: Chapter 2-Tunay ba pagkatao

    "Jay Falcon, Jr. Nag-iisang tagapagmana ng isang malaking kompanya sa bansang Spain." Malakas na basa ni Dexter sa taong pinahahanap.Pahintamad na inunat ni Jay ang mga braso habang hindi hinihiwalay ang tingin kay Dexter. Nakakatawa lang at madali nitong nalutas ang kasong hawak. Naalala pa niya ang unang araw na inilatag ang file niya roon. Pinagtawanan siya ng lahat lalo na ng kababaihan. Kahit ibang-iba ang mukha niya roon sa larawan ay madali siyang makilala. Long hair kasi siya roon sa larawan at sobrang puti. Ngayon ay parang tan na ang kulay niya at sinadya niyang magpainit lagi sa beach.Napangisi si Dexter habang pinagmamasdan si Jay. Bagay din naman dito ang gupit nito ngayon. Pero mas astig itong tingnan sa larawan. Mahaba ang buhok at nakaipit. Wala sa hinagap nila noon na apo ito ng isang milyonaryo sa ibang bansa. Pero hindi ito makapagtago ng matagal sa abuelo nito dahil pinagalaw na ang pera."Tama na ang alam niyang may bago akong negosyong mina-manage." Pabaliwalan

  • The Billionaires' Secret    Book 11: Chapter 1-Jay Falcon

    Mabilis na inilaglag ni Jay ang nauupos na sigarilyo nang makita ang papalapit ba kaibigan, inapakan iyon upang mamatay ang baga. "Kanina ka pa hinahanap ni Eagle 4." Tukoy ni Ruel kay Micko.Pinagpagan muna ni Jay ang sarili upang maalis ang amoy usok na galing sa sigarilyo. Hindi siya maaring pumasok sa loob ng opisina na ganoon ang amoy at masilan ang pagbubuntis ni Agent Cris. Naroon kasi ito at kasapi pa rin sa ahensya. Pero hindi na ito binibigyan ng mabigat na trabaho katulad ni Amalia. Minsan lang din pumaroon kapag may personal na kailangang ayusin roon."May bago bang kasong hawak ang ahensya?" tanong niya kay Ruel bago humakbang."Hindi ko pa alam pero may kausap kanina si Boss Detxer," ani Ruel habang sinasabayan sa paglalakad si Jay.Tumango-tango si Jay at hindi na muling nagsalita."May problema ka ba?" puna ni Ruel sa kaibigan. Kahapon pa niya napapansing napadalas ang paninigarilyo ng kaibigan.Sinulyapan ni Jay si Ruel pero mabilis ding ibinalik ang tingin sa dinada

  • The Billionaires' Secret    Book 10-Finale

    Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 39- A big show

    MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 38-Pagsubok kay Argus

    KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara

  • The Billionaires' Secret    Book 10:Chapter 37-I can't promise

    RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status