Narito ako ngayon sa bahay ng kaibigan ko na si Thes. Therese Catalina Rivanez. She has a pet house one of her many businesses. Dito ko muna sa kaniya ipagkakatiwala ang aking mga anak. Nakakalungkot man pero wala akong choice kung hindi ang ipaalaga muna sila.
"Ilang ba ang mga alaga mo, Tangi?" tanong niya sa akin.
"I have 3 cats and 4 dogs. Mababait naman sila, Thes, hindi sila sakit sa ulo. Ako ang nag-aalaga sa kanila kaya mababait sila," sabi ko.
Nanghaba ang nguso ni Thes sa sinabi ko.
"Matigas ang ulo ng nanay nila at makulit, hindi ako naniniwala."
Binigyan niya ako ng form at tinginan ko iyon.
"Fill up ka, ilagay mo rin kung kailan mo sila babalikan. Dahil kaibigan kita, may discount ka."
Ngumiti ako sa kaniya. Kinuha ko ang ballpen ko sa aking bag at nag-fill up na ako ng form. Hindi ko naman ito gustong gawin, kaya lang ay hindi ko maaaring isama ang mga babies ko.
"Saan ka ba pupunta, Tangi? ito ang unang beses na ipapaalaga mo ang mga anak mo sa akin, ah?" tanong ni Thes.
"Magbabakasyon lang ng dalawang buwan sa malayo. Malapit na kasi akong sintensyahan," sabi ko at iniabot sa kaniya ang form nang matapos ko nang fill upan.
"Sintensyahan?" tanong niya.
Tumango ako, "Nakahanap si dad ng lalakeng papakasalan ko, eh. Kilala mo naman ako, Thes, maayos na ang buhay ko kasama ang mga alaga ko pero ayaw pumayag ni dad. Kung ipipilit ko ang gusto ko na huwag mag-asawa ay ipapadala niya ako sa states. Paano naman ang mga anak ko at ang mga businesses ko dito sa pinas?"
Inilagay ni Thes sa loob ng envelope ang form at ipinasok na iyon sa loob ng drawer niya.
"Talagang gusto ni Tito George na mag-asawa ka, sabagay, naiintindihan ko naman na nais ka niyang malagay sa maayos na buhay at gusto niyang may mag-aalaga sa 'yo. Pero, hindi ko inaasahan na hahanapan ka niya ng mapapangasawa, ha? nainip na talaga ang daddy mo," sambit ni Thes na sinundan pa niya ng tawa.
Ako naman ngayon ang nanghaba ang nguso. Iyon nga, mapilit talaga si dad. Akala ko noong una ay kakailanganin ko pang maghanap ng lalake na makakasundo ko para maipakilala sa kaniya, pero noon pala ay may lalake na kaagad siyang nasa isip.
Hindi lang iyon, nakausap na niya ang lalake pati na ang mga magulang nito.
Ano nga ulit ang pangalan nong lalake?
"Oh, siya, may meeting pa akong a-attendan, Tangi. Mauna na ako sa 'yo, iyong mga alaga mo ipapakuha ko na lang sa mga tauhan ko, ha?" sabi ni Thes at tumayo na ito.
Tumayo na rin ako, "Naku, nariyan na sila sa sasakyan ko, ipapasok ko na lang."
Nagpaalam na ako sa mga babies ko. Masakit man, pero kailangan kong magsakripisyo para sa magandang buhay naming mag-iina. Kailangan kong makakita ng kasamaan ng lalakeng tinutukoy ni dad para magbago ang isip niya at para magawa ko na ang mga gusto kong gawin sa buhay ko.
Nang maiwan ko na ang mga anak ko sa pet house ni Thessa ay sunod akong pumunta sa main branch ng flower shop ko. Tinatangi ang pangalan ng flower shop ko at may tatlong branch na ito ngayon.
Mahilig ako sa mga bulaklak kahit noong maliit pa lang ako. Namana ko sa mommy, kaya nang tinanong ako ng dad kung anong nais kong negosyo ay hindi na ako nag-isip pa. Flower shop ang kaagad kong sinabi sa kaniya.
Nag-invest si dad sa akin, pinalago ko ang negosyo ko, sinuportahan rin ako ng mga kapatid ko hanggang sa makilala ang tinatangi at magkaroon pa ito ng dalawang branch.
"Huwag po kayong mag-alala, Ma'am Tangi, hindi po namin pababayaan ang flower shop habang nasa bakasyon kayo," sabi ni Alma ang aking manager.
"Naku, salamat! tatawag-tawag ako sa inyo pag may oras ako pero hindi magiging madalas dahil nais kong sulitin ang bakasyon ko," sabi ko sa kanila.
Nang masiguro kong nasabi ko na ang lahat ng dapat gawin ay umuwi na ako sa aking sariling bahay. I got my own house when Tinatangi got its second branch. Ayaw ni daddy noon pumayag, ako raw ang bunso dapt ako ang maiwan sa mansyon namin. Pero naroon naman ang isa kong kapatid, at dahil paborito ako ng mommy ay tinulungan niya akong makumbinsi si dad na magkaroon na ng sariling bahay.
Masaya ako sa buhay ko, palagi ko iyong sinasabi sa mga magulang ko. But, dad is really persistent. He wanted me to have my own family which is I don't see in the future. Hindi ko talaga nakikita na may asawa ako at mga anak. I am happy now, and it's hard because dad can't understand me.
"Nasaan na ba 'yon?" inilinga ko ang aking mga mata sa aking silid. Hinahanap ko iyong mga binili kong simpleng pambahay. Hindi ko kasi maaaring dalhin ang mga damit na mayroon ako dito. Puro branded iyon. Masisira ang plano ko kapag may nakakita ng mga iyon.
Bumili ako ng mga simpleng pangbahay na damit para sa aking plano. Isa-isa kong inilagay ang mga iyon sa bag na nabili ko sa taytay kahapon.
Wala na talagang atrasan ito...
Kailangan kong mabago ang isip ni dad at mangyayari lamang iyon kapag napatunayan kong masama ang ugali ng lalakeng nais niyang mapangasawa ko.
"Hindi ko alam bakit ang taas ng tingin ni dad sa lalakeng iyon," sabi ko sa sarili ko habang inilalagay ang mga panty ko sa loob ng bag. Kahit pala pang adult na panty may design pa ng hello kitty. But anyway, it's cute.
Pero kung tutuusin ay isa ring mayaman ang nais ni dad para sa akin. Katulad ni dad ay bilyonaryo rin. Naalala ko pa ang sinabi niya kahapon.
"Marami kaming matatandang businessmen ang hanga kay Rozzean sa galing niya sa paghawak ng mga negosyo, lalo sa pakikipag-usap, Tangi. Siya ang pinakabata sa mga kilala kong successful na. Kaya't siya rin ang napili ko para sa 'yo. Hindi pa ako nagkakamali sa buong buhay ko, kaya sigurado na ako sa kaniya, anak."
Pero ako hindi niya tinanong kung sigurado ba ako, eh.
Anyway... Nabasa ko rin sa papel na isa itong CEO. Pero hindi naman ako nai-impress sa mga lalakeng mayaman. Mayaman rin naman kami. Isa pa, I can make my own money. Ayoko ng idea na mag-asawa ng mayaman para mabilhan ako ng mga gusto ko. May sarili akong pera para sa mga luho ko.
"Okay! I'm ready!"
Nagpaalam namana ako kina dad at mommy na magbabakasyon sa palawan. Hindi na nila ako hahanapin. Isa pa, ang alam ni dad kaya ako humingi ng dalawang buwan ay para mag-enjoy at magbakasyon bago ko makaharap ang lalakeng nais niyang mapangasawa ko.
Pero hindi niya alam na pupuntahan ko ang Rozzean na iyon.
Kailangan kong makapasok sa bahay niya, at malaman ang mga gawain niya.
Kailangan kong malaman kung tunay ngang mabuti siyang lalake dahil naniniwala ako na walang single man na hindi naloloko sa mga babae. Lalo pa at isa siyang bilyonaryo. Marami siyang pera.
Nababasa ko sa mga novels iyon. Ang mga bilyonaryo ay mahilig sa sex! imposibleng wala siyang ikinakamang babae at iniuuwi sa mansyon niya.
At kapag nakakuha ako ng ebidensya na babaero siya at marami siyang babae ay uuwi ako at ipapakita iyon kay dad.
Sa ganoon ay makuha ko na ang kalayaan na gusto ko.
Magaling at matalino ka talaga, Tangi!
"Anong kailangan mo dito, miss?"Napatingin ako sa guard. Alam ko naman na hindi ako basta-basta makakapasok sa village na ito at mukhang mayaman ang mga nakatira dito at didiretso na sana ako kaso bigla itong nagsalita. Mukha namang mabait si Kuyang Guard, mauto ko kaya ito?"A-Ahh, kuya... nabalitaan ko kasi na dito daw iyong bahay ni Mr. Valleje. Mag-a-apply sana ako bilang katulong," sabi ko.Bumaba iyong guard at nilapitan ako. Napaatras naman ako at hinigpitan ang hawak sa panyo na nakatali sa ulo ko. Maayos naman ang disguise ko, ilang beses akong tumingin sa salamin kanin bago ako umalis sa bahay. Isang palda na lagpas hanggang tuhod ang suot ko. Naka itim akong medyas at ang suot kong rubber shoes ay bulaklakin. Nabili ko ito doon sa ale na nakita ko kahapon sa taytay. Wala daw siyang benta kaya binili ko na.Tapos naka long sleeve ako ng damit. Ang init pero keri lang, Titiisin ko kaysa malantad ang makinis kong mga braso. Mas hindi ako paniniwalaan na mahirap at naghaha
Hindi ako makagalaw. Ramdam ko siya sa likuran ko. Nang aalis na ako ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko na inabot niya iyong towel na nakapatong sa sofa. Jusko magkakasakit ata ako sa puso. Kapag natanggap ako bilang katulong niya, mukhang palaging tataas ang presyon ko dahil sa kaniya."So, tell me..."Bakit naman nakahubad ang lalakeng ito?! wala siyang boxer! talagang walang suot!"How old are you?"Narinig kong tanong niya. Pero dahil sa sobrang gulat ay hindi ako kaagad nakapagsalita. Nakatakip ang mga kamay ko sa aking mga mata at hindi talaga gumagalaw. Pakiramdam ko kanina nang makita ko ang jolly hotdog niya ay humiwalay sandali ang kaluluwa ko sa katawan ko.Grabe. G-Grabe lang...Ganoon pala ang itsura non.Normal size ba 'yon? ay sht! alisin mo iyan sa isipan mo, Thaliana Tangi!Pero hindi ko kasi alam! unang beses ko makakita ng hotdog! hindi pa rin ako nakakanood ng powrn! anong alam ko sa sizes ng mga hotdogs!"Nakalimutan ko. Sinabi ng guard kanina na elementarya lan
Nakita ko na nagsalubong ang makakapal na kilay niya. Ako naman ay na-realise kong bigla ang nasabi ko at napagtanto na hindi ko dapat iyon sinabi sa kaniya. Kung kanina ay 90% na ang tiyansa ko na matanggap bilang katulong ngayon ay mukhang 50/50 na."Ano ang sinabi mo?"Itinaas ko ang isang kamay ko at nag-peace sign sa kaniya nang makita ko na namuo ang galit sa mukha niya. Grabe, sabi ni dad mabuting tao ito?! ba't ang bilis magalit?!"J-Joke lang, sir. Hindi ka naman mabiro! h-hehe..."Ibinaba ko ang kamay ko at pinagsalikop iyon."Huwag po kayong mag-alala sir, hinding-hindi po ako magkakagusto sa inyo. Hindi rin naman po kayo ang type ko. Iyong type ko kasi chinito, eh, hindi ka naman chinito. Saka, nakakatakot po kayo," sabi ko.Lalo na yung hotdog niya na parang ready to attack any moment."By the way, I am Rozzean Cyron Valleje. I just want to clear things before I accept you, Tali-- ang ibig kong sabihin ay nais kong maging klaro sa iyo ang isang patakaran ko dito sa bahay
Ipit na ipit ang sarili ko at nakaliyad pa para lang hindi mapadikit sa lalakeng ito sa harapan ko. Kung ganoon ay tinikman niya pala iyong iniluto ko. Pero kailangan ba sa ganitong posisyon pa? Hingang malalim, Tangi. Huwag ka magpaapekto sa lalakeng iyan. Kailangan mong lakasan ang loob mo. Narito ka sa pamamahay niya para imbestigahan ito, hindi ka maaaring mahulog sa patibong niya mukhang tine-test niya ang pasensiya ko at tinitingnan kung type ko siya, katulad ng mga katulong na napalayas niya. "Sir, kung nagugutom na po kayo ay maghahanda na ako," magalang kong sabi. Umatras siya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Talaga bang naglalakad siya dito sa bahay niya ng walang pang-itaas na saplot? "Nasaan si Selya?" tanong nito sa akin. "Siguro po ay nasa labas," sagot ko naman habang nagsasandok ng kanin niya. Naglagay na rin ako ng ulam. Naiilang ako. Pakiramdam ko ba ay pinapanood niya ang bawat pagkilos ko. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng juice. Nagsalin ako sa pitse
Lumipas ang oras, hindi na muling lumabas pa ng silid si Rozzean. Alas otso syete na ng gabi at nakaluto na rin ako ng hapunan. Tinanong ko si manang kung ano ang maaaring gustong ulam ng boss ko ang sabi niya ay paborito nito ang tinola. Kaya iyon kaagad ang niluto ko. Kaso ito, hindi pa rin siya bumababa. Nakakapagod umakyat para pumunta sa silid niya. Ang taas-taas naman kasi nitong bahay. Ngayon nandito ako sa may sala kasama si manang. Nanonood kami ng palabas sa TV. "Manang, ikaw? hindi ka pa ba kakain?" tanong ko sa kaniya. Ako kasi nakakaramdam na ng gutom. Hindi naman ako nananghalian. Nakalimutan ko nang kumain bago umalis ng bahay ko. "Hangga't hindi pa kumakain si sir, hindi ako maaaring kumain," sagot niya. Napabilog ang mga labi ko. Patakaran kaya ni Rozzean iyon? Pero sa totoo lang, ilang oras pa lang ako dito marami na akong napansin sa ugali niya. Una, mainitin ang ulo niya. Pangalawa, mahilig siyang magpakita ng katawan. Kailangan ko maging alerto. Pakira
Nang matapos kaming mag-check ng mga appliances kung may nakasaksak pa at nang maisara na namin ang lahat ng bintana at pinto sinabihan ako ni manang na maaari nang magpahinga. Pero nang makaakyat ako sa second floor ay napatingin ako sa hagdan papuntang third floor. "Hindi pa rin siya bumababa para kumain," sabi ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at pumunta na sa aking silid. Malayo ang room ni manang sa akin, nasa ibaba ang silid niya, hindi ko na siya ma-chi-chika at bukas ko na maitatanong ang mga nais kong malaman sa bahay na ito. Na-curious ako sa sinabi niya na maaaring kalungkutan ang dahilan kung bakit maraming halaman si Rozzean dito. Bakit ito malulungkot? kung tutuusin ang laki nitong bahay, ang ganda. Dream house talaga ng karamihan, saka ang dami niyang pera. Kahit anong gusto niya ay maaari niyang bilhin. Ano ang dahilan para malungkot siya? "Teka? bakit ko naman iniisip kung ano ang dahilan?" Tumayo ako at tinungo ang cr ng room ko pero bago iyon ay sinigur
Inilayo niya ang mga mata sa akin at tumingin sa ibang direksyon. Sinundan ko ang tinitingnan niya at kaagad akong tumayo nang makuha ko ang nais niyang sabihin. May isang room pa na nakakonekta sa silid niya na ito. Naglakad ako para puntahan iyon. Nang makita ko na mga damit, sapatos, relo at alahas ang naroon ay namangha talaga ako. Napaka-organize ng lalakeng ito! Kumuha ako kaagad ng itim na damit. Puro itim, gray at white ang mga narito sa pambahay niya. Nang makabalik ako ay lumapit ako sa kaniya. "Sir, suotin mo na po," sabi ko at ibinaba sa gilid ng kama ang damit. Nakapikit ang mga mata niya. "Natutulog po ba kayo ulit sir?" "M-Makakasagot... ba... ang tulog?" kahit mahina ay narinig ko ang sinabi niya. May sakit na nga at lahat suplado pa rin! Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Nang kukuhanin na niya ang damit at isusuot ay nakita kong nahirapan siyang itaas ang dalawa niyang kamay. Napahinga ako ng malalim at lumapit, itinukod ko ang tuhod ko sa kama at k
Bigla akong napadilat nang may malakas na tunog akong narinig. Kinuskos ko ang aking mga mata at bumangon. Hinanap ko ang bagay na tumutunog. Hindi naman 'yon yung cellphone kung saan tumawag si Rozzean kagabi.Ang tunog ay parang alarm clock."Nasaan ba 'yon--"Nang tumingala ako ay nakita ko na ang tumutunog. Napabuntong hininga ako at sumampa sa bangko. Kitang-kita ko ang oras, mukhang may alarm ang mga katulong dito sa bawat kwarto. Alas singko na pala.Mas maaga ito sa gising ko. Tuwing alas sais ako nagigising, tapos alas otso naman ako pumupunta sa Tinatangi para mag-ayos ng mga bulaklak.Pinatay ko na ang alarm clock, tinungo ko ang banyo at naghilamos. Habang nagpupunas ako ng mukha ay naalala ko ang nangyari kagabi.Kamusta na kaya 'yon? may sakit pa rin kaya?"Mukhang kawawa pag may sakit, pag naman wala mukhang demonyo sa sungit."Huminga ako ng malalim at nagsimula nang mag-toothbrush. Kailangan ko nang gumayak, tiyak na si Manang Selya ay gising na rin. Naghanda ako ng p