FAZER LOGINKumakabog ang puso ni Maxine habang nanginginig ang kaniyang mga kamay.
Sa sandaling iyon, para bang bumibigat ang bawat paghinga niya, hindi dahil nahihirapan siyang huminga, kundi dahil sa bigat ng mga alaala, problema, at takot na ayaw niyang harapin. Ang kwarto niya, na dati’y parang ligtas na espasyo, ngayon ay tila kulungan na. Nang makapasok siya sa kanyang kwarto, agad agad niyang hinahanap ang mga papeles at mga dokumento. Binuksan niya ang huling drawer… at napatingin siya sa isang kumpol ng sertipiko. CPA, CFA, at iba pang credentials na tinatawag na golden tickets in the field of finance. Sa pagkakita nya ng mga papel na iyon ,bigla syang may naalala na sumasalamin sa kanya ang mga papel na tila ilang taon niyang sinakripisyo, pinag-puyatan, at iniyakan. Lahat ng hirap, lahat ng pangarap. Pero kahit gaano kahalaga ang mga iyon, sa bahay na ito, tila wala itong saysay. Para bang kahit maging pinakamagaling siya, may kulang pa rin sa paningin ng mga taong dapat unang magpapahalaga. Ngunit mabilis niyang isinara ang drawer. Kinuha niya ang ilan sa mga damit at ipinasok sa maleta. Sakto namang pumasok si Clifford. “Ate, aalis ka na naman ng bahay? Tigilan mo na nga yan!" Lumapit siya at hinila ang maleta.Parang paputok ang tono ng kapatid niya. "Hindi man lang marunong umawa talaga ang mga to! ni hindi man lang talaga nila ako iniisip!" pabulong na sambit ni Maxine “Kung hindi ka magso-sorry sa kanila, wala na talagang magtatangkang kumausap sayo. Ilang araw mo na naman balak bumalik ha? Kahapon lang tumakas ka rin! Tapos umaga ka na rin nakabalik. Nakakahiya ka! Ikaw ang dahilan kung bakit nagiging panget yung atmosphere sa pamilyang to!” bulalas niya, sabay ibagsak ang maleta. Sa tunog ng pagbagsak ng maleta, parang may umalon na galit sa dibdib ni Maxine. Nagkalat ang mga damit sa sahig at napatingin si Maxine at hindi niya natiis ang mga sinabi ni Clifford. Mainit ang tenga niya, nanlalamig ang mga daliri. Pilit niyang kinukulong ang emosyon pero unti-unti nang humihigpit ang dibdib niya...hanggang sa sumabog. Itinaas niya ang kamay niya at sinampal si Clifford. Pak! Napahawak si Clifford sa pisngi niya at sinabing “Sinampal mo ‘ko?” halos tili niya. Nanginginig ang boses nito, hindi lang sa sakit, kundi sa pagkabigla. Hindi nito inaasahang kaya siyang saktan ng ate niyang laging tahimik at palaging umaatras. Si Maxine, na dati ay pinakamasunurin at palaging nagpaparaya, ngayon ay hindi na. Hindi na sya ang dating Maxine na nagmamakaawa ng pagmamahal ng pamilya. Matagal na siyang nasasaktan, pero matagal din siyang nanahimik. Ngayon, ang katahimikan niya ay napalitan ng apoy. Hindi na siya ang babaeng tinatanggap ang lahat ng pasakit na walang reklamo. Galit na galit si Clifford “Sinampal mo ‘ko?! Hindi ako makapaniwala! Ate! This time, I will never gonna talk to you anymore! Bahala ka na sa buhay mo! Kung gusto mong umalis, umalis ka! Wala pang ilang araw, babalik ka rin dito nang naka-yuko at makikiusap samin! Tandaan mo yan!” Galit na naglakad palabas si Clifford. Sumara ang pinto sa direksyon niya, at sa bawat tunog ng yabag niya, ramdam ni Maxine na parang tinatanggalan siya ng bigat, unti-unting gumagaan ang loob niya, kahit masakit. Habang pababa si Maxine ng hagdan dala ang maleta, narinig niya ang matinis na boses ng ina. “Maxine! Bakit mo sinaktan ang kapatid mo! Ano ka ba?! Wala ka talagang modo! Lumabas ka at lumuhod ka sa labas!! Kung hindi, wala ka nang lugar sa bahay na ‘to!” Para bang kulog ang tinig ni Mrs. Elvira,malakas, mabilis, at nakakatakot. Walang tanong, walang paliwanag, agad siyang hinusgahan. Napatingin si Maxine sa sofa. Naroon si Amanda, hawak ang yelo habang marahang dinadampi sa namumulang pisngi ni Clifford. Nakatayo si Amanda na parang santang nag-aalaga, ngunit sa likod ng tingin niya, may kung anong kakaiba. Napatingin si Clifford kay Maxine at sinadyang mag-“hmph” tulad ng batang nagtatampo pero mayabang. Hinawakan niya ang kanyang maleta at naglakad papunta sa pintuan. Payapa ang boses niya, pero nagulat ang lahat sa sinabi niya. “Sakto. Ayoko rin naman tumira dito! Kung ayaw niyo akong tanggapin, edi huwag. Kumpleto na naman kayo diba? Wag kayo mag-alala hinding hindi ko na kayo iistorbohin, wag na din kayong maghangad na babalik pa ko sa inyo!” Tahimik pero matalim ang tono niya. Walang pag-iyak, walang pakiusap, walang pakiusap na karaniwang inaasahan nila mula sa kanya. Sa unang pagkakataon, nagsalita siya nang walang takot. Akala ng ina niyang si Mrs. Elvira nagkamali lang siya ng narinig. Nanlaki ang mga mata niya at halos atakihin. “Anong… ano! How did I raise a daughter like you! Sige! let’s see how long you last out there. Simula noong grumadweyt ka, ni isang trabaho hindi ka nagtagal! Gusto ko lang makita kung gaano ka tatagal sa labas! Mark my words Maxine, one day, you’ll return to this house umiiyak at nagmamakaawa sa amin!” Walang habag na salita. Para bang hindi anak ang kausap niya, kundi estrangherong walang puwang sa pamilya. Ang tanging sagot ni Maxine ay malakas na pag-slam ng pinto na umalingawngaw sa buong bahay. Napatigil si Mrs. Elvira. Napaupo siya bigla sa sofa, halos mabitawan ang baso dahil sa panginginig ng daliri niya. “Kung alam ko lang… hindi ko na sana siya ipinanganak!” Bawat salita’y parang sibat na tumatama sa alaala ni Maxine kahit wala na siya sa loob. Si Amanda naman, nakatingin lang, puno ng ngiti ang mga mata kahit nagkukunwaring worried ang labi. “Mom, don’t worry,” sabi niya. “Si Ate, ganyan talaga ‘yan. The harsher she speaks, the sooner she crawls back.” Sa likod ng banayad na tinig, may katahimikang sapat para makapagdulot ng kilabot.Kumakabog ang puso ni Maxine habang nanginginig ang kaniyang mga kamay.Sa sandaling iyon, para bang bumibigat ang bawat paghinga niya, hindi dahil nahihirapan siyang huminga, kundi dahil sa bigat ng mga alaala, problema, at takot na ayaw niyang harapin. Ang kwarto niya, na dati’y parang ligtas na espasyo, ngayon ay tila kulungan na.Nang makapasok siya sa kanyang kwarto, agad agad niyang hinahanap ang mga papeles at mga dokumento.Binuksan niya ang huling drawer… at napatingin siya sa isang kumpol ng sertipiko. CPA, CFA, at iba pang credentials na tinatawag na golden tickets in the field of finance.Sa pagkakita nya ng mga papel na iyon ,bigla syang may naalala na sumasalamin sa kanya ang mga papel na tila ilang taon niyang sinakripisyo, pinag-puyatan, at iniyakan. Lahat ng hirap, lahat ng pangarap. Pero kahit gaano kahalaga ang mga iyon, sa bahay na ito, tila wala itong saysay. Para bang kahit maging pinakamagaling siya, may kulang pa rin sa pan
Pagkatapos kumain ni Maxine, naglakad siya palabas, at halatang nahihiya“Uh… pwede mo ba akong mapahiram muna kahit maliit lang?” mahina niyang tanong na halos hindi makatingin kay Claudine."Hmmm..." Napabuntong-hininga si Claudine ’Yung cufflinks na binigay mo kay Anthony last week? Thats twenty thousand!! Tapos ngayon sasabihin mong wala kang pera?”Napakamot sa ulo si Maxine"By the way, about my hospital bill yesterday… someone paid for it. But I’ll pay it back once I have money.”Hindi na nakapagsalita si Claudine. Binuksan niya ang kanyang bank account at nag-transfer ng 10,000 pesos kay Maxine. Pagkatapos ay tinapik niya ang balikat nito.“Matagal nang nililimitahan ng family mo yung gastos mo. Lahat ng ipon mo napupunta sa lahat ng regalo mo para kay Anthony .Pati relatives mo sa other side, pinipilit mo pang pasayahin" napakamot ng ulo si Claudine“Pero sige na. Wag mo ng bayaran ‘yan. At kung wala kang matutulugan mamaya, bumalik ka lang dito.”Napayuko si Maxine, bahagya
Ramdam ni Maxine ang bigat sa kanyang dibdib habang nakatingin kay Claudine na hindi nya alam kung anong sasabihin.Binigyan ni Claudine ng bagong set ng pajama si Maxine at inilagay sa kanyang kama.“May sariling banyo ka sa room mo. Go shower ka na and take a rest. Super pagod na talaga ako ngayon bes, kaya hindi na kita makakausap ng matagal ha”Tahimik na tumango si Maxine at pabulong na sinabi “Thanks po”Napansin niya si Claudine na pumunta sa isa sa mga pinto ng kwarto, at agad niyang naintindihan na ang isa pang kwarto ay para pala sa kanya.Kinuha niya ang pajamas, nag-shower, at unti unting gumaan ang katawanHalos matutulog na siya nang may narinig syang tunog galing sa kanyang cellphone,agad nya ito tiningnan at nakita nyang nagmessage pala ang kanyang nakababatang kapatid na si Clifford“Ate! just got home. Ngayon ang birthday ni ate Amanda diba? bakit wala kapa? Sabi ni Mom, nag layas ka na naman… grabe, when will you stop ba? Balik ka na, ha! Yung luto ng yaya dito hin
Tinanggap ni Maxine ang sampal na iyon. Tinanggap niya ang nangyari na parang wala na siyang choice.Mabilis na lumapit si Amanda kay Mrs. Elvira para pakalmahin ito“Mom… I’m fine. Promise. Kailangan ko lang talaga . Natatakot lang ako na baka mag-breakdown ulit si Ate, kaya hindi na ako humingi pa ng mas malaki.”Pagkatapos ng nangyari sa labas ng bahay agad-agad namang binuksan ni Maxine ang pinto ng taxi na nakaparada sa tabi.“Kuya… tara na po…”Pero wala siyang maalalang kahit anong pangalan ng lugar. Kaya’t napatingin na lang siya sa bintana ng sasakyan habang pinapanood ang kanyang pamilya na unti-unting naglalakad papasok ng bahay, na para hindi siya kailanman naging parte nito.Napailing ang taxi driver“’Yan ba pamilya mo o kaaway? Wala ka pang sinasabi, bigla ka nalang sinampal. Alam mo, kahit one hundred pesos hindi ko tatanggapin sayo,bumaba ka na muna.”Pagsabi nito, agad na tumulo ang luha ni Maxine.Kahit siya, gusto rin niyang itanong “Pamilya ba talaga ako ng mga yon
Hindi alam ni Maxine kung kanino siya hihingi ng tulong para sa kalahating milyong piso na kailangan niya. Hanggang sa alas-nwebe ng gabi, wala na syang ibang paraan kaya tumawag muli sya kay Mikael.Sa kabilang linya, sumagot ang isang lalaki. Malalim at kalmado ang boses niya, may bad boy vibe pero halata ang pagiging kalmado sa telepono.“Hello?”“Uh… hi… um… pwede ko po bang makausap si Mikael? Please…” Halatang nanginginig ang boses niya sa bawat salita, puno ng kaba at pag-aalinlangan, na para bang umaasang sasagutin siya ng maayos,at inaasahang si Mikael na ang sasagot“I’m Mikael! and you are?”“I’m ma… ano nga ulit?” pabulong nyang sinabi at tila hindi maalala ang kanyang pangalan “Maxine.. I’m Maxine!” siya’y napangiti habang kausap sa telepono si MikaelBigla na lamang kumabog ang dibdib ng lalaki sa pagkagulat na si Maxine na ang kanyang kausap“Hello, Mikael…do you know me? Binigay kasi ni.. sino nga ulit yon?”biglang napatigil dahil hindi niya maalala ang pangalan ni An
Bigla na lamang napatitig si Maxine sa mga numerong nakalagay sa telepono niya, para bang iyon na lang ang natitirang koneksiyon niya sa mundong hindi na niya maalala. Ilang minuto pa lang ang nakalipas mula nang magpakilalang fiancé niya ang lalaki pero kung pagmamasdan ang bawat salita, bawat tingin, at bawat paghinga nito, halatang-halata..Wala siyang kahit konting pag-aalala para sa kanya.Wala.Hindi man lang siya tinanong kung masakit pa ba ang ulo niya. Kung kaya ba niyang tumayo. Kung natatakot ba siya.Samantalang si Amanda, kung titingnan, tila matagal nang nasa maayos na kalagayan. Pero siya, na biktima sa lahat ng nangyari, ay halos mawalan na ng kalahati ng buhay dahil sa pagdurusa.“Ganitong klaseng lalaki… paano ko maiisip na siya ang fiancé ko?” bulong ni Maxine. Ramdam sa bawat salita ang pagkalito, ang takot, at ang panginginig ng loob na unti-unting lumalamon sa kanya.Maya maya pa lamang biglang may narinig syang boses na tila di niya alam kung saan nanggagaling.







