LOGIN"People don't get caught because they lie. They get caught because they forget that every lie leaves a trail."******JASON'S POV :"Sir!" Humahangos na pumasok sa newsroom si Denise, isa sa mga pinaka magaling kong researchers. May hawak siyang tablet na naka-on at isang makapal na folder na may tatak na confidential."May nakita kami, Sir. Importante to." sabi niya habang hingal pa.Agad kong isinara laptop ko at humarap sa kanya. "Ano nakita ninyo?""Hindi tungkol sa CCTV ng hotel, Sir." sagot niya."Tungkol saan pala?" tanong ko."Tungkol kay Tiffany Reyes. Sa phone niya." sagot niya at inilapag folder sa mesa ko.Napakunot noo ako at tumaas kilay ko sa narinig. "Kay Tiffany? Anong meron sa phone niya?"Makalipas tatlumpung minuto, nasa conference room na kami kasama buong digital forensic team ko na tatlo.Lumabas sa malaking monitor profile ni Tiffany Reyes na may picture niya.Dalawang cellphone na gamit niya. Tatlong bank account na nasa pangalan niya. Limang social media acco
"Science has no emotions. Blood does not lie... and neither does the truth."******WESTLEY'S POV :"Marco!" Sigaw ko habang tumatakbo palabas ng basement parking ng Grand Monarch Hotel.Kasunod ko agad sina Jason at dalawa sa mga security personnel namin na may dalang radyo.Sumingit motorsiklo nung naka-delivery uniform sa pagitan ng dalawang sasakyan na nakaparada at mabilis na lumabas sa ramp ng basement."Stop him! Harangin ninyo!" Sigaw ni Marco sa radyo niya habang tumatakbo.Agad humabol mga security vehicle namin at yung mobile ng pulis na naka-standby sa labas ng hotel. Umaandar sirena nila.Pero sanay na sanay yung rider mag-drive sa traffic ng Makati. Lumiko agad sa maliit na eskinita at sa loob lang ng ilang segundo, nawala na siya sa main road ng Buendia.Huminto ako sa gitna ng parking at hingal na hingal. Hindi dahil pagod ako sa takbo.Kundi dahil alam kong hindi iyon simpleng delivery rider lang na naligaw.Professional iyon. Bayaran at sanay pumatay o manira ng ebid
"One honest witness is more powerful than a thousand carefully crafted lies."******JASON'S POV :"Then it's time to burn the hotel."Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko sinabi ng mastermind na nalaman namin plano niyang gawin sa Grand Monarch Hotel para burahin ebidensya.Pagkalabas namin ng server room at nung narinig namin na na-recover na 31% ng CCTV, agad kong hinarap si Westley na seryoso."We need to move. Kailangan na natin kumilos ngayon din." sabi ko sa kanya.Tumango siya agad at naintindihan niya ibig kong sabihin."Marco." tawag niya sa assistant niya."Sir." sagot ni Marco at lumapit."Coordinate with the Bureau of Fire Protection and the local police." utos ni Westley. "Tell them there's a credible threat against this hotel tonight. Sabihin mo may banta ng sunog."Hindi na nagtanong si Marco kung bakit. Alam na niya seryoso to."I'll do it immediately, Sir." sagot niya at tumakbo palabas para tumawag.Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mahusay na CEO si Westley
"Sometimes, the most important evidence isn't what you find... it's what someone desperately tried to erase."******WESTLEY'S POV :Alas-nuwebe ng umaga.Tahimik buong executive conference room ng Vidal Holdings. Walang nagsasalita kahit isa.Nasa harap ko sina Marco, buong legal team namin, mga cybersecurity consultants na kinuha ko, at dalawang independent digital forensic experts na galing pa sa ibang kumpanya para walang bias.Walang nagsasalita sa kanila. Nakatutok lahat sa malaking monitor na nasa unahan ng conference room."Begin. Simulan na natin." mahina kong sabi.Tumayo lead forensic analyst na naka-polo at may dalang laptop."Mr. Vidal." bati niya sa akin."We recovered most of the hotel's surveillance system from Grand Monarch Hotel." sabi niya."But..." huminto siya at parang nag-aalangan magsalita.Napakunot-noo ako sa kanya. "But what? Anong problema?""May nawawalang bahagi sa CCTV footage nung gabing nangyari iskandalo." sagot niya.Naramdaman kong bumigat agad hang
"The truth doesn't reveal itself to those who wait... it rewards those willing to chase it." ****** JASON'S POV : Alas-sais pa lang ng umaga pero nasa newsroom na ako ng Ignacio News Network. May hawak akong kape sa kaliwang kamay at isang makapal na brown folder sa kanan na kakabigay lang ng researcher ko. Hindi ako reporter na naghahabol lang ng scoop para mag viral. Hindi rin ako investigator ng pulisya na may badge. Pero simula nung makilala ko sina Westley at Ella at nakita ko paano sila sirain ng media... Naging personal na rin sa akin paghahanap ng katotohanan. Hindi lang dahil kaibigan ko sila. Kundi dahil ayokong may inosenteng taong masira buhay dahil sa kasinungalingan na binayaran. Sa conference room ng Ignacio News Network, nakadikit sa malaking whiteboard lahat ng ebidensya na hawak namin ngayon. ROOM 1808 HALLWAY CCTV MASTER KEYCARD / GOLD KEY TIFFANY REYES LIZA MONTERO NICOLE SANTOS At sa gitna ng lahat, may isang pulang linya na hindi pa rin namin maid
"A man who truly loves doesn't stop searching... even when the whole world tells him she's already gone."*****WESTLEY'S POV :BANG!Malakas kong itinulak pinto ng opisina ni Chairman Antonio sa Valderama Mansion. Halos masira pinto sa lakas ng tulak ko.Nakatayo na siya sa gitna ng library, nakaharap sa akin. Halata sa mukha niya buong gabi rin siyang hindi nakatulog kagaya ko. Mapula mata niya at gusot damit.May isang puting sobre na nakapatong sa ibabaw ng mesa niya sa gitna.Tahimik niya itong itinulak papunta sa direksyon ko."Iyan ang iniwan niya sa kwarto niya kaninang umaga." sabi niya.Nanginginig kamay kong binuksan sulat na yun. Isang pirasong papel lang na sulat-kamay niya.Ilang linya lang nakasulat. Pero bawat salita na nababasa ko, parang kutsilyong unti-unting bumaon sa dibdib ko at humihiwa.West, I'm sorry. Hindi ako umaalis dahil nawalan ako ng tiwala sa'yo.Umaalis ako dahil may taong gustong gamitin ako para sirain ka at saktan ka.Please don't look for me. Patu







