Home / Romance / The Blind Billionaire's Fake Girlfriend / 10 - Ingay Mula Sa Likod Ng Pinto

Share

10 - Ingay Mula Sa Likod Ng Pinto

Author: acire_berry
last update Huling Na-update: 2026-01-22 18:15:17

Red POV

Pagkarating ko sa living room.

"Nagawa ko na."

"Mabuti "

Napailing ako. Kung hindi ko lang kailangan ng tulong ni Sienna, hinding-hindi ako magsasabi ng sorry. Hindi na ako makakahanap pa ng babae na katulad niya, bukod tanging siya lang ang nakapasa sa gusto kong ugali ng babae. Sa lahat ng sinubukang iharap sa akin ni Nicolas, si Sienna lang ang hindi nabighani sa itsura at kayamanan ko.

"Kahit ilatag mo pa sa harap niya ang pinagmamalaki mong pera Sir Red, hinding-hindi siya magpapatalo sa kahit sino. Nabanggit niya iyon sir kaya kahit mahirap, ikaw ang dapat magpakumbaba."

"Ito na ang huli. Ayokong maulit na ako ang lalapit para humingi ng tawad."

"Kahit ikaw pa ang nanguna?"

Seryoso akong lumingon sa kanan, doon ko mas naririnig ang boses ni Nicolas.

Si Sienna ay magpapanggap lamang bilang girlfriend ko, at ayokong mapalapit siya sa akin ng todo. Magpanggap lang sa harap ng tao, pagkatapos ay kanya-kanya na kami ulit, ganon lang.

"Kahit ako pa ang nauna."

Sig
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   10 - Ingay Mula Sa Likod Ng Pinto

    Red POVPagkarating ko sa living room. "Nagawa ko na." "Mabuti " Napailing ako. Kung hindi ko lang kailangan ng tulong ni Sienna, hinding-hindi ako magsasabi ng sorry. Hindi na ako makakahanap pa ng babae na katulad niya, bukod tanging siya lang ang nakapasa sa gusto kong ugali ng babae. Sa lahat ng sinubukang iharap sa akin ni Nicolas, si Sienna lang ang hindi nabighani sa itsura at kayamanan ko. "Kahit ilatag mo pa sa harap niya ang pinagmamalaki mong pera Sir Red, hinding-hindi siya magpapatalo sa kahit sino. Nabanggit niya iyon sir kaya kahit mahirap, ikaw ang dapat magpakumbaba." "Ito na ang huli. Ayokong maulit na ako ang lalapit para humingi ng tawad." "Kahit ikaw pa ang nanguna?" Seryoso akong lumingon sa kanan, doon ko mas naririnig ang boses ni Nicolas. Si Sienna ay magpapanggap lamang bilang girlfriend ko, at ayokong mapalapit siya sa akin ng todo. Magpanggap lang sa harap ng tao, pagkatapos ay kanya-kanya na kami ulit, ganon lang. "Kahit ako pa ang nauna." Sig

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   9 - Hindi Inaasahan Na Paghingi Ng Paumanhin

    Sienna POVUmiling ako. "Pag nagalit ako, buong araw na 'yon. Hangga't nakikita ko ang taong nagpagalit sa akin hindi matatapos ang galit ko at baka makapagsalita pa ako ng hindi maganda. Titiisin ko na lang na hindi kumain." Humarap ako kay Nicolas. "Punta muna ako sa kwarto ko. Kumakain pa naman si Belle. Babalik na lang ako mamaya pag tapos na siya."Hindi ko mabasa ang expression sa mukha ni Nicolas, pero maliit na ngumiti naman ito bago ako tuluyang lumakad.--- Pag dating sa kwarto. Kinuha ko agad yung unan at pinagsusuntok hanggang sa mapagod ako. Hinihingal na umupo ako sa sahig. Ayokong mahiga sa malinis na bedsheet dahil sobrang pawis at baka kumapit pa sa unan at kumot. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kawalan. Sa bar sobrang bait ng amo ko, dito naman mayaman nga ang sama naman ng ugali. Pumaling ang ulo ko ng ilang segundo bago ngumiti ng malaki dahil may biscuit nga pala sa bulsa ng short kong suot kagabi. Hinanap ko ang short sa basket na nasa tabi ng pinto ng

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   8 - Walang Ibig Magpatalo

    Sienna POV Napa-awang ang bibig ko sa sinabi ni Red. Parang sinasabi niyang madali lang ang ginagawa ko kahit hindi naman talaga. "Anong sabi mo?" may kaseryosohan kong tanong. Lumapit ako sa kanya at huminto sa harap niya mismo. "Pakiulit nga." Tumingala siya. Alam na alam na talaga ni Red kung nasaan ang presensya ng tao kahit hindi niya nakikita. "Ang sabi ko. Madali lang naman ang pinapagawa sayo ni Belle. Bakit Hindi mo magawa agad?" Napakagat ako sa labi ng madiin. Naiinis ako sa lalaking 'to, at kailangan ko munang kumalma sa pamamagitan ng pagkat sa labi ko. "Kung madali pala. Gawin mo nga. Palit muna tayo ng sitwasyon, ako ang uupo diyan, at ikaw ang magsusuot ng stilleto na 'to at maglalakad ng diretso. Tingnan ko kung masabi mo pa ang salitang "madali lang." Seryoso kong saad. Tumaas naman ang dalawang kilay ni Red. "Bakit ko gagawin? Kaya ko nga pinadala rito si Belle para ikaw ang matuto, hindi ako." "Aba't..." Napapikit ako at konting-konti na lang. Si Belle at

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   7 - Lakad Pang Babae

    Sienna POVMukhang madali ata 'yon. "Halika ka rito Ms. Sienna. Lesson 1 at 2 ang ituturo ko sayo ngayong araw." Lumakad naman ako para makarating sa gitna ng living room. Sa gitna mismo ng mga nakapaligid na upuan. Nagulat ako nang may bagay na humampas sa likod ko, hindi naman malakas pero dama ko. Tiningnan ko si Belle, seryoso na ito at hindi na nakangiti, mukhang strikto ito pagdating sa trabaho. "Kung tatayo ka Ms Sienna, maling-mali ang posture mo. Masyadong nakayuko ang ulo mo, at naka-bend payuko ang likod mo, kaya hindi magandang tingnan. Relax your body, tumayo ka ng tuwid, itaas mo ng bahagya ang ulo, at stomach in." Napakunot ang noo ko. Anong stomach in? Baka hindi ako makahinga pag ginawa ko 'yon. Ginawa ko rin dahil napatingin ako sa mukha ni Belle na masungit na hindi na soft. Lumulunok na lang ako ng laway habang iniipit ko ang tiyan ko. Ang dami ko pa namang kinain. Napansin ko naman si Nicolas sa hindi kalayuan na kung makailing habang tumatawa ng mahina ay

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   6 - Pag-aaral Bago Ang Bangayan

    Sienna POVPalagay ko pagkatapos kong kumain matindi ang ipapagawa niya sa akin. Kakausapin niya si Belle na pahirapan ako. Pinaningkitan ko siya ng mata. Sa kabila ng seryoso niyang mukha siguradong may tinatago siyang plano para gantihan ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Masuwerte nga siya dahil naamoy niya ang morning breath ko. Bigla na lang may tumulak sa akin na muntik na akong sumubsob sa sahig. Inis akong lumingon kay Nicolas na may alanganin na ngiti. Pinanlisikan ko siya ng mata. "Bakit mo ba ako tinulak?!" "Kanina ka pa tinatawag ni Sir. Dahil siguro wala pang laman nag tiyan mo kaya lumilipad ang isip mo." "Kahit ikaw man Nicolas siguradong parang mababaliw ka na kung wala ka pang kain." Tumingin ako kay Red. Nakaupo naman ito paharap sa kanila kaya kitang-kita ko ang mukha niya. "Ano ba 'yon? Pakiulit ang sinabi mo hindi umabot sa tenga ko." Napailing naman si Red ng dahan-dahan. "May balak talaga ako sayo, ang matuto ka kaagad sa ituturo sayo ni Belle." "Kayang-k

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   5 - Limang Minutong Babala

    Sienna POV"Ano ka ba naman katutulog ko lang, tapos ganitong oras mo ako gigisingin?! Puwede bang mamayang tanghali na lang ang gagawin ko na 'yon? Pati na rin yung pagkain ko mamaya na lang din," pagrereklamo ko. Hindi ganitong oras ako nagigising, kaya hindi pa sanay ang katawan ko."I'm sorry ma'am. Utos ni sir na tawagin ka na."Napairap ako. "Hayaan mo siya. Mamaya na lang ako lalabas!" Humiga ako ulit. Walang makakapigil sa akin kahit sino kung gusto kong matulog, kahit si Red pa na amo ko ngayon, at kahit babayaran niya ako ng malaking halaga. Tao rin ako na inaantok dahil maaga pa! Pumikit ako at hinintay na lumalim ang tulog ko, pero isang ingay na naman ang kumalat sa buong kwarto na mas doble pa kanina. Ang kulit naman ng butler ni Red."Sinabi ko na 'di ba, mamaya na lang—" Natigilan ako sa pagsasalita dahil hindi na si Nicolas ang may hawak ng megaphone, si Red na may mukhang inis na naman dahil sa kanya."Pinapaalala ko lang sayo Miss Sienna. Ako ang masusunod sa lahat

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status