LOGINIlang minuto pang nanatili si William sa labas ng establisyemento, hinihintay ang paglabas ni Trisha. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa kaniyang sasakyan. Ayaw niyang maniwala sa sarili na hindi siya nito naaalala. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa likod ng dalawang linggong pagkawala ng asawa. Kahit man sa tingin niya'y malaki ang ipinagbago nito ngayon sa pisikal na anyo. Ito pa rin ang Trisha na kaniyang kilala. Ang kaisa-isang babaeng inalalayan niya ng kaniyang buhay. Ang mamahalin niya hanggang sa wakas. Malaki ang epekto sa kaniya ng pagkawala ni Trisha. At hindi siya papayag na tuluyang itong mawalay sa kaniya. Gagawin niya ang lahat bumalik lamang ito sa kaniya. Hindi nga nagtagal at lumabas din ito agad. Patakbo niya itong nilapitan. “Babe… can we talk?” umaaasang saad niya. Huminto ito at marahang napaismid. “I am busy.” Humarang siya sa pintuan ng kotse. “Please, kahit isang minuto lang..” Napatingin siya sa isang tauhan na palapit sana sa kaniya para
Si Joe na driver niya ang kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan patungong building nang biglang sumulpot ang itim na sasakyan at mag-overtake ito. Muntikan pa silang maaksidente sa ginawa ng driver ng kotse.“Stick to him. Huwag mo siyang hayaang makalayo!” maawtoridad niyang saad. Kuyom ang kamaong pabagsak niyang ipinatong iyon. Uminit lalo ang ulo ni William nang hindi ito nagpaubaya sa daan. Para itong may-ari ng highway. Nagpatuloy sila sa pag-uunahan at pag-aagawan ng lane nang huminto sa may establisyemento ang itim na kotse. Imbes na sa building ang tungo niya ay roon sila napunta dahil sa sasakyang iyon.“Dito ka lang, ako na ang haharap sa bwisit na driver’ng iyan!” kumukulo ang dugong saad niya. Hindi siya nagsayang ng oras at kaagad nang bumaba. Galit na pahampas na kinatok ang bintana ng kotse.“Lumabas ka riyan! Ang mga katulad mo ay dapat na–” nahinto siya sa pagsasalita nang bumaba ang naka-shade na babaeng may magandang hubog ng katawan. Naka-floral dress ito ng
Nanibago si Trisha sa naging takbo ng kaniyang buhay. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang mga naganap. Ang mga katotohanan na hindi na niya maipagkakaila pa. Isang umaga, habang tahimik na nakaupo sa may veranda at isa-isang hinihipo ang mga dahon ng halaman na naka-display, malalim ang kaniyang iniisip. Narinig niya ang pagtikhim ng isang babae sa kaniyang likuran. Nang lingunin niya ito, tumambad sa kaniya ang adopted ng kaniyang mga magulang. Ito ang pumalit sa kaniya noon sa pusisyon bilang anak ng mga Del Fuego. Ayon sa Mamá at Papá niya, upang maibsan ang pangungulila sa kaniya ng mga ito noon. Nag-ampon sila ng baby girl. Ibinigay nila rito ang pagmamahal na sa kaniya rapat pinapadama. Subalit, iba pa rin ang tunay na kadugo. Maaaring naipamalas nila sa adopted child ang pagmamahal ng isang magulang, ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga ito ang mangulila sa tunay na anak na nawalay ng matagal na panahon. Dagdag pa ng mga ito na kahit kapiling na

Halos manlupaypay siya nang mga sandaling iyon. Muli siyang nahiga at napatanaw na lamang sa bintana na pilit na hinaharangan na pumasok ang liwanag na nagmumula sa sikat ng araw. Paghihinagpis ang nanaig sa puso niya. Tahimik siyang napahikbi habang kinukumos na ang damit sa bahaging dibdib. Naramdaman na lamang niya ang pagdikit ng mainit na palad ng estranghera sa kaniyang braso at marahan iyong hinaplos. Pagkatapos ay mahina siya nitong tinapik-tapik sa balikat. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Isa rin akong ina na nawalay sa anak nang mahabang panahon. But finally, I found her..” mahinang saad nito nang sumilay ang ngiti sa mga labi. Humarap siya rito at dahan-dahang naupo sa kama upang pakinggan ito. Tumitig ito sa kaniya nang makahulugan na hindi naman niya mawari kung ano. Patuloy na pinisil-pisil nito ang kaniyang palad na hindi na lamang niya pinansin at nakatuon ang atensyon sa idaragdag pa ng ginang.“She's beautiful like her mom, when she's young..” Naguguluhan
Nagising si Trisha na nasa loob ng isang silid na kasing liit lamang ng cabin. Naroon siya sa ibabang bahagi ng double deck. Napalingon siya sa lalaking nakapikit at nakasandal sa plastic na upuan habang yakap-yakap ang mahabang baril nito. Napalunok siya at kinabahan nang maalala ang mga pangyayari bago siya mawalan ng malay. Napahawak siya sa kaniyang tiyan, nang masigurong maayos naman ang lagay niya. Pinakiramdaman niya ang nabubuong sanggol sa kaniyang sinapupunan.‘Sana walang nangyaring masama sa ‘yo, mahal ko..’Mabilis siyang napapikit at nagkunwaring tulog pa nang marinig ang pagbukas ng pinto. “Jun, gumising ka..” Yugyog ng isang lalaki sa natutulog na kasamahan. Ang mga tenga ni Trisha ay nanatiling bukas, nakikinig at nakikiramdam sa paligid.“Sabi ni ma'am, kapag nagising ‘yan. Dalhin sa lower deck at isama sa mga dadalhin patungong ibang bansa para sa organ harvesting,” dagdag pa nito. Nakaramdam ng kilabot si Trisha sa mga katagang iyon na nagpanindig ng kaniyang

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)