MasukBeatriceParito’t paroon ang lakad ko sa harap ng guesthouse habang hinihintay ko si Lucien. Naihanda na namin ang lahat ng lulutuin namin bukas pero hindi pa siya umuuwi.Gabing-gabi na, bakit wala pa siya?Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o hindi. Nagtext naman siya sa akin matapos niya akong iwanan sa opisina niya, eh nagreply naman ako pero wala na siyang message pagkatapos nun.Napapadyak ako. Kase naman, kung inintindi ko na lang sana siya. “Iha, wala pa ba si Lucien?” labas ni mama kasama si papa.“Wala pa po,” lingon ko. “Tinawagan mo na ba?” tanong sa akin ni Papa.“Hindi siya sumasagot, pa.”Bumuntong-hininga si mama, “Ang batang ‘yun.”“Baka nasa meeting pa sila ni Kio,” saad naman ni papa, “Sige na, pumasok ka na sa loob at magpahinga.”“Hintayin ko na lang po siya, pa.”“Iha, mahamog na. Magkasakit ka pa niyan,” paalala sa akin ni mama.Pero nagmatigas ako, “Ayos lang po ako, ma.”Hindi rin ako mapakali sa loob kaya mas mabuting hintayin ko na lang si Lucien d
LucienAs we reached the orphanage, we were greeted by the director and staff. The investigator was the one who introduced me.Mabuti na lamang at pumayag siya na ganito ang setup dahil mapili siya sa lugar at kung paano niya ibibigay ang impormasyon na pinapakuha ako.It’s a risky job that I could only understand.Dumeretso kami sa opisina ng bahay-ampunan at doon nag-usap. “Pwede po bang makita ang buong gusali?” tanong ni Kio “Oo naman, iho, halikayo,” tugon agad ng director.Lumabas kami sa opisina at nagsimula kaming maglibot.“Napakaluma na po pala ng mga pader at haligi nito,” puna ni Kio.“Oo, iho, ilang dekada na rin kase ang lumipas mula nang itayo nila ito.”“Ah, ganun po ba,” tumango si Kio. “Buti naman po pala at hindi ito napupuruhan kapag may landslide sa bundok?”Lumukot ang mukha ko, si Kio talaga.“Sa awa naman ng Diyos, hindi nadadamay iho. Sa bandang harap papuntang gitna ng bundok ang kadalasan na kina-quarry nila,” sagot ng director.“Ah, mabuti naman po pala.”
LucienBase sa ekspresyon nila, pansin kong alam nila ang tinutukoy ko pero walang naglakas-loob na magsalita tungkol dito.“Alam ko pong pagiging makasarili ito pero hindi ko bibitawan ang asawa ko. I can endure everything for me to be with her.”Maikling natawa ang isa sa mga tiyuhin ni Bea.“So ipinapahiwatig mo na may nararamdaman ka sa pamangkin namin,” mapaklang tugon niya. “Pero alam mo ba ang sinasabi mo?”Hindi agad ako nakasagot.“Inakala mo na ang pamangkin ko ang sisira sa iyo at sa pamilya mo,” dugtong niya. Pero kayo mismo ang naghanap ng ikakasira ng pamilya niyo. Ang trahedyang sinasabi mo, kayo mismo ang nagbaon niyan sa lupa. At tignan mo nga naman, nakipagkasundo pa kayo kay Margar, dinamay niyo pa ang pamangkin ko sa kasakiman niyo. Kaya huwag na tayong maglokohan, Mr. Don Maginoo dahil isa ako sa mga nag-imbestiga nang nangyari noon.”Napatingin ako sa kanya.“Ako ang isa sa mga detective na humawak ng landslide case,” dagdag niya. “At ipinatigil iyon ng pamilya m
LucienPaglabas ko ng opisina, dumeretso ako sa parking lot. Sinalubong ako ni Bert nang makita niya ako.“Aalis na ba tayo, sir?” tanong niya.Tumango lang ako at binuksan ang pinto ng sasakyan. Habang sumasakay ako, narinig kong tinatawagan na ni Bert si Kio.Napabuntong-hininga ako nang tuluyan akong maupo. Saglit kong ipinikit ang mga mata—pero agad ding kumuyom ang kamay ko. Dinukot ko ang cellphone ko at nagmessage kay Beatrice.Hindi pa siya kumakain ng lunch.I let out another breath, slower this time. Hindi ko maikakaila ang bigat sa dibdib ko. There was something deeper behind Tito Logan’s moves—I could feel it.Napaka-coincidental na lumabas ang illegal quarrying ni Margar kasabay ng pag-udyok niya para tanggalin ako sa posisyon.What’s your real goal?Kailangan kong malaman.“Sir!”Napalingon ako, masama ang tingin, nang biglang buksan ni Kio ang pinto sa likod.“Can’t you—”“Sir,” hingal niyang putol, “nakatanggap ako ng message from the investigator.”Tumigil ako.“He sa
BeatriceNarinig ko ang pagpapakawala ng malalim na hininga ni Sir Alfred. “Marami kang kamag-anak na gustong kunin ang posisyon mo.”Natahimik kaming lahat.Pero sigurado ako—ang Tito Logan ni Lucien ang may kagagawan nito.“Pero kung iisipin nating mabuti ang mga nangyari ngayon,” dugtong ni Sir Alfred, seryoso ang mukha niya, “at kung kikilalanin natin ang mga kamag-anak mo, si Sir Logan lang ang may kakayahang impluwensiyahan ang NERA. May posisyon siya sa probinsya na maaari niyang gamitin.”Tumingin ako kay Lucien.Hindi siya nagsalita, pero nakatuon pa rin ang mga mata niya kay Sir Alfred. Nakasandal lang siya sa dulo ng mesa, magkakrus ang mga braso, parang inaasahan na niya ang bawat salitang binibigkas ng chief.“He has been waiting for a crack,” dagdag ni Sir Alfred, mas mababa ang tinig. “At ngayon, nakita niya iyon.”Naikuyom ko ang kamay ko.Ramdam ko ang bigat ng sinabi niya.Dahil sa kontratang ginawa ko, nagamit iyon laban kay Lucien. Ako ang naglatag ng koneksyon ng
BeatriceNagriring pero hindi sinasagot ni Noah. Nag-ooverthink nga lang ba ako?Tatawagan ko sana ulit nang bumukas ang pinto ng conference room. Bumungad si Lucien kasama si Kio.Nagtagpo ang mga mata namin ni Lucien. Wala na ang mga taga-NERA. Tapos na ang pagsusuri pero bakit parang mas mabigat ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina?Naglakad si Lucien palapit sa akin, diretso at kalmado, parang walang nangyaring tensyon ilang oras lang ang nakalipas.“How are you?” kaagad niyang tanong.“I’m fine,” sagot ko. “NERA was cooperative,” kaagad kong dugtong.Too cooperative.Hindi ko na iyon sinabi.Saglit siyang tumigil sa harap ko, sapat lang ang layo para manatiling propesyonal. Pero alam kong binabasa niya ang mukha ko.“You don’t look relieved,” saad niya.Hinigpitan ko ang hawak ko sa cellphone. “I am. Just tired.”Hindi siya umimik. Tiningnan niya ako, bahagya ko namang ibinaba ang mga mata ko. Kase alam ko ang ipinapahiwatig ng tingin niya, na parang alam niyang kalahati lang







