Share

Chapter 30: Losing Control

Author: Felicidad
last update Last Updated: 2025-09-21 21:55:04

Beatrice

Naging tahimik ako pero lumalim ang titig ko sa kanya.

He trusts me. Ganoon kadali na nakuha ko pagtitiwala niya?

“How about you? Do you trust me?” he asked.

Hindi ako nakasagot kaagad dahil may agam-agam ako.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. “Sige na, matulog ka na. May trabaho pa bukas,” wika niya at tumayo na siya.

Binalik niya ang upuan sa harap ng worktable habang ako tumayo na at tinungo ang ulonan ng kama pero natigil ako.

Dito siya matutulog..?

Are we going to share a bed?

Naipilig ko ang ulo ko at mabilis din akong humarap pero sakto namang sumentro ang mga mata ko sa kanya.

Tumikhim ako. “Sa kabilang kwarto na ako matutulog. Mas malawak itong kamang ito kaya dito ka na,” sabi ko at tumayo na ako.

“Hindi ka matutulog dun, dito tayong dalawa.”

Natigil ako at mabagal akong tumingin sa kanya.

“Kailangan na nating sanayin ang sarili natin dahil sa mansyon, hindi maaaring magkahiwalay ang kwarto natin.”

“I know, pero–” hindi ko na tinuloy. “Dito na ako sa tiles, ik
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 85: What Ruins Carefully Laid Plans

    LucienAs we reached the orphanage, we were greeted by the director and staff. The investigator was the one who introduced me.Mabuti na lamang at pumayag siya na ganito ang setup dahil mapili siya sa lugar at kung paano niya ibibigay ang impormasyon na pinapakuha ako.It’s a risky job that I could only understand.Dumeretso kami sa opisina ng bahay-ampunan at doon nag-usap. “Pwede po bang makita ang buong gusali?” tanong ni Kio “Oo naman, iho, halikayo,” tugon agad ng director.Lumabas kami sa opisina at nagsimula kaming maglibot.“Napakaluma na po pala ng mga pader at haligi nito,” puna ni Kio.“Oo, iho, ilang dekada na rin kase ang lumipas mula nang itayo nila ito.”“Ah, ganun po ba,” tumango si Kio. “Buti naman po pala at hindi ito napupuruhan kapag may landslide sa bundok?”Lumukot ang mukha ko, si Kio talaga.“Sa awa naman ng Diyos, hindi nadadamay iho. Sa bandang harap papuntang gitna ng bundok ang kadalasan na kina-quarry nila,” sagot ng director.“Ah, mabuti naman po pala.”

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 84: Fault Lines

    LucienBase sa ekspresyon nila, pansin kong alam nila ang tinutukoy ko pero walang naglakas-loob na magsalita tungkol dito.“Alam ko pong pagiging makasarili ito pero hindi ko bibitawan ang asawa ko. I can endure everything for me to be with her.”Maikling natawa ang isa sa mga tiyuhin ni Bea.“So ipinapahiwatig mo na may nararamdaman ka sa pamangkin namin,” mapaklang tugon niya. “Pero alam mo ba ang sinasabi mo?”Hindi agad ako nakasagot.“Inakala mo na ang pamangkin ko ang sisira sa iyo at sa pamilya mo,” dugtong niya. Pero kayo mismo ang naghanap ng ikakasira ng pamilya niyo. Ang trahedyang sinasabi mo, kayo mismo ang nagbaon niyan sa lupa. At tignan mo nga naman, nakipagkasundo pa kayo kay Margar, dinamay niyo pa ang pamangkin ko sa kasakiman niyo. Kaya huwag na tayong maglokohan, Mr. Don Maginoo dahil isa ako sa mga nag-imbestiga nang nangyari noon.”Napatingin ako sa kanya.“Ako ang isa sa mga detective na humawak ng landslide case,” dagdag niya. “At ipinatigil iyon ng pamilya m

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 83: Beneath Familiar Roofs

    LucienPaglabas ko ng opisina, dumeretso ako sa parking lot. Sinalubong ako ni Bert nang makita niya ako.“Aalis na ba tayo, sir?” tanong niya.Tumango lang ako at binuksan ang pinto ng sasakyan. Habang sumasakay ako, narinig kong tinatawagan na ni Bert si Kio.Napabuntong-hininga ako nang tuluyan akong maupo. Saglit kong ipinikit ang mga mata—pero agad ding kumuyom ang kamay ko. Dinukot ko ang cellphone ko at nagmessage kay Beatrice.Hindi pa siya kumakain ng lunch.I let out another breath, slower this time. Hindi ko maikakaila ang bigat sa dibdib ko. There was something deeper behind Tito Logan’s moves—I could feel it.Napaka-coincidental na lumabas ang illegal quarrying ni Margar kasabay ng pag-udyok niya para tanggalin ako sa posisyon.What’s your real goal?Kailangan kong malaman.“Sir!”Napalingon ako, masama ang tingin, nang biglang buksan ni Kio ang pinto sa likod.“Can’t you—”“Sir,” hingal niyang putol, “nakatanggap ako ng message from the investigator.”Tumigil ako.“He sa

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 82: Love Is Not Enough

    BeatriceNarinig ko ang pagpapakawala ng malalim na hininga ni Sir Alfred. “Marami kang kamag-anak na gustong kunin ang posisyon mo.”Natahimik kaming lahat.Pero sigurado ako—ang Tito Logan ni Lucien ang may kagagawan nito.“Pero kung iisipin nating mabuti ang mga nangyari ngayon,” dugtong ni Sir Alfred, seryoso ang mukha niya, “at kung kikilalanin natin ang mga kamag-anak mo, si Sir Logan lang ang may kakayahang impluwensiyahan ang NERA. May posisyon siya sa probinsya na maaari niyang gamitin.”Tumingin ako kay Lucien.Hindi siya nagsalita, pero nakatuon pa rin ang mga mata niya kay Sir Alfred. Nakasandal lang siya sa dulo ng mesa, magkakrus ang mga braso, parang inaasahan na niya ang bawat salitang binibigkas ng chief.“He has been waiting for a crack,” dagdag ni Sir Alfred, mas mababa ang tinig. “At ngayon, nakita niya iyon.”Naikuyom ko ang kamay ko.Ramdam ko ang bigat ng sinabi niya.Dahil sa kontratang ginawa ko, nagamit iyon laban kay Lucien. Ako ang naglatag ng koneksyon ng

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 81: A Favor Unseen

    BeatriceNagriring pero hindi sinasagot ni Noah. Nag-ooverthink nga lang ba ako?Tatawagan ko sana ulit nang bumukas ang pinto ng conference room. Bumungad si Lucien kasama si Kio.Nagtagpo ang mga mata namin ni Lucien. Wala na ang mga taga-NERA. Tapos na ang pagsusuri pero bakit parang mas mabigat ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina?Naglakad si Lucien palapit sa akin, diretso at kalmado, parang walang nangyaring tensyon ilang oras lang ang nakalipas.“How are you?” kaagad niyang tanong.“I’m fine,” sagot ko. “NERA was cooperative,” kaagad kong dugtong.Too cooperative.Hindi ko na iyon sinabi.Saglit siyang tumigil sa harap ko, sapat lang ang layo para manatiling propesyonal. Pero alam kong binabasa niya ang mukha ko.“You don’t look relieved,” saad niya.Hinigpitan ko ang hawak ko sa cellphone. “I am. Just tired.”Hindi siya umimik. Tiningnan niya ako, bahagya ko namang ibinaba ang mga mata ko. Kase alam ko ang ipinapahiwatig ng tingin niya, na parang alam niyang kalahati lang

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 80: On Paper

    BeatricePabalik na kami ni Sir Alfred sa opisina nang matanaw ko si Gino. Nagpatuloy lamg naman ako sa paglalakad hanggang sa humarang siya sa daraanan ko. Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. "Bea, mag-usap tayo," lakas-loob niyang saad—Hindi ko siya pinakinggan. Wala akong kahit na anong sasabihin sa kanya at wala akong anumang dahilan para pakinggan siya. Linagpasan ko siya pero hinawakan niya ang braso ko at pinigilan ako. Mabilis ko rin na hinila ang kamay ko palayo sa hawak niya. "Gino, tantanan mo si Beatrice o magpapatawag ako ng security," banta na ni Sir Alfred. Humakbang ako pero nagsalita ulit si Gino. "Ipinapahamak mo ang sarili mo sa ginagawa mo."Minabuti kong ihakbang ulit ang paa ko. Sa totoo lang, nagsisisi ako. Kung alam ko lang na aabot sa ganito, hindi ko sana hinayaang mapalapit sa akin si Gino. Isa pala siya sa magiging dahilan para idiin si Lucien.“Hindi mo alam ang kayang gawin ng mga Don Maginoo makuha lang nila ang gusto nila.”Nangunot ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status