Home / Romance / The Bossy Husband Meets His Fiery Wife / Chapter 71: Her Calm in the Storm

Share

Chapter 71: Her Calm in the Storm

Author: Felicidad
last update Last Updated: 2025-11-12 18:37:02

Lucien

“Sigurado ka sa narinig mo?” tanong ko pa.

“Yes sir, narinig ko po talaga na bundok iyong binanggit ni Sir Franco. Tsaka sinabi niya rin sir na sa Ellagoro sila pwedeng magpatayo ng negosyo nila. May tinatanong si Ma’am Lyka pero kinailangan ko na pong lumabas.”

Napatayo ako at nahampas ko ang mesa, matapos kong pagdugto-dugtungin ang mga sinabi nila.

Bundok ng Ellagoro! May posibilidad na iyon ang tinutukoy ni Tito Franco. Pero bakit?!

Muli kong nahampas ang mesa, kumuyom ang kamay ko, halos manginig ito.

“Makakabalik na kayo sa trabaho niyo. Ireport niyo kaagad ang susunod nilang aksyon,” utos ni Kio sa kanila.

“Yes, sir.”

Tsaka lang ako tumuwid nang nakalabas na sila. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

“Mali itong iniisip ko Kio. Hindi ang bundok ng Ellagoro ang tinutukoy nila. Walang nakakaatim sa pamilya namin na pag-usapan ang Ellagoro. Ni minsan, hindi sila pumunta roon.”

Nanatiling bangungot ito sa kanila, isang beses ko nga lang din tinungo ang lugar na iyon.

“Per
Felicidad

Please leave a comment, too. Thank you for reading — love lots! 💕

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
maribeth cole
thanks for the update Ms A more please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 71: Her Calm in the Storm

    Lucien“Sigurado ka sa narinig mo?” tanong ko pa.“Yes sir, narinig ko po talaga na bundok iyong binanggit ni Sir Franco. Tsaka sinabi niya rin sir na sa Ellagoro sila pwedeng magpatayo ng negosyo nila. May tinatanong si Ma’am Lyka pero kinailangan ko na pong lumabas.”Napatayo ako at nahampas ko ang mesa, matapos kong pagdugto-dugtungin ang mga sinabi nila.Bundok ng Ellagoro! May posibilidad na iyon ang tinutukoy ni Tito Franco. Pero bakit?!Muli kong nahampas ang mesa, kumuyom ang kamay ko, halos manginig ito.“Makakabalik na kayo sa trabaho niyo. Ireport niyo kaagad ang susunod nilang aksyon,” utos ni Kio sa kanila.“Yes, sir.”Tsaka lang ako tumuwid nang nakalabas na sila. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.“Mali itong iniisip ko Kio. Hindi ang bundok ng Ellagoro ang tinutukoy nila. Walang nakakaatim sa pamilya namin na pag-usapan ang Ellagoro. Ni minsan, hindi sila pumunta roon.”Nanatiling bangungot ito sa kanila, isang beses ko nga lang din tinungo ang lugar na iyon. “Per

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 70: Under The Wardrobe

    Lucien“Sir, ramdam ko hindi ka na ito.”Hinilot ko ang taenga ko, kanina pa ako sinasabihan ni Kio.Ako ang boss sa aming dalawa pero grabeng panenermon ang inaabot ko sa kanya. I couldn’t even fire him because his competent in his job.“What’s the problem?” I asked.He sighed deeply. “Sir, hindi ito ang panahon para makilabinglabing kay ma’am.”Nangunot ang noo ko. “Excuse me? Is it a crime to enjoy time with my wife?” tanong ko.Dalawang taon ang sinayang ko at gusto kong punuin ang naging pagkukulang ko kay Bea bilang asawa niya.“Sir, walang kaso sa akin iyan. Masaya ako sa iyo pero sa public talaga. Ano, gusto niyo po ng patong na patong na problema? Stress na ako, sir.” inis na sabi sa akin si Kio.I cleared my throat, “I can’t help it. Alam mo kapag nakikita ko si Bea, hindi ko na kontrolado ang sarili ko. Buong ako nakatuon na lang sa kanya.”Hindi makapaniwala si Kio sa narinig niya sa akin. “I mean–”“Alam ko na sir, nahulog na kayo kay ma’am. Expected ko naman na ito dahi

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 69: A Sip of You

    BeatriceTahimik kong pinagmasdan si Lucien habang nakikipag-usap siya kay Sir Alfred sa isang tabi. Habang tumatagal, nagiging maamo ang mukha niya sa akin. Kase noong una, sa tuwing natatanaw ko siya sa malayo, naiisip ko na magagalitin siya, masungit, at seryoso, o di kaya naman walang puso. Kung ano-anong pamimintas ang nasa utak ko kapag nakikita siya noon.Pero hindi ko alam na sa panlabas niyang pag-uugali, nakatago rito ang lubos niyang pagmamahal sa kanyang pamilya. Ang lalaking maalaga.“Aba ate, mas ubos na ang boss namin kesa sa kape mo. Hinay-hinay naman sa pagtitig, tirhan mo kami.”Bumaling ako kay Gary at tinaasan siya ng kilay.“Ay iba, Aika tignan mo itong babaeng ito.”“Asawa niya eh, anong inaasahan mong reaksiyon niya,”pagtatanggol sa akin ni Aika.“Wow…Wow talaga. Kailangan lang noong halos ipagkanulo niya na si Sir Lucien. Grabe, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.”“Ganyan nga kase. The more you hate, the more you love. Sa galit niya kay sir, ayan ma

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 68: I'm His Wife

    BeatriceBago pa ako makaisip ng isasagot ko, naglalakad na pabalik sa amin sina Gary at Aika.Bumaling ako kay Sir Alfred. ““Hindi ko na kailangang ipaliwanag kung sino ako, sir. Ang mahalaga lang, pumasok ako sa Gran Aria para protektahan ang tanging natitira sa akin,” hinarap ko rin ang tingin ko at ihahakbang ko na sana ang mga paa ko ng muling magtanong si Sir Alfred.“Anak ka ba ni Margar Dela Torre?”Nahinto ako pero nanatili ang mga mata ko kina Gary at Aika na palapit na sa amin.“Ikaw ba ang asawa ni Sir Lucien?” sunod na tanong ni Sir Alfred.Tuluyan akong humarap kay Sir Alfred, makulimlim ang kanyang mukha.“Anong mahalaga sa iyo? Ang inyong kumpanya?”Umatras ako, “Sir, palapit na ang dalawa sa atin–”“Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na mananahimik na lang ako, pero may mga bagay talagang hindi kayang tikisin ng konsensya.”Kumuyom ang kamay niya.“Ilang buhay na ang nawala at ilang lugar na sa probinsiya ang nalubog sa putik dahil sa QuarryTorre. Bakit hanggang ngay

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 67: The Dela Torre Stain

    BeatricePagkatapos ng kaguluhan sa bahay, ingay din ang nadatnan ko sa opisina. Nakatanggap ng notice ang opisina na ang mga trabaho ni Gino ay malilipat na sa mga kasamahan ko.“Hindi siya sumasagot sa tawag ko,” sabi ng isa sa mga malapit sa kanya.Gumilid ako sa pader at dinukot ko ang cellphone ko sa bag ko. Nagtipa ako kaagad ng message kay Lucien.(Anong nangyari kay Gino?)Hindi ko alam kung anong ginawa niya kay Gino dahil nawala na rin ito sa isipan ko sa dami ng nangyari.Ilang segundo ang lumipas, tumatawag na siya. Mabilis kong pinatay ito.(Nasa opisina ako.)(May notice kaming natanggap sa HR. Hindi na magrereport si Gino.)Magkasunod kong text sa kanya.(I fired him, honey.)Nakagat ko ang labi ko sa nabasa kong text back niya sa akin.Humugot ako ng malalim na hininga—natigil ako nang mapansin kong minamatyagan ako nila Gary at Aika. Ginalaw ko ang kilay ko tsaka ko ibinibig bakit?Mapanuri nila akong tinititigan, patay-malisya ko namang sinalubong ang mga mata nila.

  • The Bossy Husband Meets His Fiery Wife   Chapter 66: Even If the House Burns Down

    Beatrice“Sabihin niyo sa akin kung bakit ang laking kasalanan ang naging desisyon namin ni Karina?” tanong ni Tito Logan.Walang sumagot ni kahit ni isa. Para bang hindi rin nila kayang ipunto ito.Tumango si Tito Logan, “Sige Leo, ikaw na ang may perpektong pamilya. Aalis na lang kami dito sa pamamahay niyo.”“Walang aalis,” mariin na utos ni Donya Elviria.Magaspang na natawa sa hangin si Tito Logan. “At sa tingin niyo, makakaya ko pang tumira sa iisang bahay kasama ang magaling niyong apo,” saad niya.“Logan, hindi makakabuti sa pamilya mo kung aalis kayo rito,” wika pa rin ni Donya Elviria.Naglakad naman palapit si Karina kay Tito Logan. Sa saglit na katahimikan, humakbang na si Tito Logan patungo sa hagdan. Mukhang napaki-usapan siya ni Karina.“Magsibalikan na kayo sa inyong mga kwarto,” utos naman ni Donya Elviria.Linapitan ako ni Lucien, madilim pa rin ang mukha niya.Hinawakan niya ang kamay ko. “Kain na tayo.”“Teka lang–”Hinila niya ako patungo sa kusina.“Maupo ka muna

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status