Share

CHAPTER FIVE

CALLIE

Napahagalpak ng tawa si Zoe nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari kanina. Napasimangot naman ako lalo dahil sa naging reaksyon nito. I grabbed a pillow at saka iyon itinakip sa mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. I admit, hindi ako nag-ingat, hindi ko pinag-isipan ang ginawa ko kanina dahil akala ko talaga, he's some random man na sinusundan ako sa daan dahil wala itong magawang matino sa buhay. He doesn't look like a man with a bad intention, but I made him look like one. 

"Nagsorry ka naman ba sa tao?" Zoe asked. Inalis ko ang unan na nakatakip sa mukha ko at saka ako umayos ng pag-upo. I bit my lower lip as I shook my head little by little. 

"Sino bang gugustuhin pang lumingon sa kaniya pagkatapos no'ng ginawa ko?" I mumbled in a small voice. 

"Sino rin bang tao ang gugustuhin na mapagkamalan siyang isang stalker?" 

Hindi ako nakasagot sa naging tanong ni Zoe. He deserved my apology pero hindi ko alam kung paano ko 'yon ibibigay sa kaniya. Ni hindi ko alam ang unit number ng isang 'yon.

"I have an idea," ani Zoe na may malapad na ngiti sa labi niya. "Cook some kare-kare for dinner then you can give him some dahil panigurado naman na at this time, hindi pa kumakain ang isang 'yon. Then, you can apologize to him because with what you did, you really owe him one, Cal." 

"I..." natigilan ako sa pagsasalita. I heaved a deep sigh, "I don't know his unit number."

Hinila ako ni Zoe patayo mula sa kama at saka ako tinulak papunta ng kusina namin. Kinuha pa nito ang apron ko at saka sapilitang isinuot sa akin. "Just do your own thing, ako na bahala umalam sa unit number niya, okay?" She tapped my back. 

"But—" hindi ko na natuloy ang pagkontra ko sa gusto nitong mangyari nang paglingon ko ay sakto namang naisara na nito ang pinto. Isang buntong-hininga pa ang kumawala mula sa akin at saka ako nag-umpisang kumilos sa kusina. 

Ilang sandali lang din ay bumalik na si Zoe sa kwarto namin at sa lapad ng ngiti nito, alam kong nakuha niya ang bagay na gusto niya. She came to me running like a small kid. She handed me a white paper and when I looked at it, it has this name on it at isang unit number. Ethan Montgomery...Unit 7A...

"His name is as hot as he is," komento ni Zoe. "Ang exciting part, the both of you are living in the same floor. Ang kaibahan lang, nasa dulo tayo while he's occupying the first apartment in our floor," she grinned once again, "just like how he's the first man to caught your attention after you isolated yourself for a year, Cal." 

Napayuko ako. "Let's not give any meaning to everything, Zo. The least thing that I want for now is another pain. He's..." I paused, "He's not him. Pagkatapos kong humingi ng pasensya sa ginawa ko, I hope our path's won't have to cross ever again." 

Tinalikuran ko na ito matapos kong sabihin iyon at pilit na inabala ulit ang sarili ko sa niluluto ko. Narinig ko naman ang papalayong hakbang ni Zoe. I know that she wants me to be happy again, and believe it or not, I appreciate what she's been doing for me pero hindi pa ako handa sa ngayon. For now, all I want is for me to be better, to feel whole again. Gusto ko munang buuhin ang buhay ko. 

"Don't tell me ngayon ka pa aatras?" Napaangat ako ng tingin kay Zoe nang bumalik ito sa kusina matapos kong ihanda ang ibibigay ko kay Ethan bilang peace offering. I'm already holding the tupperware's handle pero hindi ko iyon magawang iangat mula sa mesa. "Hindi lang 'to tungkol sa kahihiyan na nararamdaman mo, right? You don't want to face him because he reminds you of him."

Hindi ako nakasagot. 

"Alam mo kung may pill lang para makalimutan mo si Zander, bibilhan kita kahit magkano pa 'yon," sabi pa nito. Hindi ko naman napigilan ang matawa nang bahagya dahil sa sinabi niya. "Hindi ko alam kung anong pinakain sa 'yo ni Zander—omyghad!" Natutop pa nito ang bibig niya. 

Nanlaki naman ang mga mata ko nang marealize ko kung ano ang gusto nitong ipabatid. "Hoy, walang nangyari sa amin kaya huwag kang mag-iisip ng ganyan!" pagtutol ko agad ngunit mas lumapad lang ang ngiti nito sa labi at saka ako pinaningkitan ng mata niya. I hissed as I grabbed the tupperware. "Pupunta nalang ako sa apartment ni Ethan kesa sikmurain ang imahinasyon mo."

Narinig ko pa ang malutong na pagtawa nito nang magawa ko nang isara ang pinto ng unit namin. I took one deep breath bago ako nagsimula sa paghakbang. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko papunta sa unit ni Ethan. Naglalaro sa isip ko ang iba't ibang senaryo na pwedeng mangyari sa paghaharap naming dalawa. Sinubukan ko ring maghanda ng sasabihin ko sa kaniya dahil sa ginawa ko but when I was already at his front door, para akong nablangko. 

"It's now or never," I whispered to myself. Kumatok na ako sa pinto nito at hindi rin katagalan ay narinig ko na ang pagpihit ng seradura ng pinto. Nang tuluyan itong bumukas, agad na nanlaki ang mata ko sa nakita ko. He's only wearing a towel on his lower body. Basa pa rin ang buhok nito kaya mukhang katatapos niya lang maligo. What a great timing, tch!

"Love what you're seeing?"

Awtomatikong bumalik sa reyalidad ang diwa ko nang marinig ang sinabi nito. I saw a great grin spreading across his face, and his eyes alight with a playful look. Agad ko namang pinagsisihan na pumunta pa ako sa unit ng isang 'to. Mabilis kong iniabot sa kaniya ang tupperware na hawak ko. 

"What's that? A peace offering for your stalker?" he asked, emphasizing the term 'stalker'. "Such a great thing for you to do this just for your stalker, huh?" 

Kahit pa gusto ko na siyang hambalusin sa kakapaulit-ulit niya sa salitang iyon, mas pinili kong ipilit ang ngiting mayroon ako ngayon para sa kaniya. "Look, I'm not looking for an argument with you. simply wanted to express my regret for what occurred

earlier. I had no idea you lived in this flat. I apologize for what I did." 

His grin turned into a thin smile. Nanatiling nakapako sa akin ang tingin nito ngunit wala siyang sinabi na kahit na ano. Ngayong nakikita ko nang mas malapitan ang ekspresyon na bumabalot sa titig niya, mas sinasampal ako ng reyalidad na hindi siya si Zander. He may remind me of him, of my past, but he will never be him. 

Nagbaba na ako ng tingin at akmang aalis na ako sa harap ng unit nito pero saktong pagtalikod ko ay ang paghila niya sa braso ko. The last thing I know, I'm pinned in his room's wall with him in front of me, in a distance enough for me to smell his minty fragrance. Tila napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa nito. I looked up at him slowly but his eyes were not on me. His cold gaze is fixed in the door's small opening. Ni hindi ko man lang napansin na maging ang pinto ng unit niya ay mabilis niyang naisara kanina nang hilahin niya ako, leaving just a small opening. His expression darkened compared to earlier. 

Mas pinili kong manahimik dahil hindi ko rin alam kung anong rason niya at ginagawa niya ang bagay na 'to. At first, he's having a good time pestering me and all of a sudden, this. 

"I hope you're aware that you placed your hand in my rock-hard abdomen, missy," he said as he looked at me with the same playful grin plastered on his face. Agad naman akong napatingin sa kamay ko at nanlalaki ang mga mata na inalis ko ang mga iyon sa katawan niya. "I mean, I don't mind it, but I'm afraid you'll accuse me of something else."

I pushed him lightly at saka ito tinignan nang masama. "Are you done making fun of me?" I coldly asked. Agad ding nawala ang ngisi sa labi nito. "If you're done, I'm leaving. With what you did, I hope we're even, Ethan." 

Mabilis akong umalis ng unit niya at hindi na hinintay pa ang kung ano pang pang-aasar na lalabas sa bibig nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status