Share

CHAPTER SEVEN

CALLIE

Hindi ko maiwasang maparolyo ng mata nang makita ko na naman si Ethan sa usual na pwesto nito sa loob ng coffee shop. Kada may pasok ako sa trabaho ay lagi na rin itong naroon na tila ba nag-eenjoy ito sa ginagawa niya dahil alam niyang kinaiinis ko ang presensya niya. Tuwing wala naman akong pasok ay hindi rin ito umaalis ng apartment. Sa pang-araw-araw na nangyayari 'yon, hinihiling ko na lang na may iba naman siyang pagkaabalahan sa buhay niya.

"He's here again. Kahit ata ilang beses mong sungitan at itaboy ang isang 'yan, wala siyang balak na lubayan ka," bulong ni Zoe sa akin nang mapadaan ito sa likod ko habang nag-aayos ako ng mga incoming orders. "Paano ka ba naman kasi lulubayan, you're making your coffee with love nga raw kasi," dagdag nito nang muli siyang dumaan para bumalik sa tabi ko. Narinig ko rin ang bahagyang pagbungisngis nito.

Humarap ako sa kaniya at binigyan siya ng isang sarkastikong ngiti. "Come on, he said that just to piss me off," ani ko.

"Maiba tay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status