CALLIE "Good morning," buo ang ngiti na bati ni Ethan sa akin nang buksan ko ang pinto ng unit ko. Napunta sa bagay na nasa kamay nito ang tingin ko bago ako muling tumingin sa kaniya. "I can cook my own breakfast, Ethan," saad ko. "I know," kaswal na sagot nito at saka pumasok ng unit ko. Pinanuod ko lang siyang ilapag sa mesa ang dala-dala niya. Siya na rin mismo ang nagsalin no'n sa isang plato. Hinila pa nito ang bangko at saka tinapik-tapik iyon habang nakatingin sa akin na animo'y pinapaupo niya ako roon. "Anong trip mo?" pataray kong tanong sa kaniya. "Kung isa na naman 'to sa mga pakulo mo para inisin ako, I'm acknowledging it. Naasar na ako. Okay na? You can stop giving me breakfast every morning, Ethan. Nababalita na tayo rito sa building just so you know." "Who cares about what they're saying?" aniya habang kumakain ng pagkain na dala nito para sa akin. Hindi ko naman napigilan ang pagrolyo ng mata ko dahil sa naging pahayag niya. "If you don't care, well, I do."
CALLIEMarriage―isa sa mga pinakahihintay na dumating ng kahit na sinong babae sa buhay niya at isa ako sa mga babaeng naglolook forward na mangyari 'yon sa buhay ko...and today's the last day na maghihintay ako because after this, I am officially Mrs. Williams.Napatingin akong muli sa singsing na nakalagay sa palasingsingan ko at hindi ko mapigilan ang mapangiti habang inaalala ko ang mga pinagdaanan namin ni Zander bago kami nakarating dito.My mother, brother and I migrated in Canada nang maayos na ang citizenship ni mommy rito. I was high school back then when we migrated at doon ko rin unang nakilala si Zander na isang Filipino-Canadian. He's the kind of guy na halos
CALLIE"Callie!" Napasinghap ako at napapitlag dahil sa lakas ng boses ni Zoe nang tawagin niya ang pangalan ko. "Ano girl? Tulala all day? Walang balak kumain man lang o umalis sa pagkakatitig sa labas ng bintana?""Sorry," halos pabulong na sinabi ko. Hindi ko namalayan na napatitig na naman ako gaya noong mga nakaraan na ginagawa ko na rin. Masyado lang ding marami ang tumatakbo sa isip ko at hindi ko alam kung alin ang uunahin ko sa mga 'yon.I heard her sighed. "Naiintindihan naman kita dahil alam kong mabigat ang dinadala mo," aniya. "Pero hindi sa lahat ng oras dapat mong ikulong sa nangyari sa nakaraan ang sarili mo, Callie. Time's moving on, sana ikaw rin."Hindi ko na lang sinagot ang sinabi nito dahil wala ring salita ang gustong lumabas pa sa bibig ko. Hindi na bago
CALLIE“Hoy, girl! Seryoso? Kada ba kakausapin kita, eh tinatangay ka ng imahinasyon mo?”Napabuntong-hininga ako nang marinig ang sinabi ni Zoe. Sa sobrang okupado ko sa mga nangyari ay hindi ko namalayan na kinakausap niya pala ako. Hindi na rin bago sa kaniya ang mga ganitong senaryo, that’s for sure.“Anong mayroon at parang kasama ka ni peter pan na lumilipad papuntang neverland?” pagbibiro niya pa habang nag-aasikaso ng hapunan naming dalawa na binili ko kanina.“Wala,” simpleng sagot ko at saka muling naisip ang lalaki sa convenient store kanina. He’s using the same perfume as Zander at medyo may hawig din ito sa kaniya but it is definitely not him.“Tingin mo naman ay maniniwala ako sa sinasabi mo?” Zoe said. “Seryoso, Callie, gusto ko ring malaman kung anong nangyayari sa ‘yo.”I sighed. “I met a guy earlier…” I breathed, “he’s using the same perfume as Zander. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit but there’s something about him na nagbibigay pag-asa sa akin na baka bumalik na
CALLIE "So he's the guy na sinasabi mo sa akin?" Zoe asked me for the nth time habang ang mga mata nito ay nasa lalaking nakaupo malapit sa bintana sa hindi kalayuan sa counter kung nasaan kami. I told her about him, na siya ang lalaking nagpaalala sa akin kay Zander dahil sa pabango na gamit nito. "Callie, hindi niya kahawig si Zander kahit konti man lang. Alam mo, napapraning ka lang sa naiisip mo tungkol sa lalaking 'yan." Hindi ko magawang matanggap sa sarili ko ang sinabi nito. Alam ko na hindi ordinaryo ang pabango na ginagamit ni Zander dahil pinacucustomized pa niya 'yon at ngayong may isang lalaki na gumagamit ng kaparehong pabango ng kaniya, hindi ko magawang mapanatag na coincidence lang ang lahat. It's too impossible for two men to have the same formula for a perfume! Natigilan ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang kamay ni Zoe sa balikat ko. "It's been a year, Callie. Ako na ang naaawa sa 'yo sa sitwasyon mo, so I hope you'll give yourself a time to move on. He's no
CALLIENapahagalpak ng tawa si Zoe nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari kanina. Napasimangot naman ako lalo dahil sa naging reaksyon nito. I grabbed a pillow at saka iyon itinakip sa mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. I admit, hindi ako nag-ingat, hindi ko pinag-isipan ang ginawa ko kanina dahil akala ko talaga, he's some random man na sinusundan ako sa daan dahil wala itong magawang matino sa buhay. He doesn't look like a man with a bad intention, but I made him look like one. "Nagsorry ka naman ba sa tao?" Zoe asked. Inalis ko ang unan na nakatakip sa mukha ko at saka ako umayos ng pag-upo. I bit my lower lip as I shook my head little by little. "Sino bang gugustuhin pang lumingon sa kaniya pagkatapos no'ng ginawa ko?" I mumbled in a small voice. "Sino rin bang tao ang gugustuhin na mapagkamalan siyang isang stalker?" Hindi ako nakasagot sa naging tanong ni Zoe. He deserved my apology pero hindi ko alam kung paano ko 'yon ibibigay sa kaniya. Ni hind
CALLIE"It seems like wala talaga siyang balak na patahimikin ka," bulong sa akin ni Zoe habang kumukuha ito ng orders at nasulyap sa kinaroroonan ng isang taong pamilyar na pamilyar na sa aming dalawa. I let out a hiss upon hearing her statement. Napunta sa kinaroroonan ni Ethan ang mga mata ko and when our eyes meet, he smiled at me as he raised his cup of coffee a bit. Agad naman na nag-iwas ako ng tingin. Hindi ito ang unang beses na nakita ko siya sa coffee shop na ito. Mula no'ng nagkairingan kami sa unit niya, tila ba paborito na nito ang tumambay sa pinagtatrabauhan namin. Hindi ko alam kung natataon lang na naging paborito niyang tambayan ang coffee shop o naroon lang ito dahil alam niyang naiirita ako sa presensya niya. After that night, akala ko talaga ay matatahimik na ang mundo ko ngunit mukhang isang malaking pagkakamali pala iyon. "Magtrabaho na lang tayo," sabi ko kay Zoe na agad namang sinang-ayonan nito. Naging abala rin kami sa dami ng customer na pumapasok sa cof
CALLIEHindi ko maiwasang maparolyo ng mata nang makita ko na naman si Ethan sa usual na pwesto nito sa loob ng coffee shop. Kada may pasok ako sa trabaho ay lagi na rin itong naroon na tila ba nag-eenjoy ito sa ginagawa niya dahil alam niyang kinaiinis ko ang presensya niya. Tuwing wala naman akong pasok ay hindi rin ito umaalis ng apartment. Sa pang-araw-araw na nangyayari 'yon, hinihiling ko na lang na may iba naman siyang pagkaabalahan sa buhay niya. "He's here again. Kahit ata ilang beses mong sungitan at itaboy ang isang 'yan, wala siyang balak na lubayan ka," bulong ni Zoe sa akin nang mapadaan ito sa likod ko habang nag-aayos ako ng mga incoming orders. "Paano ka ba naman kasi lulubayan, you're making your coffee with love nga raw kasi," dagdag nito nang muli siyang dumaan para bumalik sa tabi ko. Narinig ko rin ang bahagyang pagbungisngis nito.Humarap ako sa kaniya at binigyan siya ng isang sarkastikong ngiti. "Come on, he said that just to piss me off," ani ko. "Maiba tay