Share

CHAPTER FOUR

CALLIE

"So he's the guy na sinasabi mo sa akin?" Zoe asked me for the nth time habang ang mga mata nito ay nasa lalaking nakaupo malapit sa bintana sa hindi kalayuan sa counter kung nasaan kami. I told her about him, na siya ang lalaking nagpaalala sa akin kay Zander dahil sa pabango na gamit nito. "Callie, hindi niya kahawig si Zander kahit konti man lang. Alam mo, napapraning ka lang sa naiisip mo tungkol sa lalaking 'yan." 

Hindi ko magawang matanggap sa sarili ko ang sinabi nito. Alam ko na hindi ordinaryo ang pabango na ginagamit ni Zander dahil pinacucustomized pa niya 'yon at ngayong may isang lalaki na gumagamit ng kaparehong pabango ng kaniya, hindi ko magawang mapanatag na coincidence lang ang lahat. It's too impossible for two men to have the same formula for a perfume!

Natigilan ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang kamay ni Zoe sa balikat ko. "It's been a year, Callie. Ako na ang naaawa sa 'yo sa sitwasyon mo, so I hope you'll give yourself a time to move on. He's not him." 

Pinisil nitong muli ang balikat ko at isang maliit na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. Isang buntong-hininga pa ang kumawala sa akin bago ko ibinalik ang pokus ko sa kung ano pang itinuturo sa akin ni Zoe. Maybe she's right, I need to take a break from thinking about Zander. After all, I need this job more than the idea inside my head. 

Nauna ako sa paglabas ng coffee shop kesa kay Zoe dahil ipinatawag pa ito sandali ng manager. Nakatingin lang ako sa mga nagdaraang sasakyan at sa mga taong abala sa kani-kanilang buhay rito sa Canada, wondering how many of these people had it worse than me. In that way, kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko. 

"Hey," I heard Zoe's voice from behind. Iniangkla nito ang braso niya sa braso ko at sabay kaming nag-umpisa na sa paglalakad. "Natuwa sa 'yo ang manager ng coffee shop kaya ako ipinatawag. According to him, he can see you as one of the best employee ng shop in the future. See, hindi lang ako ang nakakakita ng potensyal na mayroon ka," aniya at saka ako tinudlo sa tagiliran ko. 

Hindi ko nagawang sumagot dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Sa tagal ng panahon na mas pinili kong lamunin ako ng lungkot ko sa lahat, hindi ko na rin alam kung may mga kaya pa nga ba akong gawin. 

Natigil kami sa paglalakad nang biglang tumunog ang cellphone ni Zoe. She showed me her phone at nakita kong lola nito ang tumatawag sa kaniya. Agad naman nitong sinagot ang tawag sa hindi kalayuan sa akin. 

"Ngayon na po mismo?" I heard her asked. "Opo na po, lola. Pupunta na po ako riyan so don't be sad, okay?" 

Nang makabalik ito sa kinaroroonan ko, agad siyang napalabi. I laughed a bit dahil alam ko na agad ang ibig sabihin no'n. 

"You don't have to worry about me, Zoe. Kung kailangan mong puntahan ang lola mo, you can go. It's not as if mawawala pa ako rito sa Canada," I uttered. 

"Sorry, Callie. Babawi ako, promise. Hindi ko lang din kasi matiis si lola kasi alam mo naman, hindi rin naman maganda kung nakakaramdam siya ng lungkot." 

I rolled my eyes on her in a playful way. "Wala ka naman kailangang ibawi, swear. You can go and I'll be fine. I can go home on my own." 

She ran like a kid while waving her hand at me. I waved back. Nang hindi ko na makita si Zoe, nagpatuloy na ako sa pagpunta sa bus stop. I waited for the bus to arrive habang hawak-hawak ang transit pass na binili ko. 

"Miss?" a bold man's voice called from beside me. Tinignan ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na naman ang lalaki sa convenient store. It's the same guy who was in the coffee shop earlier. "You're the woman from the convenient store last night, right?" 

"Yeah," I simply answered. Pigil na pigil din ako sa paghinga habang kausap ko ito dahil ayaw kong maamoy ang pabangong gamit niya. "How can I help you?"

"Oh, I'm good," he answered. "It's just that, when I met you earlier, I forgot to give back something." Kinuha nito ang wallet niya at saka iniabot sa akin ang isang loonie na tinanggap ko naman. "You dropped it last night. It seems like you're in total rush because you didn't bother to look at me again when I called you." 

Hindi ko nagawang sumagot dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa lalaking kaharap ko ngayon na siya rin mismo ang rason kung bakit ako nagmamadali no'ng gabing 'yon, that he reminded me of a man from my past. 

"Thanks," I simply replied. Sakto namang dumating na rin ang bus na hinihintay ko kaya mabilis na rin akong nagpaalam dito. To my surprise, he boarded the same bus with me. 

"It seems like we're really destined to meet," aniya pa. Isang alanganing ngiti naman ang ibinigay ko rito bago ako lumingon sa bintana. He's still a stranger to me and I am not comfortable in having conversation with him because of, well, his perfume. 

When I reached my destination, I thought we're finally going in a separate way but I was wrong. Bumaba rin ito sa kung saan ako bumaba. I held on to my bag as I continued walking my way to the apartment. Pinakikiramdaman ko kung may iba pa ba siyang gagawin. When I turn my way to an alley and he still followed me, I decided to confront him. 

"Can you please stop following me?" I asked while I was trying to maintain my composure. "You gave back what you need to give back, why are you still here? Are you waiting for a reward or something?" I added.

I saw how his eyes narrowed. "What are you talking about? I'm not following you," he said defending himself. "Do I look like a stalker, missy?" 

I gave him a warning glare before I turned my back at him. Nang maramdaman ko pa rin ang presensya nito kahit nasa tapat na ako ng gate ng apartment na tinutuluyan ko, hindi ko napigilan ang sarili ko na lingunin itong muli. Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin? 

"What now?" he asked. "How many times do I have to tell you that I wasn't following you?" 

Agad na naningkit ang mata ko. "You rode the same bus with me, you got off the bus in the same destination as me, you walked in the same alley, and now you're here standing in front of me. Still making up excuses for yourself, mister?" 

Sa gulat ko ay bigla itong tumawa. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko sa kaniya kaya sinamaan ko ito ng tingin lalo. Akala ba ng isang 'to ay nagbibiro ako?

"I'm sorry, it's just that, you're quite funny," aniya na halos ikanganga ko. "Anyway," he reached on his pocket and showed me a blue card that is very familiar to me, "you're not the only person who lives in this apartment, missy." 

Gusto ko na lang na kainin ako ng lupa matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Kung kanina ay kaya ko pa itong tignan sa mga mata niya, ngayon ay wala na akong lakas para gawin iyon. I bit my lower lip at dahan-dahan na tinalikuran ito. Nang makapasok ako sa gate ng apartment namin, mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. I heard him called me by "missy" ngunit hindi ko na ito nilingon pang muli. That's so embarassing! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status