로그인HEIDI
“Upo ka lang, diyan ako ang bahala!” Nakangiting sabi niya. Binigay ko pa sa kanya ang isa pang batch na pinahahanap ni Boss na mga books.
Napangisi ako. Umupo ako sa nag-iisang upuan sa stock room. Pumipito pa ako habang hinihintay si Zacch na mahanap ang mga books na kailangan.
“Tapos ka na ba? Malapit nang magtanghalian, baka abutan pa tayo dito,” sabi ko.
“Malapit na!” Sigaw na sagot niya.
Ilang minuto ang lumipas. Lumabas sa isang silid si Zacch. Gusto kong matawa sa hitsura niya. Puno ng pawis ang buong mukha at katawan niya. Ang buhok ay magulo. Para siyang ni-rape sa hitsura niya.
“Okay na nahanap ko na ang nasa listahan,” sabi niya. Napaupo siya sa sahig at sumandal sa pader.
“Good! Dadalhin ko na ito sa boss ko at baka hinahanap na niya ito,” sabi ko. Kinuha ko ang isang karton. Medyo mabigat, pero keri ko naman.
“Ganoon lang ba iyon? Walang thank you o palibre man lang ang mayora?” sabi niya. Napaismid ako.
“Thank you!” sabi ko. Maglalakad na sana ako paalis sa stock room nang magsalita ulit siya.
“Libre mo ako ng makakain. Nagutom ako sa pinagawa mo sa akin.” Reklamo niya. Napatirik ako ng mata.
“Fishball at gulaman lang ang kaya kong ilibre sa iyo. Alam mo naman, hindi ako mayaman na katulad mo,” sabi ko. Napangiti siya nang malawak.
“Okay lang kahit fishball, at least nakalibre ako ng meryenda.” Napairap ako sa kanya. Wow! Makasabi ng libre, akala mo mahal ang pagkaing ililibre ko sa kanya. Halagang ten pesos na fishball at ten pesos na gulaman lang. Mababawasan tuloy ng bente pesos ang pera ko. Kainis.
“Ayos lang yun?” Tanong ko. Tumango siya. Lumabas ako ng stock room. Nakita ko ang boss ko na inaayos ang mga paninda sa bookstore. Wala na ang mga matapobreng nilalang. Mabuti naman.
“Ma’am, nandito na po ang pinapahanap niyo.”
“Ang galing mo naman, nahanap mo agad. Expected kong mamaya mo pa mahahanap. Medyo madami din ito. Salamat.” Nakangiting sabi niya.
“Wala po yun, ma’am. Trabaho ko naman po ito.”
Nakita ko si Zacch, palabas ng bookstore. Sumenyas siyang maghihintay sa labas. Tiningnan ko ang oras. Ilang minuto na lang , mag-out na pala ako. Tinanguan ko lang siya.
Pagkalabas ko ng bookstore , naghihintay na si Zacch sa labas. Nakatayo sa gilid at tila naiinip sa paghihintay.
“Psst!” tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin.
“Halika ka na, libre na kita. Mukhang gutom na gutom ka na.” Natatawa ako sa hitsura niya. Mukha siyang pagod na pagod. Hinawakan ko ang braso niya at hinila papunta sa bilihan ng mga fishball. Tuwang-tuwa si Zacch dahil ang daming iba’t ibang tindang pagkain.
“Halika ka na , mamili ka na diyan ng gusto mo. Basta halagang ten pesos lang, ha? Alam mo namang nagtitipid ako dahil malapit na naman ang exam. Dami kasing bayarin sa school. Ayokong humingi ng pera sa Nanay at Tatay ko sa probinsya,” sabi ko.Napangiti siya sa akin.
“Ako na ang magbabayad dito. Halika na, kuha ka na rin ng gusto mo. Kahit magkano pa 'yan. Libre ko.” Napatitig ako sa kanya. Kumuha na ako ng kwek-kwek at fishball. Naalala ko ang kaibigan kong si Penelope. Ito ang lagi naming ulam dahil nga nagtitipid kami, kaya ganito lang ang kaya naming bilhin. Miss ko na ang babaeng iyon. Hindi ko alam ang dami naming nakain ni Zacch.
“Ang dami mong nakain! Grabe, naka-one hundred pesos tayo.” Napahimas ako sa tiyan ko. Hindi na siguro ako kakain ng hapunan. Nabusog na ako.
“Ikaw nga itong madaming kinain. Ang sarap pala ng ganitong pagkain.” Nakangiting sabi niya. Hinimas din ang tiyan niya.
“Ngayon ka lang nakakain ng ganitong pagkain?” Curious kong tanong. Tumango siya.
“Hindi kasi kami pinapakain ng magulang ko ng street food. Malalason daw kami , kaya hindi kami nagtangkang kumain man lang kahit minsan.” Nagulat ako sa sinabi niya. Nakakalason pala sa kanila ang street food. Grabe naman!
“Sana namatay na ako. Madalas ’yan ang kinakain ko. Nagpapaniwala ka sa sinabi ng nanay mo. Masarap minsan kumain ng ganito. Mas affordable kasi sa kagaya naming mahirap ang ganitong uri ng pagkain. Well, sa mayayaman, madumi ito, pero sa katulad naming dukha, masarap ito.”
Naupo kami sa upuang semento. Inabutan ako ni Zacch ng supot ng soft drink na binili niya rin sa pinagbilhan namin ng kwek-kwek at fishball.
“Sa totoo ngayon ko lang naranasan ang ganito. Kumain sa labas, as in sa labas talaga. Masarap pala dahil mas gaganahan kang kumain. Tingnan mo naman ang dami kong nakain. Lahat yata ng tinda ni Kuya ay binili ko.” Humalakhak si Zacch. I find it amazing. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Halos maningkit ang mga singkit na mga mata dahil sa pagtawa. Genuine laugh.
“Oo nga, kulang na lang pati ang kabilang tindero bilhan mo rin, eh?” Biro ko. Natawa ako sa sinabi ko. Dahil sa pagtawa namin , ang ininom naming softdrinks ay lumabas sa ilong namin. Mas lalo kaming tumawa.
“Oh my god!Tumulo sa ilong mo ang softdrinks,” sabi ko habang tumatawa.
“Ikaw din naman, meron diyan sa butas ng ilong mo.” Hinampas ko siya sa balikat. Hinuli niya ang kamay ko. Nagulat ako. Napatitig ako sa kanyang mata.
“Thank you sa lahat, Heidi. Ngayon ko lang naramdaman ang tunay na kasiyahan. Napasaya mo ang araw ko.” Napangiting pasasalamat niya. Hindi ko maiwasang ngumiti. Kita ko sa mga mata niya ang sincerity. Nagulat ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. Nanigas ang katawan ko. Napahawak na lang ako sa kanyang likod at bahagyang tinapik.
ZACCHAEUSSobrang saya ko dahil hinayaan na ako ni Heidi na pumunta sa bahay niya. Doon pa nga ako kumain. Balak ko sanang doon matulog, pero nagbago ang isip ko. Masyado naman yata akong umaabuso.Ayokong magalit sa akin si Heidi. Mas okay ang ganito. Paunti-unti, makukuha ko rin ang loob niya. Kailangan ko ng mahabang pasensya. Kasalanan ko naman ang lahat, kaya ganito ang trato niya sa akin.Hindi ako nagtiwala o naniwala sa kanya noon. Mas pinaniwalaan ko ang nakita ko. Hindi ko inalam kung totoo ang inaakusa ni Mommy sa kanya. Dapat alam kong hindi niya magagawa yun kung hindi siya binantaan ni Mommy.“Mukha yatang masaya ka.” Napalingon ako nang magsalita si Mommy.“What do you want, Mom?” Tanong ko, imbes na sagutin ang sinabi niya.“Ganyan na ba ang pagbati mo sa sarili mong ina?” Napairap ako nang lihim. Nagsisimula na naman si Mommy. Lumapit ako para bigyan siya ng halik sa pisngi at bumalik sa pagkakaupo.“Are you here to convince me again to get back to her life?” It’s be
HEIDINagulat ako nang paglabas ng bakeshop ko ay nabungaran ko ang kinasusuklaman kong tao sa balat ng lupa. Nilagay ko ang magkabilang kamay sa magkabilang tagiliran at saka ko siya tinaasan ng kilay.“Ano’ng ginagawa mo dito, Chinsansu?” Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. Natawa siya nang mahina. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumikhim siya at umayos nang tayo.“Nandito ako para sunduin ka. Pwede ba?” Magalang na sabi nito. Tumaas ang isang kilay ko.“Huwag mo na akong ihatid dahil kaya kong umuwi nang mag-isa. Sanay naman akong nagko-commute. Ginagawa ko na ito nang matagal na panahon, kaya sanay na ako.” Pagtanggi ko sa alok niya. Ano’ng akala niya, mapapayag niya ako nang ganoon na lang? In his dream.“Ngayon lang tayo nagkita, Heidi. Sana naman pagbigyan mo naman ako. Gusto kong makabawi sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo. Kaya kahit sa maliit na bagay kagaya nito, mapagbayaran ko ang lahat ng yun,” sinsero niyang sabi. Hindi mabubura niyon ang ginawa niya sa akin. Napailing
HEIDIKahit ang sakit sa didbdib, mas mabuti na itong ginawa ko. Ang sama lang ng loob ko sa ginawa ni Zacchaeus dahil naniwala siya sa nakita niya. Hindi niya talaga ako kilala kahit na nagsinungaling ako.Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. Magsisimula ako ng panibagong buhay. Kakalimutan na kita, Zacchaeus. Iniligpit ko ang mga gamit ko.Tatlong buwan mula nang makagraduate kami, nakahanap kami ni Penelope ng trabaho. Natanggap kaming pareho sa iisang kompanya. Lumipat na rin kami sa bagong tirahan dahil kaya na namin umupa ng mahal.“Pene, okay ka lang ba? Kanina ka pa nagsusuka. Pareho lang naman ang kinain natin kagabi, ’di ba?” sabi ko. Napapansin ko rin ang pangangayayat ni Pene at ang palaging inaantok sa trabaho. Maaga naman kaming natutulog. Minsan nga ako pa ang nahuhuli sa pagtulog, pero hindi naman ako inaantok sa trabaho.“H-hindi ko alam, eh? Baka nalamigan lang itong tiyan ko. Mauna ka na munang kumain,” sabi niya. Ayokong mag-isip ng hindi maganda, pero mukhang may dap
HEIDINapalingon ako nang mapansing may sumusunod sa likuran ko. Napahigpit ang hawak ko sa backpack ko. Papunta ako ngayon sa school dahil kukunin ko ang transcript ko. Balak kong maghanap ng trabaho. Isa sa requirements sa in-apply-an namin ni Penelope ay ang transcript record. Nakompleto na namin ang iba pa; diploma na lang ang problema.Minadali ko ang lakad para makarating sa school. Napahinga ako nang maluwag nang makapasok sa loob ng school.Nagkita kami sa loob ng school ni Penelope. Napansin kong parang matamlay siya. Gusto ko sanang tanungin , ngunit may pupuntahan pa daw siya. Magpapaalam lang daw siya sa amo niya.Nag-aabang na ako ng jeep. May van na kulay itim ang huminto sa harapan ko. May mga lalaking bumaba at sapilitan akong ipinasok sa loob. Nagpumiglas ako at nagsisigaw.“Sino kayo? Pakawalan niyo ako! Hindi ako mayaman para kidnapin niyo ako! Mahirap lang ako,” sigaw ko. Ibinalibag nila ako sa loob ng van. Napasubsob ako sa upuan.“Manahimik ka kung hindi ipapasok
HEIDINakatulugan ko na ang pag-iyak dahil sa ginawang pananamantala sa akin ni Zacchaeus. Nasusuklam ako sa kanya. Bakit kailangan niyang gawin iyon sa akin? Wala naman siyang magagawa kung gusto ng magulang niyang ipakasal siya sa babaeng iyon. Mas lalo lang niyang pinapalala ang sitwasyon. Ayokong maging kabit niya.Nagulat ako nang may makapa ako. Napatingin ako sa katabi ko. Bakit dito natulog ang lalaking ito? Napatitig ako sa maamong mukha ni Zacchaeus. Mahimbing itong nakatulog sa tabi ko. Nakapulupot pa ang bisig nito sa beywang ko.Napatingin ako sa cellphone na nasa ibabaw ng lamesita ko. Sinilip ko ito dahil lumiwanag. Nakita ko ang pangalan ng babaeng Chinsansu. Walang tunog, malamang naka-silent. Bakit naman tinatawag ang babaeng yun?Niyugyog ko si Zaccheaus upang gisingin.“Zacch!” sigaw ko sa pangalan niya. Nagmulat siya ng mata. Itinulak ko siya kaya napalayo siya sa akin.“Tumatawag ang fiancée mo!” Inis na sabi ko.Hindi pa siya gumalaw, nakatitig lang sa akin. Ak
ZACCHAEUS“Hindi totoo ito!” Galit na sabi ko. Sinabi ni Kim na buntis siya at ako ang ama. Paanong nangyari na ako ang ama? Wala akong matandaang ginalaw ko siya.“Do you remember noong party two months ago? Lasing na lasing ka dahil nag-away kayo ni Tita. Pinuntahan mo ako sa suite ko. Ilang beses na may nangyari sa atin. It’s possible na mabubuntis ako. Bakit naman ako gagawa ng kasinungalingan? Pamilya ko ang mapapahiya kapag ginawa ko yun.” Napasabunot ako sa buhok ko. I remember already. Nag-away kami ni Mommy dahil nga palagi niya akong pinakikialaman sa lahat. Punong-puno na ako at that time. Opening noon ng new condo na pagmamay-ari ng pamilya namin. Sa sobrang inis ko, nag-inom lang ako. Hindi ko na matandaan kung ano’ng nangyari. Nagising na lang akong walang saplot sa katawan, pero wala naman akong katabi. Kaya naisip kong baka sa sobrang kalasingan ay naghubad ako.“You planned all of this. I knew it!” sabi ko. Napahagod ako ng buhok. Alam kong plano nila ito. Gusto kong







