공유

Chapter 7

작가: coalchamber13
last update 게시일: 2026-05-20 22:03:08

Zacchaeus

“Saan ka na naman pupunta? We have dinner with Sy and are expecting your presence there,” sabi ni Mommy.

Napailing ako. We’re here again. I’ve already told them that I'm against what they want. They want me to marry Kim. Ayokong matulad sa mga kapatid kong hindi masaya sa buhay nila. Ako ang magbe-break sa kanilang nakagawian na sila ang mamimili ng mapapangasawa ko.

“Mommy, huwag niyong ipilit sa akin ang ayokong gawin. I have my own life. Hindi niyo kailangang kontrolin ang buhay ko na parang isa akong robot. May sarili akong utak.” Pabalang na sagot ko. Alam kong mali ang ginawa kong pagsagot sa Mommy ko, pero hindi na tama ang ginagawa nilang paninipula sa buhay ko. Diyos ko, ang tanda ko na para hindi ako makapagdesisyon sa buhay ko.

“How dare you, Zacchaeus, to answer me like that! I am your mother, whom you need to follow! Don’t you ever try to disobey my will. You don’t know what I can do to you!” Galit na sabi ni Mommy.

“Bakit ba lagi na lang kayo ang nasusunod? Anak niyo ako at hindi isang tauhan!” Naghihinakit na, sabi ko.

“I’m just doing this for your own good. Kung hindi ko ginawa ito sa mga kapatid mo, hindi magiging maganda ang buhay nila. Para na rin sa atin ito upang mapalago ang negosyo natin. Sy is a big help to us. Please, anak, cooperate with me.” Pakiusap niya sa akin. 

Hindi ko mapaniwalaan si Mommy sa desisyon niyang walang kwenta. Hindi niya inisip ang damdamin namin. Puro na lang pansarili nila ang iniisip.

“I am so sorry, hindi ko magagawa ang gusto mo, Mommy. Respetuhin mo naman ang kagustuhan ko,” sabi ko.

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Agad akong tumalikod at naglakad palayo. Malalaking hakbang ang ginawa ko upang makalayo. Hindi ako makahinga sa tuwing malapit sila sa akin. Pakiramdam ko, sinasakal nila ako.

“Zaccheaus, come back here!” sigaw ni Mommy, ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Sa buong buhay ko, sila ang nagpapatakbo ng buhay ko. Hindi naging maganda ang kabataan ko. Wala akong kalayaan sa lahat ng bagay. Kaya sa school lang ako malaya. Doon ko ibinubuhos lahat ng mga hindi ko nagagawa sa bahay. Kaya nga naging gago ako dahil nagrerebelde ako sa magulang ko. Gusto kong malaman nilang ayaw ko ang ginagawa nilang paninipula sa buhay ko. Kaya nga, nang makilala ko sila Zandro, naging masaya ako. Lalo kapag nambubully kami sa school. 

Nagpasya akong puntahan si Heidi sa pinagtatrabahuhan nito. Siya lang ang nagpapawala ng kalungkutan ko kahit masungit siya sa akin. Pagkarating ko doon, palabas na siya sa bookstore. May hawak na supot. 

“Heidi!” tawag ko dito. Napatingin siya sa akin. Gulat.

“Ano’ng ginagawa mo dito, Chinsansu?” 

Natawa ako sa sinabi niyang chinsansu. Hindi ko alam kung ano’ng ibig sabihin niyon. Napangiti ako kahit sinusungitan niya ako. Masaya ako kapag kasama ko siya. 

“Sinusundo kita. Ihahatid kita, ha?” sabi ko. Walang paalam na kinuha niya ang supot na dala niya.

“Hoy! Ibigay mo sa akin iyan! Ulam ko iyan! Bumili ka kaya ng sarili mong ulam! Ang yaman mo, wala kang pambili!” aniya at pilit na inaagaw ang supot na hawak ko. Natawa ako.  

“Hindi ko naman kukunin ito. Ako ang magbibitbit nito,” sabi ko. Inirapan niya ako. 

“Akala mo naman maleta ang hawak ko kung makabitbit ka diyan. Hello! Supot lang iyan at hindi maleta. Anong kailangan mo nga? Kung mangungutang ka sa akin, sa Bombay ka na lang mangutang. Mataas nga lang ang interes doon.” 

Napapailing ako kay Heidi. Hindi nawawalan ng sasabihing mga biro.

“Hindi naman ako mangungutang. Ihahatid lang kita. Gusto ko lang magpalamig.” Napakunot ang noo ni Heidi sa sinabi ko. 

“Aba! Ginawa mo naman akong ref. Magpapalamig talaga?”

“Anong ref?” Curious na tanong ko. Bigla niya akong hinampas sa balikat. 

“Ano ka ba? Ref lang, hindi mo alam? My God! Zaccheaus, hindi ka ba nag-aral? Refrigerator malamang! My God! Ang hina naman ng pickup nitong chinsansu na ito. Kung sabagay, Intsik naman pala ito, kaya mahina talaga ang pickup. Imagine mo, sabi na ngang pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea, pero ginigiit pa rin na sila ang nagmamay-ari daw?” 

Nangunot ang noo ko. “Ano’ng kinalaman ng West Philippine Sea sa pinag-uusapan nating Ref?” Nagtatakang tanong ko. Minsan hindi ko makuha ang gusto nitong babaeng ito.  

“Ewan ko sa iyo! Magulo kang kausap! Ang hina pati ng pickup mo!” Inis na sabi niya.  

“Libre na kita ng hapunan mo. Sabihin mo lang kung saan mo gustong kumain.” Pag-iiba ng usapan upang hindi kami magtalo. Nag-isip siya nang ilang saglit. 

“Diyan na lang sa malapit na karinderya. Hindi naman ako demanding na tao. Kayo lang na mayayaman ang demanding. Madami na ngang pera, pero hindi pa kuntento. Gusto pa more!” Aniya, na tila may laman ang sinasabi niya.

Mas lalong nangunot ang noo ko sa mga litanya ni Heidi sa buhay. Parang ang lalim ng pinaghuhugutan niya sa buhay. Galit ba siya sa amin? 

“Masyado ka naman seryoso sa mga pangyayari sa buhay mo. Kung makabitiw ka ng salita, parang ang dami mong mga pinaghuhugutang sama ng loob.”

Hindi na niya ako sinagot. Naglakad na ito, kaya sumunod ako. Pumasok kami sa loob ng karinderya. Maayos naman ang lugar. May mangilang-ilang kumakain na nakapang-opisina pa. Naupo kami sa bakanteng lamesa. 

“Ano’ng gusto mong kainin?” tanong sa akin ni Heidi. Magsasalita na sana ako nang magsalita siya. 

“Hoy! Huwag kang mag-expect ng kung anong pagkain dito, ha? Karinderya ito at hindi restaurant! Walang steak dito at mas lalong walang wine! Sasabunutan talaga kita kapag iyon ang in-order mo!” Aniya at umirap sa akin. 

“You know what, let me speak, okay? Alam ko naman na walang ganoon dito. Kaya huwag kang OA,”sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

“Mabuti naman kung ganoon.”

“Kung ano’ng order mo, ganoon din ako. Don’t worry, ako ang magbabayad ng lahat.” Pagbibigay ko ng assurance. Ngumiti ako sa kanya. Binelatan niya ako. Tumayo na siya at um-order sa harap ng cashier.

Nang naka-order na siya , tinulungan ko siyang kunin ang mga pagkain na in-order niya. Ang daming pagkain ang in-order ni Heidi. Dalawa lang kami, pero mukhang pang-animan. Hindi ko akalaing matakaw itong si Heidi.

“Do you think you can eat all of this?” Pagtatakang sabi ko habang nakakunot ang noo.

“Hindi ba sinabi mo na kumuha ako ng mga gusto ko? ‘Yan ang lahat ng gusto ko. Libre mo naman, di ba? Kaya lubusin ko na. Aba! Sayang ang grasya,” sabi niya.

Tumayo siya. Nasundan ko ng tingin. Naghugas siya ng kamay sa sink ng karinderya. Bumalik sa kinauupuan. Nagsimula nang kumain gamit ang kamay. Napakunot ang noo ko.

“Bakit hindi ka kumuha ng spoon and fork?” I asked her. Tiningnan niya ako nang hindi makapaniwala.

“Ganito ako kumain, nakakamay. Hindi mo ba nasusubukan ang ganito? Ganyan kayong mayayaman. Ayaw niyong sumubok ng pangmahirap,” sabi niya na tila may galit sa mayayaman. Napakamot ako sa ulo. Ang daming issue ni Heidi sa mayayaman.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Boy She Was Meant to Hate   Chapter 17

    ZACCHAEUSSobrang saya ko dahil hinayaan na ako ni Heidi na pumunta sa bahay niya. Doon pa nga ako kumain. Balak ko sanang doon matulog, pero nagbago ang isip ko. Masyado naman yata akong umaabuso.Ayokong magalit sa akin si Heidi. Mas okay ang ganito. Paunti-unti, makukuha ko rin ang loob niya. Kailangan ko ng mahabang pasensya. Kasalanan ko naman ang lahat, kaya ganito ang trato niya sa akin.Hindi ako nagtiwala o naniwala sa kanya noon. Mas pinaniwalaan ko ang nakita ko. Hindi ko inalam kung totoo ang inaakusa ni Mommy sa kanya. Dapat alam kong hindi niya magagawa yun kung hindi siya binantaan ni Mommy.“Mukha yatang masaya ka.” Napalingon ako nang magsalita si Mommy.“What do you want, Mom?” Tanong ko, imbes na sagutin ang sinabi niya.“Ganyan na ba ang pagbati mo sa sarili mong ina?” Napairap ako nang lihim. Nagsisimula na naman si Mommy. Lumapit ako para bigyan siya ng halik sa pisngi at bumalik sa pagkakaupo.“Are you here to convince me again to get back to her life?” It’s be

  • The Boy She Was Meant to Hate   Chapter 16

    HEIDINagulat ako nang paglabas ng bakeshop ko ay nabungaran ko ang kinasusuklaman kong tao sa balat ng lupa. Nilagay ko ang magkabilang kamay sa magkabilang tagiliran at saka ko siya tinaasan ng kilay.“Ano’ng ginagawa mo dito, Chinsansu?” Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. Natawa siya nang mahina. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumikhim siya at umayos nang tayo.“Nandito ako para sunduin ka. Pwede ba?” Magalang na sabi nito. Tumaas ang isang kilay ko.“Huwag mo na akong ihatid dahil kaya kong umuwi nang mag-isa. Sanay naman akong nagko-commute. Ginagawa ko na ito nang matagal na panahon, kaya sanay na ako.” Pagtanggi ko sa alok niya. Ano’ng akala niya, mapapayag niya ako nang ganoon na lang? In his dream.“Ngayon lang tayo nagkita, Heidi. Sana naman pagbigyan mo naman ako. Gusto kong makabawi sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo. Kaya kahit sa maliit na bagay kagaya nito, mapagbayaran ko ang lahat ng yun,” sinsero niyang sabi. Hindi mabubura niyon ang ginawa niya sa akin. Napailing

  • The Boy She Was Meant to Hate   Chapter 15

    HEIDIKahit ang sakit sa didbdib, mas mabuti na itong ginawa ko. Ang sama lang ng loob ko sa ginawa ni Zacchaeus dahil naniwala siya sa nakita niya. Hindi niya talaga ako kilala kahit na nagsinungaling ako.Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. Magsisimula ako ng panibagong buhay. Kakalimutan na kita, Zacchaeus. Iniligpit ko ang mga gamit ko.Tatlong buwan mula nang makagraduate kami, nakahanap kami ni Penelope ng trabaho. Natanggap kaming pareho sa iisang kompanya. Lumipat na rin kami sa bagong tirahan dahil kaya na namin umupa ng mahal.“Pene, okay ka lang ba? Kanina ka pa nagsusuka. Pareho lang naman ang kinain natin kagabi, ’di ba?” sabi ko. Napapansin ko rin ang pangangayayat ni Pene at ang palaging inaantok sa trabaho. Maaga naman kaming natutulog. Minsan nga ako pa ang nahuhuli sa pagtulog, pero hindi naman ako inaantok sa trabaho.“H-hindi ko alam, eh? Baka nalamigan lang itong tiyan ko. Mauna ka na munang kumain,” sabi niya. Ayokong mag-isip ng hindi maganda, pero mukhang may dap

  • The Boy She Was Meant to Hate   Chapter 14

    HEIDINapalingon ako nang mapansing may sumusunod sa likuran ko. Napahigpit ang hawak ko sa backpack ko. Papunta ako ngayon sa school dahil kukunin ko ang transcript ko. Balak kong maghanap ng trabaho. Isa sa requirements sa in-apply-an namin ni Penelope ay ang transcript record. Nakompleto na namin ang iba pa; diploma na lang ang problema.Minadali ko ang lakad para makarating sa school. Napahinga ako nang maluwag nang makapasok sa loob ng school.Nagkita kami sa loob ng school ni Penelope. Napansin kong parang matamlay siya. Gusto ko sanang tanungin , ngunit may pupuntahan pa daw siya. Magpapaalam lang daw siya sa amo niya.Nag-aabang na ako ng jeep. May van na kulay itim ang huminto sa harapan ko. May mga lalaking bumaba at sapilitan akong ipinasok sa loob. Nagpumiglas ako at nagsisigaw.“Sino kayo? Pakawalan niyo ako! Hindi ako mayaman para kidnapin niyo ako! Mahirap lang ako,” sigaw ko. Ibinalibag nila ako sa loob ng van. Napasubsob ako sa upuan.“Manahimik ka kung hindi ipapasok

  • The Boy She Was Meant to Hate   Chapter 13

    HEIDINakatulugan ko na ang pag-iyak dahil sa ginawang pananamantala sa akin ni Zacchaeus. Nasusuklam ako sa kanya. Bakit kailangan niyang gawin iyon sa akin? Wala naman siyang magagawa kung gusto ng magulang niyang ipakasal siya sa babaeng iyon. Mas lalo lang niyang pinapalala ang sitwasyon. Ayokong maging kabit niya.Nagulat ako nang may makapa ako. Napatingin ako sa katabi ko. Bakit dito natulog ang lalaking ito? Napatitig ako sa maamong mukha ni Zacchaeus. Mahimbing itong nakatulog sa tabi ko. Nakapulupot pa ang bisig nito sa beywang ko.Napatingin ako sa cellphone na nasa ibabaw ng lamesita ko. Sinilip ko ito dahil lumiwanag. Nakita ko ang pangalan ng babaeng Chinsansu. Walang tunog, malamang naka-silent. Bakit naman tinatawag ang babaeng yun?Niyugyog ko si Zaccheaus upang gisingin.“Zacch!” sigaw ko sa pangalan niya. Nagmulat siya ng mata. Itinulak ko siya kaya napalayo siya sa akin.“Tumatawag ang fiancée mo!” Inis na sabi ko.Hindi pa siya gumalaw, nakatitig lang sa akin. Ak

  • The Boy She Was Meant to Hate   Chapter 12

    ZACCHAEUS“Hindi totoo ito!” Galit na sabi ko. Sinabi ni Kim na buntis siya at ako ang ama. Paanong nangyari na ako ang ama? Wala akong matandaang ginalaw ko siya.“Do you remember noong party two months ago? Lasing na lasing ka dahil nag-away kayo ni Tita. Pinuntahan mo ako sa suite ko. Ilang beses na may nangyari sa atin. It’s possible na mabubuntis ako. Bakit naman ako gagawa ng kasinungalingan? Pamilya ko ang mapapahiya kapag ginawa ko yun.” Napasabunot ako sa buhok ko. I remember already. Nag-away kami ni Mommy dahil nga palagi niya akong pinakikialaman sa lahat. Punong-puno na ako at that time. Opening noon ng new condo na pagmamay-ari ng pamilya namin. Sa sobrang inis ko, nag-inom lang ako. Hindi ko na matandaan kung ano’ng nangyari. Nagising na lang akong walang saplot sa katawan, pero wala naman akong katabi. Kaya naisip kong baka sa sobrang kalasingan ay naghubad ako.“You planned all of this. I knew it!” sabi ko. Napahagod ako ng buhok. Alam kong plano nila ito. Gusto kong

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status