MasukBlurb: "I hate you." Those were the words Heidi Fernandez always threw at Zacchaeus Ongpauco—the notorious bad boy she blamed for the pain her best friend suffered. To Heidi, Zacchaeus represented everything she despised: arrogance, trouble, and heartbreak. But fate has a strange sense of humor. Forced together by circumstances they cannot avoid, their constant arguments slowly reveal hidden truths, buried wounds, and feelings neither of them expected. As hatred turns into attraction and attraction becomes love, Heidi and Zacchaeus find themselves caught between their hearts and the people determined to keep them apart. They say some people are brought together only to learn they were never meant to be. But what if that saying is wrong? What if love is worth fighting for?
Lihat lebih banyakHEIDE
“Bitiwan mo ako! Saan dadalhin ng kaibigan mo ang best friend ko?! Naku, lagot kayo sa akin kapag sinaktan n’yo siya!” Galit na sigaw ko sa lalaking humihila sa akin. Kinuha pa ng isang lalaki si Penelope, ang matalik kong kaibigan.
“Wala masamang mangyayari sa kaibigan mo! And will you please shut up! Nakakabingi ang boses mo!” Galit na sigaw niya sa akin. Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Hindi ko inaasahang bibitiwan niya ako kung kaya napaupo ako sa semento. Napangiwi ako sa sakit dahil tumama ang balakang ko sa semento.
“Tarantado ka! Bakit mo ako binitiwan?” Napahawak ako sa puwet ko. Napuruhan yata ang balakang ko. Nahirapan akong tumayo dahil sumakit ang balakang ko. Napaigtad ako nang hawakan niya ang braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Inilayo ko ang kamay ko sa kanya.
“Huwag mo akong hahawakan! Makakatikim ka talaga sa akin!” Galit na sabi ko at inirapan ko siya.
“Tsk! Ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pa ang masungit.” Aniya. Hindi ako makapaniwala sa tinuran niya. Aba! Siya pa ang galit, samantalang siya ang may kasalanan kung bakit ako napaupo sa semento. Nag-isang linya ang labi ko sa inis.
“Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nandito! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan sa akin! Leave me alone!” Singhal ko.
Ang sarap niyang sipain at pagsusuntukin sa mukha. Ang yabang akala mo kung sino. Kahit masakit ang balakang ko, pinilit kong tumayo. Paika-ika akong naglakad.
“Where are you going?” tanong niya. Lumingon ako habang matalim ang matang nakatingin sa kanya.
“Tatae ako, bakit sasama ka?!” birong sabi ko.
Gusto ko sanang matawa sa reaction niya. Mukha kasi siyang diring-diri sa sinabi kong tatae. Bago ako tumalikod, isang irap ang ginawa ko.
Ang akala naman niya siguro ay isa akong mahina. Matapang ako! Pinalaki ako ng magulang kong hindi mahina. Palagi nilang sinasabi sa akin na hindi porke babae ay iiyak na lang sa sulok kapag inaapi. Kailangan ko ring ipagtanggol ang sarili ko kung alam kong nasa tama ako. Sa katunayan, lahat ng mga kaklase kong lalaki noon ay kaya kong patumbahin gamit ang kamao kong ala-Pacquiao. May mga pinsan kasi ako sa Ilocos na mga lalaki. Tinuruan nila ako ng self-defense.
Habang paikaikang naglalakad ay parang sumunod ang lalaking chinsansu. Natigil ako sa paglalakad at lumingon. Nakapameywang.
“Bakit mo ako sinusundan?! Gusto mo pa ba ng isa pang suntok? O gusto mong tadyakan ko ang gitna mo!” Inumang ko ang kamao ko sa harapan niya. Napaatras ang lalaki. Napaatras siya na tila natakot sa banta ko.
“Pasalamat ka, hindi ako nanakit! May paggalang pa rin ako sa mga babae!” Tinaasan ko siya ng isang kilay.
“Oo talaga? May paggalang ka sa lagay na iyan? Hoy! Hindi ako naniniwala sa pinagsasabi mo! Kung may paggalang ka sa mga babaeng katulad ko, hindi ganito ang trato mo, kayo ng mga kaibigan mo!” Buwisit na ito. Makasabi ng paggalang. Akala mo totoo ang pinagsasabi niya.
“Okay, I’m sorry. Ikaw naman ang nauna. You hurt me big time!”
“Paanong hindi kita sasaktan? Hinila mo ako kung saan. Hindi naman tayo close para kausapin kita. Gagong ito.”
Sa sobrang inis ko, nakapagsalita na ako nang masama. Hindi ko naman gawain, pero parang masasabi ko kapag nakikita ko ang pagmumukha niyang parang bampira sa puti. Maputi na ako, pero itong chinsansu na ito mas maputi pa.
“Ano ba kasing kailangan niyo sa amin ng kaibigan ko?!”Tanong ko.
“Wala naman akong kailangan sa iyo. Makasabi ka naman ng kailangan. Akala mo may gusto na ako sa iyo. In your dream!”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sa inis ko, kahit masakit ang balakang ko, ay sinipa ko ang kanyang pagkalalaki at saka ako tumakbo kahit masakit ang balakang ko.
“Gago ka kapal ng mukha mo! Kulang pa iyan. Ihanda mo ang hotdog mo dahil isasama ko iyan!” sigaw ko habang tumatakbo.
Nakarating ako sa canteen. Nakita ko agad si Penelope na nag-aalala. Salamat naman at ligtas siya. Ang akala ko, kinuha na siya ng lalaking iyon. Hindi ako papayag na saktan nila ang kaibigan ko!
ZACCHAEUSSobrang saya ko dahil hinayaan na ako ni Heidi na pumunta sa bahay niya. Doon pa nga ako kumain. Balak ko sanang doon matulog, pero nagbago ang isip ko. Masyado naman yata akong umaabuso.Ayokong magalit sa akin si Heidi. Mas okay ang ganito. Paunti-unti, makukuha ko rin ang loob niya. Kailangan ko ng mahabang pasensya. Kasalanan ko naman ang lahat, kaya ganito ang trato niya sa akin.Hindi ako nagtiwala o naniwala sa kanya noon. Mas pinaniwalaan ko ang nakita ko. Hindi ko inalam kung totoo ang inaakusa ni Mommy sa kanya. Dapat alam kong hindi niya magagawa yun kung hindi siya binantaan ni Mommy.“Mukha yatang masaya ka.” Napalingon ako nang magsalita si Mommy.“What do you want, Mom?” Tanong ko, imbes na sagutin ang sinabi niya.“Ganyan na ba ang pagbati mo sa sarili mong ina?” Napairap ako nang lihim. Nagsisimula na naman si Mommy. Lumapit ako para bigyan siya ng halik sa pisngi at bumalik sa pagkakaupo.“Are you here to convince me again to get back to her life?” It’s be
HEIDINagulat ako nang paglabas ng bakeshop ko ay nabungaran ko ang kinasusuklaman kong tao sa balat ng lupa. Nilagay ko ang magkabilang kamay sa magkabilang tagiliran at saka ko siya tinaasan ng kilay.“Ano’ng ginagawa mo dito, Chinsansu?” Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. Natawa siya nang mahina. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumikhim siya at umayos nang tayo.“Nandito ako para sunduin ka. Pwede ba?” Magalang na sabi nito. Tumaas ang isang kilay ko.“Huwag mo na akong ihatid dahil kaya kong umuwi nang mag-isa. Sanay naman akong nagko-commute. Ginagawa ko na ito nang matagal na panahon, kaya sanay na ako.” Pagtanggi ko sa alok niya. Ano’ng akala niya, mapapayag niya ako nang ganoon na lang? In his dream.“Ngayon lang tayo nagkita, Heidi. Sana naman pagbigyan mo naman ako. Gusto kong makabawi sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo. Kaya kahit sa maliit na bagay kagaya nito, mapagbayaran ko ang lahat ng yun,” sinsero niyang sabi. Hindi mabubura niyon ang ginawa niya sa akin. Napailing
HEIDIKahit ang sakit sa didbdib, mas mabuti na itong ginawa ko. Ang sama lang ng loob ko sa ginawa ni Zacchaeus dahil naniwala siya sa nakita niya. Hindi niya talaga ako kilala kahit na nagsinungaling ako.Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. Magsisimula ako ng panibagong buhay. Kakalimutan na kita, Zacchaeus. Iniligpit ko ang mga gamit ko.Tatlong buwan mula nang makagraduate kami, nakahanap kami ni Penelope ng trabaho. Natanggap kaming pareho sa iisang kompanya. Lumipat na rin kami sa bagong tirahan dahil kaya na namin umupa ng mahal.“Pene, okay ka lang ba? Kanina ka pa nagsusuka. Pareho lang naman ang kinain natin kagabi, ’di ba?” sabi ko. Napapansin ko rin ang pangangayayat ni Pene at ang palaging inaantok sa trabaho. Maaga naman kaming natutulog. Minsan nga ako pa ang nahuhuli sa pagtulog, pero hindi naman ako inaantok sa trabaho.“H-hindi ko alam, eh? Baka nalamigan lang itong tiyan ko. Mauna ka na munang kumain,” sabi niya. Ayokong mag-isip ng hindi maganda, pero mukhang may dap
HEIDINapalingon ako nang mapansing may sumusunod sa likuran ko. Napahigpit ang hawak ko sa backpack ko. Papunta ako ngayon sa school dahil kukunin ko ang transcript ko. Balak kong maghanap ng trabaho. Isa sa requirements sa in-apply-an namin ni Penelope ay ang transcript record. Nakompleto na namin ang iba pa; diploma na lang ang problema.Minadali ko ang lakad para makarating sa school. Napahinga ako nang maluwag nang makapasok sa loob ng school.Nagkita kami sa loob ng school ni Penelope. Napansin kong parang matamlay siya. Gusto ko sanang tanungin , ngunit may pupuntahan pa daw siya. Magpapaalam lang daw siya sa amo niya.Nag-aabang na ako ng jeep. May van na kulay itim ang huminto sa harapan ko. May mga lalaking bumaba at sapilitan akong ipinasok sa loob. Nagpumiglas ako at nagsisigaw.“Sino kayo? Pakawalan niyo ako! Hindi ako mayaman para kidnapin niyo ako! Mahirap lang ako,” sigaw ko. Ibinalibag nila ako sa loob ng van. Napasubsob ako sa upuan.“Manahimik ka kung hindi ipapasok












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.