HEIDEPagkatapos sa trabaho, hindi ko inaasahan na tutuparin ni Zacchaeus na susunduin niya ako. Naisip ko kanina na baka nagbibiro lang talaga siya.“Uy! Manliligaw mo ba si pogi?” tanong sa akin ng katrabaho ko. Inaayos ko ang mga books at iba pang magazine na nasa lalagyan.“Hindi. Friend ko lang siya.” Tipid na sabi ko, kahit labas sa ilong ang sinabi kong friend. Ayokong maging kaibigan iyon, ew! I’m just being plastic, ala Orocán. Alam ko ang mga ganoong klaseng tao. Hindi sila totoo sa mga salita nila. So ganoon din ang gagawin ko sa kanya.“Swerte mo dun, girl, bukod sa guwapo, mukhang mapera. Kung iyon ay makatuluyan mo, hihiga ka ng pera.” Napairap ako sa sinabi niya. Ako hihiga ng pera? Pagkakaalam ko, sa mga Intsik ay kuripot at matapobre. Gusto nila mga kalahi lang nilang chinsansu ang gusto nila para sa mga anak nila.“Hindi totoo iyan. Chinese iyon, bawal sa kanila na ang ibang lahi ang makatuluyan nila. Hindi ko type ang chinsansu,” sabi ko. Tumawa ang katrabaho ko.“
最終更新日 : 2026-05-20 続きを読む