공유

Chapter 5

작가: coalchamber13
last update 게시일: 2026-05-20 21:57:02

HEIDI

Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Nagpameywang ako.

Ano’ng ginagawa ng chinsansu na ito dito? Nagkalinawan na kami na kapag nagpakita pa siya sa akin, iitlugan ko siya. Aba! Hindi yata natakot sa banta ko. Puwes, sasampulan ko siya.

“Hoy! Ano’ng ginagawa mo dito?” Tanong ko. Nagtatakang tingin ang ginawa niya. Mukhang nagulat siya nang makita niya ako. Napakamot siya ng ulo.

“May kinuha lang ako diyan sa katabing bookstore niyo. Ngayong nakita kita, gusto kitang makausap. Ipapaliwanag ko ang nangyari last time. Maniwala ka naman sa akin. Wala talaga akong alam sa ginawa ng mommy ko.” Paliwanag ko.

Akmang kakaratihin ko siya nang dumating ang boss namin. Naibaba ko ang kamay ko. Pasalamat siya  na dumating ang boss ko.

“Zacchaeus, ano’ng ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?” Napatingin ako sa boss ko. Aba, kilala pala niya si Chinsansu. Lumapit ang boss ko at h******n ang pisngi.

“Ninang, may dinaanan lang po ako diyan sa bilihan ng spare parts. Saka dinadalaw ko po ang maganda niyong empleyadong si Heidi.” Napatingin sa akin ang boss ko. Nginitian ko siya.

“Naku, may nililigawan na pala itong inaanak ko. Pero maaga pa para dumalaw. Mamaya na lang, magtatrabaho na siya.” Nakangiting sabi niya. Lihim kong inirapan si Zacch. Ngumiti lang naman siya sa akin. Tila hindi apektado sa pag-iirap ko sa kanya.

“Sige po, babalik na lang po ako mamaya. See you. Heidi.” Paalam niya sa akin. Irap lang ang tinugon ko. Nakakainis siya!

“Good morning, Ma’am.” Bati ko sa boss ko.

What a small world. Magkakilala pala ang chinsansu na iyon at ang boss ko. Kaya malamang palagi kong makikita ang pagmumukha ni Chinsansu dito.

“Hindi ko inaasahang magkakilala kayo ni Zaccheaus. Natutuwa naman ako  na may nililigawan na siya. Torpe kasi ang batang iyon pagdating sa mga babae.”

Talaga ba? Torpe siya? Hindi ako naniniwala! Ang pagkakaalam ko, marami nang naging syota siya sa school.  

“Bakit niyo po nasabi iyan?” tanong ko. Na-curious ako sa sinabi niya.

“Sa lahi nila, ang mga magulang mismo ang namimili ng napapangasawa ng mga anak nila. Kaya natutuwa ako kay Zacch dahil hindi siya gumaya sa mga kapatid na puro arranged marriage ang nangyari sa buhay pag-ibig. Kilala ko ang mga batang iyon. Alam kong hindi sila masaya sa buhay nila dahil hindi naman nila mahal ang napangasawa nila. Nakakalungkot dahil ayokong mangyari kay Zacch iyon. Itinuring kong anak iyan. Nasisiguro kong mabait na bata siya. Kaya masuwerte ka.”  

Gusto ko sana magtaas ng kilay. Eh, boss ko itong tataasan ko ng kilay. Nagkasya na lang ako sa pagtango. Hindi naman siguro totoong maswerte ako sa chinsansu na iyon. Baka pinapalapad lang ng tita niya si Zacch para magustuhan ko.

Ang hirap naman pala ng kalagayan ni Zacch. Mayaman nga, pero wala naman silang kalayaang mamili ng mamahalin. Bakit ba may mga tradisyon pa silang ganyan? Pwede naman sigurong hindi na lang nila sundin, tutal nasa modern ages naman na. Wala na sa taong unang panahon pa.

Hay ano ba yan?

Hindi dapat ako magkagusto sa kanya dahil ngayon pa lang baka maging impiyerno ang buhay ko. Ugali palang ng nanay niya, hindi ko mapagtitiyagaan. Baka maaway ko pa ang matanda. Mag-switch na lang ako sa K-pop. Maalala ko nga pala na magda-d******d pala ako ng K-drama mamaya. Malakas ang data dito kaysa sa lugar namin. Ito ang problema sa Pinas: napakahina ng internet. Para siyang kalsada sa EDSA, super traffic.

Naging busy ang araw ko ngayon. Maraming mga namimili sa bookstore. Mabenta ang mga books namin ngayon. Pasukan na kasi, kaya kailangan nila sa school. Habang nag-aayos ng mga books, napatutok ang mga eyes ko sa entrance ng bookstore. Pumasok ang ayokong makita at may kasama pa. Ang babaeng parang linya lang ang hugis ng mata sa sobrang liit. Anong ibig sabihin nito?

Makaibig sabihin ka naman, Heidi, parang kayo ni Chinsansu. Sagot ng isip ko.

Sinasabi ko na nga ba na hindi talaga seryoso ang lalaking ito sa sinabi niyang inosente siya. Bakit sila magkasama ngayon? Kahit hindi man sila magka-holding hands o sweet sa isa’t isa, ‘yung magkasama sila ay malaking impact na iyon. Ang ibig sabihin lang nun, mayroon namamagitan sa kanila. 

Sumulpot ang matapobreng Nanay ni Chinsansu. Kaya nagtago ako sa isang sulok. Ayokong makita nila ako dito. Baka ipatanggal pa ako dahil hindi nila ako gusto para sa anak nila. Eh mas lalong hindi ko sila gusto at ang anak nila, no? Tsura nila!

“Mom, why are you here?” Narinig kong tanong ni Zacch sa nanay niyang matapobre. Napasandal ako sa isang cabinet. Napahawak ako sa ibabaw ng dibdib ko. Kabang-kaba ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong magnanakaw.

“We’re here to visit your Ninang. Ikaw, anong ginagawa mo dito?” Hindi ko nakita ang reaction ni Zacch dahil nakatago nga ako, di ba?

“Whatever, Mom.” sagot nitong pabalang sa ina. 

Napasilip ako, saktong namang napatingin sa kinaroroonan ko si Chinsansu. Napangisi sa akin si Chinsansu. Inambaan ko siya ng suntok. Akala naman niya matutuwa akong nakita niya ako. Aalis na sana ako nang may makabangga akong tao.

“Ay! Puke mong malaki!” Gulat na sabi ko. Napangiti ako nang alanganin sa boss ko. Siya ang nakabanggaan ko. Awang ang labi niya habang nakatingin sa akin.

“Sorry, po, Ma’am.” Paghingi ng paumanhin habang nagkakamot ng ulo.

“Sino ang sinisilip mo diyan?” Nakangiting tanong niya.

“Ah, wala po, Ma’am. Nag-aayos lang po ako ng mga books,” sabi ko at kunwari ay inaayos ko ang nakasalansan na libro. Napangiti ako nang alanganin. Diyos ko naman, mahuhuli pa akong naninilip dito.

“Ganoon ba? By the way, pumunta ka muna sa stock room. Hanapin mo ’yang nasa listahan.” Binigay niya ang listahan. Mabuti naman para makalayo ako sa chinsansu na iyon. Makita pa ako dito ng matapobre niyang nanay at ang fiancée to be niyang parang isang guhit lang ang mata sa sobrang singkit.

“Okay po, Ma’am!” 

Pumunta na ako sa stock room na nasa ikalawang palapag. Tiningnan ko ang nasa listahan. Marami rin pala ito. Mas mabuti na kaysa namang bumalik pa ako doon. Magkrus pa ang landas namin ng Nanay ni Chinsansu. 

Habang inaayos  ko ang mga nakuha kong mga stock na books, bigla na lang may kumalabit sa akin. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi kaya multo ang kumalabit sa akin? Wala naman akong narinig na pumasok sa loob at mas lalong wala akong kasama dito.

Diyos ko po , huwag mo po akong takutin! Napapikit na lamang ako sa nerbiyos. 

“Hey, Heidi, are you alright?” Narinig ko ang boses. Nagmulat ako ng mata. Bumungad sa akin ang mukha ni Zacch. Sobrang lapit niya sa mukha ko. Nag-isang linya ang labi ko. Tinulak ko ang mukha niya.  

“Ano’ng ginagawa mo dito? Tinakot mo pa ako! Muntik na akong atakihin sa puso. Siguro gusto mong mangyari sa akin iyon, no?” Inis na sabi ko. Tinulak ko siya. 

“Hey, why did you push me? And for you to know, I did not scare you. Kinalabit lang naman kita. Nakita kasi kitang umakyat dito, kaya sinundan kita. Masama na ba iyon?” 

Tumayo siya at pinagpag ang pantalon na may alikabok. 

“Hindi ko sinabing sundan mo ako dito! Umalis ka na at baka makita pa tayo dito ng nanay mong matapobre. Baka maalis pa ako sa trabaho ko.” Naiinis na sabi ko. 

“Don’t worry, they don’t know I am here.” Paniniguro nito. 

“Siguraduhin mo dahil lagot sa akin iyang itlog mo! Ayokong nandito ka! Baka may balat ka sa puwit. Malasin pa ako. Tsupi!!” Pagtataboy ko sa kanya gamit ang kamay ko.

“Wala akong balat sa puwit. Tingnan mo pa!” Aniya. Nanlaki ang mga mata ko nang maghuhubad ng pantalon si Zacch. Hinawakan ko ang kamay nito para pigilan siya.

“Bakit maghuhubad ka?! Dito talaga sa harapan ko walanghiya ka!” Hinampas ko ang kanyang braso. Umilag siya.

“Para patunayang nagsasabi ako ng totoo,  na wala akong balat sa puwit. Baka ikaw, meron ba?” Natatawang sabi nito. Halos maningkit ang mata ko sa inis.

“Mas lalong wala akong balat, no?!” Inis na sabi ko.  

“Patingin nga?” Halos mamula ang mukha ko sa sinabi niya. Sinuntok ko ang balikat niya.

“Ang bastos mo! Bakit ko naman ipapakita kung may balat nga ako? Eh, wala naman! Umalis ka na nga dito. Nakakaistorbo ka sa trabaho ko!” 

Tinalikuran ko siya para ibigay na ang mga books na kailangan ng boss ko. Nahirapan ako dahil sobrang bigat. Madami pala itong mga books.

“Maybe I can help you,” sabi niya nang mapansing nahihirapan akong buhatin ang karton. Napaisip ako sa sinabi niya. Why not? Tumaas ang sulok ng labi ko. Humarap ako sa kanya.

“Thank you. O ito, buhatin mo. Para naman may pakinabang ka. Tutal, ikaw naman ang nagboluntaryo, hindi ba?”

Parusa ko ito para makaganti man lang sa pang-aapi sa akin ng nanay niyang matapobre.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Boy She Was Meant to Hate   Chapter 17

    ZACCHAEUSSobrang saya ko dahil hinayaan na ako ni Heidi na pumunta sa bahay niya. Doon pa nga ako kumain. Balak ko sanang doon matulog, pero nagbago ang isip ko. Masyado naman yata akong umaabuso.Ayokong magalit sa akin si Heidi. Mas okay ang ganito. Paunti-unti, makukuha ko rin ang loob niya. Kailangan ko ng mahabang pasensya. Kasalanan ko naman ang lahat, kaya ganito ang trato niya sa akin.Hindi ako nagtiwala o naniwala sa kanya noon. Mas pinaniwalaan ko ang nakita ko. Hindi ko inalam kung totoo ang inaakusa ni Mommy sa kanya. Dapat alam kong hindi niya magagawa yun kung hindi siya binantaan ni Mommy.“Mukha yatang masaya ka.” Napalingon ako nang magsalita si Mommy.“What do you want, Mom?” Tanong ko, imbes na sagutin ang sinabi niya.“Ganyan na ba ang pagbati mo sa sarili mong ina?” Napairap ako nang lihim. Nagsisimula na naman si Mommy. Lumapit ako para bigyan siya ng halik sa pisngi at bumalik sa pagkakaupo.“Are you here to convince me again to get back to her life?” It’s be

  • The Boy She Was Meant to Hate   Chapter 16

    HEIDINagulat ako nang paglabas ng bakeshop ko ay nabungaran ko ang kinasusuklaman kong tao sa balat ng lupa. Nilagay ko ang magkabilang kamay sa magkabilang tagiliran at saka ko siya tinaasan ng kilay.“Ano’ng ginagawa mo dito, Chinsansu?” Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. Natawa siya nang mahina. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumikhim siya at umayos nang tayo.“Nandito ako para sunduin ka. Pwede ba?” Magalang na sabi nito. Tumaas ang isang kilay ko.“Huwag mo na akong ihatid dahil kaya kong umuwi nang mag-isa. Sanay naman akong nagko-commute. Ginagawa ko na ito nang matagal na panahon, kaya sanay na ako.” Pagtanggi ko sa alok niya. Ano’ng akala niya, mapapayag niya ako nang ganoon na lang? In his dream.“Ngayon lang tayo nagkita, Heidi. Sana naman pagbigyan mo naman ako. Gusto kong makabawi sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo. Kaya kahit sa maliit na bagay kagaya nito, mapagbayaran ko ang lahat ng yun,” sinsero niyang sabi. Hindi mabubura niyon ang ginawa niya sa akin. Napailing

  • The Boy She Was Meant to Hate   Chapter 15

    HEIDIKahit ang sakit sa didbdib, mas mabuti na itong ginawa ko. Ang sama lang ng loob ko sa ginawa ni Zacchaeus dahil naniwala siya sa nakita niya. Hindi niya talaga ako kilala kahit na nagsinungaling ako.Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. Magsisimula ako ng panibagong buhay. Kakalimutan na kita, Zacchaeus. Iniligpit ko ang mga gamit ko.Tatlong buwan mula nang makagraduate kami, nakahanap kami ni Penelope ng trabaho. Natanggap kaming pareho sa iisang kompanya. Lumipat na rin kami sa bagong tirahan dahil kaya na namin umupa ng mahal.“Pene, okay ka lang ba? Kanina ka pa nagsusuka. Pareho lang naman ang kinain natin kagabi, ’di ba?” sabi ko. Napapansin ko rin ang pangangayayat ni Pene at ang palaging inaantok sa trabaho. Maaga naman kaming natutulog. Minsan nga ako pa ang nahuhuli sa pagtulog, pero hindi naman ako inaantok sa trabaho.“H-hindi ko alam, eh? Baka nalamigan lang itong tiyan ko. Mauna ka na munang kumain,” sabi niya. Ayokong mag-isip ng hindi maganda, pero mukhang may dap

  • The Boy She Was Meant to Hate   Chapter 14

    HEIDINapalingon ako nang mapansing may sumusunod sa likuran ko. Napahigpit ang hawak ko sa backpack ko. Papunta ako ngayon sa school dahil kukunin ko ang transcript ko. Balak kong maghanap ng trabaho. Isa sa requirements sa in-apply-an namin ni Penelope ay ang transcript record. Nakompleto na namin ang iba pa; diploma na lang ang problema.Minadali ko ang lakad para makarating sa school. Napahinga ako nang maluwag nang makapasok sa loob ng school.Nagkita kami sa loob ng school ni Penelope. Napansin kong parang matamlay siya. Gusto ko sanang tanungin , ngunit may pupuntahan pa daw siya. Magpapaalam lang daw siya sa amo niya.Nag-aabang na ako ng jeep. May van na kulay itim ang huminto sa harapan ko. May mga lalaking bumaba at sapilitan akong ipinasok sa loob. Nagpumiglas ako at nagsisigaw.“Sino kayo? Pakawalan niyo ako! Hindi ako mayaman para kidnapin niyo ako! Mahirap lang ako,” sigaw ko. Ibinalibag nila ako sa loob ng van. Napasubsob ako sa upuan.“Manahimik ka kung hindi ipapasok

  • The Boy She Was Meant to Hate   Chapter 13

    HEIDINakatulugan ko na ang pag-iyak dahil sa ginawang pananamantala sa akin ni Zacchaeus. Nasusuklam ako sa kanya. Bakit kailangan niyang gawin iyon sa akin? Wala naman siyang magagawa kung gusto ng magulang niyang ipakasal siya sa babaeng iyon. Mas lalo lang niyang pinapalala ang sitwasyon. Ayokong maging kabit niya.Nagulat ako nang may makapa ako. Napatingin ako sa katabi ko. Bakit dito natulog ang lalaking ito? Napatitig ako sa maamong mukha ni Zacchaeus. Mahimbing itong nakatulog sa tabi ko. Nakapulupot pa ang bisig nito sa beywang ko.Napatingin ako sa cellphone na nasa ibabaw ng lamesita ko. Sinilip ko ito dahil lumiwanag. Nakita ko ang pangalan ng babaeng Chinsansu. Walang tunog, malamang naka-silent. Bakit naman tinatawag ang babaeng yun?Niyugyog ko si Zaccheaus upang gisingin.“Zacch!” sigaw ko sa pangalan niya. Nagmulat siya ng mata. Itinulak ko siya kaya napalayo siya sa akin.“Tumatawag ang fiancée mo!” Inis na sabi ko.Hindi pa siya gumalaw, nakatitig lang sa akin. Ak

  • The Boy She Was Meant to Hate   Chapter 12

    ZACCHAEUS“Hindi totoo ito!” Galit na sabi ko. Sinabi ni Kim na buntis siya at ako ang ama. Paanong nangyari na ako ang ama? Wala akong matandaang ginalaw ko siya.“Do you remember noong party two months ago? Lasing na lasing ka dahil nag-away kayo ni Tita. Pinuntahan mo ako sa suite ko. Ilang beses na may nangyari sa atin. It’s possible na mabubuntis ako. Bakit naman ako gagawa ng kasinungalingan? Pamilya ko ang mapapahiya kapag ginawa ko yun.” Napasabunot ako sa buhok ko. I remember already. Nag-away kami ni Mommy dahil nga palagi niya akong pinakikialaman sa lahat. Punong-puno na ako at that time. Opening noon ng new condo na pagmamay-ari ng pamilya namin. Sa sobrang inis ko, nag-inom lang ako. Hindi ko na matandaan kung ano’ng nangyari. Nagising na lang akong walang saplot sa katawan, pero wala naman akong katabi. Kaya naisip kong baka sa sobrang kalasingan ay naghubad ako.“You planned all of this. I knew it!” sabi ko. Napahagod ako ng buhok. Alam kong plano nila ito. Gusto kong

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status