Share

The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]
The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]
Author: Rhona-chan

SIMULA

"Oh, ikaw taya!" Mabilis akong tumakbo palayo kay Art matapos ko siyang hawakan. Hinabol naman niya ako habang pakamot-kamot pa ng sariling ulo. Magaling kasi ako sa panlilinlang ng mga tao, at siya na ta-tanga-tanga naman, nahulog sa patibong ko.

Araw-araw kaming nagkikita. Minsan ay ako ang pupunta sa mansyon nila, minsan naman ay siya ang pupunta sa bahay namin. Masyado kaming close. Para na nga kaming magkakapatid eh. Mahal na mahal ko itong kaibigan ko.

"Arthur, pumasok ka na sa loob at para makaligo ka na!" sigaw ng mommy ni Art mula sa loob ng kanilang mansyon. Nagpaalam na si Art sa'kin pero alam ko namang maglalaro pa kami sa susunod.

"Laro tayo!" Nakatayo ako ngayon sa labas ng gate nina Art. Yayayain ko na naman siyang maglaro dahil alam kong miss na niya ang makipaglaro sa akin.

"Sorry, Ror. Andito si dad eh." Malungkot na bigkas nito sabay tungo. Alam kong gustong-gusto niyang maglaro pero ayaw naman niyang magalit ang daddy niya. Malamang ay papaluin na naman siya nun. Bali-balita dito sa amin na isa daw miyembro ng mafia ang daddy ni Art, kaya daw mayaman sila. Pero wala pa namang ebidensya kaya hindi ako naniniwala.

Nakarinig kami ng sigaw mula sa loob ng mansyon nina Art kaya napalingon kami sa banda roon. Mabilis akong nilingon ni Art at pinapauwi ako. Hindi pa man ako makasagot ay tumakbo na siya papasok sa kanilang mansyon.

Nami-miss ko na ang dating samahan namin. Yung walang taong pumipigil sa kanya na makipaglaro sa akin. Dati naman kasi, yung mommy lang ni Art ang nag-aalaga sa kanya. Pwede niyang gawin ang gusto niya dahil okay lang naman iyon sa mom niya. Pero simula nung bumalik ang dad niya, nagbago na ang lahat. Bihira nang nakikipaglaro sa akin si Art. May pagkakataon rin na nakita kong may pasa ang mommy niya. Palagi ko ring nakikitang umiiyak si Art. Maingay sa loob ng kanilang bahay na parang may nag-aaway sa tuwing umuuwi si tito.

I was still 10 years old then. Hanggang sa umabot na sa 20 ang edad ko, hindi pa rin nagbabago ang mga pangyayari sa pamilya ni Art.

"Tara, takas tayo!" Tumatakas pa si Art para lang gumala kasama ako. Siyempre papayag ako dahil alam ko namang hindi na kami masyadong nagkasama. Minsan lang mangyayari ito. Pumunta kami sa isang milktea shop, kung saan kami nagpupupunta sa tuwing tumatakas siya.

"Namatay ang mom ko. My dad killed her." Art told me. Nakita ko kanina na may mga pulis sa mansyon nila. Narinig ko pa nga ang pag-uusap ng dad ni Art at nung mga pulis dahil naisipan kong pumunta sa kanila. Nagtataka kasi ako kung bakit may mga pulis eh. Baka kung ano na ang nangyari sa kaibigan ko.

Ang sabi ng dad niya, aksidente daw na nahulog ang mom niya sa hagdan at namatay. Kung pinatay nga ang mommy niya, ibig sabihin, nagsinungaling ang dad niya sa mga pulis?

"Art, ang sabi kasi ng dad mo, aksidente daw ang-"

"Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako sa'yo, Ror?"

Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa ekspresyong ipinapakita niya sa kanyang mukha. Nakikita kong galit na galit siya at anumang oras ay sasabog na siya. May problema na nga sa pamilya niya, dinagdagan ko pa dahil sa hindi ako naniniwala sa kanya. Malamang, kaibigan niya ako kaya dapat ay ako ang nakakaintindi sa kanya. His mom is his life. Ito ang nag-iisang taong nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya para manatiling buhay. Ngayong wala na ito, ano na lang ang natitira sa kanya?

"Hindi naman, Art. Baka kasi totoo naman yung sinabi ng Dad mo-"

"Nakita ko mismo. Ng sarili kong mga mata, Ror. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano pinatay ni dad si mom. All I could ever do is cry. Wala man lang akong nagawa para iligtas siya. Wala akong nagawa para pigilan si dad."

I saw his fists clenched. Gigil na gigil na talaga siyang saktan ang kanyang sariling ama. His thoughts were clearly clouded with darkness. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya, pero ramdam kong hindi magiging maganda ang relasyon namin sa mga susunod na araw. Even today, he could be willing to destroy everything we had just so he could avenge his mom. Ayokong mangyari iyon. Natatakot ako. Sana naman ay mali itong iniisip ko.

"I understand, Art. But we should leave this to the-"

"Police? I knew you'd say that. Pero gusto kong ako mismo ang tatapos kay dad. Putting him in jail will never be enough. Kulang pa iyon." He cut me off again.

Hindi man direkta ang pagkakasabi niya pero alam kong ang gagawin niya ay hindi magiging tama. Alam kong ilalagay niya ang batas sa kanyang mga kamay. Ngayon pa lang, nararamdaman ko na. Napakalayo na niya sa akin. Napakalayo na niya sa dating siya.

"Alam kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Pero wala akong pakialam. Sinasabi ko lang ito sa'yo dahil kaibigan kita. Kung susuportahan mo ako, salamat. Pero kung hindi, alam mo na," he continued.

Napatungo ako. Hindi ako makasagot. Hinintay niyang magsalita ako pero talagang walang ni letra ang lumalabas sa bibig ko.

"I'm sorry, Ror. But I will do whatever it takes to get my revenge." Malamig na sabi niya sa'kin. Napagdesisyonan na niyang ipaghigante ang kanyang mommy. Nakompirma na rin pala niya na nasa mafia ang dad niya kaya pinaplano pa niya ang hakbang na gagawin niya para mapatumba ang sariling ama. Ayokong mapuno ng poot at galit ang puso niya. Pinigilan ko siya, pero desidido na talaga siya.

"Art, mamili ka. Ang pagkakaibigan natin, o iyang paghihiganti mo?" seryoso kong tanong sa kanya. Malamig lang siyang nakatingin sa akin at mukhang kahit ako ay hindi makakapagpabago ng isip niya.

"I am willing to throw away our friendship, maipaghiganti ko lang ang mom ko." Naglakad siya palayo sa'kin. All I could do is just stare at his back.

I will do whatever it takes to stop you, Art. I will bring you back to the light again. I promise.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Joan Ighot
Kawawa naman si Ror...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status