Share

The Deal Sealed

Author: Tina Ehm
last update Last Updated: 2025-08-20 22:23:22

Chapter 2

“Papa… sabihin mo sa kanya na hindi ako papayag!”

Halos pasigaw na si Elena, nanginginig ang kanyang mga kamay, habang nakatayo siya sa harap ni Adrian, matikas, malakas, at parang hindi narinig ang kanyang sigaw. Ang malamig na hangin mula sa bukas na bintana ng lumang sala ay hindi nakatulong dahil nagdulot din ito ng panlalamig sa kanyang katawan dahil sa takot at galit.

Ngunit ang kanyang ama ay nakayuko lang, tahimik, walang masabi. Parang nawalan na ng lakas ang matanda, na tila ba alam niyang wala nang pagkakataon para ipaglaban ang anak.

“Elena!” sambit ni Adrian.

Isang salita lang, pero ramdam ni Elena ang bigat nito. Humarap siya kay Adrian, at sa unang pagkakataon, naglapat ang kanilang mga mata. Ang madilim at malamig na titig ng lalaki ay hindi basta-basta. Parang bawat galaw niya ay may kapangyarihang hindi matanggihan.

“I already paid for your father’s debts. In return, you will be my wife,” malamig niyang pahayag.

Nanigas ang katawan ni Elena. Ang bawat salita ay parang may nakataling kadena sa dibdib niya. “Hindi ako bagay sa mundo mo. Hindi ako laruan na pwede mong bilhin,” sagot ni Elena, matapang  pero ramdam ang kaba sa bawat salita.

Bahagyang umangat ang kilay ni Adrian. “Hindi ko sinabi na laruan ka. Pero asawa… iyon ang kailangan ko.”

“Bakit ako? Marami namang babaeng—”

“Dahil ikaw ang pinili ko,” malamig niyang sagot, walang kahit anong pag-aalinlangan.

Parang piniga ang puso ni Elena. Wala siyang magawa kundi tumayo roon, habang unti-unting bumabalot sa kanya ang pakiramdam ng pagkakakulong. Ang bawat salita ni Adrian ay parang pader na nakadagan sa kanya, nagpapabigat sa kanyang paghinga.

“Tomorrow. We will get married,” idinagdag nito, ramdam ang kasiguraduhan na hindi matitinag ang kanyang plano.

“What?” napasigaw si Elena, halos hindi makapaniwala. Ganun kabilis hindi pa nga siya pumapayag.

“Civil wedding. My lawyer will take care of the papers,” paliwanag ni Adrian, parang ordinaryong bagay lang.

Parang biglang umikot ang paligid ni Elena. Bukas? Hindi pa siya handa. Hindi pa siya nakakahinga nang maayos dahil sa mga pangyayari at hindi pa siya makapag-isip ng tama.

“Ayoko…” bulong niya, halos hindi marinig.

Lumapit si Adrian. Ang bawat hakbang niya ay parang malakas na pakiramdam ng panginginig sa dibdib ni Elena. Napaatras si Elena hanggang maramdaman niya ang malamig na pader sa likod niya. Ang presensya ni Adrian ay napakalapit, napakalakas, halos nararamdaman niya ang init ng katawan nito sa bawat sandali.

“You don’t have the luxury to refuse me, Elena,” bulong ni Adrian, malalim at mapanganib ang kanyang boses.

Nanikip ang dibdib ni Elena. Parang wala na siyang paraan para makatakas. Bawat pagkakataon, bawat posibilidad na lumayo, ay naglaho na parang usok sa hangin.Sa gilid ng kanyang paningin, muli niyang nakita ang kanyang ama, patuloy na nakayuko, walang magawa.

“Bakit mo ‘to ginagawa?” tanong niya, halos nanginginig ang kanyang boses, hindi lang dahil sa galit kundi dahil din sa pakiramdam niya na hindi niya kontrolado ang lahat.

Sandaling nanahimik si Adrian bago muling tumingin sa kanya. At ng magtama ang kanilang mga paningin ay may kung ano sa mga mata nito, sa paraan ng pagtitig nito. Para bang may kirot doon para bang isang lihim na sakit na pilit niyang ikinukubli. Isang sulyap na may misteryong hindi kayang unawain ni Elena.

“Because I need you,” maikli niyang sagot, diretso pero may kakaibang lalim sa tono.

Napatigil si Elena. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang salitang iyon. Totoo ba? O bahagi lang ito ng plano niya, isang manipulative game?

Hindi na nagawang magtanong muli ni Elena nang biglang hinawakan ni Adrian ang kanyang mga kamay. Mahigpit, pero hindi masakit. Sapat lang para ipaalala kung sino ang may hawak ng lahat at kung sino ang may kontrol sa sitwasyong ito.

“Be ready, Elena,” matatag at firm ang boses ni Adrian. “Starting tomorrow, you will be Mrs. Velasco.”

Nanlamig si Elena, sa mga sinabi ni Adrian. Ang bawat salita ay parang pader na dumadagan sa kanyang dibdib, na may magkahalong kaba at curiosity. Sa unang pagkakataon, hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot o maniwala, na sa likod ng malamig na boses na iyon, may mas malalim na dahilan kung bakit siya ang pinili.

Napakapit si Elena sa pintuan ng kotse, ramdam ang panlalambot ng tuhod at kaba sa kanyang puso. Ang paligid ay tahimik sa pagitan nila, at bawat oras ay parang mahabang minuto. Ang kanyang isipan ay nagsusumigaw sa galit, takot, at kawalan ng kontrol. Walang pagkakataon para siya makapagsalita, ngunit ramdam niya na sa bawat kilos ni Adrian ay nagpapakita ng kapangyarihan, isang kapangyarihan na pwede siyang alipinin.

Sa kanyang utak, umikot ang tanong. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng “I need you”? Totoo ba o bahagi lang ito ng kontrata?

Napailing si Elena, halos gusto niyang bumalik sa maliit nilang bahay, pero alam niyang wala na siyang pagkakataon. Ang kontrata ay nakatali na sa kanyang pangalan, at ang kanyang ama ay walang kakayahan na ipaglaban siya.

Habang nakatayo si Elena at nakahawak sa pintuan ng kotse, naalala niya ang isang maliit na detalye at ito ay ang mga mata ni Adrian, kahit malamig, ay may anino ng damdaming may isang lihim na hindi niya maipaliwanag. Ito ba’y kabaitan? O taktika lang ng isang lalaking sanay na laging may hawak ng kapangyarihan?

Hindi nagtagal, pumasok na sila sa loob ng kotse ni Adrian. At nasambit na lang niya sa halos mahinang salita “Sige… bukas.” pagpayag na wala naman siyang magawa at wala naman siyang choice.

Ngunit sa ilalim ng ingay ng kanyang isipan, ramdam ni Elena na ang buhay niya ay hindi na magiging dati. Ang bawat galaw ni Adrian, bawat salita nito, ay magiging pader at kadena ng kanyang buhay.  At sumagi din sa isip niya na ang ganitong pagkatao ni Adrian ay pwede ring maging daan sa isang bagay na hindi niya inaasahan. Isang koneksyon, isang lihim, o isang damdamin na mahirap ipaliwanag. Gustong malaman ni Elena ang mga lihim sa likod ng mga titig ni Adrian sa kanya.

Nang makarating sila sa isang hotel na malapit sa pagdarausan ng kanilang civil wedding. Lumabas si Elena mula sa pangalawang silid ng kanilang hotel.  Nakita niya si Adrian sa may sala at nagtama ang kanilang mga paningin, bakas sa mga mata ni Adrian ang malamig at commanding stares. At sa isang malalim na bulong, na nadinig pa din ni Elena, nasambit ito ni Adrian.

“Remember, Elena… I will decide everything from now on.”

Nanlamig ang kanyang buong katawan, at may tanong sa kanyang isip na paulit-ulit. Paano niya haharapin ang bukas, ang kasal, at ang lalaking ito? Ang lalaking hahawak ng kanyang buhay at magkokontrol nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   A Glimpse of His World

    Chapter 5 Kinabukasan, maagang nagising si Elena. Hindi siya nakatulog nang maayos sa unang gabi sa mansion. Paulit-ulit sa isip niya ang pagbitaw ng malamig na salita ni Adrian. I don’t believe in love. Parang tinik ito sa dibdib niya, isang paalala na sa mundong ito, hindi siya pwedeng umasa sa compassion o sweetness, kahit na asawa niya ang lalaking iyon.Nagbihis siya ng simpleng blouse at pencil skirt bago bumaba. Pagdating niya sa dining area, parang nasa hotel buffet. Isang mahabang mesa, punô ng mamahaling pagkain. Ang amoy ng bagong timplang kape, mainit na croissant, at mamahaling keso ay parang nagdadala ng kaba, lalo na’t kasabay nito ang sobra-sobrang luho sa paligid. Si Adrian lang ang nakaupo sa mahabang dining table. Nakabihis na ng itim na suit, hawak ang newspaper, mata’y nakatutok sa mga column ng business page.“You’re late,” malamig na bati nito, halos walang intonasyon ng emotion.Napakagat-labi si Elena. “It’s only seven…” mahina niyang tugon, halos nakangiti s

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   The First Night

    Chapter 4 Tahimik ang buong mansion nang makarating sila. Ang bawat hakbang ni Elena ay nag-echo sa malawak na hallway, at halos maligaw siya sa sobrang lawak ng lugar. Ang malamig na hangin mula sa centralized air-con ay halos hindi nakatulong sa init ng kaba na nararamdaman niya. Pero mas malamig pa rin ang presensya ng lalaking pinakasalan niya ngayong hapon. Si Adrian Velasco.“This will be your home now,” ani Adrian, matter-of-fact. Walang emosyon, walang pag-aalok ng comfort, para bang ordinaryong impormasyon lang ang sinasabi ni Adrian.Napakapit si Elena sa maliit niyang maleta. “It’s… huge,” mahina niyang tugon, manghang-mangha at walang siyang masabi.Tiningnan lang siya ni Adrian at sinabing. “Get used to it. You’re my wife. And the wife of a Velasco doesn’t live small.”Huminga si Elena nang malalim, pero ramdam niya ang bigat ng bawat salita. Hindi ito basta tahanan. Para sa kanya isa itong kaharian na pinalilibutan ng kanyang bagong katotohanan.Ipinakita ni Adrian ang

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   The Unexpected Vows

    Chapter 3 Hindi alam ni Elena kung paano siya nakatulog kagabi. O kung nakatulog nga ba siya. Magdamag siyang gising, iniisip ang mga salita ni Adrian, na bukas, siya na ay magiging asawa nito. Ang bawat segundo ay parang nagkaroon ng pagsisikip sa kanyang dibdib, parang bawat hininga ay may pumipigil.Ngunit ngayon, heto na siya ngayon. Nakaupo sa harap ng mesa ng huwes, hawak ang ballpen at nanginginig ang mga kamay. Pinipilit niyang kontrolin ang sarili habang nakatitig sa marriage contract. Sa tabi niya ay nakatayo si Adrian, kalmado ito at parang walang mabigat na nangyayari sa kanyang mundo. Naka-black suit ito, flawless, bawat detalye ng pananamit niya ay maayos na parang isang mannequin. Sa kanyang mga mukha ay walang bakas ng pagdududa, wala ring emosyon na ipinapakita.“Elena, sign it,” mahina na sabi ng kanyang ama mula sa gilid. Ang nararamdaman niya lang ng mga oras na iyon ay kaba at hiya, at nakikita din niya ang pasakit sa mga mata ng kanyang ama, magkahalong pagsisis

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   The Deal Sealed

    Chapter 2“Papa… sabihin mo sa kanya na hindi ako papayag!”Halos pasigaw na si Elena, nanginginig ang kanyang mga kamay, habang nakatayo siya sa harap ni Adrian, matikas, malakas, at parang hindi narinig ang kanyang sigaw. Ang malamig na hangin mula sa bukas na bintana ng lumang sala ay hindi nakatulong dahil nagdulot din ito ng panlalamig sa kanyang katawan dahil sa takot at galit.Ngunit ang kanyang ama ay nakayuko lang, tahimik, walang masabi. Parang nawalan na ng lakas ang matanda, na tila ba alam niyang wala nang pagkakataon para ipaglaban ang anak.“Elena!” sambit ni Adrian.Isang salita lang, pero ramdam ni Elena ang bigat nito. Humarap siya kay Adrian, at sa unang pagkakataon, naglapat ang kanilang mga mata. Ang madilim at malamig na titig ng lalaki ay hindi basta-basta. Parang bawat galaw niya ay may kapangyarihang hindi matanggihan.“I already paid for your father’s debts. In return, you will be my wife,” malamig niyang pahayag.Nanigas ang katawan ni Elena. Ang bawat salit

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   Sold

    Chapter 1 “Elena… anak, patawarin mo ako.”Nanlulumong boses ng kanyang ama habang iniabot sa kanya ang makapal na papel na parang mabigat na bato sa kanyang mga kamay. Nasa sala sila ng kanilang lumang bahay na may kahoy na sahig at pinto na lumalangitngit sa bawat higpit ng hangin. Ang kisame ay may mantsa ng ulan at ang bintana ay may kurtina na medyo kupas na. Kahit luma at may bitak ang dingding, ramdam mo ang alaala sa bawat sulok, tila bawat sahig at haligi ay may kwento ng pamilya. Para sa ama ni Elena, hindi ito basta bahay, ito na lang ang huling piraso ng nakaraan, at ito ang kanyang panghawakan ng buong puso. Kinuha ni Elena ang dokumento. Sa unang sulyap, hindi niya agad maintindihan. Pinagmasdan niya itong mabuti at nang mabasa niya ang mga malalaking letra sa taas, biglang nanlamig ang kanyang buong katawan.Contract of Marriage.Parang kinukuryente ang kanyang utak. Kumirot ang sikmura niya at nanginginig ang kanyang labi.“Papa… ano ‘to?” basag ang kanyang tinig.Hal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status