Share

The Bride Behind the Billionaire's Walls
The Bride Behind the Billionaire's Walls
Author: Tina Ehm

Sold

Author: Tina Ehm
last update Last Updated: 2025-08-20 22:18:37

Chapter 1 

“Elena… anak, patawarin mo ako.”

Nanlulumong boses ng kanyang ama habang iniabot sa kanya ang makapal na papel na parang mabigat na bato sa kanyang mga kamay. Nasa sala sila ng kanilang lumang bahay na may kahoy na sahig at pinto na lumalangitngit sa bawat higpit ng hangin. Ang kisame ay may mantsa ng ulan at ang bintana ay may kurtina na medyo kupas na. Kahit luma at may bitak ang dingding, ramdam mo ang alaala sa bawat sulok, tila bawat sahig at haligi ay may kwento ng pamilya. Para sa ama ni Elena, hindi ito basta bahay, ito na lang ang huling piraso ng nakaraan, at ito ang kanyang panghawakan ng buong puso. Kinuha ni Elena ang dokumento. Sa unang sulyap, hindi niya agad maintindihan. Pinagmasdan niya itong mabuti at nang mabasa niya ang mga malalaking letra sa taas, biglang nanlamig ang kanyang buong katawan.

Contract of Marriage.

Parang kinukuryente ang kanyang utak. Kumirot ang sikmura niya at nanginginig ang kanyang labi.

“Papa… ano ‘to?” basag ang kanyang tinig.

Halos hindi makatingin ang kanyang ama. Napayuko ito at nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “Wala na tayong ibang paraan, anak. Malaki na ang utang ko dahil sa pagpapagamot. Kung hindi ko mababayaran, kukunin nila ang bahay. Ito na lang ang natitirang ari-arian natin. Pero ang lahat ng yan ay na solusyonan na si Adrian Velasco, he saved us. Binayaran na niya ang lahat.” Sa sandaling iyon huminga ng malalim ang kanyang ama, saka bumulong. “Kapalit ng isang bagay.”

Nagkaroon ng ideya si Elena tungkol sa documento na nakalagay ay Contract of Marriage. Ngunit gusto niyang makasiguro ayaw niyang maniwala sa nararamdaman niya. Kumunot ang noo ni Elena, habang tinatanong sa kanyang ama. “Sinong kapalit… ako?”

Ang mga salitang iyon ay parang kutsilyong bumaon sa kanyang dibdib. Sa pagtahimik ng kanyang ama ay alam na niya ang sagot.

Gusto niyang tumawa, gusto niyang magwala, gusto niyang sabihin na isang lamang itong biro. Pero walang lumabas na boses sa kanyang bibig. Ang lahat ng dugo sa kanyang katawan ay parang natuyo at ang kanyang katawan ay parang biglang nanigas.

“Anak,” halos pabulong na sabi ng kanyang ama, nanginginig, “hindi ko rin gusto ito, pero wala na akong choice.”

Nangingilid na ang mga luha sa mata ni Elena, pero pinilit niyang pigilan ito. Ayaw niyang makita ng kanyang ama na siya’y nasasaktan, kahit pakiramdam niya’y nilalamon siya ng kawalan.

Biglang bumukas ang pinto ng kanilang bahay.

Blag!

Malakas na kalabog ng bakal laban sa kahoy. Nagulat si Elena. Napatigil din ang kanyang ama at napahawak pa sa dibdib.

Isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang pumasok. Matangkad, matipuno at malapad ang balikat. Ang bawat hakbang ng kanyang paa ay mabigat, na sinadya, at ang mga hakbang nito ay puno ng kapangyarihan. Sa bawat galaw ng lalaking ito, ramdam ang impluwensya, ramdam ang lakas ng isang taong sanay na ang lahat ng bagay ay lumuluhod sa kanyang pangalan.

Huminto siya sa harap mismo ni Elena.

Si Adrian Velasco, ang lalaking nagsalba sa kanila sa utang ng kanyang ama.

Ang lalaking matagal nang laman sa mga social media platforms dahil sa mga controversial news. Ang kilalang ruthless billionaire na walang sinasanto sa negosyo. Maraming kumpanya ang yumuko-yuko sa kanyang kamay. At ngayon, siya mismo ang nakatayo sa harap ni Elena, parang isang bangungot na nabuhay.

Nanlaki ang mga mata ni Elena habang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi dahil sa paghanga, kundi sa matinding takot. Ang kanyang presensya ay parang malamig na hangin na dumaan sa loob ng maliit nilang bahay, pinatahimik pati mga lumang dingding.

Tahimik na kinuha ni Adrian ang dokumentong hawak ni Elena. Mabilis niyang tiningnan at saka ibinalik sa mesa na parang hindi na kailangan pang pag-isipan.

Hindi siya ngumiti. Hindi ito nagsayang ng mga salita.

Bagkos, ang ginawa niya ay dahan-dahan siyang yumuko at hinawakan ang kamay ni Elena.

Malamig at malalakas na kamao ang humawak sa kanyang mga kamay.  Parang bakal na nakapulupot sa pakiramdam ni Elena.

“You belong to me starting today,” he said, his deep, commanding voice echoing in silence.

Halos hindi makahinga si Elena. Napatingin siya kay Adrian, pilit hinahanap ang kahit anong bakas ng awa o damdamin sa kanyang mga mata. Pero ang nakita niya lang ay isang cold-hearted man na walang pakialam kung may masasaktan siya.

Parang napako si Elena sa kinatatayuan niya. Sa gilid ng kanyang paningin, nakita niyang nakayuko lang ang kanyang ama, walang lakas para magsalita, walang tapang para ipaglaban siya.

“Papa…” mahina niyang tawag, nanginginig. “Sabihin mong hindi ito totoo. Please…”

Pero hindi nagsalita ang kanyang ama.

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Adrian sa kanya.

“Let’s go,” malamig nitong utos.

Parang tuluyang nagdilim ang paligid. Ang tanging naririnig ni Elena ay ang malakas na tibok ng kanyang puso at ang bigat ng bawat hakbang ng paa ni Adrian.

“Hindi ako papayag…” ang nasabi ni Elena, halos mahina lang, pero alam niyang narinig ito ni Adrian.

Bahagyang ngumisi ang lalaki, yung ngising walang pakialam at mapanganib. “You don’t have a choice, Elena.”

At sa sandaling iyon, parang gumuho ang buong mundo niya.

Sa labas ng kanilang bahay, nakahanda na ang isang itim na kotse. Malinis, kumikinang, at tila simbolo ng kayamanan at kapangyarihan. Ang kanilang mga kapitbahay ay nakasilip lang sa bintana at hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Si Elena, ang simpleng dalaga na kilala nilang mabait at tahimik, ay isinasama ng isang lalaking hindi nila kayang abutin kahit sa panaginip.

Pinilit niyang bawiin ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak ni Adrian, subalit masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito.

“Bitawan mo ako!” sigaw niya, kahit nanginginig ang boses.

Sandali siyang tiningnan ng lalaki, malamig na parang yelo. “Don’t embarrass yourself.”

Namilog ang kanyang mga mata sa pagkagulat. Wala siyang nagawa nang hilahin siya palabas ng kanilang bahay, habang ang kanyang ama’y nanatiling nakaupo sa kanilang sala, nakayuko at tila pinili na lang ang katahimikan kaysa ipaglaban siya.

At nang mga oras na yun isang tanong ang paulit-ulit na umikot sa kanyang isip, nanunuot hanggang sa kanyang kaluluwa. Paano kung totoo na hindi na niya muling makukuha ang kanyang kalayaan?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   A Glimpse of His World

    Chapter 5 Kinabukasan, maagang nagising si Elena. Hindi siya nakatulog nang maayos sa unang gabi sa mansion. Paulit-ulit sa isip niya ang pagbitaw ng malamig na salita ni Adrian. I don’t believe in love. Parang tinik ito sa dibdib niya, isang paalala na sa mundong ito, hindi siya pwedeng umasa sa compassion o sweetness, kahit na asawa niya ang lalaking iyon.Nagbihis siya ng simpleng blouse at pencil skirt bago bumaba. Pagdating niya sa dining area, parang nasa hotel buffet. Isang mahabang mesa, punô ng mamahaling pagkain. Ang amoy ng bagong timplang kape, mainit na croissant, at mamahaling keso ay parang nagdadala ng kaba, lalo na’t kasabay nito ang sobra-sobrang luho sa paligid. Si Adrian lang ang nakaupo sa mahabang dining table. Nakabihis na ng itim na suit, hawak ang newspaper, mata’y nakatutok sa mga column ng business page.“You’re late,” malamig na bati nito, halos walang intonasyon ng emotion.Napakagat-labi si Elena. “It’s only seven…” mahina niyang tugon, halos nakangiti s

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   The First Night

    Chapter 4 Tahimik ang buong mansion nang makarating sila. Ang bawat hakbang ni Elena ay nag-echo sa malawak na hallway, at halos maligaw siya sa sobrang lawak ng lugar. Ang malamig na hangin mula sa centralized air-con ay halos hindi nakatulong sa init ng kaba na nararamdaman niya. Pero mas malamig pa rin ang presensya ng lalaking pinakasalan niya ngayong hapon. Si Adrian Velasco.“This will be your home now,” ani Adrian, matter-of-fact. Walang emosyon, walang pag-aalok ng comfort, para bang ordinaryong impormasyon lang ang sinasabi ni Adrian.Napakapit si Elena sa maliit niyang maleta. “It’s… huge,” mahina niyang tugon, manghang-mangha at walang siyang masabi.Tiningnan lang siya ni Adrian at sinabing. “Get used to it. You’re my wife. And the wife of a Velasco doesn’t live small.”Huminga si Elena nang malalim, pero ramdam niya ang bigat ng bawat salita. Hindi ito basta tahanan. Para sa kanya isa itong kaharian na pinalilibutan ng kanyang bagong katotohanan.Ipinakita ni Adrian ang

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   The Unexpected Vows

    Chapter 3 Hindi alam ni Elena kung paano siya nakatulog kagabi. O kung nakatulog nga ba siya. Magdamag siyang gising, iniisip ang mga salita ni Adrian, na bukas, siya na ay magiging asawa nito. Ang bawat segundo ay parang nagkaroon ng pagsisikip sa kanyang dibdib, parang bawat hininga ay may pumipigil.Ngunit ngayon, heto na siya ngayon. Nakaupo sa harap ng mesa ng huwes, hawak ang ballpen at nanginginig ang mga kamay. Pinipilit niyang kontrolin ang sarili habang nakatitig sa marriage contract. Sa tabi niya ay nakatayo si Adrian, kalmado ito at parang walang mabigat na nangyayari sa kanyang mundo. Naka-black suit ito, flawless, bawat detalye ng pananamit niya ay maayos na parang isang mannequin. Sa kanyang mga mukha ay walang bakas ng pagdududa, wala ring emosyon na ipinapakita.“Elena, sign it,” mahina na sabi ng kanyang ama mula sa gilid. Ang nararamdaman niya lang ng mga oras na iyon ay kaba at hiya, at nakikita din niya ang pasakit sa mga mata ng kanyang ama, magkahalong pagsisis

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   The Deal Sealed

    Chapter 2“Papa… sabihin mo sa kanya na hindi ako papayag!”Halos pasigaw na si Elena, nanginginig ang kanyang mga kamay, habang nakatayo siya sa harap ni Adrian, matikas, malakas, at parang hindi narinig ang kanyang sigaw. Ang malamig na hangin mula sa bukas na bintana ng lumang sala ay hindi nakatulong dahil nagdulot din ito ng panlalamig sa kanyang katawan dahil sa takot at galit.Ngunit ang kanyang ama ay nakayuko lang, tahimik, walang masabi. Parang nawalan na ng lakas ang matanda, na tila ba alam niyang wala nang pagkakataon para ipaglaban ang anak.“Elena!” sambit ni Adrian.Isang salita lang, pero ramdam ni Elena ang bigat nito. Humarap siya kay Adrian, at sa unang pagkakataon, naglapat ang kanilang mga mata. Ang madilim at malamig na titig ng lalaki ay hindi basta-basta. Parang bawat galaw niya ay may kapangyarihang hindi matanggihan.“I already paid for your father’s debts. In return, you will be my wife,” malamig niyang pahayag.Nanigas ang katawan ni Elena. Ang bawat salit

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   Sold

    Chapter 1 “Elena… anak, patawarin mo ako.”Nanlulumong boses ng kanyang ama habang iniabot sa kanya ang makapal na papel na parang mabigat na bato sa kanyang mga kamay. Nasa sala sila ng kanilang lumang bahay na may kahoy na sahig at pinto na lumalangitngit sa bawat higpit ng hangin. Ang kisame ay may mantsa ng ulan at ang bintana ay may kurtina na medyo kupas na. Kahit luma at may bitak ang dingding, ramdam mo ang alaala sa bawat sulok, tila bawat sahig at haligi ay may kwento ng pamilya. Para sa ama ni Elena, hindi ito basta bahay, ito na lang ang huling piraso ng nakaraan, at ito ang kanyang panghawakan ng buong puso. Kinuha ni Elena ang dokumento. Sa unang sulyap, hindi niya agad maintindihan. Pinagmasdan niya itong mabuti at nang mabasa niya ang mga malalaking letra sa taas, biglang nanlamig ang kanyang buong katawan.Contract of Marriage.Parang kinukuryente ang kanyang utak. Kumirot ang sikmura niya at nanginginig ang kanyang labi.“Papa… ano ‘to?” basag ang kanyang tinig.Hal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status