Share

The Unexpected Vows

Author: Tina Ehm
last update Last Updated: 2025-08-20 22:29:21

Chapter 3 

Hindi alam ni Elena kung paano siya nakatulog kagabi. O kung nakatulog nga ba siya. Magdamag siyang gising, iniisip ang mga salita ni Adrian, na bukas, siya na ay magiging asawa nito. Ang bawat segundo ay parang nagkaroon ng pagsisikip sa kanyang dibdib, parang bawat hininga ay may pumipigil.

Ngunit ngayon, heto na siya ngayon. Nakaupo sa harap ng mesa ng huwes, hawak ang ballpen at nanginginig ang mga kamay. Pinipilit niyang kontrolin ang sarili habang nakatitig sa marriage contract. Sa tabi niya ay nakatayo si Adrian, kalmado ito at parang walang mabigat na nangyayari sa kanyang mundo. Naka-black suit ito, flawless, bawat detalye ng pananamit niya ay maayos na parang isang mannequin. Sa kanyang mga mukha ay walang bakas ng pagdududa, wala ring emosyon na ipinapakita.

“Elena, sign it,” mahina na sabi ng kanyang ama mula sa gilid. Ang nararamdaman niya lang ng mga oras na iyon ay kaba at hiya, at nakikita din niya ang pasakit sa mga mata ng kanyang ama, magkahalong pagsisisi at hiya.

Pumikit si Elena, iniisip ang lahat ng sakripisyo na ginawa ng kanyang pamilya. Naisip niya na para sa kanyang ama, kailangan niyang isakripisyo ang sarili, kahit gaano kasakit. Dahan-dahan, inilapat ni Elena ang ballpen sa papel at pinirmahan ang contract.

The moment her name touched the paper, everything inside her shifted.

Elena Cruz… no more.

Mrs. Elena Velasco… iyon na ang pangalan niya ngayon.

“Congratulations,” malamig na sinabi  ng huwes. “You may now exchange vows.”

Napalingon si Elena kay Adrian, umaasang baka umatras ito, baka sabihin na biro lang ang lahat. Ngunit ng makita niya na nakatitig si Adrian sa kanya, kanyang napagtanto na seryoso ang lalaking ito. Kita sa mukha ni Adrian na ito talaga ang plano mula pa sa simula.

“Elena.” sambit ni Adrian handang ipahayag ang kanyang wedding vows

Napatigil si Elena, ramdam niya ang kaba na parang dumaloy sa bawat ugat ng katawan ng banggitin ni Adrian ang kanyang pangalan. Humarap siya rito at walang nagawa kundi tumitig sa mga mata ng magiging asawa, at sa mga titig ni Adrian sa kanya dama niya ang bigat at kapangyarihan nito. 

“I vow to protect you. To give you everything you’ll ever need. And in return, I only ask for one thing—loyalty.”

Diretso ang titig ni Adrian, hindi kumukurap. Para bang ang lahat ng kanyang sinabi ay utos at hindi pangako.

Napatitig si Elena kay Adrian at huminga ng malalim. Tila ba humahanap siya ng hint sa mga sinabi nito. “Loyalty? Anong gusto mong ipahiwatig, Adrian?” bulong niya sa kanyang sarili. Dama niya na may kakaibang intensity ang boses ni Adrian ng bitawan niya ang wedding vows niya para kay Elena.

Si Elena naman ang naghayag ng kanyang weddings vows.

“I… I vow to be your wife. Even if this marriage was never my choice,” sagot ni Elena, halos pabulong, ngunit malinaw. Ramdam niya ang kaba na unti-unting bumabalot sa kanyang dibdib, ngunit kailangan niyang ipakita na hindi siya basta-basta sumusuko.

Nagngalit ang panga ni Adrian. Halata sa kanyang mga mata na hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Elena, ngunit hindi rin siya kumibo. Tahimik lang siyang nakatingin kay Elena, at dahan-dahan siyang biglang lumalapit kay Elena.

Bago pa man makapag-react si Elena, hinalikan siya ni Adrian, sa harap ng lahat. Mabilis, mabigat, walang halong lambing. It wasn’t a kiss. It was a seal. It was a claim.

Napasinghap si Elena. Para siyang naglaho sa kanyang sarili, ang bawat ugat ng kanyang katawan ay nanlaban sa realidad na ito na ang bagong buhay niya. Habang nakatitig sa malamig na mga mata ni Adrian, alam niyang hindi ito isang kasal na puno ng pagmamahal. Isa itong kontrata, at siya ang subject ng kanyang kapangyarihan.

Ang mga bisita ay nagbulung-bulungan sa paligid, ngunit si Elena ay nakatuon lang kay Adrian na nasa kanyang harapan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magalit, matakot, o magwala. Ngunit ang tanging nagawa lang niya ay matulala. 

“From now on, Elena, you are mine,” malalim at malamig na bulong ni Adrian sa kanyang tenga. “And remember… I always get what I want.”

Nanigas ang katawan ni Elena. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig hindi lang sa kaba kundi sa intensyon na narinig niya mula kay Adrian. Hindi niya alam kung paano haharapin ang bagong katotohanan na siya ay pag-aari na ng isang Velasco.

“W…what does that mean?” tanong niya na halos hindi marinig dahil sa kanyang kaba, ngunit ramdam niya ang lakas ng bawat salitang sinabi niya na para bang may sumusuntok sa kanyang dibdib.

“That means,” sagot ni Adrian na nakatitig sa kanya, “that you will follow me, respect me, and obey me as your husband and you as my wife. Everything else… will be my decision.”

Binalot ng galit at pagkabigla si Elena sa mga sinabi ni Adrian. Pero sa ilalim nun, may kaba siyang naramdaman na gumugulo sa dibdib niya. Pakiramdam niya, hindi lang kalayaan ang unti-unting nawawala. Kundi parang may kasamang misteryo, isang pangako na hindi niya maintindihan. At mas lalo siyang natakot dahil alam niyang wala siyang kontrol dito.

Matapos ang seremonya, sabay silang naglakad palabas ng bulwagan. Ang bawat mata sa paligid ay nakatingin sa kanila, marami ang nagbubulong-bulongan. Sino ba siya para pakasalan ng isang Velasco? Ang naisip na lang ni Elena hindi siya handa, alam niya hindi siya sapat, ngunit wala na lang siyang magawa.

Sa sasakyan, binuksan ni Adrian ang pinto. At ng makapasok na sila sa loob ng sasakyan, hinawakan ni Adrian ang kanyang baba at ibinaling ang paningin niya diretso sa mga mata nito.

“From now on, Elena, you are mine,” inulit ni Adrian sa kanya, malalim, malinaw, at malamig na boses. “Do not forget this. And never think that you have a choice.”

Napatingin si Elena sa bintana ng kotse, huminga ng malalim, at ramdam niya ang bigat ng bawat titig ni Adrian. Alam niyang hindi pa nagsisimula ang totoong laban. Ang kasal ay tapos na, ngunit ang laro sa pagitan nila ay nagsisimula pa lamang.

Sa puso ni Elena, naramdaman niya ang magkahalong takot at kakaibang curiosity. Hindi niya alam kung paano haharapin ang bawat araw sa tabi ng lalaking ito. 

Ang lalaking bumili ng kanyang pagkatao. Ngunit isang bagay ang malinaw, na ang kanyang buhay ay hindi na sa kanya.

At habang nakaupo sa likod ng kotse, nakatingin sa malayo sa liwanag ng siyudad, paulit-ulit na umikot sa isip niya ang tanong. Paano niya tatanggapin ang bukas na magkasama sila sa ilalim ng iisang bubong, kung ang bawat galaw at salita ni Adrian ay nagtatakda ng bagong mundo para sa kanya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   Chains of Paris

    Chapter 13 POV: AdrianMadilim ang office ko sa mansyon. Tanging ilaw ng lampshade sa mesa ang nagbibigay ng anino sa paligid. Hawak ko ang baso ng alak, mabigat sa kamay, parang katumbas ng lahat ng kasalanan at alaala na pilit kong ikinukubli.Sa ibabaw ng desk, nakapatong ang cellphone ko. Nakasilent. Ngunit paulit-ulit na nagfa-flash ang pangalang Cassandra. Pilit ko nang tinatakasan at ayaw ko ng harapin.Kanina pa siya tumatawag. Sunod-sunod. May mga mensahe ring hindi ko binubuksan. Pero hindi ko na kailangan basahin para malaman ang nilalaman, pare-pareho lang ang laro niya. Gigipitin ka hanggang wala ka nang mapagtaguan.“The past,” bulong ko sa sarili habang iniikot ang alak sa baso, “kahit gaano mo piliting ilibing, palaging may paraan para habulin ka.”Unti-unting bumigat ang dibdib ko. Hindi dahil sa alak, kundi dahil sa bigat ng mga alaala. At gaya ng dati, habang mas pinipilit kong itaboy, mas malinaw silang bumabalik.Flashback – Paris, Years AgoMalamig ang hangin ng

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   Elena’s POV

    Chapter 12 Malamig ang gabi sa mansyon. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko, parang may unos na hindi ko mapigilan. Nasa study room ako, nakaupo sa harap ng malaking mesa, hawak-hawak ang envelope na ini-abot sa akin ni Cassandra. Kanina ko pa iyon tinititigan, parang may sariling bigat na pilit humihigpit sa dibdib ko.Hindi ko pa rin binubuksan. Ayaw ko. Takot akong malaman kung ano ba talaga ang laman nito. Pero habang tumatagal, mas lalo akong kinakain ng tanong.“Kung wala siyang tinatago… bakit ganoon?” bulong ko sa sarili.Sa isip ko, bumabalik ang mga huling eksena namin ni Adrian. Tuwing nababanggit ang Paris, palagi siyang nagiging matigas, parang may gustong itago. Hindi siya kagaya ng ibang lalaki na magsasalita ng malumanay para magpaliwanag. Si Adrian, lagi niyang ginagawang kontrolado ang sitwasyon. Hanggang ngayon pakiramdam ko, hindi pa rin asawa ang turing niya sa akin. Isa pa ring estranghero ang kaharap ko.Ilang beses ko nang pinilit na huwag magduda. Pinaglalab

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   Adrian’s Past Unveiled

    Chapter 11 Malamig ang gabi sa mansyon. Umakyat agad si Elena at hinanap si Adrian sa loob ng masters bedroom nakita ni Elena ang asawa. At sa mga oras na iyon ay tila may bagyong nagbabadya. Nakatayo si Elena sa gitna, hawak-hawak ang brown envelope na ibinigay sa kanya ni Cassandra. Nanginginig ang kamay niya habang nakatingin kay Adrian na nakaupo sa gilid ng kama, suot pa rin ang itim na suit na parang hindi man lang siya napagod buong araw.“Elena, where did you get that?” malamig ngunit mabigat na tanong ni Adrian nang mapansin ang envelope. Hindi siya tumayo, hindi rin siya lumapit, ngunit ramdam ni Elena ang bigat ng titig niya.“From Cassandra,” sagot ni Elena, halos nanginginig ang boses niya. “She said this is the truth about you.”Bahagyang kumunot ang noo ni Adrian. “I told you never to meet her. Did I not make myself clear?”“Bakit, Adrian?” tumataas na ang boses ni Elena. “Ano ba ang tinatago mo? Bakit parang lahat sila alam ang kwento mo pero ako na asawa mo, walang a

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   The Seed of Doubt

    Chapter 9 Nakaupo si Elena sa maliit na sofa malapit sa bintana, nakatanaw, hawak ang mainit na kape, nang marinig niya ang pinto ng kwarto nilang bumukas. Pumasok si Adrian, tahimik, humarap sa salamin habang inaayos ang kanyang kurbata. Nakasuot na ito ng paborito niyang dark suit, matikas at seryosong mukha, parang walang bakas ng kung ano ang naramdaman niya kagabi.Si Elena habang nakatanaw sa bintana, kagabi pa naglalaro sa isip niya ang huling sinabi ni Cassandra. "Ask him about Paris." Hindi siya mapalagay. Ano ba ang meron sa Paris at bakit tila iyon ang dahilan ng lungkot na nakikita niya sa mga mata ng asawa?Tumayo siya mula sa kama at lumapit sa mesa. "Adrian," mahinahon pero puno ng alinlangan ang kanyang boses. "May gusto sana akong itanong."Hindi ito tumingin agad. Patuloy lang sa pag-aayos ng cufflinks niya. "Make it quick, Elena. I have a meeting at nine.""Paris," mahina niyang sambit, pero sapat para marinig ito ng asawa. "Ano bang meron doon? Bakit parang... par

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   The Invitation

    Chapter 10 Sa loob ng mansyon habang naghahapunan ang mag-asawa. Malamig ang tingin ni Adrian habang nakaupo sa dulong bahagi ng mahabang dining table. Halos hindi mag-tama ang mga mata nila ni Elena. Ang bawat tunog ng kubyertos habang sila ay kumakain ay parang bang suntok sa katahimikan ng gabi.“Eat,” malamig na sabi ni Adrian. Walang emosyon, walang pag-aalaga, parang utos lang.Sumunod si Elena kahit wala siyang ganang kumain. Sa mga sandaling iyon pakiramdam niyang mas lalong tumataas ang pader sa pagitan nila. At habang sila’y tahimik na kumakain, isang mensahe ang pumasok sa kanyang cellphone na nakapatong sa gilid ng mesa. Hindi niya agad binasa ito, ngunit ramdam niya ang kakaibang kaba.Matapos ang hapunan, pumanhik agad si Adrian sa kanyang silid. Wala man lang “goodnight.” Naiwan si Elena na nag-iisa sa mahabang mesa. Doon na niya kinuha ang telepono.Unknown number: Meet me tomorrow. I can tell you the truth about Adrian. Don’t you want to know why his eyes carry so mu

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   Cassandra’s Strike

    Chapter 8 Gabi sa mansyon, pinaalala ni Adrian kay Elena ang in-arrange niyang dinner party para ipakilala siya sa buong pamilya. Ayaw ni Elena ang ideyang iyon. Nasa loob lang siya ng kwarto. Nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko, habang hawak ang simpleng long dress na napili niya. Hindi man ito kasing kinang ng mga gown na nakikita niya sa fashion magazines, pero ito lang ang kaya niyang isuot ng hindi siya mukhang pilit. Hindi siya sanay sa mga marangyang pagtitipon. Sa totoo lang, gusto niyang manatili na lang sa loob ng kwarto, magtago sa ilalim ng kumot, at hayaang lumipas ang gabing ito na parang isang masamang panaginip.Narinig niya na nagbukas ang pinto. Pumasok si Adrian, nakasuot ng dark gray suit na nakitang kita ang matikas na tindig nito. Matalim ang titig nito, parang palaging handang makipag-tuos.“Hindi na ako sasama,” mahina ang boses ni Elena, halos pabulong. “Pwede ba, Adrian? Hindi ako para sa ganong party.”Huminto ito at tumingin sa kanya, walang emosyon ang muk

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status