Umalis si Javier pagkatapos namin mag-usap, gusto ko lang sana manatili sa hotel pero wala akong ibang makikita kundi puting gusali at magandang view mula sa building. He gave me a pocket money para kung may gusto akong puntahan ay magagamit ko. Natatakot naman ako mag-isa dahil hindi ko kabisado ang lugar ng Hong Kong kaya binigyan niya rin akong map na nasa phone ko lang, isa siyang application. Kaya niya rin daw akong hanapin gamit ang application na iyon.Gusto niya rin sana akong ihatid pero ang sabi ko ay hindi na dahil gusto kong matutunan mag-isa. At habang naglalakad ako sa labas, masayang pinagmasdan ang mga tao kahit nag-uusap lang naman sila ay masaya sa pakiramdam nang makitang nakangiti sila. Pero ang akala ko ay magiging masaya nga ang buong gabi ko pero hindi dahil kanina pa ring nang ring ang phone ko. Si Javier lang naman ang makakatawag sa akin dito.“What?” I asked him, frustrated. “Where are you? Ayos ka lang ba d’yan?” Umirap ako sa tinanong niya. Kanina pa siy
Umuwi kami sa hotel room para maghanda dahil pupunta na kami sa party ng kaibigan niya. Naisip ko tuloy kung gaano siya kakilala kasi kahit dito sa Hong Kong ay marami siyang kakilala. “Are you ready?” tanong niya sa akin. Tumango ako at ngumiti. “You look…perfect.”Kinagat ko ang ibabang labi ko nang sabihin niya iyon, umiwas ako ng tingin mula sa kanya. Nang makarating kami mula sa disneyland, mayroon ng nakahandang damit na para sa amin. Ang sabi niya ay pinabili niya iyon para sa party. I am wearing a fitted blue gown with a slit on my right foot, si Javier naman ang sinuot niya ay white polo inside on his white coat and white slack pants. “Tara na ba?” tanong ko dahil hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. Naiilang ako sa kanya. Inabot niya sa akin ang kamay niya at kinuha ko naman ito para hawakan. Inalayan niya akong maglakad. Mabuti na lang sanay akong magsuot ng high heels, sinanay kami sa trabaho namin sa Auction Club kaya hindi na mahirap sa akin na maglakad na it
Pinakilala ako ni Javier sa mga kaibigan niya sa party, ang mga kaibigan niyang lalaki ay mayroon ding kasamang mga girlfriends nila. Ang iilan sa kanila ay maganda ang pakikitungo sa akin pero ang iba ay hindi, lalo na ang mga kaibigan ni Francheska at si Francheska mismo. Naiwan ako sa pwesto namin ni Javier dahil umalis si Javier, may kakausapin lang daw siya sa itaas, gusto kong sumama pero hindi ko iyon sinabi sa kanya dahil naisip ko na wala naman akong gagawin pero mukhang ayaw rin naman ni Javier na isama ako. He told me to stay here and don’t go somewhere. I was eating when someone approached me, hindi lang isa kundi marami sila. It was Francheska and her friends. “Hey, bakit mag-isa ka lang?” tanong sa akin ni Francheska. Tumingin ako sa kanila ng seryoso. “May pinuntahan si Javier, may kakausapin daw siya,” sagot ko sa kanya. I was about to turn my head from them when someone touches my hair kaya agad akong tumayo sa gulat. Nagtawanan sila na para bang mga bully sa hig
Nakabalik kami Sa United States at hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa nangyari sa Hong Kong. Hindi ako nagtanong o kung ano pa kay Javier, hindi niya rin naman binuksan ang tungkol no’n kaya hinayaan ko na. Dumating kami sa mansyon na may pagkain na nakahanda sa hapag kainan, hindi ko alam kung anong meron kaya bumaling ako kay Javier na may pagtataka. “Anong meron? Bakit may nakahandang pagkain? May bisita ka ba?” tanong ko sa kanya. Binigay niya muna ang maleta namin sa helpers bago ako sagutin. “Meron, darating na rin sila mamaya maya,” he answered. Lumapit siya sa akin na siyang pinagtataka ko. “Bakit?” I asked him. Ngumiti siya. “Gusto ko lang humingi ng patawad sa nangyari sa Hong Kong. Sa mga inasta ng mga kaibigan ko, hindi ko inasahan na ganoon ang mangyayari.”Kakasabi ko lang na ayaw ko rin pag-usapan pero hindi ko inasahan na bubuksan niya ang topic na tungkol sa nangyari sa Hong Kong. “It’s okay, kakalimutan ko na rin naman iyon. Siguro kailangan ko ng masana
Nasa mansyon lang ako at si Javier ay lumalabas para magtrabaho. Isang linggo na ang lumipas simula noong umuwi kami mula sa Hong Kong. Ang daming nangyari sa araw ng kasal namin hanggang sa araw ng honeymoon namin. Hindi ko pa rin nakakausap ang pamilya ko kaya iyon ang plano ko ngayong araw. Sinabi naman sa akin ni Javier na kung may pupuntahan man ako ay magpapahatid na lang ako sa driver ko na binigay niya para sa akin. “Sasama ka?” tanong ko kay Sandy na nakabihis. Tumango siya at ngumiti.“Yes Ma’am. Iyon po ang utos ni Sir Javier na sasamahan kita kung may pupuntaha ka po.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi naman kailangan na samahan pa ako dahil bibistahin ko lang naman ang pamilya ko. “I’m sorry, Sandy. Pero ayos lang naman kung hindi mo ako samahan. I can handle myself, and I am sure walang mangyayari sa akin kasi pupunta naman ako sa pamilya ko,” paliwanag ko sa kanya na nakangiti. Ngumiti rin siya sa akin sabay iling. “Alam ko po iyon, ang utos po sa amin ni Sir J
Dahan-dahan akong umalis sa yakap namin ni Javier, tinignan ko siya ng may pagtatataka sa aking mukha. “Anong nangyayari?” Iyan ang unang lumabas sa bibig ko. Dahan-dahan din akong tumingin sa paligid ko at nandoon pa ang mga taong nakatayo kanina. “I’ll explain inside, let’s go.” Hinawakan ni Javier ang kamay ko at inaya pumasok sa loob kung nasaan kammi. Nagtataka man ay sumunod ako sa kanya, naghiwalay na rin ang mga tao na tila ba bumalik sa kanya-kanya nilang ginagawa at parang walang nangyari. Pinaupo ako ni Javier sa sofa, kaharap ang lamesa na katulad sa loob ng opisina niya sa bahay. “This is my office. Here, drink water.” Inabot niya sa akin ang isang glass ng tubig. Kinuha ko ito at ininom, ramdam ko pa rin ang panginginig sa aking katawan dahil sa nangyari kaya naramdaman kong tumabi sa akin si Javier at hinawakan ang kamay ko.“I’m sorry…” iyan ang lumabas sa bibig niya na pinagtataka ko, tinignan ko lang siya ng seryoso. “I’m sorry kung nadamay ka.”“What do you mean
Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko, ang kaninang bumibilis na tibok ng dibdib ko ay mas lalong bumibilis ngayon. Iyong takot na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko maintindihan na para bang ito na ang huling araw ko.Totoo ba talaga itong nakikita ko? She is Angela? And what? I am her twin sister? So, hindi ako tunay na anak ng magulang ko? Pero paano? Paano ako napunta sa pamilya ko ngayon at nalayo sa totoo kong pamilya?“Hindi ko alam ang sinasabi mo. Pakawalan mo na ako.” Nauutal kong sabi. Pilit kong inilayo ang sarili ko sa kanya pero wala akong maatrasan, lock na rin ang pintuan. Nilapit niya pa sa akin lalo ang mukha niya. “Alam kong alam mo ang sinasabi ko, Janiyah…hmm, iniisip mo rin siguro na tunay akong patay gaya ng mga tanga sa paligid mo, tama ba?” Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Yes, she’s already dead. Iyon ang sabi ni Javier at ng ibang tao sa paligid ko pero ano ang nakikita ko ngayon.“Hindi ko alam kung ano ang kailangan mo sa akin pero wala kang makukuha sa
Sa isang kotse nakasakay ako na kasama si Angela, si Periyah at ang dalawang lalaki sa tabi ko. Si Periyah ang nagmamaneho habang nasa harapa nakaupo si Angela. Hindi mawala ang masamang tingin ko sa kanilang dalawa sa harap, Periyah were smirking at me. Alam kaya ni Liam kung anong klaseng tao ang kaibigan niya? Biglang pumasok sa isip ko ang rason kung bakit hindi niya pinakilala sa amin dati si Periyah dahil hindi maganda ang ugali nito pero imposible kung alam ito ng kapatid ko. Hindi ko rin kakayanin kung pati siya ay gumagawa ng mali. Hindi pwede. Hindi ko na maiwasan isipin ang mga ganoong bagay na paghinalaan ang mga tao na nasa paligid ko. “Ang tahimik mo yata, Janiyah?” Angela said with a smirked on her face, bumaling siya sa akin. Seryoso lang ang tingin ko sa kanya at hindi sinagot. “Huwag mo ng isipin na makakatakas ka sa amin ngayon, kami na nga mismo ang maghahatid sa’yo, can’t you see it? You should appreciate our kindness,” she added. “Hindi ko kailangan ang kabait