NAGISING siya sa amoy na … nagmulat siya bigla kahit antok na antok pa sana siya. "Teka? Nasaan ako?" aniyang lumilinga-linga sa kuwartong hindi niya kilala. Plain lamang kasi ang disenyo ng silid na iyon. Kulay itim halos lahat ng gamit doon maliban sa malaking closet na naroon na gawa sa glass ang palibot. Kaya naman matatanaw mo sa loob nito ang napakaraming iba't ibang damit at sapatos na panlalaki.Panlalaki?"Kaninong—" nagigitlang aniya nang madako ang kanyang mga mata sa lalakeng kanyang katabi. Bigla niyang na check ng wala sa oras ang kanyang mga suot na damit kung kumpleto pa ba. Nakahinga naman siya ng maluwag nang mapagtantong intact naman ang lahat ng mga suot niya. "Migash, akala ko . . ." bulong niya sa sarili at humugot ng malalim na hininga.Pero ano bang nangyari? Bakit siya nasa kuwarto ni Lestre? Ang himbing-himbing pa ng tulog nito. Nadako ang mga mata niya sa orasan sa dingding at nakitang alas-onse na ng umaga. Ilang minuto na lamang ay magtatanghali na.Muli ni
MAY dumating raw na package. Nalaman niya 'yun, nang isa sa mga maid ang magsabi sa kanya kaya na excite siya. Bababa na sana siya para makita ang sinasabi ng mga ito pero sabi ng maid, dadalhin daw iyon sa kuwarto nila ni Lestre kaya maghintay na lamang raw siya doon. Ilang sandali pa nga ay may kumatok na sa pintuan at nang pagbuksan niya, ang expected niyang simple at nag-iisang package ay malaki pala."Ito 'yun? Sure kayong para sa akin ito?" tanong niya pa. Ito kasi ang unang pagkakataon na makakatanggap siya ng regalo sa tanang buhay niya na ganitong kamahal. Noon kasi, makakatanggap siya ng regalo noong nasa ampunan pa siya ay mga bigay pa ng mga missionary at puro pinaglumaan mula sa mga nalikom nila na galing sa iba't ibang tao. Laking pasasalamat niya nga sa kung sinong mga nag-do-donate sa kanila dahil kung hindi, wala siguro siyang ni isang damit na maayos at hindi niya siguro mae-experience ang ma-regaluhan ng kahit na ano."Opo young madame," anito sabay b
MUKHANG kasisimula pa lamang ng party dahil may mga ilan pang nagdaratingnan na mga mahahalagang panauhin. Umuugong sa paligid ang pangalan ni Lestre Sylverstain na kanina lamang ay kasama niya.Nang makapasok kasi sila kanina sa loob ay nakakita siya ng comfort room. Pinayagan siya nito dahil malapit naman na pala doon ang daan papasok sa loob mismo ng bulwagan kung saan ang mismong party. Itinuro na lang nito sa kanya ang daan papasok at sinabing hihintayin daw siya nito roon. Ngunit ilang minuto na siyang palibot-libot doon ay hindi niya makita ni anino ni Lestre at ni Juris."Excuse me," pukaw sa kanya ng isang boses lalaki mula sa kanyang likuran. Mabilis siyang nakapihit sa direksyon nito at nakita niya ang isang hindi niya kilalang lalaki. Guwapo ito at mukhang nasa early thirties ang age."H—hi," ngumiti na lang siya rito at hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito. Hindi niya naman kasi alam kung paano ba makihalubilo sa ganiton
Three weeks ago …"WHAT happened‽" puno ng magkahalong galit at pag-aalalang dumalo si Enrico sa ina nitong nakahandusay na sa ibaba ng mataas at mahabang hagdanan habang nakadagan sa paralisado nitong mga binti ang wheel chair nito. Duguan ang ulo ng matandang babae at wala nang malay tao.Nakatulala lamang si Celestina sa daanang paibaba ng hagdan habang si Nora naman ay nasa ibaba at umiiyak na nakadalo sa walang malay na matanda.Siyam na taon na ang nakakaraan nang madaanan ng mag-asawa ang sampung taong gulang pa lamang na si Celestina na pagala-gala sa madilim na kalsada. Umiiyak ito habang nanginginig sa lamig at gutom at hindi alam kung saan pupunta. Naawa ang mag-asawa sa batang Celestina kaya pinasakay ng mga ito ang bata at inuwi sa bahay. Mabuti ang naging trato ng mga ito sa kanya. Toddler pa noon si Nora at bilang pasasalamat niya sa pagpapatuloy ng mga ito sa kanya ay inalagaan niya ang batang si Nora. Isang araw ay umuwi ang mag-asawa at ibinabalita sa kanya na legal n
"THANK you officer," ang nabungaran niya nang magising siya sa kuwarto nila ni Lestre. Hating gabi na pala. Bumalik sa isip niya kung ano ang nangyari kanina."Gising ka na pala," ani Lestre sa kanya na nakalapit na pala sa tabi niya. Pinilit niyang tumayo kaya tinulungan na siya nito. Nakakailang ang naging puwesto nila. They are too close together at naamoy niya na ang panlalaki nitong amoy. Nakaka-akit. His smell makes her feel good as if nothing happened."What happened?" agad niyang tanong dito. Wala na siyang alam sa nangyari kanina since hindi niya namalayan kung kailan siya nakatulog."Your sister Nora Nathaniel is now imprisoned and not allowed to be bail," tipid at maikling sagot nito sa kanya na ikinagulat naman niya. "Ha? Kailan pa?" tanong niya rito. "Anong petsa na ba? Gano'n ba ako katagal nakatulog? Bakit daw siya nakulong?" sunud-sunod na niyang tanong dito. Natatawa naman nitong nilapitan siya at niyakap.
ANG simpleng pananghalian ay na uwi sa isang date. This is the first time na nag date sila at hindi ito planado."Mahaba pa naman ang maghapon so, mamasyal muna tayo." Nang matapos silang kumain kanina ay ito ang sinabi ni Lestre. Mukhang seryoso ito kaya wala na siyang nagawa."Celestina," biglang pagbubukas nito ng usapin habang magkasama silang naglalakad sa malaki at malawak na garden Caseum Garden sa isang medyo malayo-layong lugar.Nahiwagahan pa nga siya dahil hindi niya na alam kung saang lupalop sila naroon. Mapuno kasi doon at medyo mabako ang mahabang daanan pero ganoon lamang sila kadali na nakarating sa pinuntahan nila. Doon sa may bandang matarik na daan na paakyat na rito sa Caseum garden ay masyado nang mahirap akyatin. "Stay still," sabi lang nito sa kanya at binuhat siya bridal style saka parang wala lang dito na umakyat at tumatalon-talon lamang. Sabi ng ilan, sikat daw itong garden sa mga turista ngunit pili lamang ang pinapa-akyat dahil kailanga
"ANO‽" umalingawngaw yata sa bawat sulok ng kuweba ang kanyang boses dahil sa lakas ng pagkakasabi niya. Sabi kasi nito kanina, "Umalis ako saglit at nagpunta sa City to buy foods. I don't want to end up eating you because of hunger. Otherwise, I'll be dead in agony." Spell creepy and sweet? Nakakatakot pero nakakakilig. Puwede naman palang mangyari 'yon ng sabay. First time niyang maranasan 'yon."So, gaano mo pala ako katagal iniwan dito?" tanong niya. Unconscious siya ng iwan nito kanina kaya hindi niya alam."Well, more than an hour?" tila sinusubukan nitong tantiyahin sa isip kung gaano nga ba siya katagal nito iniwan.Lalong sumama ang itsura ng kanyang mukha sa sinabi nito. Natigilan tuloy si Lestre at napatitig sa kanya.Ilang sandali pa ay binasag nito ang katahimikan ng gabi at humagalpak ng tawa. Nakakainis lang kasi. Guwapo pa rin ito habang nang-iinis at guwapo pa rin kahit tawang sira-ulo ang tawa nito. Sobrang bi
WALANG nagbukas ng gate para sa kanila, dahil halos wala nang matirang buhay sa bukana. Mayroon man ay duguan na rin ang iba at hindi na makagulapay, habang ang ilan naman ay nakikipaglaban pa. It feels dangerous everywhere she turn her eyes at bukod doon ay nagbabadya pa yatang umulan dahil madilim ang langit na para bang nakikiramay sa nakakalungkot na kasalukuyang nangyayari sa paligid. Puro dugo sa kahit saan at hindi niya maiwasang manginig sa takot. Ang mga nakikita niyang noon ay buhay at nagsisilbi sa mansyon, ngayon ay mga nakahandusay na sa sahig. Ang iba ay naghihingalo at ang iba ay wala nang buhay. Kabit-kabila ang sigawan, iyakan, mga tunog ng nababaling buto at halakhak ng kasamaan. Masangsang ang buing paligid at punung-puno ng pighati. Ang saya lang nila kahapon at kanina habang magkasama. Pero bakit sa isang iglap lamang ay biglang nagbago ang lahat?Naagaw nila ang pansin ng lahat nang sila ay dumating. Taga mansiyon man o mga nanloob ay nakatutok an