Partager

Chapter 1.2

Auteur: your.writter
last update Date de publication: 2026-03-19 13:43:42

Biglang may narinig na pamilyar na boses si Jiang Wan mula sa kanyang likuran, dahilan para manigas siya sa kanyang kinatatayuan.

​Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang telepono. Katatapos lang ng tawag niya tungkol sa paghahanap ng bagong matitirhan, isang hakbang para sa kanyang paglaya. Humarap siya kay Gabriel, ang lalaking hindi nagpakita ng buong araw, ang lalaking nangakong sasamahan siya sa Civil Registry Department para sa kanilang marriage certificate. Ngunit heto siya, nakatayo sa harap niya na tila walang kinalaman sa nangyari.

​"Sino 'yon?" tanong ni Gabriel, ang kanyang mga mata ay nanunuri.

​Pinanatili ni Lianne ang pagiging kalmado. "A friend wants to sell his house and asked me to help," maikli at walang emosyon niyang sagot.

​Hindi pa man siya natatapos magsalita ay napansin na niya ang aninong nakatago sa likuran ni Gabriel. Isang babaeng tila isang sugatang ibon na naghahanap ng masisilungan, si Elaine Manalo. Sa sandaling iyon ay nagdilim ang paningin ni Lianne, hindi dahil sa galit kundi dahil sa pagod. Ang pamilyar na siklo ay muling nagsisimula.

​Hindi man lang pinansin ni Gabriel ang paliwanag ni Lianne. "Elaine’s depression has relapsed," diretsong sabi nito, ang boses ay puno ng pag-aalala na kailanman ay hindi niya narinig para sa sarili niya. "I’m worried about leaving her alone at home, so I’m bringing her here to stay for a few days. Please tidy up the guest room."

​Isang utos. Hindi isang pakiusap kundi isang obligasyon na ibinabagsak sa kanyang mga balikat. Sa tabi ni Gabriel ay tila kabadong humawak si Elaine sa kamay ng lalaki, ang mga mata ay puno ng takot at kunwaring hiya habang nakatingin kay Lianne.

​"Gabriel, if it's inconvenient, let's forget about it," bulong ni Elaine, ang boses ay nanginginig. "I don't think Miss Lianne seems very willing either."

​Ang mga salitang iyon ay tila mga palasong sadyang itinudla kay Lianne. Wala pa siyang nasasabi ngunit sa paningin ni Gabriel ay siya na agad ang kontrabida. Ang bawat salita ni Elaine ay sadyang idinisenyo upang magmukha siyang api at si Lianne ang malupit.

​Agad na nagbago ang ekspresyon ni Gabriel, naging malamig at matalim ang kanyang tingin. "Lianne, there's a limit to throwing a tantrum. You know Elaine’s condition isn't good, yet you still made those comments to her."

​Natigilan si Lianne. What comments? Wala pa siyang binibitawang salita ngunit sa isip ni Gabriel ay nakasakit na siya.

​"You still won't let Elaine move in? How have you become so unreasonable? I don't like petty women," dagdag pa ni Gabriel, ang bawat salita ay tila sampal sa mukha ni Lianne.

Pagkatapos ay binitiwan niya ang huling hatol "Don't forget, I also have a share in this house, it's my right to decide who moves in. I'm just informing you, not asking for your opinion."

​Mula simula hanggang dulo ay nanatiling tahimik si Lianne. Pinanood niya ang dalawa na tila nanonood ng isang masamang dula. Inexplicable ang bigat ng mga akusasyong ibinabato sa kanya ngunit sa halip na maiyak ay nakaramdam siya ng pagnanais na tumawa, isang mapait na tawa.

​"Whatever," maikli niyang sagot.

​Tila nakalimutan ni Gabriel na ang bahay na ito ay nakapangalan sa kanya. Ngunit ano pa ang silbi ng pakikipagtalo kung gusto niyang dalhin ang kanyang "priority" sa loob ng kanilang tahanan. Sino si Lianne para humadlang? Walang kibo siyang tumalikod at naglakad paakyat ng hagdan. Ang bawat hakbang ay tila paglayo sa mga pangarap na binuo niya sa loob ng bahay na ito.

​Alam ni Lianne na habang narito si Elaine ay kailanman ay hindi titingin sa kanya si Xavier. Tulad na lang kanina pagkauwi nito, wala man lang paliwanag kung bakit hindi ito sumipot sa usapan nilang magpakasal. Ang tanging mahalaga rito ay ang kaligtasan ni Elaine.

​Siguro nga ay nakalimutan na rin ni Gabriel na dapat ay kukuha sila ng marriage certificate ngayong araw.

​Tuluyan nang sumuko si Lianne.

​ ​Pagdating sa kuwarto ay naligo muna si Lianne. Hinayaan niyang dumaloy ang malamig na tubig sa kanyang katawan, umaasang mahuhugasan nito ang bigat sa kanyang dibdib. Habang nasa loob ay narinig niya ang mga boses mula sa katabing kwarto. Doon niya napagtanto na ibinigay pala ni Gabriel ang sarili nitong kuwarto para kay Elaine.

​Wala siyang naramdamang kahit ano.

​Napagtanto ni Lianne na kapag tuluyan mo na palang binitawan ang isang tao ay ang mga bagay na dati ay ikinamamatay mo sa selos ay wala na lang sayo. Kahit pa magtabi ang dalawang iyon sa kama pakiramdam niya ay isa na lang itong eksena sa tv na wala siyang pakialam kung paano magtatapos. She truly didn't care anymore.

​Dahil doon ay kumalma ang kalooban ni Liane at dahan-dahang ipinikit ang kanyang mga mata. Habang papunta na siya sa malalim na pagtulog ay nakaramdam siya ng bahagyang paggalaw sa kanyang tabi.

​Maya-maya pa ay naramdaman ni Lianne ang isang mainit na yakap.

​Bahagyang nanigas ang kanyang katawan.​

Naramdaman niya ang hininga ni Gabriel sa kanyang leeg, ang yakap nito ay mahigpit at tila sinusubukang bawiin ang lahat ng pagkukulang sa isang gabi.

​"I'm sorry," bulong ni Gabriel, ang boses ay paos at puno ng pagsisisi. "I didn't mean to break our promise today., Elaine's condition is really serious. If I had arrived any later, she would have died."

​Nagpatuloy ang lalaki, hindi alam na ang bawat salita niya ay lalong nagpapalayo kay Lianne. "Lianne, ako na lang ang meron si Elaine. Hindi ko siya kayang iwan. Ipagpaliban muna natin ang pagkuha ng marriage certificate hanggang sa bumuti na ang lagay niya."

​"Pangako, bibigyan kita ng isang marangyang kasal pagkatapos nito. Habang nandito si Elaine, pakiusap, huwag ka nang gumawa ng gulo. Unahin muna natin si Elaine, okay? Babawi ako sa iyo pagkatapos."

​Put her first. Hanggang sa huli ang hiling ni Gabriel ay maging anino si Lianne sa sarili niyang buhay. Ang pagpapakumbaba nito ngayon ay hindi dahil sa mahal siya nito kundi dahil ayaw nitong magulo ang pananatili ni Elaine sa bahay.

​Puro pangalan ni Elaine ang lumalabas sa bibig nito at kahit pa nagpapakumbaba ito ay alam niyang ginagawa lang ito ni Gabriel dahil natatakot itong maapi niya si Elaine.

​Balak sana ni Lianne na magkunwaring tulog pero ngayong yakap siya ni Gabriel ay nakakaramdam siya ng pagkasuka.

​Sa huli ay dahan-dahan siyang kumawala sa yakap ng lalaki, tumalikod dito at sinabing, "Wala akong pakialam sa kung anong gawin ninyo ni Elaine, gawin mo ang gusto mo at hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin."

​"Lianne." Bakas ang inis sa tono ni Gabriel dahil para sa kanya ang sinabing iyon ni Lianne ay tanda ng pagrerebelde at pagsuway sa kanya.

​Ganito rin ang palaging inuugali ni Lianne tuwing nadadamay si Elaine.

​Pakiramdam ni Gabriel ay sapat na ang pagpapakumbaba na ginawa niya at wala nang saysay kung magpapatuloy pa si Lianne sa ganitong asal.

​Ramdam ni Lianne ang galit sa boses ni Gabriel pero nanatili siyang nakatalikod at hindi ito pinansin. Sa sobrang galit ay mabilis na bumangon si Gabriel mula sa kama. Madilim ang kanyang mukha at handa na sanang pagsabihan ang babae ngunit bago pa siya makapagsalita ay isang anino ang biglang sumugod mula sa labas ng pinto at mahigpit siyang niyakap mula sa likuran.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   CHAPTER 31.2

    Tahimik lamang si Lianne. Hindi siya sumagot agad. Tila ba nalunod siya sa lalim ng mga sinabi ni Xavier habang nakatitig ito nang diretso sa kaniya, matalim, kalmado, ngunit puno ng kakaibang determinasyon. “Lianne,” mahina ngunit mabigat nitong sambit, “the only way to survive in this world is to learn how to use your connections and resources wisely. If you keep clinging to useless principles while everything around you collapses, you’ll lose everything.” Nanatiling walang imik si Lianne. Ngunit sa loob-loob niya ay para siyang sinampal ng katotohanan. Matagal na niyang alam ang kalagayan ng pamilya nila. Mas alam pa niya kaysa kanino man kung gaano na ito kalubog. Ang kompanyang minsang naging simbolo ng kapangyarihan at prestihiyo ay isa na lamang gusaling unti-unting gumuho mula sa pundasyon nito. At ngayong tuluyan na niyang puputulin ang relasyon niya sa pamilyang Santos ay hindi niya maitatanggi na isa iyong napakalaking dagok lalo pa’t alam na ni Xavier ang lahat.

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   CHAPTER 31.1

    Tahimik lamang si Lianne.Ngunit habang tumatagal ang katahimikan niya ay lalong bumibigat ang ekspresyon ni Xavier. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya.“Lianne.”Mababa ngunit matigas ang tinig nito.Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Lianne at nagtama ang mga mata nila. Nanatiling kalmado ang mukha ni Xavier ngunit malinaw sa malamig nitong titig na seryoso ito.“I think there are things we need to talk about openly and honestly.”Nanigas nang bahagya ang likod ni Lianne.Hindi niya inaasahan ang biglang pagseryoso ng lalaki.Sa totoo lang ay mula pa kanina ay nararamdaman na niyang hindi maganda ang mood nito at alam niya rin kung bakit.Dahil sa ginawa niyang paglalagay ng malinaw na distansya sa pagitan nilang dalawa.Huminga siya nang marahan bago inayos ang kaniyang upo.“Go on.”Tahimik na bumagsak ang tingin ni Xavier sa mukha niya na tila sinusuri ang bawat emosyon na sinusubukan niyang itago.Hindi alam ni Lianne kung bakit, pero sa ilalim

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   CHAPTER 30.2

    Tahimik na nakalatag sa mesa ang ilang pahina ng listahan ng mga posibleng paglipatan ng studio ni Jiang Wan. May mga bilog, marka, at maliliit na notes sa gilid ng papel—mga bakas ng ilang gabing halos hindi siya natulog kakaisip kung paano niya muling sisimulan ang lahat.Sa kabilang side ng mesa ay mahinahong nakasandal si Xavier habang isa-isang tinuturo ang mga address na nakasulat.“This one,” mahinang sabi niya habang tinatapik ang isang lugar gamit ang dulo ng ballpen, “is only fifteen minutes away from the Santos residence.”Lumipat siya sa isa pang address.“And this, malapit naman sa current studio mo.”Bahagyang natigilan si Lianne.Nanatili siyang tahimik habang pinapanood ang seryosong ekspresyon ng lalaki. Hindi ito basta simpleng pagtingin sa mga lugar. Para bang matagal na nitong pinag-aralan ang bawat detalye.Xavier leaned back slightly before continuing in a calm voice.“I think,” marahan niyang sabi, “you subconsciously chose places connected to your old life.”Hu

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   CHAPTER 30.1

    Tahimik na naputol ang tawag halos kasabay ng pag-ring nito.Nanatiling nakatitig si Xavier sa screen ng kaniyang cellphon at bahagyang nakakunot ang noo habang nakalutang sa hangin ang maikling tunog ng failed call. Muli niyang idinial ang numero, ngunit gaya kanina ay agad din itong pinatay.Mabigat siyang napabuntong-hininga.Bago pa niya muling pindutin ang call button ay isang notification ang lumitaw sa screen.[Joy Buenavista]"Boss, I’m in a meeting right now. If you need anything, I’ll talk to you after the meeting, okay?"Sandaling nanahimik si Xavier habang nakatitig sa mensahe.Malamig ang ekspresyon niya, ngunit may bahagyang pagdududa sa ilalim ng kaniyang mga mata.Meeting?Ilang minuto lang ang nakalipas nang marinig niyang kausap nito si Lianne sa telepono. Ngayon naman ay biglang nasa meeting na?Hindi siya ganoon kadaling maniwala.Ngunit kahit may pag-aalinlangan ay wala na rin siyang balak pang tawagan ito ulit. Ayaw niyang magmukhang desperado sa pagkuha ng impor

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   CHAPTER 29.2

    Mariing umiling si Lianne, tila ba gusto niyang itaboy palayo ang lahat ng takot at pag-aalinlangan na matagal nang nakakadena sa kaniya.“Hinding-hindi ko na hahayaang kontrolin pa ako ni Gabriel,” malamig ngunit matatag niyang sabi. “This is only the first step. Simula pa lang ito ng paglaya ko.”Ang bawat salitang lumabas sa kaniyang bibig ay may bigat. Hindi iyon simpleng galit lamang, iyon ay sama ng loob na matagal niyang kinimkim. Mga taong ginugol niya sa pagpapakumbaba, pagtitiis, at pagsunod sa lalaking paulit-ulit siyang sinasaktan.Kaya pala siya nagmamadaling bumalik mula sa ospital.Hindi para magmakaawa.Hindi para manatiling tahimik.Kundi para tuluyang putulin ang natitira pang koneksiyon nila ni Gabriel.Sa tabi niya ay bahagyang kumurba ang labi ni Xavier. Halos hindi niya maitago ang amusement na sumilay sa mga mata niya.Batay sa paliwanag ni Lianne ay malinaw na siya ang dehado sa naging transaksiyon.At mukhang iyon mismo ang nais niyang ipakita.Nahagip ni Lian

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   CHAPTER 29.1

    Tahimik na napatitig si Lianne sa malamig na tasa ng kape sa harapan niya habang paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang pangalan ni James Sy.Hindi siya sigurado kung gaano kalaking halaga ang handang ilabas nito para mabili ang shares niya sa studio.Ngunit isang bagay ang sigurado siya, hindi palalagpasin ng lalaki ang pagkakataong insultuhin si Gabriel.At para kay Lianne ay sapat na iyon.Kung tutuusin ay makakawala siya kay Gabriel at makakakuha pa ng malaking halaga ng pera kapalit ng shares niya. Isang transaksyong walang lugi para sa kanya.Kaya bakit siya tatanggi?Sa kabilang sofa ay bahagyang ngumiti si Xavier habang marahang iniikot ang wine glass sa pagitan ng mga daliri niya. Ngunit ang ngiting iyon ay hindi umabot sa kanyang mga mata.“Gabriel and I are mortal enemies,” malamig niyang sabi. “Hindi mo man lang naisip na ibenta sa akin ang shares mo? We’re obviously closer now, aren’t we?”Natigilan si Lianne.Bahagyang kumurap ang mga mata niya.Kung tutuusin ay may pun

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   CHAPTER 4.1

    Tahimik ang loob ng sasakyan, ngunit sa loob ng isip ni Lianne ay tila may namumuong bagyo. Habang binabaybay ang pamilyar na daan pauwi sa kanilangg mansyon ay biglang nabulabog ang katahimikan ng malakas na pagtunog ng kanyang telepono. Pagtingin niya dito ay nakita niya ang pangalan ni Gabriel.

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   Chapter 3.2

    Sa gitna ng marangyang sala ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo para kay Elaine. Sa isang kisapmata ay bumagsak siya sa malamig na sahig sa harap mismo ni Gabriel. Ang kanyang buhok na dati’y maayos ay gulo-gulo na ngayon at ang kanyang mga mata ay nanlalaki sa hindi maipaliwanag na gulat. Blanko

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   Chapter 3.1

    Ang bango ng bagong gawang kape ay madalas na nagbibigay sa akin ng kapanatagan ngunit sa umagang ito ay ang samyo nito ay tila babala ng isang paparating na bagyo. Hawak ko ang tasa, dinaramdam ang init nito sa aking palad habang nakatayo sa tapat ni Elaine. Sa bawat segundong lumilipas, ramdam ko

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   Chapter 2.2

    Bahagyang nanginig ang mga balikat ni Lianne, hindi dahil sa takot kundi dahil sa matinding pagkamangha sa lantarang pagtatanggol ni Gabriel kay Elaine. Isang mapait na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakatingin sa dalawa. Ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Gabriel ay tila lason

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status