MasukMalamig ang ihip ng hangin sa loob ng kuwarto ngunit mas malamig ang atmosperang namumuo sa pagitan ng tatlong taong tila nakapiit sa isang laro ng sumbatan at pagpapanggap. Sa gitna ng tensyon ay binasag ito ng isang boses na puno ng panginginig, ang bawat panginginig nito ay tila isang pagsamo na humihingi ng kalinga sa sinumang makakarinig
"Gabriel, I’m a little scared to be alone..." Galing ang tinig na iyon sa likuran ni Gabriel. Si Elaine na tila isang sugatang ibon, ay nakatayo doon na tila ba ang buong mundo ay isang malupit na lugar para sa kaniya. Hindi nag-atubili si Gabriel at agad niyang inabot at hinawakan ang kamay ni Elaine, ang kaniyang mga daliri ay mahigpit na pumulupot dito bilang pag-alo. "What’s wrong? Are you not used to the unfamiliar environment?" malambot na tanong ni Gabriel. Ang kanyang boses na dati ay matigas at matuwid kay Lianne ay biglang nagbago tungo sa isang himig na puno ng pagkalinga. Tumango lang si Elaine, ang kanyang labi ay bahagyang nakagat, isang senyales ng kahinaan na alam niyang hindi matatanggihan ni Gabriel at sa bawat paggalaw niya ay tila tinutusok ang puso ni Gabriel sa awa. "I'm here with you, don't be afraid," pagtitiyak niya na tila ba nakalimutan na may isa pang tao sa silid na iyon na mas may karapatan sa kaniyang atensyon. Lumingon siya kay Elaine na tila ba noon lang niya napagtanto ang presensya nito. "I'm sorry... did I... disturb you and Lianne?" tanong ni Elaine, ang kanyang boses ay tila pilit na pinapakalma. "I know Lianne doesn't really welcome me here, Gabriel. It’s all my fault. Please don’t argue with her because of me. I should just leave." Napatingin si Gabriel kay Lianne nang hindi nag-iisip. Ang kanyang tingin ay hindi puno ng pagmamahal kundi ng panghuhusga. "No, she’s not that young—" Bago pa man matapos ni Gabriel ang kanyang sasabihin ay tumayo na si Lianne. Ang tindig nito ay tuwid at ang kanyang mukha ay walang emosyon maliban sa isang mapait at sarkastikong ngiti na gumuhit sa kanyang mga labi. Alam ni Lianne ang bawat galaw ni Elaine. Alam niya ang bawat lason na lumalabas sa bibig nito. "Take care," putol ni Lianne sa asawa, ang boses ay malamig at puno ng pinalidad. "Don’t bother seeing me off. In fact, if you want to leave, the door is wide open." Hindi na nakapagtimpi si Lianne. Kahit ang pinakamabait na tao ay may hangganan, at si Lianne ay matagal nang sagad sa pagtitimpi. Alam niyang ginagamit ni Elaine ang bawat pagkakataon para magmukhang kontrabida siya sa sarili niyang pamamahay. Nagulat si Elaine. Hindi niya inaasahan na si Lianne na madalas ay nananatiling tahimik at mapagparaya ay direkta siyang itataboy. Mabilis na kumurap ang kanyang mga matang namumula at muling tumingin kay Gabriel na tila isang biktima ng karahasan. Nang makita ni Gabriel ang "pang-aapi" ni Lianne ay agad na nagdilim ang kanyang paningin. "Lianne, don't go too far! Ako ang nagdala kay Elaine rito. Who gave you the right to kick her out?" "Gabriel, look at her—" susubukan sana ni Lianne na magpaliwanag ngunit huli na. "Elaine's depression has flared up again!" sigaw ni Gabriel, ang kanyang boses ay umaalingawngaw sa dingding. "Why are you being so aggressive and relentless with her? How did you become like this, Lianne? Nasaan na ang babaeng minahal ko? Bakit ang tigas na ng puso mo?" Ang mga salitang iyon ay tumarak sa puso ni Lianne. How did I become like this? Gusto niyang tumawa nang malakas. Naging ganito siya dahil sa bawat pangakong napako, sa bawat gabing hindi siya pinili at sa bawat kasinungalingang tinanggap niya para lamang mapanatili ang kanilang relasyon. Hindi na hinintay ni Gabriel ang sagot ni Lianne. Mabilis siyang lumingon kay Elaine at pinunasan ang mga luhang pilit na inilalabas nito. "Elaine, it's okay. You're fine as long as I'm here, I will never let her bully you." Dahan-dahang sumandal si Elaine sa mga bisig ni Gabriel, ang kaniyang mukha ay nakatago sa dibdib nito. "I know you feel sorry for me, Gabriel... but Lianne is your fiancée after all. It's my fault, I've been too dependent on you. I know I’m wrong to do this but you’re all I have left now. I don’t know who else to turn to." Ang kaniyang boses ay naging bulong ngunit bawat salita ay malinaw na naririnig ni Lianne. Sa sandaling iyon habang nakayakap siya kay Gabriel ay sumulyap siya kay Lianne mula sa gilid ng kaniyang mga mata. Ang kanyang mga mata ay nagbago, wala na ang takot doon at ang naroon ay isang mapaghamong tingin, isang deklarasyon ng digmaan. Ang kanyang mga labi ay bumuo ng mga salitang walang tunog, You lost. Admit it, you can't beat me. Akala ni Liane ay manhid na siya. Akala niya ay wala nang sakit na kayang i****k sa kaniyang dibdib pagkatapos ng lahat ng pasakit na dinaanan niya sa piling ni Gabriel ngunit nang makita niya kung gaano kabilis protektahan ng kaniyang magiging asawa ang ibang babae nang walang pag-aalinlangan ay muling kumirot ang sugat na kailanman ay hindi naghilom. Gayunpaman ay hindi pinayagan ni Lianne ang sarili na bumagsak. Inayos niya ang kanyang pagkakatayo at tiningnan ang dalawa nang may nagyeyelong titig. Ang init ng kaniyang pag-ibig noon ay tuluyan nang naglaho at napalitan ng isang matigas na determinasyon. "Get out," maikli ngunit mariing utos ni Lianne. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay nakita ni Gabriel ang isang bagay na hindi niya inaasahan, isang kalmado at hindi matitinag na pananaw. Bigla siyang nakaramdam ng isang hindi maipaliwanag na kaba. Alam niya kung gaano siya kamahal ni Lianne. Alam niya ang bawat sakripisyong ginawa nito para sa kaniya. Sa mga nakaraang pagkakataon kaunting pag-amo lang at paglalambing ay sapat na para bumalik ang ngiti sa mga labi nito. Ngunit ngayon ay tila may nagbago, may nabasag sa loob ni Lianne na hindi na kayang buuin ng anumang paumanhin. Bago pa makapagsalita si Gabriel ay kumalas si Elaine sa kanyang yakap. Lumapit ito kay Lianne nang may takot sa bawat hakbang. Inabot nito ang kaniyang kamay na tila nagmamakaawa. "Lianne, are you still angry? It's my fault, I apologize to you, please don't hold a grudge against Gabriel." Sa sandaling nagtama ang kanilang mga balat ay mabilis na binawi ni Lianne ang kaniyang kamay. Ang ideya pa lang na mahawakan siya ng babaeng ito ay nagdudulot na ng matinding pandidiri sa kaniyang buong pagkatao. "Don't touch me!" bulyaw ni Lianne habang iwinawaksi ang kamay ng babae. Ngunit sa isang kisapmata ay sumigaw si Elaine na tila itinulak ng isang malakas na pwersa. Bumagsak siya sa sahig sa mismong paanan ni Gabriel at ang kaniyang katawan ay tila walang kalaban-laban. "Elaine!" Agad na lumuhod si Gabriel at binuhat ang babae na tila isang prinsesa. Kasabay nito ang paghagulgol ni Elaine. "Gabriel... it's not Lianne's fault... I made her angry. It's normal for her to vent. Please, don't blame her. I just wanted to say sorry..." Sa pamamagitan ng ilang salita ay matagumpay na nailipat ni Elaine ang lahat ng sisi kay Lianne. Ang bawat salita ay tila kumpirmasyon na itinulak nga siya. Ngunit alam ni Lianne sa kaniyang sarili na hindi man lang niya ito nasagi. Ang pagbagsak ni Elaine ay isang perpektong galaw ng panlilinlang. Gaya ng inaasahan ay lumingon si Gabriel kay Lianne, ang kaniyang mga mata ay puno ng matinding galit at pagkadismaya. "Lianne, don't go too far! Mag-sorry ka kay Elaine ngayon din!" Ang utos ni Gabriel ay parang isang sampal. Nanindig ang balahibo ni Lianne, hindi dahil sa takot kundi dahil sa matinding pagkamuhi. Ang lalaking nangakong proprotektahan siya ay siya mismong humihingi ng kanyang pagluhod para sa isang kasinungalingan. "I said, apologize to her!" ulit ni Gabriel, ang kanyang boses ay puno ng poot. Tumingin si Lianne kay Gabriel at sa pagkakataong ito ay wala nang luha sa kanyang mga mata. Ang tanging natira lamang ay ang malamig na katotohanan na ang pag-ibig na kanyang ipinaglaban ay matagal na palang patay.Tahimik lamang si Lianne. Hindi siya sumagot agad. Tila ba nalunod siya sa lalim ng mga sinabi ni Xavier habang nakatitig ito nang diretso sa kaniya, matalim, kalmado, ngunit puno ng kakaibang determinasyon. “Lianne,” mahina ngunit mabigat nitong sambit, “the only way to survive in this world is to learn how to use your connections and resources wisely. If you keep clinging to useless principles while everything around you collapses, you’ll lose everything.” Nanatiling walang imik si Lianne. Ngunit sa loob-loob niya ay para siyang sinampal ng katotohanan. Matagal na niyang alam ang kalagayan ng pamilya nila. Mas alam pa niya kaysa kanino man kung gaano na ito kalubog. Ang kompanyang minsang naging simbolo ng kapangyarihan at prestihiyo ay isa na lamang gusaling unti-unting gumuho mula sa pundasyon nito. At ngayong tuluyan na niyang puputulin ang relasyon niya sa pamilyang Santos ay hindi niya maitatanggi na isa iyong napakalaking dagok lalo pa’t alam na ni Xavier ang lahat.
Tahimik lamang si Lianne.Ngunit habang tumatagal ang katahimikan niya ay lalong bumibigat ang ekspresyon ni Xavier. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya.“Lianne.”Mababa ngunit matigas ang tinig nito.Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Lianne at nagtama ang mga mata nila. Nanatiling kalmado ang mukha ni Xavier ngunit malinaw sa malamig nitong titig na seryoso ito.“I think there are things we need to talk about openly and honestly.”Nanigas nang bahagya ang likod ni Lianne.Hindi niya inaasahan ang biglang pagseryoso ng lalaki.Sa totoo lang ay mula pa kanina ay nararamdaman na niyang hindi maganda ang mood nito at alam niya rin kung bakit.Dahil sa ginawa niyang paglalagay ng malinaw na distansya sa pagitan nilang dalawa.Huminga siya nang marahan bago inayos ang kaniyang upo.“Go on.”Tahimik na bumagsak ang tingin ni Xavier sa mukha niya na tila sinusuri ang bawat emosyon na sinusubukan niyang itago.Hindi alam ni Lianne kung bakit, pero sa ilalim
Tahimik na nakalatag sa mesa ang ilang pahina ng listahan ng mga posibleng paglipatan ng studio ni Jiang Wan. May mga bilog, marka, at maliliit na notes sa gilid ng papel—mga bakas ng ilang gabing halos hindi siya natulog kakaisip kung paano niya muling sisimulan ang lahat.Sa kabilang side ng mesa ay mahinahong nakasandal si Xavier habang isa-isang tinuturo ang mga address na nakasulat.“This one,” mahinang sabi niya habang tinatapik ang isang lugar gamit ang dulo ng ballpen, “is only fifteen minutes away from the Santos residence.”Lumipat siya sa isa pang address.“And this, malapit naman sa current studio mo.”Bahagyang natigilan si Lianne.Nanatili siyang tahimik habang pinapanood ang seryosong ekspresyon ng lalaki. Hindi ito basta simpleng pagtingin sa mga lugar. Para bang matagal na nitong pinag-aralan ang bawat detalye.Xavier leaned back slightly before continuing in a calm voice.“I think,” marahan niyang sabi, “you subconsciously chose places connected to your old life.”Hu
Tahimik na naputol ang tawag halos kasabay ng pag-ring nito.Nanatiling nakatitig si Xavier sa screen ng kaniyang cellphon at bahagyang nakakunot ang noo habang nakalutang sa hangin ang maikling tunog ng failed call. Muli niyang idinial ang numero, ngunit gaya kanina ay agad din itong pinatay.Mabigat siyang napabuntong-hininga.Bago pa niya muling pindutin ang call button ay isang notification ang lumitaw sa screen.[Joy Buenavista]"Boss, I’m in a meeting right now. If you need anything, I’ll talk to you after the meeting, okay?"Sandaling nanahimik si Xavier habang nakatitig sa mensahe.Malamig ang ekspresyon niya, ngunit may bahagyang pagdududa sa ilalim ng kaniyang mga mata.Meeting?Ilang minuto lang ang nakalipas nang marinig niyang kausap nito si Lianne sa telepono. Ngayon naman ay biglang nasa meeting na?Hindi siya ganoon kadaling maniwala.Ngunit kahit may pag-aalinlangan ay wala na rin siyang balak pang tawagan ito ulit. Ayaw niyang magmukhang desperado sa pagkuha ng impor
Mariing umiling si Lianne, tila ba gusto niyang itaboy palayo ang lahat ng takot at pag-aalinlangan na matagal nang nakakadena sa kaniya.“Hinding-hindi ko na hahayaang kontrolin pa ako ni Gabriel,” malamig ngunit matatag niyang sabi. “This is only the first step. Simula pa lang ito ng paglaya ko.”Ang bawat salitang lumabas sa kaniyang bibig ay may bigat. Hindi iyon simpleng galit lamang, iyon ay sama ng loob na matagal niyang kinimkim. Mga taong ginugol niya sa pagpapakumbaba, pagtitiis, at pagsunod sa lalaking paulit-ulit siyang sinasaktan.Kaya pala siya nagmamadaling bumalik mula sa ospital.Hindi para magmakaawa.Hindi para manatiling tahimik.Kundi para tuluyang putulin ang natitira pang koneksiyon nila ni Gabriel.Sa tabi niya ay bahagyang kumurba ang labi ni Xavier. Halos hindi niya maitago ang amusement na sumilay sa mga mata niya.Batay sa paliwanag ni Lianne ay malinaw na siya ang dehado sa naging transaksiyon.At mukhang iyon mismo ang nais niyang ipakita.Nahagip ni Lian
Tahimik na napatitig si Lianne sa malamig na tasa ng kape sa harapan niya habang paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang pangalan ni James Sy.Hindi siya sigurado kung gaano kalaking halaga ang handang ilabas nito para mabili ang shares niya sa studio.Ngunit isang bagay ang sigurado siya, hindi palalagpasin ng lalaki ang pagkakataong insultuhin si Gabriel.At para kay Lianne ay sapat na iyon.Kung tutuusin ay makakawala siya kay Gabriel at makakakuha pa ng malaking halaga ng pera kapalit ng shares niya. Isang transaksyong walang lugi para sa kanya.Kaya bakit siya tatanggi?Sa kabilang sofa ay bahagyang ngumiti si Xavier habang marahang iniikot ang wine glass sa pagitan ng mga daliri niya. Ngunit ang ngiting iyon ay hindi umabot sa kanyang mga mata.“Gabriel and I are mortal enemies,” malamig niyang sabi. “Hindi mo man lang naisip na ibenta sa akin ang shares mo? We’re obviously closer now, aren’t we?”Natigilan si Lianne.Bahagyang kumurap ang mga mata niya.Kung tutuusin ay may pun
Tahimik ang loob ng sasakyan, ngunit sa loob ng isip ni Lianne ay tila may namumuong bagyo. Habang binabaybay ang pamilyar na daan pauwi sa kanilangg mansyon ay biglang nabulabog ang katahimikan ng malakas na pagtunog ng kanyang telepono. Pagtingin niya dito ay nakita niya ang pangalan ni Gabriel.
Sa gitna ng marangyang sala ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo para kay Elaine. Sa isang kisapmata ay bumagsak siya sa malamig na sahig sa harap mismo ni Gabriel. Ang kanyang buhok na dati’y maayos ay gulo-gulo na ngayon at ang kanyang mga mata ay nanlalaki sa hindi maipaliwanag na gulat. Blanko
Ang bango ng bagong gawang kape ay madalas na nagbibigay sa akin ng kapanatagan ngunit sa umagang ito ay ang samyo nito ay tila babala ng isang paparating na bagyo. Hawak ko ang tasa, dinaramdam ang init nito sa aking palad habang nakatayo sa tapat ni Elaine. Sa bawat segundong lumilipas, ramdam ko
Bahagyang nanginig ang mga balikat ni Lianne, hindi dahil sa takot kundi dahil sa matinding pagkamangha sa lantarang pagtatanggol ni Gabriel kay Elaine. Isang mapait na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakatingin sa dalawa. Ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Gabriel ay tila lason
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






