共有

Chapter 2.2

作者: your.writter
last update 公開日: 2026-03-19 13:52:37

Bahagyang nanginig ang mga balikat ni Lianne, hindi dahil sa takot kundi dahil sa matinding pagkamangha sa lantarang pagtatanggol ni Gabriel kay Elaine. Isang mapait na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakatingin sa dalawa. Ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Gabriel ay tila lason na dahan-dahang pumapatay sa anumang natitirang respeto niya para sa lalaki.

 

"I didn't push her, Gabriel," diretsahang pahayag ni Lianne. Walang panginginig sa kanyang boses, tanging gilas at paninindigan. "So tell me, why on earth should I apologize? Kung hindi mo na kayang gamitin nang maayos ang mga mata mo para makita ang katotohanan, then maybe you should just donate them to someone who actually needs them."

Nanatiling matatag si Lianne dahil alam niya ang totoo at hinding-hindi niya dudungisan ang sariling dangal para lang sa isang kasinungalingang pilit na isinusubsob sa kaniya.

Dahil sa kanyang naging sagot ay tila mas lalong nag-apoy ang galit sa mga mata ni Gabriel. "You are simply unreasonable! Kailan ka pa naging ganito katuso at kawalang-puso?" asik ng lalaki.

"Heh." Isang maikling tawa ang itinugon ni Lianne. Isang tawang puno ng pait at kawalan ng pakialam. Ayaw na niyang makipagtalo sa isang taong sarado na ang isip dahil alam niyang kahit anong paliwanag ang gawin niya, sa mata ni Gabriel ay siya na ang kontrabida.

 

Sa gitna ng tensyon ay humikbi si Elaine at marahang hinila ang laylayan ng damit ni Gabriel. “Please, stop. I think I twisted my ankle... it hurts so much, I can barely stand," bulong nito habang ang mga luha ay muling nagsimulang pumatak sa kanyang mga pisngi.Ang bawat patak ng luhang iyon ay tila sumusugat sa puso ng lalaki. Muling lumingon si Gabriel kay Lianne at ang kaniyang tingin ay puno ng poot at banta. "You'd better pray that Elaine is alright dahil kapag may nangyaring masama sa kaniya ay sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ito."

 

Tinalikuran siya ni Gabriel at mabilis na binuhat si Elaine palabas ng silid. Pinanood ni Lianne ang papalayong likod ng lalaki. Ang bawat hakbang nito palayo ay tila pagguho rin ng pundasyon ng kanilang pinagsamahan. Nakaramdam siya ng matinding pagkasuklam, hindi lang kay Gabriel kundi maging sa sarili niya dahil hinayaan niyang umabot sila sa puntong ito.

 

Kahit gaano mo pa ihanda ang sarili mo, kahit alam mo na kung gaano kahalaga si Elaine sa kanya ay iba pa rin pala kapag nakikita na ng sarili mong mga mata ang katotohanan. May kung anong kumikirot sa kaniyang dibdib, isang mapurol na sakit na kalaunan ay napalitan ng ganap na pamamanhid.

 

Nang makaalis ang dalawa ay dahan-dahang bumalik si Lianne sa kama. Humiga siya ngunit nanatiling dilat ang mga mata dahil sa tuwing ipipikit niya ang mga ito ay ang galit at mapanghusgang mukha ni Gabriel ang tanging nakikita niya. Ang gabing iyon ay naging mahaba at puno ng balisa. Halos hindi siya dinalaw ng antok at kung makaidlip man ay agad ding nagigising dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman.

 

Hindi naging mahimbing ang tulog ni Lianne nang gabing iyon. Pabalik-balik siya sa kaniyang hinihigaan at pilit na tinatakasan ang mga imaheng sumisira sa kaniyang kapayapaan. Pagdating ng umaga ay sinalubong siya ng matinding hilo at panghihina ng katawan. Habang bumababa siya ng hagdan ay tila may mga martilyong pumupukpok sa kaniyang sentido.

 

Dinala siya ng kaniyang mga paa patungo sa kusina. Sa ganitong oras noon ay abalang-abala na siya sa pagluluto ng millet porridge para kay Gabriel dahil alam niyang mahina ang sikmura ng lalaki simula pa noong bata ito at mula nang magsama sila ay si Lianne na ang nagmistulang kaniyang tagapagligtas sa bawat pagkain sa loob ng maghapon. Kahit kailan ay hindi nagustuhan ni Lianne ang lugaw ngunit dahil sa pagmamahal ay ilang taon siyang kumain nito kasabay ni Gabriel.

 

Awtomatiko niyang binuksan ang lalagyan para hugasan ang bigas ngunit biglang napatigil siya at napatitig sa kanyang sariling mga kamay. Some habits are truly terrifying sa loob loob niya. Nakakatakot kung paano tayo ikinukulong ng ating mga nakasanayan sa isang mundong wala na palang puwang para sa atin.

 

Mabilis niyang ibinalik ang bigas sa lalagyan at nagpasya na lamang na maghanda ng isang simpleng Western-style breakfast. Ilang sandali pa ay nagtimpla na rin siya ng black coffee at inihain ang kaniyang ginawang sandwich sa mesa. Ngunit bago pa man siya makaupo ay isang pamilyar na bulto ang humarang sa kaniyang paningin.

Si Elaine. Nakasuot ito ng isang low-cut dress na tila sadyang ipinangangalandakan ang bawat kurba ng kaniyang katawan. "Lianne, you're in such a good mood. I thought you'd be too sad to sleep last night," wika nito sa isang malambing ngunit nakakalason na boses.

 

Hindi kumibo si Lianne ngunit hindi niya maiwasang mapansin ang mga bakas sa leeg at collarbone ni Elaine. Malinaw na mga pulang marka, mga bakas na tila sadyang ipinapakita sa kanya. Nang mapansin ni Elaine ang tingin ni Lianne ay mas lalo itong nagtaas ng noo nang may pagmamalaki.

 

"Oh, these?" biro ni Elaine habang hinahawakan ang kanyang leeg at humagikhik. "Gabriel is really something, you know? I kept telling him to be gentle last night, na wag siyang mag-iiwan ng marka but he just wouldn't listen. He's so... passionate when it comes to me."

 

Ang bawat salita ay tila isang patalim na nais sumaksak sa puso ni Lianne. Lumapit pa ito nang bahagya at bumulong,  ang kaniyang tinig ay puno ng pangungutya. "Gabriel told me you're so boring in bed. He said he doesn't even want to touch you anymore. How can you be so pathetic? Honestly, if I were in your position, I would just want to bang my head against the wall and die. Your existence in this house is a joke."

 

Nanatiling tikom ang bibig ni Lianne. Nakatingin lang siya sa kape niya, walang emosyong mababakas sa kanyang mukha. Ang katahimikang ito ni Lianne ay lalong nagpainit ng ulo ni Elaine. Inaasahan niyang magagalit ito, sisigaw, o iiyak, pero para lang siyang sumuntok sa hangin.

 

 

"What? No witty comeback? You're just going to stand there like a statue?" asik ni Elaine, ang kanyang mga mata ay naniningkit sa inis.

 

Ngunit bago pa man makasagot si Lianne ay napansin ni Elaine mula sa gilid ng kanyang mga mata ang isang pigurang pababa ng hagdan, si Gabriel.

 

Sa isang iglap ay nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Elaine. Mula sa pagiging mapang-api ay bigla itong naging mukhang biktima. Humakbang siya palapit kay Lianne, ang kanyang mga mata ay biglang nagtubig, handa na namang magsimula ng panibagong palabas sa harap ng lalaking mahal na mahal siya o ang bersyon ng katotohanan na gusto niyang ipakita.

 

Lianne tightened her grip on her coffee cup. The real battle for the day had just begun.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   CHAPTER 31.2

    Tahimik lamang si Lianne. Hindi siya sumagot agad. Tila ba nalunod siya sa lalim ng mga sinabi ni Xavier habang nakatitig ito nang diretso sa kaniya, matalim, kalmado, ngunit puno ng kakaibang determinasyon. “Lianne,” mahina ngunit mabigat nitong sambit, “the only way to survive in this world is to learn how to use your connections and resources wisely. If you keep clinging to useless principles while everything around you collapses, you’ll lose everything.” Nanatiling walang imik si Lianne. Ngunit sa loob-loob niya ay para siyang sinampal ng katotohanan. Matagal na niyang alam ang kalagayan ng pamilya nila. Mas alam pa niya kaysa kanino man kung gaano na ito kalubog. Ang kompanyang minsang naging simbolo ng kapangyarihan at prestihiyo ay isa na lamang gusaling unti-unting gumuho mula sa pundasyon nito. At ngayong tuluyan na niyang puputulin ang relasyon niya sa pamilyang Santos ay hindi niya maitatanggi na isa iyong napakalaking dagok lalo pa’t alam na ni Xavier ang lahat.

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   CHAPTER 31.1

    Tahimik lamang si Lianne.Ngunit habang tumatagal ang katahimikan niya ay lalong bumibigat ang ekspresyon ni Xavier. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya.“Lianne.”Mababa ngunit matigas ang tinig nito.Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Lianne at nagtama ang mga mata nila. Nanatiling kalmado ang mukha ni Xavier ngunit malinaw sa malamig nitong titig na seryoso ito.“I think there are things we need to talk about openly and honestly.”Nanigas nang bahagya ang likod ni Lianne.Hindi niya inaasahan ang biglang pagseryoso ng lalaki.Sa totoo lang ay mula pa kanina ay nararamdaman na niyang hindi maganda ang mood nito at alam niya rin kung bakit.Dahil sa ginawa niyang paglalagay ng malinaw na distansya sa pagitan nilang dalawa.Huminga siya nang marahan bago inayos ang kaniyang upo.“Go on.”Tahimik na bumagsak ang tingin ni Xavier sa mukha niya na tila sinusuri ang bawat emosyon na sinusubukan niyang itago.Hindi alam ni Lianne kung bakit, pero sa ilalim

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   CHAPTER 30.2

    Tahimik na nakalatag sa mesa ang ilang pahina ng listahan ng mga posibleng paglipatan ng studio ni Jiang Wan. May mga bilog, marka, at maliliit na notes sa gilid ng papel—mga bakas ng ilang gabing halos hindi siya natulog kakaisip kung paano niya muling sisimulan ang lahat.Sa kabilang side ng mesa ay mahinahong nakasandal si Xavier habang isa-isang tinuturo ang mga address na nakasulat.“This one,” mahinang sabi niya habang tinatapik ang isang lugar gamit ang dulo ng ballpen, “is only fifteen minutes away from the Santos residence.”Lumipat siya sa isa pang address.“And this, malapit naman sa current studio mo.”Bahagyang natigilan si Lianne.Nanatili siyang tahimik habang pinapanood ang seryosong ekspresyon ng lalaki. Hindi ito basta simpleng pagtingin sa mga lugar. Para bang matagal na nitong pinag-aralan ang bawat detalye.Xavier leaned back slightly before continuing in a calm voice.“I think,” marahan niyang sabi, “you subconsciously chose places connected to your old life.”Hu

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   CHAPTER 30.1

    Tahimik na naputol ang tawag halos kasabay ng pag-ring nito.Nanatiling nakatitig si Xavier sa screen ng kaniyang cellphon at bahagyang nakakunot ang noo habang nakalutang sa hangin ang maikling tunog ng failed call. Muli niyang idinial ang numero, ngunit gaya kanina ay agad din itong pinatay.Mabigat siyang napabuntong-hininga.Bago pa niya muling pindutin ang call button ay isang notification ang lumitaw sa screen.[Joy Buenavista]"Boss, I’m in a meeting right now. If you need anything, I’ll talk to you after the meeting, okay?"Sandaling nanahimik si Xavier habang nakatitig sa mensahe.Malamig ang ekspresyon niya, ngunit may bahagyang pagdududa sa ilalim ng kaniyang mga mata.Meeting?Ilang minuto lang ang nakalipas nang marinig niyang kausap nito si Lianne sa telepono. Ngayon naman ay biglang nasa meeting na?Hindi siya ganoon kadaling maniwala.Ngunit kahit may pag-aalinlangan ay wala na rin siyang balak pang tawagan ito ulit. Ayaw niyang magmukhang desperado sa pagkuha ng impor

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   CHAPTER 29.2

    Mariing umiling si Lianne, tila ba gusto niyang itaboy palayo ang lahat ng takot at pag-aalinlangan na matagal nang nakakadena sa kaniya.“Hinding-hindi ko na hahayaang kontrolin pa ako ni Gabriel,” malamig ngunit matatag niyang sabi. “This is only the first step. Simula pa lang ito ng paglaya ko.”Ang bawat salitang lumabas sa kaniyang bibig ay may bigat. Hindi iyon simpleng galit lamang, iyon ay sama ng loob na matagal niyang kinimkim. Mga taong ginugol niya sa pagpapakumbaba, pagtitiis, at pagsunod sa lalaking paulit-ulit siyang sinasaktan.Kaya pala siya nagmamadaling bumalik mula sa ospital.Hindi para magmakaawa.Hindi para manatiling tahimik.Kundi para tuluyang putulin ang natitira pang koneksiyon nila ni Gabriel.Sa tabi niya ay bahagyang kumurba ang labi ni Xavier. Halos hindi niya maitago ang amusement na sumilay sa mga mata niya.Batay sa paliwanag ni Lianne ay malinaw na siya ang dehado sa naging transaksiyon.At mukhang iyon mismo ang nais niyang ipakita.Nahagip ni Lian

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   CHAPTER 29.1

    Tahimik na napatitig si Lianne sa malamig na tasa ng kape sa harapan niya habang paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang pangalan ni James Sy.Hindi siya sigurado kung gaano kalaking halaga ang handang ilabas nito para mabili ang shares niya sa studio.Ngunit isang bagay ang sigurado siya, hindi palalagpasin ng lalaki ang pagkakataong insultuhin si Gabriel.At para kay Lianne ay sapat na iyon.Kung tutuusin ay makakawala siya kay Gabriel at makakakuha pa ng malaking halaga ng pera kapalit ng shares niya. Isang transaksyong walang lugi para sa kanya.Kaya bakit siya tatanggi?Sa kabilang sofa ay bahagyang ngumiti si Xavier habang marahang iniikot ang wine glass sa pagitan ng mga daliri niya. Ngunit ang ngiting iyon ay hindi umabot sa kanyang mga mata.“Gabriel and I are mortal enemies,” malamig niyang sabi. “Hindi mo man lang naisip na ibenta sa akin ang shares mo? We’re obviously closer now, aren’t we?”Natigilan si Lianne.Bahagyang kumurap ang mga mata niya.Kung tutuusin ay may pun

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   CHAPTER 4.1

    Tahimik ang loob ng sasakyan, ngunit sa loob ng isip ni Lianne ay tila may namumuong bagyo. Habang binabaybay ang pamilyar na daan pauwi sa kanilangg mansyon ay biglang nabulabog ang katahimikan ng malakas na pagtunog ng kanyang telepono. Pagtingin niya dito ay nakita niya ang pangalan ni Gabriel.

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   Chapter 3.2

    Sa gitna ng marangyang sala ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo para kay Elaine. Sa isang kisapmata ay bumagsak siya sa malamig na sahig sa harap mismo ni Gabriel. Ang kanyang buhok na dati’y maayos ay gulo-gulo na ngayon at ang kanyang mga mata ay nanlalaki sa hindi maipaliwanag na gulat. Blanko

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   Chapter 3.1

    Ang bango ng bagong gawang kape ay madalas na nagbibigay sa akin ng kapanatagan ngunit sa umagang ito ay ang samyo nito ay tila babala ng isang paparating na bagyo. Hawak ko ang tasa, dinaramdam ang init nito sa aking palad habang nakatayo sa tapat ni Elaine. Sa bawat segundong lumilipas, ramdam ko

  • The Bride-to-Be's Revenge: Marrying Her Ex's Sworn Enemy   Chapter 2.1

    Malamig ang ihip ng hangin sa loob ng kuwarto ngunit mas malamig ang atmosperang namumuo sa pagitan ng tatlong taong tila nakapiit sa isang laro ng sumbatan at pagpapanggap. Sa gitna ng tensyon ay binasag ito ng isang boses na puno ng panginginig, ang bawat panginginig nito ay tila isang pagsamo na

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status