Share

Chapter 14

Author: Gemekek
last update Last Updated: 2025-07-21 20:45:55

Caelith’s POV

“Eli, sa loob ng limang taon tayong mag kasama bilang mag-asawa, ang dami kong pagkukulang. Pero ikaw, andiyan ka pa rin—tahimik, maunawain. Sobrang nagpapasalamat ako sayo.”

Nakatingin pa rin siya sa akin.

“Alam kong hindi ako naging perpekto, pero pinapangako ko… mula ngayon, ikaw lang ang nasa puso at mga mata ko. Gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda.”

Paulit-ulit niyang sinabi ‘yan, with his practiced sincerity na parang eksena sa pelikula. Kung ibang babae siguro, kikiligin.

Pero ako?

Ang lahat ng kanyang sinabi, sa tenga ko… tunog kabastusan.

Dati, pinaniwalaan ko ‘yan, kinikilig ako sa mga ganyang pangakong matatamis niyang mga salita.

Kung hindi lang siya nangaliwa, baka totoo pa ngang rare find si Lucienn.

Mayaman, gentle, marunong gumawa ng surpresa—perfect boyfriend type kung tutuusin.

Pero kahit gaano siya kagaling… lalaki pa rin siyang marupok. At ang mga taksil, hindi na dapat pinagkakatiwalaan.

Napangiti ako. Pinabayaan ko siyang isuot sa’kin ang kwi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 15

    Caelith’s POVNapatigil si Lucienn, halatang nagulat at agad naghanap ng palusot.“Eli, I was just... worried lang. Baka hindi ka safe kapag siya—”Pero bago pa niya matapos ang sasabihin niya, pinutol ko na agad.Tama na. Sawa na ako sa mga palusot niya.“So, ang sinasabi mo… ‘yung party na ikaw mismo ang nag-organize, hindi safe?”Napayuko siya saglit, halatang nahiya at napatingin sa ‘kin na may paawa effect pa ang mga mata.“Safe… of course safe, Wife.”Pero kita ko ang pag-kuyom ng kamao niya at ang tingin niya kay Aziel—matalas.Pareho sila ng edad, parehong gwapo, pero si Aziel… mas may dating. At ‘yan ang kinatatakutan niya.Hindi pa rin siya nakaka-move on. At never siyang magiging kampante.Bumitaw siya sa ‘kin, dahan-dahan, saka bumuntong-hininga.“Since kaibigan ka naman pala niya dati… I’ll give you space. I won’t bother.”Pagkasabi niya nun, tumalikod siya at naglakad palayo. Pero every few steps, lumilingon pa rin. Hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin namin.“W

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 14

    Caelith’s POV“Eli, sa loob ng limang taon tayong mag kasama bilang mag-asawa, ang dami kong pagkukulang. Pero ikaw, andiyan ka pa rin—tahimik, maunawain. Sobrang nagpapasalamat ako sayo.”Nakatingin pa rin siya sa akin.“Alam kong hindi ako naging perpekto, pero pinapangako ko… mula ngayon, ikaw lang ang nasa puso at mga mata ko. Gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda.”Paulit-ulit niyang sinabi ‘yan, with his practiced sincerity na parang eksena sa pelikula. Kung ibang babae siguro, kikiligin.Pero ako?Ang lahat ng kanyang sinabi, sa tenga ko… tunog kabastusan.Dati, pinaniwalaan ko ‘yan, kinikilig ako sa mga ganyang pangakong matatamis niyang mga salita.Kung hindi lang siya nangaliwa, baka totoo pa ngang rare find si Lucienn.Mayaman, gentle, marunong gumawa ng surpresa—perfect boyfriend type kung tutuusin.Pero kahit gaano siya kagaling… lalaki pa rin siyang marupok. At ang mga taksil, hindi na dapat pinagkakatiwalaan.Napangiti ako. Pinabayaan ko siyang isuot sa’kin ang kwi

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 13

    Celene’s Point of View*"This is a gift for Eli, don’t think about it."Parang may malamig na hangin na dumaan sa likod ko sa bawat salitang binitawan ni Lucienn.Kitang-kita ko pa kung paano niya tinitigan ito na animo'y nagiisip na kung ano ang reaksyon ng kanyang Asawa pag ibinigay niya na ito sa kanya, like it meant everything just for her and only her!Eli... Of course, palagi nalang.Pinilit kong ngumiti, ‘yung tipong classy pero hindi clingy. Ayokong magpaka-desperada sa harap niya. Hindi pa ngayon.Pero sa totoo lang, gusto kong hablotin ‘yung kwintas at isuot ito, pagakatapos ipamukha ko sa kanyang Eli, dahil sa akin dapat ito!Kaya imbes na gumawa ng eksena, dahan-dahan kong kinuha ang phone ko mula sa bag, at sekreto kong kinunan ng litrato.Isang picture lang. Isang paalala kung anong meron siya—at kung anong kailangang mawala sa kanya.Focus pa rin si Cienn sa kwintas, too absorbed in his perfect-husband-to-Caelith role to even notice me.Napatawa naman ako ng mariin sa a

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 12

    Lucienn's Point of View*Bago ako tuluyang umalis ay limingon ako uli sa gawi ng aking asawa.Pero diretso siyang umakyat sa hagdan na parang walang nangyari. Para bang hindi niya ako nakita.Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso ng nakita ito.Usually, sinusundan pa niya ako hanggang pinto. Yung tipong parang pusang ayaw pakawalan ang amo. Kahit napipilitan minsan, hindi siya umaalis hangga’t hindi ako nakalabas ng mansion.Pero ngayon? Wala man lang goodbye, na animo'y deadma.Galit pa rin ba siya sa akin?Napangiti ako, pero may halong lungkot. Grabe, ganyan ka na ba ka-attach sa 'kin, Eli?Kung iisipin, nakakatuwa rin. Kasi kung hindi siya galit, hindi niya ako kayang dedmahin ng ganyan.Pagdating ko sa office, hindi pa ko nakaupo, nagsimula na agad ako mag-utos."Maghanda kayo ng grand dinner. I want to celebrate ulit yung anniversary naming ni Eli, ang pinakamamahal kong asawa."Napatingin yung secretary ko, halos lumiwanag ang mukha sa tuwa.“Mr. Ashford, grabe talaga kayo magm

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 11

    Caelith’s Point of ViewKinabukasan…Tahimik lang ako sa terrace, nakatingin sa kawalan habang hawak ang isang mug ng kape. Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi nito kayang lamigin ang bigat sa dibdib ko.Hanggang sa marinig ko ang mahina pero malinaw na pag-uusap ni Lucienn at ng butler. Nasa baba sila ng terrace, kaya hindi nila alam na nando’n ako sa taas.“Sir,” narinig kong sabi ng butler. “Hindi na po namin nakikita si Ma’am Caelith na ngumiti simula po nung hindi kayo umuwi nung anniversary niyo. Buong gabi po siyang naghintay sa inyo.”Napapikit ako nang mariin, ilang araw na yun nakalipas pero masakit pa rin isipin, sobrang sakit.Eh paano naman kasi, busy siya kakasama ng kabit niya.Napailing ako sa sarili ko. Ewan ko kung makakainis ba ako o matatawa.Ilang oras pa akong nakaupo ro’n, pilit pinapatahan ang puso kong sugatan. Nang medyo gumaan ang loob ko, bumaba na ako. Sana, wala siya. Sana nasa trabaho na siya. Ayoko siyang makita.Pero malas yata ako.Pagbaba ko, na

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 10

    Caelith's Point of View "Medyo hindi ako okay ngayon. Gusto ko munang mapag-isa."May saglit na katahimikan bago niya ako sinagot. Kita ko agad ang pagbabago sa kanyang ekspresyon—may namuong inis sa kanyang mga mata. Parang gusto pa niyang magsalita, pero pinigilan niya ang kanyang sarili."Okey, fine."Yun lang ang nasabi niya, sabay talikod at mabigat ang hakbang palayo.***Kinabukasan, habang madilim pa ang paligid, bumaba na agad si Lucienn papuntang kusina. Tahimik ang bahay, pero ramdam ang bigat ng hangin.Mukha siyang pagod. Halatang kulang sa tulog—namumugto ang mga mata at tila ba parang may dinaramdam. Nakasuot pa rin siya ng paborito niyang gray hoodie, at ang buhok niya’y magulo, parang hindi man lang nag-ayos bago bumaba.Pero kahit ganun ang itsura niya, bumungad pa rin ang pamilyar niyang ngiti—yung tipong pinilit lang, para lang maayos ang tensyon.Ako nama’y dahan-dahang bumaba ng hagdan. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang bigat sa dibdib ko habang palapit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status