The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

last updateLast Updated : 2025-08-23
By:  GemekekOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
19Chapters
371views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa loob ng limang taon, buong pusong ipinaglaban ni Caelith Skyhart ang pagmamahal niya kay Lucienn Ashford. Siya ang lalaking itinayo niya mula sa pagkakadapa, minahal sa kabila ng lahat, at pinakasalan sa harap ng buong lungsod. Ngunit isang umagang tahimik, isang mensahe ang gumising sa katotohanang hindi niya kailanman inasahan—buntis ang kapatid niyang si Celene, at ang ama ay si Lucienn. Sa gitna ng pagkawasak, pagtataksil at sakit, kailangan ni Caelith na tumindig. Hindi para ipaglaban ang pagmamahal kundi para bawiin ang sarili at ang lahat ng itinayo nilang dalawa. Ito ay kwento ng isang babaeng minsang naging liwanag sa dilim ngunit ngayo’y naging apoy na handang lamunin ang lahat ng sumira sa kanya. Hanggang saan ka magmamahal kung ang taong pinili mo ay pinili ang iba?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Caelith’s POV

“Ate Caelith, buntis ako. At ang ama ng dinadala ko ay ang Asawa mo na si Kuya Lucienn.”

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa screen ng cellphone. Ang mga daliri ko’y nanginginig, halos mabitawan ko ang hawak kong telepono. Parang biglang bumigat ang buong paligid, parang lahat ng hangin ay biglaang nawala sa silid. Sa isang iglap, ang kapatid kong dapat ay katuwang ko sa hirap at ginhawa, ang kapatid kong minsan kong pinagtanggol at ipinaglaban sa lahat, siya pa ang mismong umagaw ng taong minahal ko ng buong buo.

“Celene…” mahina kong bulong, halos hindi ko na marinig ang sarili ko. “Bakit?”

Sa tabi ng cellphone ay nakahimlay ang dalawang pregnancy test kit. Parehong malinaw ang dalawang pulang guhit. Katotohanan na hindi ko matatakasan. Katotohanan na nakabalandra sa harap ko. Ako, buntis din… pero bakit parang wala itong halaga? Bakit parang wala itong saysay sa gitna ng dagok na ibinato ng kapatid ko?

Tahimik ang paligid, tanging tunog lamang ng sarili kong paghinga at tibok ng puso na tila ba gusto nang kumawala sa dibdib ko. Ang bigat. Parang nilalapa ako ng isang halimaw na walang mukha, nilulunod ako sa dagat ng kirot na walang katapusan.

Limang taon.

Limang taon na kaming kasal ni Lucienn Blythe Ashford—CEO ng Ashford Corporation, ang ginoo ng bayan, sinasamba ng lahat, idolo ng marami, at tinuturing na perpektong asawa. Sabi nila, siya raw ang pinakamabuting lalaki. Ang asawang lahat ng babae ay pangarap na makamtan. Ngunit anong alam nila?

Wala. Walang-wala.

Hindi nila alam ang mga gabi ng pagod at pagluha. Hindi nila alam na bago siya naging “Mr. Perfect” sa paningin ng mundo, ako ang unang naniwala sa kanya. Ako ang tumayo sa tabi niya noong siya’y walang wala, noong tinalikuran siya ng lahat, noong siya’y itinuturing na basura ng lipunan. Ako ang umalalay sa kanya, ako ang nagbigay ng lakas, ako ang nagsakripisyo para lamang marating niya ang tugatog ng tagumpay.

At nang narating na niya iyon, ako rin ang pinili niyang pakasalan. Sa harap ng libu-libong tao, sa harap ng media, sa mata ng buong lungsod—siya mismo ang nagsabing ako ang kanyang asawa, ako ang kanyang buhay.

Akala ko iyon na ang wakas ng lahat ng sakit. Akala ko iyon na ang simula ng walang hanggang kasiyahan. Pero nagkamali ako.

Tatlong buwan na ang nakalilipas nang sundan ko siya sa paborito niyang club. Dala ko ang ngiti, ang sorpresa, ang kasabikan. Ngunit ako pala ang masosorpresa.

Narinig ko ang tawanan ng kanyang mga kaibigan. Ang mga biro. “Tol, di ka pa ba nagsasawa kay Caelith?”

“Bro, CEO ka na! Isa lang babae mo?”

Akala ko ipagtatanggol niya ako. Akala ko pipigilan niya ang masasakit na salita. Akala ko maririnig ko mula sa kanya ang salitang, ‘Hindi. Si Eli lang. Siya ang mundo ko.’

Ngunit ang narinig ko… ang mismong pumunit sa puso ko.

“Pero totoo rin naman… boring na si Eli. Palaging pareho, walang bago at hindi marunong manglandi sa akin.”

Doon bumagsak ang mundo ko. Para akong binuhusan ng yelo mula ulo hanggang paa. Parang binasag ang kaluluwa ko sa harap ng lahat. Pero hindi ako sumigaw. Hindi ako nagwala. Tahimik akong umalis. Naglakad sa ulan na para bang wala na akong direksiyon.

Apat na araw akong nilagnat. At sa loob ng apat na araw na iyon, inalagaan niya ako—na para bang walang nangyari, na para bang hindi niya ako ipinagkanulo. At sa bawat haplos niya, sa bawat ngiti niya, ramdam kong hindi na iyon ang parehong pagmamahal na minsan kong nakilala.

Hanggang isang umaga, tumunog ang telepono niya. Hindi ko sinasadya, pero narinig ko ang tinig ng babae. Malambing. Puno ng init. At pagkababa niya ng tawag, ngumiti siya sa akin at sinabing, “May emergency sa kumpanya, kailangan kong umalis.”

Doon tuluyang naubos ang natitirang tiwala ko.

Kaya’t nagpasya ako. Lumapit ako sa matalik kong kaibigan. “Magpanggap tayong naaksidente ako. Hindi ko na kayang manatili sa piling niya. Pero bago iyon… kukunin ko ang lahat ng meron siya. Lahat ng ipinundar naming dalawa. Ang yaman, ang respeto, ang pangalan.”

“Sigurado ka ba, Eli? Baka magkaayos pa kayo…” tanong niya.

“Hindi na. Pinili niya ito. Pinili niyang ipagpalit ako sa kapatid kong si Celene.”

At ngayon, tatlong buwan mula noong gabing iyon, nakatayo ako sa harap ng salamin, hawak ang pregnancy test kit. Ako, buntis. Ako, puno ng takot at galit. Ngunit bago ko pa maisip ang susunod na hakbang, dumating ang hindi ko inaasahan.

["Ate, buntis ako. Si Lucienn ang ama."]

Parang daggers na sabay-sabay tumusok sa puso ko. Parang binuhusan ako ng kumukulong langis. Ang kapatid kong pinagbuksan ko ng tahanan, ang kapatid kong minahal at inalagaan—siya pa ang mismong lumamon sa akin. Siya pala ang wildflower na laging binabanggit ni Lucienn sa tawag, sa mga lihim na ngiti niya. Siya pala ang dahilan kung bakit ako naging wala.

“Ako? Ako ang iniwang wasak?” bulong ko, halos mawalan ng boses.

Sumakit ang tiyan ko. Umikot ang paningin ko. Napasapo ako sa pader, halos madapa sa panghihina. Tumakbo ako sa lababo at isinuka ang lahat ng laman ng sikmura ko. Hindi ko alam kung ilang beses, pero bawat pagdura ay parang pagluluwa ng lahat ng sakit, lahat ng galit na hindi ko mailabas sa sigaw.

At sa bawat hapdi ng lalamunan ko, iisang tanong ang paulit-ulit:

“Bakit ako ang iniwan, samantalang ako ang unang nagmahal? Ako ang unang nagtiwala?”

Ngunit walang kasagutan. Ang tanging sagot ay ang tunog ng cellphone na muling nag-ring, parang halimaw na kumakatok sa pintuan ng impiyerno.

Riiiing—

At doon nagsimula ang pagbagsak ng lahat.

**********

Gemekek

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
LMCD22
More ud, miss a ...️
2025-07-05 15:27:55
0
19 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status