Caelith's Point of View Namumugto ang mga mata ko habang nakatitig sa screen ng asking phone. "Cienn." Ilang letra lang ito pero dati, sapat na 'yon para magaan ang araw ko kahit puyat, gutom, o pagod. Pero ngayon? Para akong tinusok ng karayom sa puso. Ang pangalan niya na minsang naging tahanan ko—ngayon, tila lason na. Hindi ako makahinga. Para bang may batong nakapatong sa dibdib ko, mabigat at malamig. Hindi dahil sa katawan kong nanghihina, kundi dahil sa totoo—dahil sa kanya. Tumunog ulit ang tawag. Still, hindi ko pa rin sinagot. Sa halip, binuksan ko ang gripo. Pinaghilamos ko ang malamig na tubig sa aking mukha ng paulit-ulit, parang gusto kong hugasan ang lahat ng galit at sakit. Pero habang bumabagsak ang tubig, sabay din itong iniluha ng mga mata kong ilang araw nang nananahimik. Nakahinga ako ng maluwag nang tumigil din ang tunog ng tawag. Pero hindi pa man ako nakagalaw, tumunog ulit ang ito. Napapikit ako, huminga ng malalim, at saka ko sinagot. “E
Terakhir Diperbarui : 2025-06-06 Baca selengkapnya