Mag-log inLeander’s POV
SERYOSONG nag-scroll ako noon sa telepono nang tawagin ako ng aking kaibigang si Kenjie. Nasa mall kami noon dahil nagyaya nga siya kasama ng iba pa naming kaibigan. Dahil wala naman akong klase, sumama naman ako. At heto, hinihintay ko nga ang aking nobya na si Millie. Magkaibang unibersidad kami ni Kenjie pero magkaibigan kami dahil sa grandparents namin. “Ang Ate Gwen mo ’yon, right?” May nginuso siya sa akin na babae. Napataas ako ng kilay nang tingnan nga ang gawi na iyon. Si Gwen nga. “Hindi ko Ate si Gwen,” paalala ko sa kanya nang makilala ang nginuso niya. Yes, Gwen lang ang tawag ko talaga sa kanya dahil hindi ko naman siya kadugo. Kahit na sabihing bilang respeto man lang dahil sa matanda siya sa akin, pero ayokong tawagin siyang Ate. Ayoko! “Sino ang kasama niya?” tanong sa akin ni Kenjie. “Malay ko.” Akma kong ibabalik ang tingin ko sa cellphone ko nang biglang may umakbay kay Gwen. Hindi ko makita ang mukha niya pero… parang may edad na? Damn! Matanda pala ang type ni Gwen? Oh, slut! Muli ko na lang binalik ang tingin ko sa cellphone ko para reply-an ang aking nobya. Pero hindi ko pa man nai-send nang marinig ang boses ni Kenjie at Harlene na sabay na napa-wow. Kahit ang ilang mga naroon din. “Nakita mo ‘yon? Dalawang strike, men!” Si Antonio na tumingin din pala sa tinitingnan nila Kenjie— kila Gwen. Tumayo ako at pumuwesto sa likuran nila. Nakapamulsa pa ako ng mga sandaling iyon. Sa pagkakataong ito, nasa kaliwang bahagi ni Gwen ang lalaking umakbay sa kanya kanina. May edad nga. Para bang mahigit sampung taon ang agwat niya. Nag-cheer si Antonio kay Gwen dahil naghahanda nang pakawalan ang bowling ball. “Ang galing talaga niya, ano? Ilang beses ko na siyang nakikita at nakakasabay rito. Laging strike. Damn! Gusto ko siyang makalaro! What’s her name kaya?” Hindi niya alam talaga na iisa lang kami ng tinitirhan. Hindi ko inaasahang matatamaan ni Gwen ang sampung pins. Naghiyawan ang mga nanonod sa kanya, saka ko lang napagtantong nasa dalaga ang atensyon ng mga tao roon. Maybe lagi talaga siya rito dahil mukhang ang daming nakakakilala sa kanya. “Ate ’yan ni Leander, hindi mo kilala?” Si Kenjie na sinamaan ko nang tingin. “Oh, ang Ate Gwen mo nga pala, dude! Kaya pala pamilyar siya sa akin.” Hindi niya pinansin ang sinabi ni Antonio. “Basic naman kasi ng laro niyo,” inis kong sabi at bumalik sa kinauupuan. “Basic ka dyan!” natatawang sabi ni Kenjie. “Ni hindi pa nga kita nakikitang naglalaro niyan,” “Ilang beses lang ba tayong magkita, huh? Lagi ba? ” “Bihira?” “See? You know nothing about me, men.” “Sige nga, sabayan mo ang Ate mo,” hamon sa akin ni Kenjie na ikinakagat ko ng labi. Sa narinig, sumang-ayon ang iba naming mga kaibigan. Hindi ko sana papatulan pero makulit sila. Tumira na naman kasi si Gwen at strike na naman. Kaya hayon, tuwang-tuwa naman ang mga kaibigan niya kaya kailangan kong mabalik ang atensyon nila sa akin. “Alright.” Tumayo nga ako at kinuha ang bowling ball. Lahat na ng mga kaibigan ko ay nakatingin sa akin kaya napangiti ako. Wala na ang atensyon nila sa hilaw kong kapatid. Ilang beses akong bumuntong hininga bago pinakawalan ang bola. Tumalikod ako para tingnan ang reaksyon ng mga kaibigan ko. Alam kong magsisigawan si— Napalingon ako bigla dahil ngiwi ang rumehistro sa kanila. Sa gilid dumaan ang bola. “Sh**t!” Akmang magsasalita ako nang mapatingin sa gawi namin sila Gwen. Nagulat siya dahil naroon ako. Tinaasan ko lang siya ng noo at kumuha ulit ng bola. “Medyo matagal na yata akong hindi nakapaglaro kaya isa pang try,” palusot ko sa mga kaibigan ko. Excited ang nasa mukha ng mga kaibigan kaya napangiti ako, pero napalitan iyon nang hindi ko na naman mapatamaan ang mga pins. Sa gilid na naman siya dumaan. “Puro yabang ka lang, Lean!” sigaw ni Antonio sa akin. Tumingin ako kay Gwen na umiling-iling. Narinig niya yata ang sinabi ni Antonio. Gusto kong patunayan sa kanila na mas magaling ako kay Gwen kaya tumira ulit ako. Pero isa lang ang napatamaan ko. At sa sunod naman ay tatlo kaya binalik na lang nila ang tingin kay Gwen. Sa inis ko ay umalis ako, nagsunuran naman sila maliban may kay Kenjie na may sariling lakad din. Gaya ko, may mga nakabuntot din sa kanya. “Saan tayo, boss?” tanong ng kanang kamay ko nang marating namin ang parking lot. “Sa bahay. Gusto kong magpahinga.” Tumango si Aldrin at pinagbukas ako ng sasakyan. Pumikit ako at hinilot nang bahagya ang ulo ko. Sumakit ito dahil kay Gwen. Talagang nagpakitang gilas? Ngayon lang ako ng talo ng babae, tapos si Gwen pa na kinaiinisan ko? Lalong nadagdagan ang inis ko kay Gwen. Kahit anong gawin ko, mainit talaga ang dugo ko sa kanya. Paano, maraming beses na niya akong sinumbong sa magulang ko. Kaya nga ang tawag ko sa kanya ay pakialamera. Well, s****p kasi. Iyon ang kailangan niya para magka-power sa bahay namin. Sa nakalipas na mga taon ay lumaki at lumawak pa lalo ang Alleanza Oscura sa Pinas kaya dumami rin kaming nagma-manage ng agency. Sa Italy naman ay ang Mafia organization— ang Sangue Intoccabile, na hawak ng aming pamilya. Ang nakatutok doon, ang ama ko at ang mga Tito ko. Sa Alleanza naman ako at ang ilang pinsan ko. Pero ako ang may mataas na posisyon. Pero gusto ko talaga kasi mga undercover tasks, kaya sa Alleanza ako madalas, hindi sa SI. Gaya ngayon. “Are you sure, son?” tanong ni Tatay sa akin nang sabihin kong ako ang haharap sa target namin ngayon. “Yes, ‘Tay. Saka kilala ko na ang matandang iyon kaya madali lang sa akin ang misyon na ito.” Actually, hindi ko siya kilala, pero ang babaeng nakakasama niya, kilala ko— namin, actually. Ang sampid sa amin, si Gwen. Hindi ko masabi kay Tatay ngayon dahil kailangan ko munang imbestigahan din kung ano ba talaga ang relasyon nila ni Gwen. Yes. Ang matandang kasama niya nakaraan ang target namin, na siyang pinaghihinalaang middle man ng mga Chinese at ng isang ugok na empleyado ng gobyerno. Ang matandang iyon ang nag-trade ng mga matitinding sekreto at intel dito sa Pinas. May mga alam din ito sa ibang bansa. Kapag naipon ko na ang ebidensya ko na isang traydor sa bayan si Gwen, saka ko na sasabihin sa magulang ko. Mabubulok din siya sa bilangguan kapag nagkataon. Mukhang ito na ang way para mapaalis ko si Gwen sa bahay namin. Kaya kailangang ako ang dapat na tumutok rito. “Alright.” Wala talagang magawa si Tatay kapag ako ang nagdesisyon. “Careful, okay?” “I will, ’Tay.” Tumango si Tatay pagkuwa’y tumayo, saka dinismiss na kami. Kapag malaking operation ng Alleanza, dumadalo pa ang Tatay ko na si Ian Madrid sa mga meeting na gaya nito. Kaya naman sobrang busy niya talaga. Hindi rin biro ang misyon kasi na ito. Ayon sa intel na nakalap namin ay may nagbebenta na mga opisyal ng gobyerno sa Chinese government ng mga intel. Kaya heto, nag-volunteer ako. Ako ang head ng misyon na ito, at isa rin ako sa magiging asset. Siyempre, kapag ganitong misyon, Mafia member muna ako para makuha ko ang loob ng mga target. Kaya Mr. Irwin Chavez ang gagamitin ko sa misyong ito. Sumunod din kaming umalis ng mga tauhan ko papunta sa paboritong tambayan ng aming target. Pero wala ito doon, kaya si Gwen ang hinihintay namin. Baka sakaling dalhin niya kami sa sadya namin.Gwen’s POVNATIGILAN ako sa paghakbang pababa nang makita si Leander. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin kaya kinabahan ako. Nagmadali akong tinungo ang medyo malayo sa mga bisita nang makababa. Sa mga tingin niya, mukhang kokomprontahin niya ako. Nakasunod lang sa akin si Miguel noon.He’s here! Sigurado akong narinig niya ang announcement ni Daddy kaya ganyan siya makatingin sa akin. Nabigla din ako sa inanunsyo niya pero hindi ito ang tamang lugar pag-usapan ang kasal namin ni Miguel. At mas lalong hind ito ang tamang lugar para kumprontahin si Daddy.Naramdaman ko ang paghawak ni Miguel sa kamay ko, kasunod niyon ang pagsiklop niya. Binabawi ko dahil sa mga tingin ni Leander pero hinigpitan ni Miguel.“Let go of Gwen’s hand,” mariing utos ni Leander nang harangan niya ang dadaanan namin.“Excuse me?” Si Miguel.“I won’t repeat myself. Do it now.”“Bakit ko naman gagawin iyon, Mr?!”Natawa nang mapakla si Leander. Napahawak din siya sa tungki ng ilong niya kaya alam kong hindi
Leander’s POVAKMANG pipikit ako nang bumukas ang pintuan ng opisina ko.“Good news, Sir!” biglang sabi ni Aldrin.Napamulat ako. “About Gwen?” Tumango siya. “Opo. P-pero m-may bad news po.”“What?”“S-si Miguel Estrella po talaga ang kasama niya.”“Fvck!”“Where is she now?”“Hindi pa po ako binabalikan, e. Pero kapag nakuha ko na po ang kinaroroonan ni Ma’am, ibabalita ko agad sa ‘yo.” Tumango ako kay Aldrin.Muli akong napapikit. Ilang araw ko nang hinahanap si Gwen. Hindi ko mantindihan kung bakit pati numero niya, hindi ko makontak. Sabi ni Nanay, kakaiba ang mga kilos ni Gwen nang gabing iyon. Hindi naman biglang yayakap si Gwen sa kanya at magsasabi ng ganoon. Ang dating sa kanya, parang namamaalam.Dahil ba sa nakita niya? Dahil kay Livia?Ang inaalala ko, baka nakakaalala na talaga siya, kaya ayaw na niya akong makita. Minsan, pinapanalangin ko na hindi siya nakakaalala dahil alam kong magagalit siya sa akin ng sobra. Pero may explanation naman ako, e. Kung papakinggan niy
Gwen’s POV“MANANG, pakiinit ng pagkain. Kakain na yata si Gwen.” “Yes, Sir.”“Hindi pa ako nagugutom, Dad.” Dumeretso ako sa ref para kumuha lang ng mineral water.“Ilang araw ka nang ganyan, Gwennyth. Ano ba ‘yan?” Pabagsak pa niyang nilapag ang newspaper na hawak.“Wala lang po akong gana.”Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig niya.“Ilang araw nang pabalik-balik si Leander sa bahay. Nag-away ba kayo?” Natigilan ako. Ilang araw na kaming nandito sa hacienda na pag-aari ni Miguel. Dito niya ako dinala after kong umalis sa bahay ng mga Madrid. Halos kararating lang din ni Daddy. Hindi rin nakatiis si Miguel, umamin siya kay Daddy na kasama niya ako rito.“Hindi na matutuloy ang kasa, Dad.”“What?! Bakit?”“Hindi ko na siya mahal,” mabilis kong sagot.“Huh? Ganoon kabilis?” Kunot ang noo ni Daddy.“Oo. Na-realize kong hindi pala kami bagay.”“Dahil sa sinabi ko?”“Maybe?”“Gwen, seryoso ka ba?”Napaikot ako ng mata. “Tingin niyo po ba?” Lumagok ako at naupo saka humarap sa
Gwen's POVKINAPA ko ang dibdib ko bago humakbang palayo sa pintuang iyon. Hindi ko marinig ang boses nila Leander kaya naipagpasalamat ko. Maging si Tatay, wala rin. Hindi ko na naman alam kung paano magpaalam kaya mas mabuti talaga. Kay Nanay nga, kinuntsaba ko pa si Miguel at sinabing tawagan ako. Kaya heto, nakapag-alam ako at sinabi kong may urgent sa bahayNagmamadali akong bumaba noon para makaiwas kay Leander at Livia, pero natigilan din ako nang marinig ang boses ni Livia. Nagmumula iyon sa kusina. Napatingin din tuloy ako dala ng kuryusidad. Pero hindi lang ito, namalayan ko na lang na palapit ako sa kusina. Bahagya pa akong sumilip para makita ang ginagawa nila.Nakatalikod si Leander sa akin pero si Livia, kita ko mula sa kinatatayuan ko.l dahil nakaharap siya sa binata. Kumapit si Livia sa leeg ng binata kaya parang magkadikit na ang mukha nila kapag nasa kinatatayuan ko ang tingin.“I never imagined I’d see you again after our little moment in New York, much less have
Gwen’s POVNATIGILAN ako sa pagtawa nang mag-vibrate ang cellphone ko. Nang makita ang pangalan ni Tatay, agad kong sinagot iyon.“Anak, pwede ka bang makausap ngayon? Nandito ako sa bahay,” aniya.At first, nag-hesitant ako na sumagot, pero kalaunan, pumayag din ako dahil saglit lang naman. Wala naman siguro doon si Leander at Livia.Hindi ko matanaw ang sasakyan ni Aldrin kaya tumingin ako kay Miguel.“Busy ka ba?”“Hindi naman. Tapos na ang errands ko kanina pa kaya huminto talaga ako.”Tumango ako. “Pwede mo ba akong samahan?”“Sure!” Mabuti na lang at nandoon si Miguel. May maghahatid sa akin papunta sa bahay ng mga Madrid. Wala naman kasi akong sasakyan nang pumunta rito dahil kasama ko nga si Leander.“Okay lang ba kung hintayin mo na lang ako rito?” ani ko nang huminto ang sasakyan niya sa labas. “Sandali lang naman siguro ako.”“Sige. Dito lang ako, Gwen.”Napalabi ako. “Thanks.”Mukhang alam ko na ang pag-uusapan namin ni Tatay— ang tungkol kay Livia at Leander. Magtatanong
Gwen’s POV “NEED company?” Napaangat ako nang tingin nang marinig iyon. Pamilyar din sa akin ang boses niya. “M-Miguel,” nauutal kong sambit. “Anong ginagawa mo rito?” Luminga pa ako para hanapin si Aldrin. Hindi ko siya makita. Pagkagaling na pagkagaling sa restaurant, dumaan ako rito sa malaking simbahan at pagkatapos na magdasal ay lumabas ako at naupo sa may bench. Hindi ko akalain na makikita rito si Miguel. “Napadaan lang,” aniyang nakangiti. “Hindi, nakita kita. Akala ko namamalikmata lang ako. Ikaw pala talaga,” bawi niya kapagkuwan. “Kaya pala.” Tumango-tango din ako. “Kumusta ka na nga pala?” “Ito, busy-busyhan.” “Busy ka pala tapos huminto ka rito?” “Eh, nakita kita, e. Gusto ko lang bumati.” “Ganoon?” “Oo.” Tumawa pa siya. “Para ka kasing binagsakan ng langit dito kaya tumigil ako.” Natawa ako pero bigla ring napalis. “Ganoon? Halata ba?” Tumango ang binata. Nagbaba rin ako nang tingin sa paa. “May nang-away ba sa ‘yo? Sabihin mo lang.” Tumatawa siya nito







